Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

German, Gabriela E.

HM 1B

GABAY NA KATANUNGAN:

1. Ano ang mga kaganapan sa unang pagkikita ng mga Kastila at ng mga Bisaya?

- Ang mga kaganapan sa unang pagkikita ng mga Kastila at ng mga Bisaya ay kaagad na binati ng
namumuno sa isla na kanilang unang dinaungan ang mga banyaga at magiliw na tinanggap at
pinagsilbihan ang mga ito.

2. Paano inilarawan ni Pigafetta ang mga katutubong kanilang nakasalamuha?

- Inilarawan ni Pigafetta ang mga katutubong kanilang nakasalamuha na may butas sa kanilang
mga tainga na napakalaki at maaari na nilang idaan ang kanilang braso. Ang tawag sa kanila ay caphri
na ibig sabihin ay pagano. Sila rin ay halos hubad, at nakasuot ng malambot na tela na hinabi mula sa
balat ng isang puno. Ang kanilang mga pinuno lamang ang nagsusuot ng telang koton na binurdahan
ng seda sa dulo sa pamamagitan ng karayom. Sila ay maitim, mataba at may pintura sa katawan.
Pinapahiran din nila ang kanilang sarili ng niyog at benessed oil, bilang proteksyon laban sa araw at
hangin. Mayroon silang napakaitim na buhok na umaabot hanggang baywang, at gumagamit ng mga
punyal, kutsilyo, at sibat na may mga palamuti.

3. Ano-ano ang mga likas na yamang kanilang nakita sa ating mga pulo?

- Ang mga likas na yamang kanilang nakita sa ating mga pulo ay mga puno ng niyog, luya, palay,
saging at iba’t-ibang uri ng shellfish na tinatawag nilang laghan. Mayroon ding mga aso, pusa, baboy,
ibon, kambing at marami ring ginto sa islang iyon.

4. Ilarawan ang mga pangyayari na humantong sa kamatayan ni Magellan.

- Ang mga pangyayari na humantong sa kamatayan ni Magellan ay dahil sa sapilitang paghikayat


niya sa mga bisaya na maging isang Kristiyano. Ang ilan sa mga pinuno ay ayaw sumunod kung
kaya’t ipinatawag ni Magellan ang lahat ng mga pinuno, at sinabi sa kanila na kung susunod sila ay
parang sinusunod na rin nila ang hari ng Espanya at kung hindi naman ay ipapapatay niya ang mga ito
at ibibigay ang kanilang mga ari-arian sa hari ng Espanya.

Isa si Lapulapu sa tumutol sa nais mangyari ni Magellan kung kaya’t humantong ito sa madugong
labanan ng dalawang panig. Habang nakikipaglaban, napansin ni Magellan na walang balak umatras
at sumang-ayon ang mga ito sa kagustuhan niya kaya nagpadala siya ng kanyang tauhan upang
sunugin ang kanilang mga bahay at sila ay takutin. Nang makita nilang nasusunog ang kanilang mga
bahay, ay mas lalo silang nagalit. At unang sinugod si Magellan at pinana sa kanang paa ng palasong
may lason.

Umabot ang laban ng mahigit isang oras, walang nais magpatalo. At may isang lalaking naghagis ng
isang sibat na kawayan sa mukha ni Magellan na dahilan ng kanyang pagkamatay.

5. Ano ang kahalagahan ng talang ito sa kasaysayan ng Pilipinas?

- Ang kahalagahan ng talang ito sa kasaysayan ng Pilipinas ay nakapaloob dito ang mga katangian
at pisikal na anyo ng ating mga ninuno. Kung paano nila pinakitunguhan ng maayos at magiliw na
tinanggap ang mga dayuhan. Nabanggit rin sa talang ito kung paano nakikipagkalakalan ang mga
sinaunang Pilipino sa iba’t-ibang lahi, pati na rin ang kanilang sinaunang pananampalataya. Ito rin ay
nagpapatunay na bago pa man dumating at sakupin ng mga Kastila ang ating bansa ay mayroon na
tayong sibilisasyon. At higit sa lahat, naipakita din dito kung paano ipinagtanggol ng hukbo nila
German, Gabriela E.
HM 1B

Lapulapu ang ating lupain ng buong tapang laban sa mga banyagang nais sakupin ang ating bansa.

A. Batay sa nabasang teksto, anu-ano ang mga katangiang pisikal, mga pag-uugali, panrelihiyong
kasanayan ng mga katutubong Bisaya at mga likas na yamang nabanggit. Isulat ang lahat ng
iyong maibibigay sa isang hiwalay na papel. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.

KATANGIANG MGA UGALI RELIHIYON LIKAS NA YAMAN


PISIKAL
 May napakaitim na  Kaaya-ayang kausap  Pagano  Sagana sa puno ng
buhok na umaabot  Namumuhay ayon  Muslim niyog kung saan
B.
hanggang baywang sa katarungan,  Animismo dito kinukuha ang B.
 May malaking timbang at sukat. kanilang mga B.
butas sa tainga  Nais ng pangunahing B.
 May maitim na kapayapaan, pagkain. B.
B.
balat kaginhawahan, at  Maraming ginto sa B.
 Napupuno ng katahimikan. isla. B.
pintura ang  Marunong tumupad  Mayaman sa B.
kanilang katawan sa pangako. lamang-dagat. B.
B.
B.
Sagutin ang mga katanungan sa isang hiwalay na papel.
1. Para sa iyo, si Lapu-lapu ba ay isang bayani? Bakit?

- Para sa akin, si Lapu-lapu ay isang tunay na bayani dahil isa siya sa mga naglakas loob na
tumutol at kalabanin ang banyaga na nais sakupin ang ating bansa. At handang ibuwis ang buhay
para sa ating kalayaan.

2. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang Katolisismo at animism?

- Ang pagkakatulad ng Katolisismo at aminism ay pareho silang relihiyon. Ang kanilang


pagkakaiba naman ay sa Katolisismo, naniniwala ang mga mananampalataya nito sa diyos na nasa
langit at sila ay gumagamit ng bibliya. Ang animism naman ay paniniwala na may mga kaluluwa o
anito sa puno,bato at mga hayop.

3. Ano ang kahalagahan ng dokumentong ito sa ating kasaysayan?

- Ang kahalagahan ng dokumentong ito sa ating kasaysayan ay ipinapakita dito kung paano
namumuhay ang ating mga ninuno noon. Kung paano sila makipagkalakan, pakikitungo sa mga
banyaga, pananampalataya at ang unang sibilisasyon at takbo ng lipunan sa ating bansa. Nabanggit
din dito ang katangiang pisikal at ugali ng ating mga ninuno na taglay pa rin sa ating bansa sa mga
nakalipas na henerasyon.

4. Kailangan ba nating ipagdiwang ang ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng mga


Kastila sa bansa? Bakit?

- Para sa akin, maaaring hindi na natin ipagdiwang ang ika-500 taong anibersaryo ng
pagdating ng mga Kastila sa ating bansa. Dahil kung magbabalik tanaw sa nakaraan, sa una pa lang
ay may balak na silang sakupin tayo at pinagsamantalahan ang mabuting pakikitungo ng ating mga
German, Gabriela E.
HM 1B

ninuno sa kanila. Oo at marami silang nagawa at impluwensiya sa ating bansa ngunit hindi sapat ang
mga ito upang pagtakpan ang pang-aalipusta at pagpapahirap sa mga Pilipino. At ayon kay Pigafetta,
tayo ay may sariling sibilisayon na bago pa man dumating mga banyagang mananakop kung kaya ay
maaaring napalawak pa sana ang ating lipunan noon sa mismong kamay ng ating mga ninuno noon
kung hindi tayo sinakop ng mga Kastila.

You might also like