Dalumat Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Reina Rica N.

Nergua Guro: Darlene Uballas


Course and Year: BSED-English 3
DALUMAT SA FILIPINO
Pagdadalumat sa Karapatan ng mga Manggagawa
Lahat tayo sa mundo ay may iba’t ibang bagay na ipinaglalaban. Maliit man ito o
malaki, ito ay ating pinapahalagahan at binibigyan ng karampatang atensyon. Isa sa mga
bagay na ating pinapahalagahan ay ang ating mga karapatan. Karapatang mamuhay ng
mapayapa, karapatang magkaroon ng kalayaan, karapatan sa nasyolidad at marami pang
iba. Ayon nga sa Universal Declarations of Human Rights (UDHR), tayo ay may 30
Karapatang Pantao. Ito ay nagpapatunay na tayo ay protektado nito laban sa anomang
isyu na ating maaaring makaharap. Noong 1948, itinatag ang UDHR upang tayong mga
tao ay maprotektahan sa mga bagay na maaaring nating gawin at nakapaloob sa UDHR
ang mga karapatan natin na kailangan natin maintindihan upang magkaroon tayo ng
kaalaman sa bawat karapatan natin. Kahit ano man ang estado natin sa buhay, mahirap
man o mayaman, politiko man o hindi, at may trabaho man o wala, lahat-lahat tayo ay
may karapatan. Bilang isang trabahante o manggagawa, mayroon rin silang mga
karapatan na siyang nagpoprotekta sa kanila laban sa mga anumalya at hindi pantay na
pagtrato ng employer.
Ang maikling kwento na may pamagat na “Parusa” na akda ni Genoveva Matute
ay isang kwento na nagpupukaw atensyon sa mga mambabasa tungkol sa mga karapatan
ng bawat manggagawa. Ang kwentong ito ay nakapokus at umiikot sa bawat karakter. Si
Big Boss ay isang lider at siya ang may kapangyarihan sa kwento. Siya ang may
pinakamalaking papel na ginagampanan sa kwento sapagkat ang buhay at papel niya sa
kwento ay nakakonekta rin sa buhay at papel ng bawat karakter. Si Salamin naman ay
isang trabahante at kanang kamay ni Big Boss. Siya ang nakakaalam sa lahat ng palakad
ng Big Boss at alam niya rin ang mga anumalya na nangyayari sa kanilang unyon. Si
Ventura naman ay isang bagohang trabahante na sinasabing matalino dahil siya ay
nakapag-aral ngunit hindi lamang nakapagtapos. Siya rin ang sinasabi ni Salamin na
maaaring makatulong kay Big Boss kapag ito ay tatakbo sa pagkapolitiko. Si Neneng
naman ay isang maybahay ni Ventura at mayroon silang kaisa-isang anak ngunit ito ay
may sakit. Ayon sa kwento, si Neneng ay kasintahan noon ni Big Boss ngunit iniwan ito
ni Big Boss dahil sa kagustuhan nitong abutin muna ang mga pangarap niya at gawin ang
kanyang mga plano sa sarili niyang buhay. Sa katunayan, ang anak ni Neneng na may
sakit ay hindi anak ni Ventura kundi ito ay anak ni Big Boss. Sa kwentong iyon, hindi
lang tungkol sa ugnayan ng pamilya, kahirapan at pamomolitiko ang nakapaloob,
nagbubukas rin ito sa kaisipan ng mga mambabasa tungkol sa mga sitwasyon o naging
sitwasyon ng mga trabahante sa isang unyon.
Batay sa kwento, si Ventura ay isang mapagmahal na haligi ng tahanan at
masipag na trabahante. Nagtatrabaho siya upang mayroong maipanggastos sa kanyang
pamilya. Pumasok sya sa negosyo at unyon ni Big Boss kung saan maliit lamang ang
sweldo at hindi sapat sa araw-araw nilang gastusin. Dumagdag pa rito ang sitwasyon ng
kanilang anak ni Neneng na mayroong sakit. Doon sa kwento, sinabi roon na kailangang-
kailangan ni Ventura ang pera para sa kanyang nag-aagaw buhay na anak. Kailangan niya
ng pera upang gumaling ito at humihingi siya nga tulong sa kanyang amo na si Big Boss
upang siya ay makabale ng kanyang sweldo para sa pampagamot ng kanyang anak.
Kailangan na kailangan niya ng pera at tanging si Big Boss lang ang alam niyang
maaring niya matakbuhan para siya ay matulungan. Ngunit, sa kasamaang palad, dahil sa
kagustuhan ni Big Boss na si Neneng ang gusto niyang humingi ng tulong sa kanya, hindi
niya ibinigay ang sweldo ni Ventura. Dahil sa pagmamatigas ni Big Boss, namatay ang
anak ni Ventura at Neneng at sa huling bahagi ng kwento, napag-alaman ni Big Boss na
ang batang namatay ay anak ni Neneng sa unang lalaki sa buhay niya. Maaaring ang
lalaking iyon ay si Big Boss. Punong-puno ng pagsisisi, galit at paghihinagpis sa Big
Boss.Patungkol sa karapatan ni Ventura bilang isang manggagawa, ito ay naging isa sa
mga pokus sa kwento. Batay nga sa kwe nto, ang sahod o sweldo niya ay hindi pantay
alinsunod sa payroll na kanyang pinipirmahan. Doon sa kwento, napaloob doon ang
unyon na kinabibilangan nila Big Boss, Salamin at Ventura. Ang Batas Pambansa ng
Ugnayang Paggawa [National Labor Relations Act (NLRA)] ay nagbibigay-
kasiguraduhan sa karapatan ng mga empleyado na mag-organisa at makipagkasundo nang
sama-sama sa kanilang mga pinagtatrabahuan, at makipagkasundo sa ibang protektadong
nagkakaisang gawain o iwasang gumawa ng anumang gawain na nakasaad sa itaas. Ang
mga empleyadong saklaw ng NLRA ay protektado mula sa ilang uri ng pagmamalabis ng
pinagtatrabahuan at unyon. Itong Paunawa ay nagbibigay sa inyo ng pangkalahatang
impormasyon tungkol sa inyong mga karapatan, at tungkol sa mga obligasyon ng mga
pinagtatrabahuan at mga unyon sa ilalim ng NLRA. Ayon rin sa Nube Philippines (2016)
mayroong mga patakaran at panuntunan sa trabaho. Una, ang oras ng trabaho ay walo (8)
bawa’t araw at limang (5) araw bawa’t lingo. Ang panahon ng pagkain ay 60 minuto at
hindi ito kabilang sa walong (8) oras. Pangalawa, ang oras ng trabahong panggabi ay
10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga. May dagdag na bayad na hindi liliit sa 10% na
tinatanggap na sahod. Pangatlo, ang sahod para sa overtime ay ang mga sumusunod: (a)
regular weekdays: + 25%; (b) holidays/rest days: + 130% sa tinatanggap na sahod. Pang-
apat, ang minimum na sahod ay itinatalaga ng Regional Tripartite Wages and
Productivity Boards. Panglima, ang pagbayad sa pakyao o piece work ay binabatay sa
pagaaral ng DOLE o sa bunga ng pagsangguni sa samahan ng mga manggagawa at mga
employer. Pang-anim, ang sahod ay dapat bayaran ng hindi lalampas ng kinsenas. At
panghuli, hindi dapat bawasan ang sweldo ng manggagawa liban sa (a) pagbayad ng
insurance para sa manggagawa; (b) bayad sa unyon, at (c) ibang mga kabayaran na
nakasaad sa batas o ayon sa mga utos ng DOLE.
Gayunpaman, kahit sinoman sa atin ay may karapatan sa iba’t-ibang larangan.
Kahit sa anong sektor pa man ng pamahalaan, lahat ay may katumbas na karapatan na
kailangan intindihin at sundin rin natin. Kailangan rin natin itong ipaglaban sapagkat para
rin ito sa ating ikakabuti.

Mga Sanggunian:
https://www.ohchr.org/en/human-rights/universal-declaration/translations/filipino-tagalog
https://www.nlrb.gov/sites/default/files/attachments/basic-page/node-3788/tagalog.pdf
http://www.nubephil.com/ilang-mga-mahalagang-karapatan-ng-manggagawa-sa-ilalim-ng-batas

You might also like