Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ceguera Technological Colleges

Highway 1, Francia Iriga City , 4431, Philippines


Tel. Nos. (054) 299-22-24/299-62-62 E-mail Address : ceguerairiga@gmail.com

Masining na Pagpapahayag
Genre sa Pagpapahayag na Pagsasalaysay
Pangalan:__________________________________________________
_ Petsa:__________________________________________________
Departamento/Seksyon:_________________________________

Gawain 1
BUHAY SARAY
(Sa Pusod ng Sierra Madre)
Aurora Silva-Sion
Ang pamamayanan ng barangay Saray, Pakil, Laguna ay isang maliit na pamayanan
sa gitna ng gubat at tuktok ng Sierra Madre. Kalapit nito sa may silangan ay Quezon at sag
awing kanluran ay bayan ng Pangil. Ang unang nanirahan doon ay ang Dumagat at
Bicolano na ang hangad ay magkalupa at magkaingin at nanirahan ay galing ng Pakil, Sta.
Maria, Pangil at Batangas.
Ang mga unang nanirahan sa Saray ay nagsasabing ang hanapuhay nila noon ay
pagtatanim ng mga halaman at gulay kung saan ang naaani ay ibinibenta nila sa mga
empleyado ng Interwood na nasa sitio maliliit na bato. Ang iba naman na walang
permanenteng pinagkikitaan kagaya ng mga dumagat at Bicolano ay nagpapaupa sa
pamamagitan ng paggamas sa may mga kaingin. Binabayaran sila sa arawan o kaya ay
bigas ang ibinabayad sa kanila. Nanghuhuli rin sia ng mga isda at nangunguha ng pako na
ipinagbibili sa mga Tagalog.
Ang mga Tagalog naman ay nanghuhuli ng mga usa at baboy-ramo na ipinagbibili
ang karne sa Tanay Rizal. Kapag nakakahuli sila ng malalaking isda ay dinadala nila ito sa
bayan at ibinebenta ito. Ang mga magsasaka ay pinagkakakitaan ang mga bunga ng
saging, kamote, gabi, luya, ube at pagkokopra ng niyog.
Nang matapos ang Interwood ay dumami ang illegal loggers at ginawa na nila itong
hanapbuhay ang pagbebenta ng mga kahoy gaya ng tablon, pilote, tapel at uling.
Nangunguha rin sila ng yantok o uway na ibinibenta sa bayan. Ang pangunguha ng lukmoy
at kilob na ginagawang upuan, bag at gamit sa bahay pandekorasyon ay isa ring
pakinabang mula sa bayang ito.
Lubos ang kapakinabangan ng mga taga-Saray sa pamimintas ng mga panungyan
sa gubat. Ang panunyan ay katulad ng Rambutan ang itsura subalit madaling talupanh at
maasim ng kaunti sa rambutan. Ang puno ng panungyan ay bumubunga lamang tuwing
ikalawang taon. Hindi ito katulad ng puno ng rambutan na namumunga taon-taon. Ang
kapeng tae ng alimos o mas kilala sa tawag na alamid ay pinupulot nila sa daan at kapehan
na tinutuyo para gawing kapeng inumin o kaya pambenta.
Ang buhay ng Saray ay simple lamang bagaman malayo sa bayan at mahirap ang
daan kung tag-ulan ay masaya pa ring nabubuhay ang mga mamamayanan doon dahil
nakasanayan na nila ang kapayakan ng buhay na mayroon sa kanilang nayon.

Ceguera Technological Colleges


Highway 1, Francia Iriga City , 4431, Philippines
Tel. Nos. (054) 299-22-24/299-62-62
E-mail Address : ceguerairiga@gmail.com

Gamit ang web na ito, tukuyin kung anong uri ng pamumuhay ang namamayani sa mga
Taga-Saray.
Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang pamumuhay ng mga taga-Saray?


2. Saan matatagpuan ang bayan ng Taga-Saray?
3. Paano nagkakaiba ng pamumuhay ang mga naninirahan ditto?
4. Alin sa mga produktong nabanggit ang higit na kakaiba at tanyag ngayon? 5. Sa
iyong palagay, dapat ba nating ipagmalaki ang ganitong uri ng pamumuhay,
Bakit?

Gawain 2
A. Sumulat ng isang hindi malilimutang karanasan ng iyong buhay.

Pamantayan sa Pagmamarka:
a. Pamagat 15%
b. Paksa 15%
c. Simula 20%
d. Balangkas ng mga
pangyayari 30%
e. Wakas 20%
Kabuuan 100%

You might also like