4 P'S

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LENY L. MORAL HOUSEHOLD ID NO.

ANOLING DAISY GROUP

ANG YAKAP BAYAN PROGRAMA SA DROGA

PAGNINILAY
1. Ano ang naramdaman mo sa sesyong ito? Ipaliwanag.
- Ang aking naramdaman sa sesyong ito ay malungkot sapagkat marami ang
nabibiktima ng maling paggamit na nagdudulot ng pagkakalulong nito at mga
hindi inaasahang mga krimen kung kaya’t mas maganda talaga na bigyan ito
ng aksyon ng maaga ng mga intitusyon at organisasyon para matiyak na wala
nang mabibiktima na iba pa at maging maayos at tahimik ang ating lipunan.
2. Ano ang kailangan nating gawin kung may kakilala tayong nanggaling sa
rehabilitasyon?
- Sa tingin ko ang dapat nating gawin sa mga kakilala natin na nanggalaing sa
rehabilitasyon ay respetuhin at igalang pa rin kahit nagkamali sila sa daang
kanilang tinungo dahil wala namang taong perpekto at lahat naman ay
nagkakamali. Dapat nating iparamdam na kahit siya ay nagkamali, ipakita
natin na welcome at may oras at panahon para itama at baguhin ang kaniyang
nasimulan na pagkakamali sa buhay.
3. Saan mo dadalhin ang iyong kakilalang nalulong sa droga? Bakit?
- Batay sa aking nabasa at sa aking opinyon, mas makakabuti na dalhin ang
mga taong nalululong sa droga sa rehabilitation center upang sila’y
mapangalagaan ng maayos at matulungan na mabago ang kanilang
nakagawian na maling paggamit ng droga.
4. Sino ang makakatulong sa mga taong nalulong sa droga? Ipaliwanag.
- Ang sigurado ako na tiyak na makakatulong sa mga taong nalulong sa droga
ay ang mga iorganisasyon at nstitusyon na naisaad sa modyul na ito na kung
saan sila ang may kakayahang pangalagaan at magbigay ng serbisyoupang
maibalik ang isang taong nalulong ng droga sa dati nitong pagigigng
produktibo at mabago ang nakasanayan nitong gawain at ito ay ang paggamit
ng ipinagbabawal na gamut.
5. Paano mo ilalayo ang iyong pamilya sa ganitong bisyo? Ipaliwanag.
- Sa aking opinyon, mailalayo ko ang aking pamilya sa ganitong bisyo sa
pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa bawat kasapi ng aking pamilya
tulad na lang tuturuan ko sila na matakot sa diyos sa pamamagitan ng
pagpapalago ng kanilang pananampalataya sa panginoon. Titityakin ko na
magkakaroon kami ng sapat na oras bilang isang pamilya na mapag-uusapan
ang bawat nararamdaman o problema ng bawat isa para kaagad itong
masolusyunan at nang sa gayo’y ang aking pamilya ay maging masaya at
malayo sa ganoong bisyo.

You might also like