Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga literatura at mga naunang pag-aaral sa loob at
labas ng bansa. Ang mga sumusunod na mga literatura ay nakatulong sa mga mananaliksik
bilang gabay, karagdagang kaalaman at mapatibay pang lalo ang ginagawang pananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura


Ayon kay Armstrong at Kotler (2013), ang pinakapangunahing konseptong at
pinagbabatayan ng pagbebenta ay ang pangangailangan ng tao. Ang pangangailangan ng tao ay
isang estado ng kailangan ng isang bagay. Isama na ang pangunahing pisikal na pangangailangan
para sa pagkain, damit, tirahan, at kaligtasan, panlipunangpangangailangan para sa pag-aari at
pagmamahal at mga indibidwal na mgapangangailangan para sa kaalaman at sariling ekspresyon.
Ang mambebenta ay hindi lumikha ng mga pangangailangan ng tao. Ang pangangailangan ay
isang uri na pang-kultura at pang-indibidwal na personalidad. Ang mga Amerikano ay
nangangailangan ng pagkain ngunit nais nila ng isang “Bigmac, fries, at isang softdrinks”. Ang
isang tao saPapua New Ginuea ay nangangailanagan ng pagkain ngunit nais nila ng “taro, rice,
yams and park”. Kung gayon marahil naiiba rin ang pangangailangan sa pagkain ng mga
Pilipino.
Ayon kay Dublin (2013), milyon-milyong mga mag-aaral at empleyado angnangangarap
na makapukaw ng isang ideya sa isang matagumpay na negosyo. Sapamamagitan ng isang
mahigpit na kahulugan ng negosyante na siyang tao na kayangpatakbuhin ang isang makabagong
negosyo. Pagkatapos idebelop ng negosyante samas malikhaing negosyo ay maaari itong
pamunuan ng nag-iisa o sa tulong ng mgailang tao. Ang taong iyon ay maaari o maging isang
punong tagapamahala.
Tinukoy ni Fajardo (2010) ang negosyo bilang organisadong kapasidad ng isang
indibidwal na bumuo at magbenta ng mga bagay at serbisyo upang matupad ang mga hinihingi
ng komunidad. Mayroong dalawang uri ng entrepreneurship: malalaking kumpanya at maliliit na
negosyo. Ang mga maliliit na negosyo ay tinutukoy ng kanilang kakulangan ng kapital at mataas
na pangangailangan sa paggawa. Ang mga maliliit na kumpanya ay matagumpay sa maliliit na
bagay at nagpapatakbo sa malapit na mga merkado, kasama ang may-ari na nagbibigay ng pera.
Ayon kay Lamberto E. Antonio na pinamagatang Negosyo: Higit sa “Pagtabo ng
Tubo” na nakasaad sa librong Sambotani I (2007) kung magiging masugid ka sa pag-alinsunod
sa tradisyon, wala kang ibang magiging hangad sa pagpupundar ng negosyo maliban sa
magkamal ng tubo (profit). Ang isang negosyanteng mga tradisyunal na pagpapahalaga sa
kinatawanan niyang sector ay pagpapalago ng kabuhayan. Limitad sa pagkakawanggawa ang
kanyang panlupunang pakikisangkot. Para sa kanya, hindi saklaw ng sinumang eksperto sa
pagnenegosyo ang mga isyung pampulitiko at panlipunan. Sapat nang pinagpupugayan ang
produkto ga pagpapairal niya ng mga pamantayan ng prepesyunalismo at kahusayang
nagsisilbing halimbawa ng “agham sa paglikha ng kayamanan”. Lumitaw sa mga pananaliksik
na sa pangkalahatan, may tatlong balangkas sa pagkilos ang mga negosyanteng napapatnubayan
ngayon nang diwain ng balikatang pangkabuhayan upang mabawasan ang karalitaan. Ang mga
ito ay sistaineble area resource management, aktibong pakikilahok ng mga lider negosyante at
patnugutang may kahalintulad ng oryentasyon at strong corporate citizenship and growing
membership.

Mga Kaugnay na Pag-aaral


Ayon kay Gaby David (2016) ang pag-aaral ng negosyo, malalaman mo kung paano
gagamitin at sang-ayunan ang negosyo sa matagumpay na paraan. Sa nabanggit, napakahalaga
talaga na pag-aralan ang isang negosyo bago paman ito simulan. Napakaraming negosyo ang
pumapalya dahil sa hindi maayos na pagkaplano. Kung ganyan man ang pamamaraan hindi
lalago ang isang negosyo at parang nag aaksaya lamang ng iyong pera.
Ayon sa libro niShaw at Kay (1945) na How to Start Your Own Business,ang
pagtatayong sariling negosyo ay maganda lalo na kung mayroong sapat na pera para dito.
Makabibili angnegosyante ng sariling lugar para sa negosyo. Kadalasan naman sa mga
nagbabalak magtayo ngnegosyo, mas pinipiling magprangkisa dahil sa kasiguraduhan na
mayroon ng tiyak natumatangkilik dito kumpara sa pagtatayo ng negosyo na kung saan ito ay
hindi pa kilala. Mahirapman makuha ng mga mamimili ang bagong negosyo, mas mahirap
naman ang kinahaharap ngmga nagpaprangkisa ng isang negosyong may masamang reputasyon.
Kinakailangan pangbawiin ulit ang tiwala ng mga mamimili ng nasabing negosyo at iparamdam
sa mga mamimili namapagkakatiwalaan ang negosyong pinaprangkisa.
Ang pagtatayo ng negosyo ayon sa aklat na Small Business Management:
AnEntrepreneur’s Guide to Success 2ndEditionninaMgginson, Byrd, at Scott Jr.(1987),ay
isangmagandang pagkakataon para sa negosyante upang makamit ang kanyang personal na
tagumpayng negosyo. Sa pagtatayo ng sariling negosyo, nagkakaroon ang negosyante ng
kalayaan sakanyang pagdedesiyon. Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay makapagbibigay ng
oportunidadpara makalikom ng malaking halaga ng pera. Malaking bahagi din ang pamilya kaya
nagtatayong sariling negosyo sapagkat marami ang nagnanais mamahala ng sariling negosyo
kaysamamasukan.
Ayon sa librong Franchising ni Justis Judd (2007)ang pagpraprangkisa ay subok
nangklase ng negosyo simula pa noong 1950s. ang pagpraprangkisa ayon kay William
Cherkasky, president ng Educational Foundation of the International Franchise Association of
Amerika,ang nagsisilbing susi sa kaunlaran ng negosyo. Kung ang negosyo ay subukin man ng
krisis ngekonomiya, kaya paring patakbuhin ng maayos ng franchise ang kanyang negosyo sa
paraan ng paglilimita sa paglabas at pagpasok ng pera, at paghingi ng sapat na tulong mula sa
kanyangfranchiserat magandang pagsasama ng franchiser at franchisee.

You might also like