ABSTRAK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Pagiging Epektibo ng Pagsasagawa ng


Negosyo ng mga Mag-aaral na nasa Ika-apat na Taon ng BS Entrepreneurship ng
Marinduque State College”. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa mga
estudyante upang malaman kung ano ang tunay na kahalagahan ng pagtatayo ng negosyo, mga
kakaharapin nito at mga pagp-plano ukol sa negosyo. Nais malaman ng pananaliksik na ito kung
ano mga salik na maaring kaharapin ng mga nasa ika-apat na taon ng BS Entrepreneurship sa
kanilang pagsasagawa ng negosyo at pagiging epektib nito. Saklaw ng pag-aaral na ito ang
tatlumpu na respondante sa ika-apat na antas ng BS Entrepreneurship ng Marinduque State
College. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga
respondents ayon sa layunin ng pag-aaral at mga “survey kwestyuner” sa pagkalap ng mga datos
upang mabigyang kalutasan ang mga suliraning napailalim sa pagsasaliksik na ito.. Ang nakalap
na datos mula sa mga respondente ay sinuri at pinag-aralan. Natuklasan ng mga Mananaliksik
kung paano magiging epektib ang pagsasagawa ng isang negosyo sa isang pamayanan at
pagbibigay kalutasan sa mga prblema na maaring kaharapin nito. Ang pag-aaral na ito ay
malaking tulong sa mga mag-aaral na nagbabalak na magtayo ng pagnenegosyo.

You might also like