Pagsasanay #1 - SABAYO

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

PANIMULANG PAGTATAYA
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng wika sa sariling
pangungusap.
2. Ano ang sanhi ng pagkakaiba-iba ng wika sa
ating bansa?
3. Maituturing bang isang tunay na wika ang
tunog ng hayop na naririnig natin sa paligid?
Pangatwiranan.
4. Magkaugnay ba ang wika at kultura?
Ipaliwanag ang sagot.

ICCT Colleges Foundation Inc.


VV. Soliven Avenue II, Cainta Rizal Page 1
1. Para sa akin ang wika ay isang medyum upang magkaroon ng maayos at sistematikong
pakikipagtalastasan. Ang wika rin ay isang sandata na lagi nating dala dala sa ating pang araw araw na buhay
at gawain.

2. Ayon sa aking pag aaral ang kultura at wika ng Luzon, Visaya, Mindanao ay magkakaiba dahil watak
watak kamo ang isla ng Pilipinas. Bukod dito, hindi rin nag tagumpay ang mga dayuhan katulad ng Espanya na
sakupin ang kabuuan ng bansa.

3. Ang wika ay ginagamit upang mag karoon ng pag kakaintindihan. Ang mga hayop ay may kanya kanyang
paraan ng pakikipag usap sa kapwa hayop at nag kakaintindihan ang mga ito. Ang ibang mga hayop rin ay may
paraan para makipag usap sa tao tulad nalamang ng tahol ng aso at tilaok ng manok. Dahil nakamit nga ng
hayop na makipag usap sa kapwa hayop at nagagawa rin naman makipag usap sa tao sa pamamagitan ng ilang
paraaan o senyas ay masasabi nating isang tunay na wika nga ang tunog ng hayop.

4. Ayon sa aking pag aaral ang kultura at wika ay magkaugnay. Bawat lugar sa mundo ay mayroong
pansariling kultura at tradisyon. Pero, sa bawat kultura na ito, ang wika ang nag uugnay sa mga tao. Gayundin,
ang wika ay nagsasalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga kaisipan, saloobin, at damdamin ng isang kultura.
Ito rin ang nagsisilbing instrumento ng pagpapahayag ng opinyon, ideya, pananaw at lohika. Kapag wala ang
mga aspetong ito, hindi maaaring magkaroon ng isang kultura. Dahil dito pwede rin nating sabihin na sila ay
halos iisa dahil kung may mawala dito ay mawawalan ng bisa o importansya.

ICCT Colleges Foundation Inc.


VV. Soliven Avenue II, Cainta Rizal Page 2
References:
(Ki, March 22, 2021) https://philnews.ph/2021/03/22/sanhi-ng-pagkakaiba-ng-wika-at-kultura-sa-ating-bansa/
(Ki, December 15, 2020) https://philnews.ph/2020/12/15/relasyon-ng-wika-at-kultura-kahulugan-at-halimbawa/

ICCT Colleges Foundation Inc.


VV. Soliven Avenue II, Cainta Rizal Page 3

You might also like