Banghay Aralin Agham

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

M City College of Calamba

Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Masusing Banghay Aralin Sa Science

I. Most Essential Learning Competency (MELC)


Mailalarawan ang mga natural na bagay na nakikita sa kalangitan sa araw
at sa gabi S3ES-IVg-h-5

Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Mailalarawan ang mga natural na bagay na nakikita sa kalangitan sa araw at sa gabi.
• Mailalahad ang mga epekto ng mga natural na bagay na nakikita sa kalangitan sa pang araw araw na gawain.
• Nakasusunod sa mga dapat gawin upang ingatan ang sarili sa matinding init ng araw.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Mga Natural na Bagay na Makikita sa Kalangitan (Araw at Bituin)
b. Sanggunian: PIVOT 4 Quarter 4 Week 7 pp. 26-30
c. Mga kagamitan:
 Larawan
 Laptop
 Powerpoint Presentation
 Google Meet
 Quizziz

III. Pamamaraan
A. ENGAGE

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1.Pagbati
Magandang umaga mga bata. Magandang umaga din po Teacher MJ
magandang umaga mga kamag aral.

Bago tayo tumungo sa talakayin natin ngayong


araw tayo muna ay manalangin, Ang lahat ay
tumungo, ipikit ang mata at damhin ang presensya ng
ating Panginoon. Opo Ma’am. Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng
Espirutu Santo, Panginoon, una nagpapasalamat po
kami sa araw na ito dahil ligtas po kaming nakadating
sa aming paaralan, salamat sa pagkakataon na ibinigay
nyo sa amin upang makakuha ng bagong kaalaman sa
aming guro. Gabayan nyo po ang bawait isa sa amin at
patawarin nyo po kami sa aming mga kasalanan.
Nawa’y dinggin ang aming panalangin sa pangalan ng
iyong anak na aming hari na si Hesu-Kristo. Amen.

: Wala po Ma’am.

May lumiban ba sa araw na ito?

Magaling kung ganun.

Inaanyayahan ko na ang lahat ay tumayo lahat para sa


ating Energizer ngayong umaga. Siguraduhin po natin :Opo, Teacher MJ.

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |1
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
na ang lahat ay makikiisa at sasayaw kasama si
Teacher MJ ? Maliwanag po ba?

(Tinutugtog ang "Gummy Bear")

Mukang buhay na buhay na ang dugo ng Grade 3- (Magpapalakpakan ang mga bata)
Yakal. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

May mga ilang paalala o alituntunin si Teacher na


kailangan ninyong tandaan at sundin sa ating klase.

1. Dumalo sa tamang oras ng klase.


2. Humanap ng maayos at komportableng lugar kung
saan hindi ka maaabala sa pag aaral.
3. Panatilihing nakabukas ang camera at wag
kalimutang i-mute ang mikropono.
4. Magbigay respeto. Makinig sa nagsasalita at hingin
ang pahintulot ng guro kung may nais sabihin.
5. Magsuot ng tama at kaaya-ayang damit.

Ihanda na ang sarili, simulan ng makinig at mag aral


kasama si Teacher MJ.

Maliwanag po ba ang ating alituntunin?


:Opo.
BALIK- ARAL
Magkakaroon tayo ng mabilis na balik-aral tungkol sa
tinalakay at napag-aralan natin nung nakaraang linggo.
Natatandaan pa ba ang huling pinag aralan natin sa
Science? Tungkol saan nga ulit ang pinag aralan natin
nung nakaraang linggo? :Tungkol po sa Pag-iingat para sa iba't ibang
kalagayan ng panahon.

Magaling, tungkol sa PAG IINGAT PARA SA IBA'T


IBANG KALAGAYAN NG PANAHON.

Ano ba dalawang kalagayan ng panahon na tinalakay


natin? :Tag-araw at Tag- ulan po.

Magbigay ng ilang kailangan TANDAAN na dapat


gawin kapag mainit • Magdala ng payong at sombrero
• Ugaliing uminom ng tubig upang di madehydrate
• Huwag tumitig ng matagal sa araw

Ano nman ang pag iingat na gagawin kapag mahangin


at malakas ang ulan • Laging maghanda ng payong at kapote
• Manood ng T.V
• Makipagbonding sa pamilya
• Huwag lumabas ng bahay
Okay Magaling. Palakpakan ang inyong mga sarili.

PAGGANYAK
Ngayon bago tayo tumungo sa tatalakayin natin
ngayong umaga magkakaroon muna tayo ng aktibidad
o motibasyon. May ipapakita si Teacher MJ na mga
Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________
EEDM202b |2
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
larawan ng iba't ibang bagay at tutukuyin ninyo kung
saan ito mas tamang ilagay sa dalawang larawan na
nasa itaas. Kung nasa Letrang A o nasa B.
Naiintindihan po ba?
:Opo, Teacher MJ.

(mga larawan sa ibaba ng iba't ibang bagay na


makikita sa araw at gabi)

Magtatawag si Teacher MJ, kung sino lang ang


tatawagin ko sya lang ang sasagot, iwasan natin ang
magsabay sabay sa pagsasalita.
Opo, Teacher MJ.
Saan ba dapat natin ilagay ang araw, sa Larawan na
nasa letrang A o nasa B? Arienne pakisagutan po ang
ikaunang bilang.

Ang payong ? Nasa Letrang A po.

Saan naman ang bituin ? Nasa Letrang A din po.

Ang sunscreen ? Nasa Letrang B po.

Ang Binoculars? Nasa letrang A po.

Ang bahaghari ? Nasa letrang B po.

Nasa letrang A po.

Saan naman ang buwan ?

Ang sombrero? Nasa Letrang B po.

Okay mga bata, tanong ni Teacher MJ paano natin Nasa letrang A po.
matutukoy kung ito ay araw(daytime) ?

Nalalaman po natin kung ito ay araw dahil po sa araw,


ulap at minsan ay may bahaghari pagkatapos ng ulan
paano naman natin matutukoy kung ito ay gabi na nakikita natin sa kalangitan.
(nightime) ?

Nalalaman naman po natin kung ito ay gabi dahil sa


bituin at buwan na nakikita natin sa kalangitan.

B. EXPLORE
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Ngayong umaga, magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain, hahatiin ko kaya sa limang grupo na may tag
lima na miyembro. Ang bawat grupo ay magkakaroon
ng isang representative sa bawat tanong. Halimbawa sa
Unang Grupo o Group 1 si Cris Jan sa pang unang

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |3
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
bilang, tapos si Cassandra naman ang sasagot sa
pangalawang bilang. Maliwanag po ba?
Opo, Teacher MJ.

Magaling!

Ngayon, sa pagsasagot ng ating akitibidad, ang bawat


representative ay maglalagay ng kanilang sagot sa chat
box. Tandaan, representative lamang sa bawat bilang
ang kinakailangang sumagot. Ang twist sa larong ito
ay magpapapaunahan mag lagay ng sagot ang
representative sa bawat bilang at ang unang
makakapaglagay ng sagot ay siya ang makakatanggap
ng mataas na puntos o (2 puntos) habang ang mahuhuli
na sumagot ay makakatanggap ng mababang puntos o
(1puntos). At walang puntos naman sa walang sagot.
Sa dulo ng aktibidad na ito, pagsasamahin natin ang
puntos ng bawat miyembro ng grupo at kung sino ang
may pinaka mataas na puntos ay sila ang mananalo.
Naiintindihan?

Opo, Teacher MJ.

(Magsisimulang magsagot ang bawat grupo)

(Sasabihin ng guro kung sino ang nanalo sa klase)

C. EXPLAIN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Kung nung nakaraan si Teacher MJ ay isang
Meteorologist, ngayon naman si teacher MJ ay isang
Astronomer. Alam nyo ba kung ano ang Astronomer ?
:Sila po ung nag-aaral tungkol sa mga iba't ibang
bagay na makikita sa kalangitan.
Tama. Sila ang nag-aaral tungkol sa mga iba't ibang
bagay na makikita sa kalangitan, katulad ng araw,
bituin at marami pang iba.

Kaya ngayon samahan nyo si Teacher MJ na libutin


ang kalangitan at ipapakilala ko sa inyo ang iba't ibang
natural na bagay na makikita sa kalangitan.

Kapag araw, nakikita natin ang araw, ulap at minsan


ay nagpapakita ang bahaghari pagkatapos ng ulan.

Ano ba ang English ng araw?

Ulap? :Sun po.

Ano naman ang bahaghari ? :Clouds po.

Okay, magaling. :Rainbow po.

Kapag gabi naman nakikita sa kalangitan ang buwan o


moon at mga bituin o stars.

Mahilig ba kayo tumingin sa mga bituin?

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |4
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
Talagang napakasarap pagmasdan ang mga bituin, :Opo, Teacher MJ.
sapagkat ang mga ito ang nagpapaganda sa kalangitan
na kapag gabi na mistulan itong mga dyamante na
kumikislap.

May ideya ba kayo kung saan gawa o binubuo ang


araw ?

Okay magaling, ang mga bituing ito ay binubuo ng :Meron po, sa mainit na gas po.
sobrang init na gas at may iba't-ibang kulay.

Ano sa tingin nyo ang kulay ng mga bituin, magbigay


ka nga ng isa briella ?

Ikaw naman Yen ?


: Dilaw po.

: Pula po Teacher.
Magaling, ang kulay nito ay ang nagsasabi ng kanilang
temperature. Base sa napag-aralan natin sa nakaraang
aralin, ano nga ulit ang temperatura?

Magaling. Ang ibang mga bituin ay kulay pula na


nagsisimbolo sila ang may pinakamababang :Ang temperatura ay ang ng init o lamig ng isang
temperatura kumpara sa iba. bagay.

Ano ang kasingkahulugan ng mababang temperatura?

At ano ang kasalungat ng malamig ?

Magaling. Ang mga kulay dalandan at dilaw ay


itinuturing na mga bituing may mainit na temperatura :Malamig po.
at

Ang mga kulay asul at puti naman ang itinuturing na :Mainit po.
may pinakamainit na temperatura.

Bilangin nga natin kung ilan ang kulay ng mga bituin

Magaling.

Mga bata tatandaan nyo po ang mga sinasabi po ni


Teacher MJ. Maliwanag po ba?
Isa, dalawa, tatlo, apat, at lima. May limang kulay po
Ang sunod ay ang araw. ang bituin.
Alam nyo ba na ang araw ay isang bituin.

Ang araw ay isang bituin na ating nakikita sa ating


kalangitan. Tulad ng ibang bituin, ito ay binubuo ng
maiinit na gas na mistulang bola ng apoy. :Opo.

Bakit ang araw ang pinakamalaking bituin na nakikita


natin sa mundo?

Ang araw ang pinakamalapit na bituin sa ating mundo


kung kaya't ito ang pinakamalaking bituin na nakikita
sa ating mundo ngunit ang laki ng araw ay nasa
katamtamang laki lamang kumpara sa ibang mga
bituin.

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |5
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
Ang araw ang pinakamalapit na bituin sa ating mundo
Anu-ano ba ang kahalagan ng araw sa mga tao, hayop kung kaya't ito ang pinakamalaking bituin na nakikita
at halaman? sa ating mundo.

Tama.kahalagahan ng araw, ay ito ang nagbibigay sa


atin ng init at liwanag na nagbibigay ng buhay sa mga
tao, hayop at halaman.

Pero ang sobrang init na nanggagaling sa araw ay may


masama ding epekto sa ating mundo. Magbgay nga ng Nagbibigay po sa atin ng init at liwanag.
isa Louie,

Magaling, kapag matagal tayong nabilad sa araw,


maaring magkaroon tayo ng sakit sa balat tulad ng
sunburn o bungang araw kaya mainam na maglagay ng
sunblock cream saya main upang maiwasan ang
pagkasunog ng balat.
Magkakaroon po tayo ng sakit sa balat.
Maaari ding madehydrate o magkulang ang tubig sa
ating katawan kapag nabilad tayo sa init ng araw kaya
ugaliing uminom ng maraming tubig.

Ang paggamit ng payong at sombrero ay isa din


paraan ng pag-iingat laban sa masamang epekto ng
sobrang init ng araw.

Para naman mapangalagaan ang ating mata, huwag


tumitig ng direkta sa araw.

Ang sobrang init din ng araw ay nakakaapekto sa mga


halaman at mga hayop. Natutuyot ang mga lupa,
nalalanta ang mga halaman at maaaring ikamatay ng
mga hayop kapag sobrang init ng araw.

D. ELABORATE
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magpapakita ako ng mga larawan ng iba’t-ibang
sitwasyon na kaugnay sa matinding init ng araw, na
kung saan sasabihin ninyo kung ano ang inyong
gagawin upang maprotektahan ang inyong mga sarili
sa bawat sitwasyon na ipapakita ni Teacher MJ.

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |6
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
1.

Sa Sandro at ang kanyang pamilya ay pupunta sa


beach upang ipagdiwang ang kaarawaan ng iyong
kapatid ngunit si Sandro, ay hindi alam ang gagawin
upang maprotektahan ang kanyang sarili. Ano kaya sa
tingin nyo ang kanyang gagawin?

2.

Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay naglalaro sa labas


ng inyong bahay, ikaw ay nakakaramdam ng init at
uhaw, Ano ang iyong gagawin?

3.

Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng tinapay


sa tindahan. Napansin mo na tirik ang araw sa labas.
Upang maiwasan ang matinding init, ano sa tingin mo
ang kailangan mong gawin at dalhin?

E. PAGTATAYA

1. Ano ang araw?


a. Planeta
b. Buwan
c. Bituin
d. Ulap

2. Anong kulay ng bituin ang may pinakamainit na temperatura?


a. Puti at asul
b. Pula
c. Dalandan at dilaw
d. Rosa

3. Alin sa mga pangungusap ang totoo?


a. Ang lahat ng bituin ay magkakaparehas ng kulay.
b. ang lahat ng bituin ay magkakapareho ng laki.
Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________
EEDM202b |7
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
c. ang mga bituin ay magkakaiba ng kulay at laki.
d. ang bituin at buwan ay iisa.

4. Bakit maliit tingnan ang bituin sa ating mundo?


a. Dahil maliit ang bituin
b. Dahil ang bituin ay malayo sa ating mundo.
c. Dahil ang mga bituin ay parang mga buhangin lamang ang laki.
d. Wala sa nabanggit.

5.Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili sa matinding init ng araw?


a. Uminom ng mainit na sabaw
b. Magbilad sa arawan
c. Maglagay ng sunscreen
d. Huwag gumamit ng paying kapag nasal abas ng bahay.

KASUNDUAN:

Gumihit ng larawan na nagpapakita ng mga halimbawa ng tamang pag-iingat sa


matinding init ng araw.

Mga pamantayan at krayterya sa pagmamarka ng ginuhit

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS


Nilalaman Wasto at makatotohanan ang 10
impormasyon. Nakatutulong upang
makapag-ingat sa matinding init ng
panahon.
Kaangkupan Madaling maunawaan ang mga 7
ginuhit at simbolo sa ginawang
drawing.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon ang m 3
maayos na larawan at kulay na
ginamit.
Kabuuan 20

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |8
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta
Kalakip 1.1 (Mga ginamit na concept map, pamantayan atbp.,)

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS


Nilalaman Wasto at makatotohanan ang 10
impormasyon. Nakatutulong upang
makapag-ingat sa matinding init ng
panahon.
Kaangkupan Madaling maunawaan ang mga 7
ginuhit at simbolo sa ginawang
drawing.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon ang m 3
maayos na larawan at kulay na
ginamit.
Kabuuan 20

Inihanda ni: MARY JEAN U . ODIMER Iwinasto ni:_______________________________


EEDM202b |9
(Pangalan) Gng. Roxan S. Zoleta

You might also like