Naratibong Ulat (Karagatan)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan


Kampus ng Lingayen
Lingayen, Pangasinan
Unang Semestre, Taong Panuruan 2022-2023

Naratibong Ulat
(Karagatan)
Ipinasa nina:
Ballester, Rogielyn D.
Cajigas, Loren S.
De Guzman, Diana V.
Dela Cruz, Leila A.
Gonzales, Julie Ann B.
Nilayan, Xyla Joy I.
Vargas, Joana Faye R.
III-BSEd Filipino

Ipinasa kay:
Bb. Mary Grace E. Ubando
Instruktor

NARATIBONG ULAT SA DULANG KARAGATAN


Bago nagsimula ang pormal na dula-dulaan nagkaroon muna ng palabunutan
para sa bilang ng pagkakasunod-sunod ng pagprepresenta sa iba’t-ibang uri ng dula.
Pagkatapos nito ay agad-agad na ipinaalam sa lahat ang bilang ng bawat pangkat. Ang
aming grupo na magdudula ng dulang karagatan ang siyang unang pangkat na
magprepresenta. Bilang unang magprepresenta, dama ng bawat isa sa aming pangkat
ang kaba. Subalit sa kabila nito, mas nanaig sa amin ang dedikasyon at kagustuhan na
maipakita ang aming inihandang dula-dulaan.

Ang aming dula ay nag-umpisa sa eksena sa isang paaralan na kung saan ang
guro (sa pagganap ni Loren S. Cajigas) ay magtatalakay ng panibagong dulang
pantahanan, ang dulang karagatan. Bilang ito ay bago pa lamang na aralin, ang
kaniyang mga estudyante ay lubos na nagigitlahanan kung ano ito. Kaya naman ang
guro ay nagbigay ng halimbawa at ipinanood sa kanila ang patungkol sa karagatan sa
pamamagitan ng pagsasadula rin mismo ng mga tauhang kabilang din sa unang
eksena. Bago ipalabas ang eksena kung saan ipinapakita ang dulang karagatan
nagkaroon muna ng isang eksena sa pagpanaw ng isang taong lubos na mahalaga kay
Mayumi (sa pagganap ni Joana Faye R. Vargas). Dito pumasok din ang isa pang
tauhan na si Dalisay (sa pagganap ni Xyla Joy I. Nilayan) na malapit na kaibigan ni
Mayumi na makakasama rin niya sa isang pondahan na sa ngayon ay tindahan ang
katawagan. Ang eksenang ito ay lubhang mabigat para sa dalawang tauhan sapagkat
ito ay nangangailangan ng matinding emosyon nang sa gayon ay maipakita ang
pagdadalamhati at paghihinagpis. Sa pagtatapos ng eksenang ito agad-agad pumasok
ang eksena na naganap sa pondahan ni Dalisay. Dito ipinakita ang pagsasadula ng
dulang karagatan na itinuturing bilang isa sa matandang anyo ng panitikan na ginawa
ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Sa pondahan ay may dalawang
pangkat sa magkabilaan ng mesa, ang pangkat ng binata at dalaga na magkaharap. Ito
ay umiikot sa singsing ni Dalisay na nalaglag o nahulog sa gitna ng dagat. At kung sino
man ang makakakuha ng singsing ni Dalisay ay kanya itong pakakasalan. Subalit, hindi
naman nangangailangan na lumangoy o sumisid mismo sa dagat ang mga binata na
nais makaisang dibdib si Dalisay. At sa pagpapatuloy ng dula, si Tandang Aba (sa
pagganap ni Rogielyn D. Ballester) ang nagpasimula ng palaro, siya ay nagbigay ng
palabunutan sa pamamagitan ng paggamit ng palito at kung sino ang makabubunot ng
mahabang sukat ng palito ay siyang mauunang magpahayag ng kaniyang pag-ibig kay
Dalisay. Si Ondong (sa pagganap ni Diana V. De Guzman) ang unang sasalang.
Ikalawa naman si Felipe (sa pagganap ni Julie Ann B. Gonzales) at huli si Aurelio (sa
pagganap ni Leila A. Dela Cruz). Ang mga binata ay sumagot ng mga katanungang
binigkas ni Dalisay, kanila itong sinagot ng punong-puno ng lakas ng loob, kumpyansa
at sa patalinghagang pananalita. Subalit sa huli, si Aurelio ang nakakuha ng singsing ni
Dalisay at siyang itinakdang nagwagi ni Tandang Aba sa palaro ng karagatan. Sa
pagtatapos ng dula, bumalik ang eksena sa paaralan kung saan nagtanong ang guro
kung ang dulang karagatan na kanilang aralin ay maliwanag na sa kanila base sa
kanilang pinanood na halimbawa nito. Dali-dali namang sumagot ang mga mag-aaral at
nagbigay ng kanilang mga naunawaan ukol sa dulang kanilang napanood, ang
karagatan. Sa kanilang mga sinambit ay talagang naunawaan ng mga ito ang patungkol
sa dula kaya naman maagang pinauwi ng guro ang mga ito. Kasabay nito ay dito na rin
nagtapos ang presentasyon ng aming grupo.

Tunay na bahagi ang dulang karagatan sa aliwang Pilipino. Sa pamamagitan


ng dulang ito, ating nabibigyan ng pang-aliw ang mga naulila ng isang yumao. Ito ang
paraan upang kahit papaano ay matulungan natin silang kalimutan ang paghihinagpis
na kanilang nararamdaman, ang sakit na unti-unting nagpapahina sa kanilang katawan
at ang pagkabahalang hindi na muli mababalik sa dati ang saya sapagkat sila na ay
naulila ng isa sa pinakamahalaga na parte o bahagi ng kanilang buhay. Higit pa riyan,
ang dulang karagatan ang nagpapakita na kahit ano mang pagsubok at pagkasawi may
isang bagay na ibibigay sa iyo ang Panginoon upang ang iyong pakiramdam ay
gumaan at unti-unti ay manumbalik sa dati nitong kasiyahan. Gaya ng larong karagatan
na siyang nagbibigay sigla at aliw sa mga taong namatayan.
Dokumentasyon

You might also like