Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:

Kurso at Seksyon:

Pagsasanay Blg. 2

Panuto: Batay sa pagtatalakay sa tatlong kategorya ng mga pag-aaral at pananaliksik sa


Filipinolohiya bilang disiplinang Filipino, ibigay at ipaliwanag ang kategorya ng mga
sumusunod na artikulo o pag-aaral batay sa kanilang pamagat at paksa.

KATEGORYA
ARTIKULO/PAG-AARAL (Disiplinal, Paliwanag
Interdisiplinal,
Multidisiplinal)
1. Midya, Eleksyon at ang Politikal na
Reimahinasyon: Ang Muling Pag-aakda sa
Campaign Jingle na “Naging Mahirap”
Michael Francis C. Andrada

Sa mga larangan ng panitikan at kulturang


popular, ang penomeno ng muling pagkatha ng
kantang “Naging Mahirap” ay maaaring suriin
bilang bahagi ng isang pangkulturang praktis ng
pagkatha sa Filipinas na tumutulay sa
interbensiyon at mediation ng bagong midya, ng
negosyo, ng tradisyonal na politiko at ng
multiepistemolohikong mamamayan. Kung kaya
sa papel na ito, sa pamamagitan ng pagsusuri ng
diskurso, nilalayong (1) ipakita ang iba’t ibang
pamamaraan ng muling pagkatha ng
mamamayan sa political jingle na “Naging
Mahirap,” at (2) suriin ang mga ideolohiya at
politikal na imahinasyon ng orihinal at binagong
mga tekstong ibinunga ng muling-pagkatha.

Makikita ang buong papel sa:


https://journals.upd.edu.ph/index.php/
djwf/article/view/6073
2. Ang Dialect Area ng Bicol-Sorsogon:
Isang Pagsusuri
Farah C. Cunanan

Iba’t ibang variety ang sinasalita sa probinsiya ng


Sorsogon. Bagaman ‘Bikol’ din ang tawag ng
mga taga-Sorsogon sa kanilang sinasalita, tulad
ng sa buong rehiyon ng Bikol, alam nilang
magkakaibang Bikol ang ginagamit sa iba’t ibang
bahagi ng probinsiya. Layon ng papel na ito na
tingnan ang internal na relasyon ng mga variety
ng Bikol na sinasalita sa probinsiya.

Makikita ang buong papel sa:


https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf
/article/view/4966
3. Wika at Katauhang Babae: Mula Mito
Hanggang Panahong Moderno
Ruth Elynia Mabanglo
Mahalaga ang pangalan at panawag sa alinmang
lipunan. Sa maraming pagkakataon,
mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa
paglikom ng kapangyarihan o lakas para sa
makasariling layon. Hindi mahirap unawaing
nakatutulong ang panawag/diskripsyon o
kasabihan at salawikain o imahen sa literatura at
sining, sa pagbubuo ng tao ng sarili niyang
palagay o konsepto ng kanyang sarili. Binibigyan
ng kahulugan at kabuluhan ng wika ang
pagkatao at katauhan ng tao. Sabi nga nina
Francine Frank at Frank Ashen, "kung pag-aari
ng pinangalanan ang pangalan, ang karapatan
sa pagpapangalan ay nagtataglay ng
kapangyarihang bigyang kahulugan ang
pinangalanan." Tinatalakay sa papel na ito ang
ilang mga larawan at imahen ng babae na
matatagpuan sa mga mito hanggang sa
kasalukuyang panahon. Partikular na tinitingnan
ang papel ng wika sa patuloy na pagpapanatili
ng negatibong imahen na malayo sa tunay na
katauhan ng babae.

Makikita ang buong papel sa:


https://ejournals.ph/article.php?id=7959

You might also like