Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Montajes, Jerby Ross L.

BS Entrepreneurship

APLIKASYON 5
Gawain 3: Pagpapaliwanag

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga makanasyunalismong ginawa at itinuro ni Rizal sa panahon ng kanyang


pananatili sa dapitan?

Maraming mga plano na gustong tuparin si Rizal noong siya ay naglalakbay sa ibang bansa para
sa Pilipinas. Noong siya ay nanirahan sa Dapitan ay pawang tinupad at isinabuhay niya ang mga
planong iyon na tulungan, itaguyod at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Ang mga
makanasyunalismong ginawa at itinuro ni Rizal ay ang reporma sa lupa, pagsulong sa
importansya ng edukasyon at mga programang pangkalusugan. Bukod sa mga ito ay naging
isang ikonikong personalidad siya na hinahangaan ng nakakarami dahil sa kaniyang kabutihan at
kagalingan sa maraming bagay.

2. Bakit hindi masyadong nabigyang pansin ang adbokasya ni Rizal ukol sa edukasyon?

Hindi masyadong nabigyan ng pansin at oportunidad ang programa ni Rizal sa edukasyon


sapagkat siya ay tinutulan ng mga kastila at dahil narin maliit ang tingin nila sa mga Pilipino na
naniniwalang wala tayong karapatang matututong magsulat, magbasa at maging edukado.

3. Bakit tinawag si Rizal na Doctor Uliman?

Tinawag si Rizal na Doctor Uliman ng mga taga Calamba dahil siya ay nagtayo ng pagamutan
doon at naglingkod sa mga taong may sakit at karamdaman. Siya ay binansagan ng ganoong
pangalan dahil narin siya sa galing Germany at naging usap-usapan sa mga karatig bayan ang
kanyang kabaitan at paglilingkod sa mga tao.
4. Paano umunlad ang katauhan ni Dr. Jose Rizal mula sa kanyang mga karansan mula
pagkabata hanggang sa kanyang paglaki?

Ang buhay ni Rizal ay maganda sa aking opinyon sapagkat siya ay galing sa marangyang pamilya
at lumaking may oportunidad sa edukasyon habang nararanasan parin ang buhay kalye kagaya
ng mga ordinaryong bata. Siya ay nakapag-aral sa mga mayayabong at kilalang paaralan at
nakapaglakbay sa ibang bansa at nag-aral.

5. Paano naging malaking balita sa mundo ang pag-execute kay Rizal?

Naging malaking balita ang pagpatay kay Rizal sa buong mundo sapgkatan siya ay naging isang
ikonikomg personalidad at nakapagbigay ng impluwensya at inspirasyon sa mga tao lalong lalo na
sa mga kabataan na ipaglaban ang kanilang karapatan at makuha ang tinatamasang kalayaan.

You might also like