Professional Documents
Culture Documents
Reviewer Finals
Reviewer Finals
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Komunikasyong Intrapersonal - Kung saan nagaganap ang komunikasyon isipan ng isang tao.
Komunikasyong Interpersonal -Tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaaring sa pagitan
ng dalawang tao o sa maliit na grupo.
Komunikasyong Pampubliko - Kung dati rati ito ay patungkol sa pagtatalumpati o pagsasalita sa harap
ng maraming tao,ngayon ay saklaw na rin ng antas na ito ang komunikasyong pampolitika,panlipunang
pamimili at pagtitinda,pagpapatatag ng samahan,at estratehikong pananaliksik.
Kakayahang Diskorsal - May dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang
diskorsal - ang cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay.
Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak
ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan. Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang
taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkakaugnay.
- Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang
makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng
wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang
makabuluhang kahulugan.
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo
1. Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago ang pag-uugali at
layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba't ibang inter-aksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng
posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo- ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at
nauunawaan.
6. Kaangkupan (Appropriateness)
Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikativo ay
ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo,
naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng paguusap, o sa taong
kausap.
Kakayahang Pragmatik – natutukoy nito ang kahuluguhan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay
sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay
sa paggamit at sa konteksto.
Sinabi ni Paul Grice, isang Britong lingguwista, ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng
dalawang bahagi:
1. Kung ano ang sinabi o eksplisit
2. Kung ano ang ipinahihiwatig ng isang pahayag o implisit
Halimbawa: Nawala ang pitaka ko! Ipinapahayag sa halimbawang ito ang sitwasyong nahulog/naiwan/o
nanakaw ang pitaka ng nagsasalita gayundin ito ay maaaring may pragmatic na kahulugang direktib na
nakikiusap ng pag-utang.
URI NG KOMUNIKASYON
Berbal na Komunikasyon - ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o
pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at
kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensiya at seminar. Pasulat
naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas
na liham, at iba pa.
Di Berbal na Komunikasyon - Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa
pakikipag-usap sa mga taong napapaloob sa sariling kultura. Sa katunayan, tinatayang 70 porsiyento ng
isang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na elemento (Maggay 2002).
1. Kinesika (Kinesics) — tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekpresyon ng mukha,
galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxemics) — tumutukoy sa oras at distansiya sa pakikipag-usap. Ang oras ay maaaring
pormal gaya ng isinasaad ng relo, o impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng mga terminong
“ngayon na,” “sa lalong madaling panahon,” at “mamaya na.” Ang distansiya naman ay nagbabago rin
depende sa natamong ugnayan sa kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakilala ay may mas
malaking distansiya kumpara sa mga taong matalik na magkakaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) — itunuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan.
Halimbawa nito ay pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.
4. Vocalics — pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama rito
ang pagsutsot, buntong-hininga. Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis o bagal na nagbibigay linaw sa
verbal na komunikasyon.
Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ni Dua (1990), ang ilan sa mga pangunahing dahilan sa hindi
pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay puwedeng mag-ugat sa tatlong posibilidad na
maaaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng:
• Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.
• Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kanyang intensiyon
• Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa iba't ibang kadahilanan
tulad nang nahihiya siya, at iba pa.
Ayon pa rin kay Dua (1990), ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay maaari ding mag-
ugat sa tagapakinig tulad ng sa sumusunod na sitwasyon:
• Hindi narinig at hindi naunawaan
• Hindi gaanong narinig at hindi gaanong naunawaan
• Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkaunawa
• Narinig at naunawaan
Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Sannoniya (1987), ang tagapakinig ay nakapagbibigay ng maling
interpretasyon sa narinig kahit hindi naman ito ang ibig sabihin ng kanyang kausap base sa kanyang
inaasam, inaakala, kalagayang emosyonal, at personal na relasyon sa nagsasalita.
S (Setting)- Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao/ Mahalagang salik
ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao.
P (Participant)- Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alangalang din natin ang ating kausap upang
pumili ng paraan kung paano siya kakausapin.
E (Ends)- Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o
layunin sa pakikipag-usap. Hindi ba't kung tayo ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraang
nagpapakita ng pagpapakumbaba.
A (Act sequence)- Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. Minsan ay nag-
uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay madalas itong humahantong
sa mapayapang pagtatapos.
K (Keys)- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal.
I (Instrumentalities)- Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat. Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ang sasabihin natin at kung
saan natin ito sasabihin.
N (Norms)- Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan, May mga sensitibong
bagay na kung minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman.
G (Genre)- Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran. Dapat iangkop
ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa miskomunikasyon sa genre ay
hindi nagkakaunawaan ang magkausap.
Binuo ni Dell Hymes ang modelong ito upang itaguyod ang pagsusuri ng diskurso bilang serye ng
usapan sa isang kontekstong kultural.
Ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang
tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit ng pormal na wika
(halimbawa: "Magandang araw po! Kumusta po kayo?") sa pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at
may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika
Ang pananaw ni Savignon (1972), isang propesor sa University of Illinois, ang competence ay ang
batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang performance ay ang paggamit ng tao
sa wika.Idinagdag niya na ang kakayahan o kaalaman ng tao sa wika ay makikita, madedebelop, at
matataya lamang gamit ang pagganap. Itinutumbas niya ang kakayahang pangkomunikatibo sa
kakayahang gamitin ng tao ang isang wika.
2. Morpolohiya o Morpoloji (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita)
- Iba’t ibang bahagi ng pananalita
- Prosesong derivational at inflectional
- Pagbubuo ng mga salita
3.Leksikon (mga salita o bokubularyo)
- Pagkilala sa mga: Content words (pangngalan, panghalip)
Function words (Pandiwa, pang-uri, pang-abay, pang-ugnay at iba pa)
Konotasyon at denotasyon
Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pangsubordinate na salita)
4.Ponolohiya o Ponoloji
- Segmental (katinig, patinig, tunog na impit)
- Suprasegmental (diin, hinto o antala, intonasyon)
5. Ortograpiya
- Mga grafema (titik at di titik)
- Pantig at palapantigan
- Tuntunin sa pagbaybay
- Tuldik
- Mga bantas
Ang bibliyograpiya- ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang materyal na ginamit.
Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala: ang tuwirang sinipi, hawig, at buod.
- Tuwirang sinipi kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi
sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
- Buod kung ito'y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito'y maikli subalit
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Ito ang pinakamadalas
gamitin sa pagkalap ng tala.
- Hawig kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.