Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

1

Mga Prinsipyo ng Komunikasyon


Ang komunikasyon ay ang dalawahang proseso ng pagtanggap at pagkuhha ng impormasyon mula sa iba’t
ibang tao, lugar, o pinanggagalingan (Sources o channels). Ilan sa mga halimbawa ng prinsipyo ng
komunikasyon ay ang mga sumusunod:
 Alamin o kilalalnin ang iyong tagapakinig:
 Alamin o kilalanin ang iyong sadya o nais na ipabatid;
 Alamin ang iyong topic
 Asahan ang mga pagtuligsa o mga taliwas na opinyon
 Ipakita ang kabuuan
 Gawing mas kapani-paniwala ang sarili sa iyong mga tagapakinig;
 Huwag paputol putol;
 Magkaroon ng koneksyon sa iyong tagapakinig
 Magpakita ng impormasyon sa iba’t ibang pamamaraan
 Mag-isip ng isang magandang paraan upang makuha ang opinyon ng inyong tagapakinig at
 Gumamit ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon.

Etika
- Ay isang sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang lipunan.
Bawat desisyong ating ginagawa ay may kaloob na etikal na dimensyon. Samakatuwid, bawat tao, bago pa
man siya magpasya ay maraming isinasaalang-alang gaya ng;
 Epekto ng Desisyon
 Damdamin
 Panlipunang pananaw
 Relihiyon
 Paniniwala

Pinagmulan ng Etika
- Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang natatamo ng tao. Ang mga pagpapahalang ito ay
maikakategorya sa tatlo:
 Personal na etika
- Ito ang pagpapahalagang natatamo ng tao mula sa pamilya, kultura at pananampalataya mayroon siya.
 Panlipunang etika
- Ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na kinalakihan ng isang tao. Ito ay
karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating pamayanan.
 Etikang pangkonserbasyon

Apat na kategorisasyon kaugnay sa Palipunang Etika

Karapatan
- Pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula ng siya ay isilang
Hustisya
- Tumutukoy sa pagbibigay ng patas na pagtingin
Epekto
- Tinatanaw nito ang interes ng nakakarami kaysa iilan
2

Pagkalinga
- Tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging mapangalaga

Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal


1. Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng impormasyong dapat nilang mabatid.
2. Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan.
3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa.
4. Kung may alinlangan, isagguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo.
5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung makakaapekto ito sa impormasyong
tatanggapin ng mambabasa.

Sampung Pangunahing Etika sa Komunikasyon


1. Laging gawing mahusay ang pakikipagkomunikasyon na magkaroon ng interaksyon sa kausap.
2. Making kapag nagsasalita
3. Iwasang maging mapanghusga sa pagpapahayag, pagsasalita man o pasulat.
4. Magpahayag nang mula sa sariling karanasan at perspektibong maibahagi ang sariling naiisip,
pangangailangan at damdamin.
5. Sikaping maunawaan ang kausap kaysa igiit na talagang tama ang inyong pag-unawa o sinasabing iyon
lamang ang ibahagi.
6. Iwasang magsalita para sa iba na hindi naman makatitiyak na pareho ang inyong pag-unawa o
sinasabing iyon din ang mga opinyon ng nakararami
7. Magkaroon ng limitasyon sa mga ipinapahayag na kung ano lamang ang hangganan ng inyong
nalalaman ay iyon din lamang ang ibabahagi.
8. Igalang din kung ano lamang ang nalalaman ng kausap.
9. Iwasan din ang biglang pagsingit habang may sinasabi pa ang kausap at huwag magbigay ng biglaang
komento sa sinasabi ng kausap.
10. Tiyaking ang kausap ay nakakapagsalita rin at hindi nadodomina ang usapan.
Sa pakikipagkomunikasyon, magagawa ng pagkakaroon ng etika na maging katanggap-tanggap ang mga
ipinapahayag, makapagpapa-unlad ng proseso ng pagdedesisyon at nagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa ang mga
nag-uusap.

Sanggunian:
Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning Komunikasyon ni Acorpa, J., Soriano, M., et al (2018)
3

KABANATA 2

KOMUNIKASYON AT GLOBALISASYON
Inaasahang Matutuhan:
Maipaliliwanag kung paano nakaapekto sa komunikasyon ang mga usaping kultural at pandaigdig; at
Mapahahalagahan ang impak ng komunikasyon sa lipunan at sa mundo.

Hindi na bago ang terminong komunikasyon at ang konseptong ito ay kasintanda na ng tao. Ngunit, ang
terminong globalisasyon ay isang terminong kamakailan lamang. Isa pa, samantalang konsepto ng
komunikasyon ay nauunawaan ng halos lahat, ang konsepto ng globalisasyon ay hindi. Ano, kung gayon ang
globalisasyon?

A. ANO ANG GLOBALISASYON?


Ayon sa http://www.globalization101.org, ang globalisasyon ay ang proseso ng interaksyon at
integrasyon ng mga tao, kompanya at gobyerno ng iba-ibang bansa; isang prosesong hatid ng internasyonal na
kalakahan at pamumuhunan sa tulong ng impormasyong teknolohiya. Ang prosesong ito ay may epekto sa
kapiligran, kultura, sistemang political, kaunlarang ekonomiko at sa pisikal na kalagayan ng mga lipunan sa
libot ng mundo.
Inilarawan ni Heywood (2013). Ang globalisasyon bilang isang madulas at mailap na konsepto. Sa
kabila ng umiigting na interes sa phenomenon ng globalisasyon noon pang dekada ’80, ang terminong ito ay
ginagamit pa rin upang tukuyin ang proseso, polisiya, estratehiyang pampilihan, isang predikamento, o kahit pa
isang ideolohiya. Ang problema sa globalisasyon ay hindi ito isang proseso lamang kundi isang masalimuot na
proseso, minsan nagpatong-patong at nagdidikit-dikit na mga proseso, at minsan , nagtaliwasan at naglaban-
laban. Marahil, ang pinakamahusay na pagtatangka ay ang ideya ni Kenchi Ohmae ng mundong walang
hanggan o borderless world. Hindi lamang ito tumutukoy sa tendensiya ng tradisyonal na hangganang political,
batay sa pambansa at pang-estadong hangganan upang makapunuot. Ipinpahiwatig din nito ang dibisyon sa
pagitan ng mga tao na dati’y pinaghihiwalay ng oras at espasyo na naging hindi na gaanong mahalaga at
magkaminsan ay wala na ngang halaga…
Kung tutuusin, ang globalisasyon ay hindi na bago. Ang mundo ay globalisado na kahit bago pa man
naimbento ang terminong globalisasyon. Halimbawa, libong taon na ang tao, kalaunan, maging mga
korporasyon – ay bumibili at nagbebenta sa malalayong lupain, tulad sa pamamagitan ng kilalang silk road sa
Gitnang Asya na nagdurugtong sa Tsina at Europa noong Gitnang Panahon. Gayon din, daan taon nang ang
mga tao at mga korporasyon ay namumuhunan sa mga negosyo sa ibang bansa . sa katunayan, marami sa mga
katangian ng kasalukuyang alon ng globalisasyon ang katulad ng mga umiiral na bago pa sumiklab ang unang
digmaang pandaigdig noong 1914.
4

Ngunit, ang mga polisiya at pag-unlad ng teknolohiya nitong mga hulning dekada , maraming gobyerno
ang gumamit ng malayang pamilihan sistemang pang-ekonomiya na nagpataas ng kanilang potensyal sa
produksiyon at lumikha ng napakaraming oportunidad para sa internasyonal na kalakalan at pamumuhuhnan.
Nagawa rin ng mga gobyerno ang dramatik na bawasa ang mga sagabal sa komersyo at sila’y nakapagtatag ng
mga kasunduan na nagtataguyod ng kalakal., serbisyo at puhunan. Dahil sinasamantala ng korporasyon ang mga
adbentahe ng mga bagong oportunidad, nakapagtatag sila ng mga pagawaan at nakapagtatag ng mga
produksyon at mga kaayusang pampamilihan sa kani-kanilang dayuhang partner. Ang mahalagang katangian ng
globalisaysyon kung gayon ay ang internasyonal , industriyal na estrukturang pangnegosyo.
Teknolohiya ang isa pang prinsipal na tagasulong ng globalisayon. Partikular na ang mga pag-unlad sa
impormasyong teknolohiya ang lubos na bumago sa buhay ekonomiko. Ang mga teknolohiyang pang-
impormasyon ang nagbigay sa lahat ng uri ng indibidwal na ekonomikong-aktor-konsyumer, imbestor,
negosyo- ng mahahalagang kasangkapan sa pagtukoy at pagpapatloy ng mga ekonomikong oportunidad,
kabilang ang masmabilis at mas-impormadong mga pagsusuri ng mga ekonomikong trend sa buong mundo,
mabilisang paglilipat ng mga mahahalagang pag-aari o asset, at kolaborasyon sa mga partner sa malalayong
lugar.

B. IMPAK SA GLOBALISASYON
Sa artikulong pinamagatang The Impact Of Globalization On Communication Skills Development, sinabi
ni David Ingram na ang paglinang ng kasanayang pangkomunikasyon ay mahalagang salik sa tagumpay ng
negosyo, ngunit ang impluwensiya ng globalisasyon at kros-kutural na interaksyon nitong mga nakalipas na
dekada ay nakaapekto nang lubos sa uri ng kasanayang pangkomunikasyong kailangan. Ang mga negosyante ay
hindi lamang kailangang makipagkomunikeyt nang mahusay sa mga taong may katulad nilang kultura.
Samakatwid, kailangan maunawaan ang dyanamiks ng malalayong distansyang kolaborasyon, ang
impak ng kultura sa paraan ng pananalita at lenggwahe ng katawan o body language, at kung paanong gamitin
ang teknolohiya upang makipagkomunikeyt sa mga tao sa kabilang bahagi ng mundo:
1. Birtwal na Interaksyon. Ipinakilala ng globalisasyon ang birtwal na komunikasyon at kolaborasyon, ang
pangunahing bahagi ng akademiko at pantrabahong dyanamiks kailangang maunawaan ang kalakasan at
limitasyon ng iba’t ibang midyang pangkomunikasyon, at kung paano magagamit ang bawat midyum tungo sa
maksimum na epekto. Halimbawa, ang pakikipagkominikeyt sa pamamagitan ng email sa malayong lider ng
pangkat ay nangangailangan ng ilang etiketa at pananarinari o nuances na madalas ay hindi kailangan sa
harapang interaksyon. Gayon din, kailangan ng bagong lapit sa mga birtwal na pagpupulong, at ang mga taong
sanay na sa mga birtwal na pagpupulong, at ang mga taong sanay na sa mga birtwal na setting. Ito ang dahilan
kung bakit sinusubukang tugunan ng mga paaralan ang hamon ng birtwal na interaksyon.
2. Kamalayang Kultural sa Pananalita. Ang pangangailangan ng kultural na kamalayan ay isang
pangunahing impak ng globalisasyon sa mga kailangan set ng kasanyan tungo sa epektibong komunikasyon, na
nagresulta sa obolusyon ng mga programang lumilinang sa mga kasanayang pangkomunikasyon. Sa trabaho at
paaralan, halimbawa, kailangan ng abilidad sa pagkaptyur ng mga mapanlinlang na pananarinari o nuances ng
paraan ng pananalita ng mga tao sa tuwing nakikipagkkomunikeyt sa iba-ibang kultura. Kahit pa ang mga tao ay
nagsasalita ng parehong wika, ang pagkakaiba sa kultura ay maaring makaapekto sa bokabularyo, ekspresyong
kolokyal, tono ng boses at mga paksang taboo.
Sa kulturang Hapon, halimbawa, maaring ipalagay na kabastusan ang pagtatanong ng mga personal na
impormasyon sa isang insiyal na pulong. Sa Amerika, samantala, ang pagtatanong ng mga personal na
impormasyon at pagbabahagi ng mga ito ay maaring ipalagay na mainit na pagtanggap/pakikitungo o
5

kabukasan. Kung alam ito g mga negosyanteng Hapon at Amerikano, maari silang makapagkomunikeyt sa isa’t
isa sa paraang masmabisa.
3. Kamalayang Kultural sa Lenggwahe ng Katawan. Ang kamalayang kultural sa iba-bang lenggwahe ng
katawan ay maaring kasinghalaga ng pananari sa pananalita. Ito ang dahilan kung bakit itinuturo sa mga
paaralan ang katanggap-tanggap na distansya sa pakikipag-usap, kontak ng mata at postyur sa iba’t ibang
kutura, upang matanggap na ang isang ekspresyong pisikal sa isang kultura ay maaring hindi unibersal na
katanggap-tanggap. Itinuturo rin ito sa mga estudyante upang maihanda sila sa mga harapang pakikipagpulong
sa kanilang mga dayuhang tagatustos, kostumer o miyembro ng pangkat kapag sila’y naging propesyunal na.
4. Pagkakaiba sa Oras. Ang pagsilang ng global na kolaborasyon ay nagpapakilala ng bagong daynamik sa
kasanayang pangkomunikasyon ang pangangailangan makipagkomunikeyt at magbahagi ng impormasyon sa
mga taong nasa lugar na may ibang sona ng oras, kapag ang mga tao ay nakikipagkolaboreyt sa kabilang bahagi
ng mundo, ang kanilang kaytuwang ay malaang na nasa bahay at natutulog, samantalang sila ay nagtratrabaho.
Ito ang dahilan kung bakit kailangang ituro sa mga paaralan ang pangangailangang komunikasyon ng iba ayon
sa estilo at kultura ng iba’t ibang bansa. Ang kasanayang ito ay partikular na kailangan, halimbawa, sa ating
mga call center na nagsisilbi sa mga kliyente sa mga bansang may ibang sona ng oras.
C. IMPAK NG GLOBALISASYON SA GLOBAL NA KOMUNIKASYON
Ayon kay Daney (2017), pinarami ng proseso ng globalisasyon ang abeylabol na impormasyon para sa
mga tao sa buong mundo. Sa pamamagitan ng Internet at sulong ng serbisyo ng mga kumpanya ng mobile
cellphones, nakagtatalakayan ang mga tao ng mga plano at panukala sa negosyo sa internasyonal na lebel, at
nakapagpapalitan sila ng mga pribadong datos nang ligtas. Ang mga pangkomunikasyon serbisyong global ay
nakapag-ambag din sa pagkapukaw at pag-unlad ng prosesong political sa ilang estado.
Inisa-isa ni Daney (2017) ang tatlong mahahalagang impak ng globalisasyon sa global na komunikasyon
at tinutukoy niya ang pangunahing problema.
1. Abeylabiliti ng Impormasyon. Ito ang pangunahing epekto ng proseso ng globalisasyon. Ipinahayag ng
World Health Organnization (WHO) sa kanilang mga gawaing nakatuon sa kultural na dimension ng
globalisasyon na bumaba na ang gastos sa impormasyong teknolohuya dahil sa pagdami ng mga negosyong
nagdedeliber ng Internet, Satelayt na telebisyon at mga serbisyong mobile. Naging masmadali na para sa mga
tao sa buong mundo ang paggamit ng World Wide Web at ng mga abeylabol na resources dahil sa pagbaba ng
presyo nito.
2. Pagsasagawa ng Bisnes. Naimpluwensyahan ng globalisasyon ang global na komunikasyon sa pamamagitan
ng pag-iimplement ng mga bagong teknik para sa business conduct g mga manggagawa sa mga internasyonal na
korporasyon. Hindi kailangang maglakabay sa malalayong lugar kung kailangang pulungin ang isang partner sa
ibang bansa. Dahil sa teknolohiya ng Internet, possible na ang pagpapalitan ng mga impormasyong pambisnes
at ang mga bidyo konperens. Bilang karagdagan, dahil sa maunlad na komunikasyon, naisusulong ng mga
negosyo ang kanilang mga produkto nang mas-episyente sa internasyonal na pamilihan. Dahil dito, Malaki ang
ipinagbagi ng mundo ng negosyo.
Sa kanyang mga akda hinggil sa paksa, ang Amerikanong ekonimistang si John Thompson ay
humanting sa kongklusyon na nagawa ng mga internasyonal na organisasyong magpasya nang masmabilis at
sapat nang ayon sa pagbabagong ekonomiko, political o sosyal dahil sa mga maunlad na paraan ng
komunikasyon. Halimbawa, inilarawan ni Boonlert Supadhiloke, isnag propesor ng komunikasyon sa Bangkok
University, na natugunan ng mga korporasyong panteknolohiya na nakabase sa Thailand ang lumalaking
demand sa mga produktong gawa sa Thailand gamit ang mauunlad na komunikasyon.
6

3. Kamalayang Panlipunan. Ang abeylabiliti ng impormasyon na siyang direktang epekto ng pag-unlad ng


mga Sistema ng global na komunikasyon ay humahantong sa mataas na kamalayang panlipunan ng mga tao sa
mundo. Dahil sa teknolohiya at network ng impormasyon, nakapagbabahagi sila ng kanilang mga opinyon at
pananaw, at nakapagtatrabaho sa mga proyekto at pananaliksik sa iba-ibang larangan.
Ang edukasyon ay isang sektor lamang ng kamalayang panlipunan. Iba pang epekto, tulad halimbawa ng
panlipunan determinasyon, ang naganap. Halimbawa, sa Tunisia noong simula ng 2011, ang kaganapang
political ay inspirado ng mga opinyon at political na konsiderasyon na ibinabahagi sa mga social network na
abeylabol sa web.
4. Ang Problema. Sa kabila ng mabilis, malawakan at patuloy nap ag-unlad, hindi pa rin nararating ng global
na komunikasyon ang mayorya ng mga tao sa lahat ng kontinente. Ayon sa WHO, humigit-kumulang sa 70
porsyento ng mga tao sa Africa ang hindi nakatatawag sa telepono o nakagagait ng Internet. Pinupunto lamang
nito ang pangangailangan sa higit na ekstensibong aplikasyon ng teknolohiya sa komunikasyon bilang bahagi
ng globalisasyon.
D. PINAGMULAN NG WIKA
Maraming paniwala ang eksperto kung saaan nagmula ang wika, at kung paano tayo nagkaroon ng wika narito
ang mga sumusunod na paliwanag.
Teorya sa Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa
pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat,
napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon.
Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore,
nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at
kumalat sa mundo.

Bow-wow: paggaya ng tao sa tunog ng kalikasan.


Hal. Tunog ng kulog, ihip ng hangin, langitngit ng kawayan, aw-aw ng aso, miyaw ng pusa, titilaok ng manok

Pooh-pooh: tunog na naibubulas ng tao dala ng matinding galak, sakit, takot, pagkabigla, pagkagulat at iba
pa.
Hal. Ay, aray, ahhhh, ouch

Yo-he-yo; tunog na nalilikha ng mga pwersang pisikal tulad ng ingay na nalilikha ng mga taong nagtutulungan
sa kanilang Gawain.
Hal. Tunog na nauusal kapag bumubuhat ng mabibigat na bagay, tunog ng inang nagsisilang ng sanggol

Ding-Dong: may sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran. Mga tunog ang
nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo at tren.
Hal. tsug-tsug-tsug ng tren, tik –tak-tik-tak ng orasan

Tarara-boom-de-ay:pinaniniwlaan na ang wika ay galling sa mga dasal, orasyon, bulong o incantation ng mga
mangkukulam.
Hal. Seremonya o ritwal na isinasagawa ng mga tao tulad ng pagsasayaw, pagsisigaw at pag uungol bilang
isang porma ng pagpapahayag.

Iba pang Teorya ng Wika


Teoryang Ta-Ta: paggaya sa mga galaw ng katawan na humahantong sa koordinasyon ng bibig at dila Hal.
Pagkumpas ng kamay kapag nagpapaalam

Teoryang La-La: ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay mga pwersang may kinalaman sa
romansa tulad ng pag ibig na makikita sa mga taludtod ng tula o awit.
7

Teoryang Yum-yum: koordinasyon ng kilos ng tao tulad ng pagtango kasabay ng pag sasabing oo, pag inom
kapag nauuhaw o pagkain kapag nagugutom.

Sanggunian:
Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning Komunikasyon ni Acorpa, J., Soriano, M., et al (2018)

You might also like