Professional Documents
Culture Documents
Panitikan NG Maranao
Panitikan NG Maranao
May tinatawag na panitikang di pang-Islam. Ito ay nahahati sa Epiko, Tutol (kuwento), Tubad-
tubad (maiiksing tula pampag-ibig), Kadaonga (Love fest), Pananaroon (kasabihan), Sowa-sowa-i
(drama), Limpangan ago Antoka (Puzzles at Riddles), Sakuba (Rhymes), at Panitikan Pambata.
- Madale, 1942
EPIKO
- Ang Darangen ang pinakatanyag na epiko sa Maranao.Ito ay mga salaysay na patula hinggil sa
kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat
mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim.
TUTOL (kuwento)
- Gumagamit ng maiiksing berso ang mga Maranao para ipahayag ang kanilang nararamdaman
at pagkadismaya.
- Kapag gusto ng lalaki magpahayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya ito sa bahay at may
kasama siyang dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya.
- ito ay binibigkas tuwing pinaparusa ang isang bata upang matuto. Kahit karamihan sa mga ito
ay di nakasulat, isinasapuso ito ng mga bata at nagiging bahagi ng kanilang pagpapahalaga at
paniniwala.
SOWA-SOWA-I (drama)
(1) Kambayoka - mga patulang berso na tumatalakay sa iba't ibang paksa at ang tema nito ay
umiikot sa uri ng kapistahan na pinagdidiwang. Ito ay inaawit ng onor.
(3) Diabro, Onta, at Kokok - ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng saging na tatakbo
upang kukunin ang kopya ng mga datu sa kapistahan habang ang kokok naman ay isang
nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo.
(4) Sagayan - isang sayaw pandigma tungkol sa kabayanihan ni Bantugen habang ihinahanda
ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga kalaban.
(5) Sadoratan - ang sayaw na ito ay pagsasadula nang pinaglakad ang prinsesa sa harap ng mga
datu at sultan.
LIMPANGAN AGO ANTOKA (Puzzles and Riddles)
- Ang limpangan (puzzles) ay para sa mga matatanda habang ang antoka (riddles) ay para sa
mga bata. Ang mga bata na nakakasagot ng maraming limpangan ay hinahangaan at itinuturing
na matalino.
Halimbawa: Ladia sa kalaan A di ketangalan sa ig (A cup from the forest which can not hold
water) - Bird's nest
SAKUBA (rhymes)
PANITIKANG PAMBATA
- ito ay maaring kanta tungkol sa pangangaso, pangingisda, lalabay (lullaby), at kantang may
rima (rhyme song).
Abdul, N. P., Amer, N. B., Kiram, A. M., Macarompis, A. M., Mona, N., & Sultan, A. C. (2013,
February). Panitikan ng ARMM. Khwarizmi International College Foundation, INC. Marawi City.