Pagsulat NG Posisyong Papel - STEM 12 YA 23

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES

Maraming nang nagbago magmula nang mangyari ang krisis ng pandemya sa ating
lipunan, kasama na dito ang sistema ng edukasyon na kung saan ang mga guro, etudyante at
maging ang mga magulang ay naninibago dahil sa gamit ng teknolohiya. Nahihirapan ngayon na
makibagay ang karamihang sa mga estudyante sa pakikipag-komunikasyon nang birtwal dahil sa
nakasanayang sistema na Face-To-Face Classes noon. Ngunit makalipas ang mahigit dalawang
taon, ipinanukala na ng Departamento ng Edukasyon ang muling pagbabalik ng face-to-face class
kahit nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pandemya. Magiging maayos at ligtas kaya para sa mga
estudyante ang panukalang ito? o meakakaapekto kaya ito sa muling pagdami ng mga kaso dulot
ng Covid-19? Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ng nakararami lalo na’t kalusugan
ng bawat isa ang nakasalalay dito.
Ang pagbabalik ng Face-To-Face Classes ay isang kasanayan na paraan ng edukasyon
dito sa Pilipinas. Ito ay mahalaga sa mga mag-aaral upang may interaksyon sila sa kanilang
kaklase o guro, at maging aktibo sa loob ng paaralan. Ang Face-to-Face ay mas mainam na
paraan upang magkaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral sa akademiko at pakikinig sa klase
kaysa sa Online Classes. Ayon sa karamihan, naging mahirap noong una para sa mga
estudyante nang kinailangan nilang matuto na mag-aral sa birtwal na klase. Higit pa rito, kasama
na rin ang mga taong nagtratrabaho sa ekonomiya at industriya ng ating bansa ang naapektuhan
ng bugso ng Covid-19. Kaya naman labis ang tuwa ng mga mamamayan nang ipinatupad na rin
muli ang Face-To-Face Classes sa mga paaralan pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Sa
pagsunod ng palituntunan sa loob ng paaralan na inilathala ng Departamento ng Edukasyon, ay
naging maayos naman ang takbo ng pagbabalik ng Face-To-Face na klase. Ang mga estudyante
ay karaniwang nang nagagamit ang oras nila sa pagtra-transportasyon papunta sa eskwelahan.
Samantala, ang mga magulang naman ay masayang makita ang kanilang mga anak na
pumapasok muli, at nakakasalamuha ng tao sa personal at hindi sa pamamagitan ng internet.
Bagamat naging maganda ang resulta ng pagbabalik ng Face-To-Face Classes sa ibang
paaralan, mahalaga pa rin na isaalang-alang ang kalusugan ng bawat estudyante. Ayon sa
artikulo na isinagawa nina Tolentino et. al (2019), dapat na sumailalim sa masusing pagpa-plano
ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng Face-To-Face Classes sa bawat
rehiyon at lugar sa pilipinas, dahil apektado ang buong kapakanan ng mga guro at magaaral dito.
Isang maling galaw ay maaaring mauwi sa kapahamakan, lalo na’t isang mapanganib na virus
ang COVID-19 kahit na sabihing bakunado na halos lahat ng tao sa Pilipinas. Isinaad din ni Gopez
(2021) sa kaniyang inilathalang artikulo na sa pagbabalik ng Face-To-Face Classes sa gitna ng
pandemya, mainam muna na huwag palabasin ang mga estudyante sa labas ng paaralan sa oras
ng pagkain upang mas mapigilan ang posibleng paglaganap ng virus sa bawat isa. Ang mga
magulang ay hinihiling naman na maghanda ng baon para sa mga kanilang anak kapag papasok
para hindi na matuksong makihati sa pagkain ng kapwa kaklase. Habang ang mga guro naman
ay pinaalalahanan na laging bantayan ang social distancing at pisikal na aktibidad ng mga
estudyante sa oras ng klase.
Mabuti lang talaga na ibalik ang Face-To-Face Classes dahil alam naman natin na mas
makakapag-pokus ang mga estudyante sa pag-aaral kapag nakikita, at nakakasama nila ang
kanilang mga kaklase at guro. Mas matutulungan at matuturuan din sila nang maayos ng kanilang
mga guro pag sama-sama ito sa loob ng aktuwal na silid-aralan. Maraming magandang
pakinabang ang Face-To-Face Classes, halimbawa na dito ang masayang pakikipag-ugnayan sa
mga taong nasa paligid at matututunan ang mga bagay na hindi pa nila nalalaman noon. Para sa
amin, ang Face-To-Face Classes ay talagang mabisang sistema upang matuto ng kaalaman at
kasanayan ang mga estudyante, dahil madalas nitong pinagsasama ang iba't ibang pamamaraan
ng pag-aaral kabilang ang pagsulat, pagbabasa, talakayan, pagtatanghal, proyekto, at
pangkatang gawain.

POSISYONG PAPEL

• Austria, Cielo
• Basco, Czercie Izy
• Marchan, Mariel Emmanuelle
• Tablizo, Rodbenedict

You might also like