Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 3

Gawain at Pagsasanay

Pangalan: Fashiel Juguilon Araw ng Pagpasa:12-05-2022


Kurso: BSED ENG 1-B Sabjek: FIL

Gawain 1

Magsaliksik ng limang mga ahensya ng gobyerno na siyang nagpapaplano at


nagpapatupad ng mga programang pabahay para sa mga mahihirap na walang matirhan.
Ipaliwanag ang kanilang tungkulin at ginagawa para sa mga programang ito.

1. Ang Community Mortgage Program (CMP) ay naglalayong tulungan ang mga kababayang
nakatira sa lupa ng isang pribadong indibidwal o kompanya na mabili ang lupang
kinatitirikan ng kanilang bahay

2. National Housing Authority (NHA)  ahensyang namamahala sa programa sa pabahay lalo


na sa walang-bahay na pamilya na mababa ang kita na may kakayahang makuha ang
kinakailangang serbisyong panlipunan at pang-ekonomiyang oportunidad at mag-ambag sa
pagtiyak ng pagtaas ng kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo

3. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) – kambal na ginagampanan nito ang
pagpapahusay at pagpapalakas sa rasyunal na pabahay at serbisyong real estate sa
pamamagitan ng tatlong estratehiya: patakaran, pagpaplano at regulasyon, tulad ng
isinasaad sa mga Dekretong.

4. Social Housing and Finance Corporation (SHFC) – isang institusyong pinansyal na


tungkuling maglaan ng pabahay sa mga kapuspalad na mamamayan sa pamamagitan ng
paglalaan ng abot-kayang pinansya sa pabahay, at makipagtulungan sa mga multisektoral
na stakeholders para para sa pagbuo at pagpapatupad ng makabago at sustenableng
programa sa panlipunang pabahay.

5. National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) – mayor na institusyon ng


pamahalaan hinggil sa sanglaan (mortage) ng pabahay, at pamamahala sa pinanggalingan
ng pangmatagalang pondo lalung-lalo na mua sa Social Security System, ang Government
Service Insurance System, at ang Home Development Mutual Fund.
Gawain 2

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa personal na repleksyon sa mga


programang inihahandog ng gobyerno. Bumuo ng sariling pamagat sa iyong repleksyon
at kailangang hindi bababa sa 200 na salita ang kabuuan ng iyong sanaysay. Isulat ito sa
hiwalay na pahina.

Malaking tulong ang mga programang handog ng ating gobyerno para sa mamayang
Pilipino, ito ang nagsisilbing pag-asa nila lalo na’t sa mga mahihirap at hindi sapat ang kinikita
para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Libreng pag-aaral sa pang publikong
paaralan, 4ps program, libreng pabahay sa mga mahihirap, libreng pagamutan sa pang publikong
hospital, at ang feeding program ay ilang lamang sa mga programang napatupad ng ating
pamahalaan. Ito ay ang tumutulong sa mga Pilipino upang mabigyan sila ng supporta sa kailang
edukasyon at pangangailangan sa buhay.

Dahil din dito ay maraming studyante ang nakapagtapos ng pag-aaral, mga pamilyang
na benipisyohan ng supporta, at libreng pabahay at mga napaayos na straktura sanhi ng bagyo,
lindol at iba pa. Kapag wala ang supporta galing sa gobyerno ay hindi magiging madali ang ating
tatahaki lalo na sa mga mamayan nating hirap sa buhay at hindi kayang tustusan ang edukasyon,
pangangailangan at pati na rin sa pagpapagamot sa mga publikong hospital. Kaya naman laking
pasasalamat natin dahil sa mga programa at benipisyong bigay sa atin ng pamahalaan. Ngunit
may mga Pilipino ring hindi abot ng mga programang ito, lalo na sa mga mamayan nating
nakatira lamang sa eskwater ay bihira lamang silang makatanggap ng supporta galing sa ating
pamahalaan. Kaya naman sa hanggang ngayon ay di parin anlulutas ang kahirapan o tinatawag
din nating poverty.

Rubrics sa paggrado ng inyong sanaysay:

10 - Kaisahan at Kaayusan ng mga ideya at detalye sa paksang tinalakay


10 - Tamang gramar at ispeling
10 - Kabuuang paglalahad ng sanaysay

You might also like