Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

ARALIN 1

Gawain at Pagsasanay

Pangalan: Fashiel Juguilon Araw ng Pagpasa: 12-02-2022


Kurso: BSED ENG 1-B Sabjek: FIL

Gawain
Maliban sa mga kilalang bayani ng Pilipinas, maglista ng mga taong kilala mo at itinuturing mong
bayani at dahilan kung bakit mo sila itinuturing na bayani.

1. CENISCILIA JUGUILON (INA)


- Isa sa mga tinuturi kong bayani ay ang aking ina, dahil siya ang nagbibigay sa akin ng
lakas at supporta pati na rin sap aggabay sa akin patungo sa landas na aking tatahakin.
Isinasaktripisyo niya ang kanyang kaligahayan para sa amin at mas inu-una ang kaniyang pamilya
mabigyan lamang kami ng mga pangangaialangan sa buhay. Kaya naman itinuturi ko siyang
bayani.

2. FAUSTO JUGUILON (AMA)


- Ang aking ama ay isa sa mga bayani na aking kilala, siya ay dakila, at nagsasakripisyo
araw-araw mabigyan lamang kami ng supporta. Sa tirik man ng araw at sa buhos ng ulan, ang
aking ama ay nagtataguyod para mabigyan kami sa aming pangangailangan sa araw-araw. Siya
ang nagsisilbing tagapag tanggol ko at lagging gumagabay sa akin upang ma protektahan ko ang
aking sarili.

3. AKING MGA GURO


- Sila ang isa sa mga dahilan kaya andito ako kung saan man ako naririto ngayon. Sila din
ang tumulong sa akin sa lahat ng bagay, sa pagbabasa, pagsusulat, paggawa ng mga pryekto at iba
pa. Sila rin ang dahilan kaya madami akong nalalaman at sa unti-unting pagtupad ko sa aking mga
pangarap. Kaya naman abot langit nag aking pasasalamat sa mga guro na gumabay at gagabay pa
saakin patungo sa daan na aking tatahakin.

4. KAIBIGAN
- Isa sila sa tumulong sa aking kapag ako ay nangangailangan, kapag may hinaharap
akong problema ay hindi nila ako binigo na damayan kahit anong oras. Sila din ang isa sa mga
pinagkakatiwalaan ko sa mga bagay at personal kong problema na diko ma sab isa aking pamilya,
sila rin ang nagbigay saakin ng tunay na kaligayahan na kailan may diko pa nararanasan. Kaya
naman isa sila sa tinuturi kong bayani dahil Malaki ang nagging parte nila sa aking buhay.

5. ELOISE (KAPATID)
- Siya ang aking nakakatandang kapatid, ang aking matalik na kaibigan at pangunahing
kaaway. Ngunit sa kabila ng aming mga alitan ay palagi niya parin akong ginagabayan sa mga
bagay-bagay na hindi ako maalam, tinuturuan pag nagkakamali at pinapagalitan pag nagkakamali.
Siya rin ang tagapag tanggol ko kapag ako ay kinukutsa ng akig mga ka klase nuon, kaya naman
isa rin siya sa aking tinuturing na bayan isa aking buhay.

Analisis

Sa lahat ng mga itinuring mong bayani, ano-ano ang mga karaniwang katangian nila?
Ipaliwanag ang sagot.

- Silang lahat ay malaki ang epektong dulot nila sa aking buhay, may iba’t-ibang tulong at
leksyon na naiambag. Malaki ang respeto ko sa kanila, sila ang gumabay, nagturo, at tumulong
sa akin upang buohin ang aking sarili. Sila ay mabait, mahigpit kung minsan, palabiro, at higit sa
lahat ay may malasakit. Kaya naman Malaki ang pasasalamat ko dahil sila ang dahilan kaya ako
naririto at bumuo sa aking pagkatao.

You might also like