Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Wika ng Karunungan

Ano nga ba ang wika? Ano naman ang karunungan? Paano naiuugnay ang
wika sa karunungan? Ang wika ay hindi maikakailang daan patungo sa direksiyon
ng intelektwalisasyon. Napakayaman ng ating kultura’t lengguwahe na kung
mainam na pagpugayan at itaguyod ay mapapabilis ang paggamit ng Filipino at
wikang katutubo sa pag-aaral at pananaliksik. Nagagamit ang wika sa malayang
pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon at partisipasyon sa mga
gawain at paglikha.

Madaling maisulong ang kaalaman at karunungan gamit ang wika. Ito ay


nagsisilbing pamamaraan upang magpahayag, lumikha, tumuklas at makaalam ng
mga bagay-bagay. Hindi lamang pagkakaisa at pagkakaunawaan ang hatid nito
kundi pati na rin ang pagkatuto sapagkat nagagamit ito upang tuklasin ang
nakaraan at pinagmulan ng wika sa pamamagitan ng pananaliksik at pagkalap ng
mga ideya upang maging malikhain sa paggawa. Mas higit na mapapadali ang
pagsasaliksik kung gagamitin ang sariling wika dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng malinaw ang impormasyong kikintal sa puso’t isipan ng
mamamayang Pilipino. Gamit din ang mga impormaysong nakalap ay
nakapagbibigay ng kabuuang ideya sa paglikha ng mga panitikan, sining at iba
pang manepistasyong kultural.

Gayunman, hanggang nariyan ang ating pangunahing wika at katutubong


wika, magsisilbi itong bukas na pinto at durungawan upang patuloy na matuto at
matuklasan ang mga mahahalagang bagay. Ang pangalan ng mga wika na umiiral
sa kapuluan ay paalala na iisa lamang tayo ng pinagmulan. Sa pamamagitan ng
nakaimbak na katutubong wika at kumakaway na materyal ng kultura ay muli
nating tuklasin ang ating kakayahan sa paglikha at ang ating sarili bilang Pilipino.
Hindi natin dapat kalimutan ang wikang Filipino at katutubong wika bagkus ay
ipalaganap at ipaalam sa iba.

You might also like