Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 4 – MODULE 3

Pansariling Salik sa
Pagpili ng Track o
Kursong Akademiko,
Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Isports

1
Modyul 3: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Isports

UNANG BAHAGI

“Anak, mag-aral ka nang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya.” Narinig mo na ba ito
sa iyong nanay o tatay, maging sa iyong lolo at lola? May ideya ka ba kung bakit nila ito sinasabi sa iyo? Bunga ng
kanilang mga karanasan at karanasan ng iba nilang kakilala, ibinahagi sa iyo ang ganitong payo. Matapos mong
tuparin ang kanilang payo, may mga paghahanda ka bang ginawa para sa papasukin mong mundo pagkatapos ng
pag-aaral – ang mundo ng paggawa?

Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyo upang makita ang
kabuuan at iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at sitwasyon, mas malinaw
itong makikita mas malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas malaki rin ang pagkakataon na maging
tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais.

Sa modyul na ito ikaw ay magagabayan at matutulungan na maunawaan ang mga salik sa pagpili ng track
o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports. Inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:
Anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan (Baitang 9) na may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-
alang sa pipiliing track o kurso o hanapbuhay?

Sa modyul na ito inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

13.3 Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements)
sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon
ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. (EsP9PK-IVb-13.3)

Sa nakaraang modyul ay natukoy at nalaman mo ang mga paraan sa pagpapaunlad ng talento, kakayahan
at hilig. Sino ang posible na maaari mong lapitan at makatutulong sa iyo?

Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports


Sa bahaging ito ng modyul, pagtutuunan mo naman ng malaking pansin ang mga pansariling salik sa
pagpili ng tamang track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports:
1. Talento
2. Kasanayan
3. Hilig
4. Pagpapahalaga
5. Mithiin
1. Talento. Ang talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang
magsisilbi mong batayan sa pagpili ng track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
sa iyong pagtatapos ng Junior High School.

2
Balikan ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983)
1. Visual/Spatial
2. Verbal/ Linguistic
3. Mathematical/Logical
4. Bodily/Kinesthetic
5. Musical/Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Naturalist
9. Existentialist

Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983. Ang teorya ng Multiple
Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka
katalino?” ayon kay Gardner, bagama’t lahat ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang mga talino o talento.

Siyam (9) na Uri ng Multiple Intelligences (Howard Gardner 1983)

1. Visual or Spatial
Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga
ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May
kakayahan siya na makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha o makatuklas ng isang produkto o
makalutas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika. Halimbawa ng mga taong
may ganitong talino ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects, photographers, sculptors, town-
planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty consultants.

2. Verbal/Linguistic
Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay
mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali
siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanag,
pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kaniya ang matuto ng ibang
wika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers,
english teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters,
voice-over artists.

3. Mathematical//Logical
Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas
ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan,
ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba pa.
Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng
abstract patterns at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga taong may ganitong
talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders, bankers
bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors.

4. Bodily/ Kinesthetic
Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon
sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng

3
pagsasayaw o paglalaro. Sa kabuuan, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may ganitong talino. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay: dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters,
PTI's, performance artists, ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people, gardeners, chefs,
acupuncturists, healers, adventurers.

5. Musical/Rhythmic
Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika. Hindi lamang
ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan. Halimbawa ng mga taong may
ganitong talino ay: musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners, acoustic engineers,
entertainers, party-planners, environment and noise advisors, voice coaches.

6. Intrapersonal
Sa talinong ito natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. Ito ay talino na kaugnay
ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwan ang taong may ganitong talino ay malihim at
mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kaniyang nararamdaman at motibasyon.
Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang angking talento, kakayahan at kahinaan. At lahat ng tao na nasa proseso ng
pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa paniniwala at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba at sa komunidad
na kaniyang ginagalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: researcher, manunulat ng mga nobela
o negosyante.

7. Interpersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at
makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapuwa o extrovert.
Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon at disposisyon sa kapuwa.
Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang
pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators,
leaders, counselors, politicians, educators, sales-people, clergy, psychologists, teachers, doctors, healers,
organizers, carers, advertising professionals, coaches and mentors.

8. Naturalist
Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang
kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer, environmentalists.

9. Existentialist
Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Saan ako nanggaling?”
“Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang
pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino
ay: mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor.

2. Kasanayan (Skills). Ito ay maituturing din na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso.
Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo ay mahusay o magaling. Ito ay madalas
na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan o kahusayan. Sa iyong pagsusuring pansarili, may mga tiyak ka bang
kasanayan o skills na siyang magagamit mo sa pagtukoy ng iyong pipiliing track o kurso?

4
Mga Uri ng Kasanayan

a. Kasanayan sa Pakikiharap sa Tao (People Skills)- magaling makisama sa iba, naglilingkod at


nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.

b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)- naglilista o nag-aayos ng mga files, humahawak ng mga
dokumento, datos at bilang.

c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Thing Skills)- inaayos ang mga kagamitan; nagbubuo ng mga makina,
nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions.

d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)- lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at
nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.

3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na
ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi ka nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.

Ano nga ba ang RIASEC?

Ayon sa Sikolohistang si John Holland ang Jobs/Careers/Work environments ay nahati sa sumusunod:


Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising, at Conventional (RIASEC). Ayon pa kay Holland, hindi lamang
nasa iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon. Atin itong
basahin at pag-aralan.

Halimbawa ng mga trabaho:


• Forester
• Tailor
• Carpenter
• Ship Pilot
• Jeweler
• Mechanist
• Auto Engineer
• Mechanical Engineer
• Radio Operator
• Industrial Art Teacher
• Aircraft Mechanic
• Typesetter

5
Halimbawa ng mga trabaho:
• Economist
• Physician
• Astronomer
• Biologist
• Math Teacher
• Pharmacist
• Oceanographer
• Dentist
• Psychologist
• Psychiatrist
• Zoologist
• Geologist

Halimbawa ng mga trabaho:


• Composer
• Actor/Actress
• Interior Decorator
• Dramatist
• Fashion Model
• Critic
• Music Teacher
• Language Teacher
• Journalist-Reporter
• Philosopher

Halimbawa ng mga trabaho:


• Educators
• Social Worker
• Health Professions
• Sociologist
• Minister
• Food Server
• Manager
• Interviewer
• Foreign Service Officer
• Home Service Representative
Halimbawa ng mga trabaho:
• Sales and Marketing Field
• Banker
• Florist
• Lawyer
• Judge
• TV/Radio Announcer
• Insurance Manager
• Managers ( Restaurant/Office)
• Government Official
• Industrial Engineer

6
Halimbawa ng mga trabaho:
• Business Teacher
• Credit Manager
• Cashier
• Secretary
• Proofreader
• Reservationists Agent
• Clerk
• Machine Operator
• Bookkeeper
• Medical Secretary
• Finance Expert

4. Pagpapahalaga. May kilala ka bang taong nakamit ang kaniyang pangarap sa buhay nang dahil sa kaniyang mga
natatanging pagpapahalaga? Sa iyong palagay, ano kaya ang nagpaunlad sa mga taong ito? Ang kanilang mga
ipinamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan
bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

5. Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon
sa buhay. Hindi lamang dapat umiiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan
sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat.

IKALAWANG BAHAGI
Gawain I
Panuto: Piliin sa kahon ang uri ng talento o talino ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

Naturalist Interpersonal Intrapersonal Logical/Mathematical


Spatial/Visual Musical Verbal/Linguistic Bodily/Kinesthetic

_______________1. Sa kaniyang murang edad, si Anabel ay mahilig sa pagsali sa patimpalak sa pag awit sa
kanilang paaralan.
_______________ 2. Ang kapatid ni Bella ay magaling sa pagkukuwenta at paglutas ng suliranin.
_______________ 3. Bata pa lang si Magiting ay nakitaan na siya ng kaniyang ina nang kahusayan sa pagtutula at
pagkukwento.
_______________ 4. Palaging sinasabi ng aking guro na magtanim ng mga puno at huwag magkalat sapagkat ito
ay pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan.
_______________ 5. Mahusay makipagkaibigan at makihalubilo si Grace, kaya niyang makisama sa kahit na anong
edad ang makasalamuha.
_______________ 6. Si Andie ay madalang makipaglaro sa kapuwa niya bata sa paaralan at maging sa kapitbahay
dahil palagi siyang nasa loob ng tahanan.
_______________ 7. Si Manny Pacquiao ay nakilala sa larangan ng boksing na siyang naging dahilan ng kaniyang

7
kasikatan sa loob at labas ng bansa.
_______________ 8. Si Excel ay isang mahusay na arkitekto. Kapag nakakita ng isang bakanteng lote ay
nagkakaroon ng magagandang ideya na nabubuo sa kaniyang isipan. Anong talento o talino
nabibilang si Excel?
_______________ 9. Mahilig ang aking kuya sa mga larong panlabas (outdoor games).
_______________ 10. Ako ay nalilibang sa mga word puzzles.

GAWAIN II
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na trabaho ay R-ealistic, A-rtistic, I-nvestigative, S-ocial,
E-nterprising at C-onventional. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________________ 1. Clerk
________________ 2. Judge
________________ 3. Social Worker
________________ 4. Educator
________________ 5. Carpenter
________________ 6. Geologist
________________ 7. Managers
________________ 8. Food Server
________________ 9. Music Teacher
________________ 10. Radio Operator

GAWAIN III
Panuto: Punan ng nawawalang letra ang kahon na may kaugnayan sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o
kurso. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Mahusay sa pag-awit at pagsayaw si Onofre.
T E O

2. Mahilig mangumpuni ng sirang radyo, telebisyon at upuan si Mang Jerry.


K S N Y N

3. Nasisiyahan sa pagbabasa nang iba’t ibang kuwento mula sa mga libro si Jairus. Madalas ang mga kwentong
kaniyang nabasa ay ibinabahagi sa mga kaklase.
I I

4. Ito ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
P P A H L G

5. Ito ay pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.


M H N

8
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN I GAWAIN II GAWAIN III


1. Musical 1.Conventional 1. Talento
2.Logical/Mathematical 2. Enterprising 2. Kasanayan
3. Verbal/Linguistic 3. Social 3. Hilig
4. Naturalist 4. Social 4. Pagpapahalaga
5. Interpersonal 5. Realistic 5. Mithiin
6. Intrapersonal 6. Investigative
7. Bodily/Kinesthetic 7. Social / Enterprising
8. Spatial/Visual 8. Social
9. Bodily/Kinesthetic 9. Artistic
10. Verbal/Linguistic 10. Realistic

SANGGUNIAN:

Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasypn sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-
aaral. Unang Edisyon. Pasig City

http://centuryideas.blogspot.com/2015/09/multiple-intelligence-pagtuklas-ng-mga.html
https://www.slideshare.net/RoselleVelasco/esp-9-modyul-13-mga-pansariling-salik-sa-pagpili-ng-kurso
https://www.slideshare.net/MaricarValmonte1/riasec-78262258

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan
WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Quarter 4, Week 3

Most Essential Learning Competency:


1. Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa
napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.( EsP9PK-IVb-13.3 )

Pangalan:________________________________________________ Petsa: ____________________


Baitang/Seksyon:__________________________________________ Iskor: ____________________

Gawain A.1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pahayag ay wasto at MALI naman kung
ito ay hindi wasto.
_____ 1. Ayon kay Howard Gardner, ang bawat tao ay may tinatawag na Multiple Intelligences o iba’t ibang uri ng
talento o talino.
_____ 2. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng kurso dahil ito ay makatutulong sa iyo para
makagawa ng mabuting desisyon.
_____ 3. Ang kasanayan o skills ay makatutulong nang malaki sa iyong pagpili ng track o kursong nais mong kuhanin.
_____ 4. Ang hilig ay ang mga bagay na nasasalamin sa mga paboritong gawain na nagpapalungkot sa iyo dahil
gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng iyong makakaya na nakararamdam ka na ng pagod,
pagkainis at pagkabagot.
_____ 5. Ang mga artistic ay ang mga taong may mataas na interes, malikhain at may mataas na imahinasyon.

Gawain A.2
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Talento a. Pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.
_____ 2. Kasanayan b. Ang mga bagay kung saan tayo ay mahusay o magaling. Ito ay
madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan o kahusayan.
_____ 3. Mithiin c. Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin.

Gawain A.3
Panuto: Sa iyong palagay, tugma ba ang pinipiling kurso o track ng mga mag-aaral batay sa iba’t ibang pansariling
salik? Oo o hindi at bakit? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

10
11

You might also like