Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

kabanata II

"Sabihin ninyo sa kaniya na matamis


at naiinom ang tubig ngunit
pumapatay ng apoy. Ito'y sumusulak
kapag pinainit, at kapag ito'y namuhi
ay nagiging karagatang malawak na
minsan nang lumunod sa
sangkatauhan at nagpapayanig sa
daigdig."
kabanata VII

"Ngunit nang akin nang


magagawang sa lubos na
kabulukan ng panay na yagit ay
siya naman ninyong paglitaw na
sumisigaw ng pagpuri sa mga
Kastilang pag-awit ng pagtitiwala
sa pamahalaan."
kabanata VII

"Ano naman kayo sa hinaharap?


Bayang walang lakas ng loob,
bansang walang kalayaan! Ano ang
kahulugan ng inyong milalakad na
pagtuturo ng wikang Kastila, isang
hangaring kung hindi man
nakatatawa ay maaaring magbunga
ng masama."
kabanata VII

"Ibig ba ninyong idagdag pa


ang isang wika sa may
mahigit nang apatnapung
ginagamit sa lupaing ito?
Upang lalo nang hindi kayo
magkaintindihan?"
kabanata VII

"Hindi po. Maaaring


maging sanhi rin ito ng
pagkakalapit-lapit ng
mga pulo sa bansa."
kabanata VII

"Ginoo, isang malaking


karangalan ang pagtatapat ninyo
sa akin ng inyong mga balak kaya
marapat na tapatin ko kayo sa
pagsasabing higit sa makakaya ko
ang hinihiling ninyo sa akin."
kabanata VII

"Hindi po ako nakikialam sa politika,


at kung lumagda man po ako sa
petisyon para sa pagtuturo ng Kastila
ay sapagkat nakikita ko pong
makabubuti ito sa pag-aaral, at wala
nang iba. Iba po ang aking tadhana,
ang hangarin ko po’y pagbawahin ang
mga karamdamang pangkatawan ng
aking mga kabahayan."
kabanata XI

"Ang panukala’y isang


uri ng pag-aalsang
nakabalatkayo."
kabanata XI

"Hindi dapat matuto ng Kastila ang


mga Indio dahil makapangangatwiran
sila pagkatapos. Walang dapat gawin
ang mga Indio kundi sumunod at
magbayad. Kapag natutuo sila ng
Kastila, matutuo silang makipag-usap
at magsuri. Magiging kalaban sila ng
simbahan at pamahalaan."
kabanata XI

"Dapat lang silang sumunod at


magbayad. Hindi sila dapat
makialam sa interpretasyon ng
kung ano ang sinasabi ng mga
batas at mga libro. Matitigas ang
ulo nila at makukulit!"
kabanata XI

"Basahin ninyo kahit si


Tandang Basio Macunat. Iyan
ang tunay na libro.
Naglalaman ng mga
katotohanang katulad nito!"
kabanata XI

"Dapat bigyan ng pagkakataon ang


mga kabataan para na rin sa ikabubuti
ng Espanya. Dapat umanong
samantalahin ang pagkakataon para
baguhin ng pamahalaan dahil sa
sinasalungat nito ang hinihingi ng
kabataan. Tularin natin ang mga
Heswita…"
kabanata XII

"Ipagpaumanhin mo,
ngunit hindi ako
makakalagda sa anumang
hindi ko maintindihan."
kabanata XII

"Napakahangal ka! Nakalagda na rito


ang dalawang carabineros
celestiales, ano pang ikinatatakot
mo? Napakahaba nito. Sa maliwanag
na sabi ay isang pagtutol. Si
Makaraig at ang iba ay humihiling na
makapagtayo ng isang akademya ng
Kastila, bagay na isa lamang
kaululan."
kabanata XII

"At bakit ako


lalagda kung hindi
naman ako tutol
dito?"
kabanata XIV

"Ipinagkaloob sa inyo ng pamahalaan


ang lahat ng inyong pangangailangan.
Kung ano ang mayroon kami,
mayroon din kayo. May iisang uri tayo
ng pamahalaan ... Anupa't lumuluha
kami kapag kayo'y nagtitiis at
nagdaramdam."
kabanata XIV

"Kung gayon, hindi rin nasayang ang


inyong pagsisikap sapagkat naalisan
ninyo ng balatkayo ang pamahalaan. At
ako, sa ngalan ng España, ay oubos na
makikiisa sa mga Pilipino. Hindi dapat
tangkilikin ng sinumang Kastilabang isang
pamahalaang humahadlang sa mabuting
kautusan ng hari para sa kaniyang mga
nasasakupan."
kabanata XIV

"Nasasabi mo lamang ang lahat


ng iyan dahil ikaw ay Kastila.
Ngunit kung ako, na isang
Pilipino, ang nagsabi ng kalahati
man lamang ng sinabi mo, ikaw
man ay magpapalagay na ako ay
isang pilibustero."
kabanata XIV

"Si Pepay, ang makiyas


na mananayaw!"
kabanata XIV

"Huwag kang maselan.


Ang mabuting layunin ay
nagbibigay ng matwid na
kaparaanan. Kilala ko si
Matea."
kabanata XIV

"Huwag, mga ginoo. Ako ang


lalapit kay Ginoong Pasta.
Uunahin natin ang marangal na
paraan. Kung walang mangyayari
sa aking paglapit, saka na gawin
ang tungkol sa mga mananayaw
at mananahi."
kabanata XV

"Hindi mo dapat guluhin ang isip


sa paksang iyan. Mapanganib
ang tinatalunton mong landas.
Ang payo ko’y pabayaan
ninyong isakatuparan ng
pamahalaan ang tungkulin."
kabanata XV

"Ang pamahalaan ay
itinatag sa ikagagaling ng
bayan kaya dapat lang itong
umalinsunod sa hinihingi ng
mamamayan."
kabanata XV

"Ang mga bumubuo ng


pamahalaan ay mga
mamamayan din, ang mga
bihasa at may lalong mataas
na pinag-aralan."
kabanata XV

"Ngunit, sapagkat sila ay


tao, maaaring magkamali at
hindi nararapat ipagwalang-
bahala ang mga palagay at
kuru-kuro ng kapwa."
kabanata XV

"Dapat silang
pagkatiwalaan; ang
lahat ay ipagkakaloob
nila."
kabanata XV

"Ang paghiling ay tandisang


pagsasabi sa pamahalaan na hindi
nito ginagawa ang tungkulin, at
samakatwid, ang gayong pag-iisip
ay pag-iinsulto ng nasasakop sa
karangalan ng pamahalaan."
kabanata XV

"Ipinakikita ng pamahalaan ang


lakas sa pamamagitan ng pagiging
makasarili at sa pagkakait ng mga
pangangailan ng mamamayan.
Tinatakot nito ang bayan upang
mawalan ng tiwala sa sarili upang
madali itong maalipin."
kabanata XV

"Samakatuwid, napopoot sa
pamahalaan ang bayan,
hindi na ito humihingi ng
anuman, bagkus nagdarasal
na lamang na iwan ito sa
pamamahala."
kabanata XV

"Mabuti pang bayaan na ninyo sa kamay


ng Pamahalaan ang bagay na iyan.
Maghintay-hintay kayo, mag-aral para
sa eksamin. Ang hindi ko maintindihan
ay kung bakit nagsusumakit kayo sa
pagtuturo ng Kastila gayong marunong
naman kayong magsalita nito."
kabanata XV

"Lagi pong ipinagbibilin


ng aking amain na huwag
sarili ko lamang intindihin
kundi ang kapakanan ng
iba."
kabanata XV

"Huwag ninyong sayangin ang inyong


buhay. Mas mainam na mag-aral kayo ng
medisina sapagkat kayoý matalino. Diya’y
hindi kayo mapakikilaman ng sinuman.
Mag-asawa kayo ng mayaman at
madasaling dalaga, at makikita ninyong sa
wakas, magpapasalamat pa kayo’t tahimik
ang inyong buhay."
kabanata XV

"Alalahanin ninyong ang pinakamainam na


kawanggawa ay ang kawanggawa sa sarili. Kung
manghihimasok kayo sa mga bagay na hindi
ninyo dapat panghimasukan, walang mangyayari
sa buhay ninyo. Alam kong darating ang
panahong magpapasalamat kayo sa akin, at
masasabi ninyong may katuwiran ang mga gaya
kong maputi na ang buhok."
kabanata XV

"Kung malalaman ko sa
hinaharap na wala akong
ginawa kundi ang para sa sarili
ko lang, ikahihiya ko sa halip na
ipagmalaki ang aking mga
puting buhok."
kabanata XV

"Kaawa-awang bata! Kung


ang lahat sana’y may
pagmamahal sa bayan na
gaya niya, hindi sana ako
tumangging tulungan siya."
kabanata XXIV

"Hindi mo ba alam na nagkakaugnay


na ang mga tinig ng kabataan sa
kanilang paninindigan? Iginigiit naming
tumindig ang Pilipinas sa tabi ng
Espanya bilang isang malayang bansa.
Hindi dapat manatiling kolonya
lamang ang bansang aking sinilangan
at nilakhan."
kabanata XXVI

“Hindi tayo dapat magkawatak-watak mga


kasama! Walang sinumang dapat
humadlang sa ating layunin. Hindi tayo
dapat itulad sa mga langay-langyang
kaagad lumilipad na palayo makatanaw
lamang ng mga nananakot sa ibon sa
kaitaasan. Tandaan ninyong hindi lamang
ngayon may napipiit na kabatang
nagtatanggol sa kalayaan."
kabanata XXVI

"Dapat nating alalahanin na noon pa ay


may mga nabuwal na sa gitna ng dilim; may
mga nangamatay na noon pa man maitaas
lamang sa tagdan ang watawat ng
kabayanihan. Dapat nating balikatin ang
malaking layunin ng kalayaan, kalayaang
makatindig sa ating sariling pagsisikap
tungo sa isang libo at isang kadakilaan."
kabanata XXVII

"Hindi lang sa kabataan dapat


ibunton ang sisi. Ang malaking
kasalanan ay nasa kamay ng mga
nagturo sa kanila upang maging
ipokrito. Sa mga kaluluwang umalipin
sa kanilang malayang isipan upang
tumahimik lang."
kabanata XXVII

"Inaamin ninyo na hindi


kabataan ang may kasiraan
kundi ang inyong lipunan. Bakit
kailangang wasakin muna ninyo
ang kabataan bago ayusin ang
lipunan?"
kabanata XXVII

"Isa pang masakit na katotohanan ang


kawalang motibasyon ng mga kasamahan
ninyo sa pagpapalawak ng talino ng mga
kabataang kinakatawan ko. Sa halip na
mapaunlad ang aming mga isipan, ang
mga kura pa ang nagbabaon sa amin sa
kumunoy ng kamangmangan. Iyan ang
nagaganap sa kasalukuyan."

You might also like