Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSASABUHAY 1: BATAS: AGREE OR DISAGREE

AGREE

1. Magbigay ng isang patakaran/batas na sinasang-ayunan:


● Child Protection Policy

2. Alin ang sinusuportahan nito sa mga layuning nais makamit ng Likas na Batas
Moral:
● Buhay at pag-iwas na makasakit sa iba

3. Ipaliwanag kung paano ito nakabubuti sa atin.


● Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay nakararanas ng mga hindi kaaya-
ayang pagtrato ng mga kaanak, kaya naman natutulungan ng batas na ito na
maproteksyonan ang karapatan ng mga bata at upang mabigay sa mga batang
ito ang tulong na kanilang kailangan. Natutulungan din ng batas na ito na
mabigyan ng karapatang mamuhay nang ligtas ang mga kabataang nakararanas
ng pag-aabuso at pananakit ng kanilang mga magulang o kahit sino sa kanilang
tahanan.

DISAGREE

1. Magbigay ng isang patakaran/batas na di sinasang-ayunan:


● Palaging tama at nasusunod ang mga nakatatanda

2. Ipaliwanag kung ano ang sinasabi ng patakaran/batas na ito na sa palagay


ninyong lumalabas sa Likas na Batas Moral:
● Napapansin niyo rin ba na halos mga nakakatanda ang palaging tama at
nasusunod sa inyong tahanan? Sa aming pananaw, laging tama at laging
nasusunod ang mga nakatatanda sa ating tahanan. Sa ating buhay,
nawawalan ng karapatan ang mga kabataan dahil laging sinasabi at ipinipilit
ng mga nakatatanda na sila lagi ang tama. Marami nga ang pagkakataon na
sila ay salita nang salita at hindi na lamang tayo sumagot para hindi na
lumala ang problema. Nawawalan na ng karapatan na ipahayag ng mga
kabataan ang kanilang mga saloobin sapagkat natatakot silang mapagalitan
o maparusahan ng mga nakatatanda.

3. Mungkahing pagbabago sa Patakaran/Batas na ito:


● Sa kadahilanang agrabyado ang mga kabataan sa kaisipang ito, dapat lang
na tanggalin ang ganitong mindset upang mabigyan ng pantay na karapatan
at kalayaan ang mga bata na maipaliwanag at maipagtanggol nila ang
kanilang mga sarili at naging aksyon upang hindi sila maging kawawa

You might also like