Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON – X NORTHERN MINDANAO
DIBISYON NG ILIGAN CITY
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG
FILIPINO- BAITANG 7
S.Y. 2021-2022

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na


komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal.
banyaga)
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 pahina 359
Mga Kagamitan: Tsart, istrip, powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

Amor, maaari bang pangunahan mo ang Panginoon, maraming salamat po sa


panalangin. araw na ito na kami ay nagtitipon dito sa
aming silid aralan na nawa’y gabayan
niyo po ang aming guro sa kanyang
pagtuturo sa amin.

2. Pagbati

Magandang umaga iyong sa lahat! Magandang umaga po Binibining


Wasquin, magandang umaga rin mga
kaklase.

Bago kayo umupo pakipulot muna ng mga


nakakalat na papel at pakiayos ng inyong (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga
mga upuan. papel na nakakalat at aayusin ang
upuan)

Maaari na kayong umupo.

Salamat po!

3. Pagtsek ng Atendans

May lumiban ba sa klase ngayon?

Wala po Maam, ang lahat po ay narito.

Magaling! Lahat ay may pagkakataong


matuto.
Bigyan natin ang ating sarili ng limang
bagsak para sa kompletong atendans.
B. Pagbabalik-aral

Batay sa naging talakayan natin kahapon,


ano ang ibig sabihin ng balita?
Alexa: Ang balita po ay nag-uulat at
nagbibigay impormasyon sa
pangkasalukuyang nagaganap o
magaganap pa lamang.

Sa tingin niyo, tama ba ang sagot ni


Alexa?
Opo Maam, iyan po ang tinalakay natin
kahapon.

Magaling! Bigyan natin ng Miss Universe


clap si Alexa.

Sige nga, magbigay ng headline o ulo ng


balita sa balitang napakiggan o napanood
ninyo.

Sino sino ang makapagbibigay?


Jasmine: Bilis ng pagtaas ng presyo ng
mga bilihin sa Marso, pinakamataas sa
2 taon.

Ella: Bagong variant ng COVID-19 virus,


naitala na sa Pilipinas.

Claire: Pagpatay sa mga baboy sa


Bulacan dahil sa African Swine Fever,
inireklamo.

Hanniel: Bagong LPA, nag-landfall


Magaling! Natutuwa ako at mayroon kagabi sa iilang bahagi ng Northern
kayong kamalayan sa mga pangyayaring Mindanao.
nagaganap sa ating bansa ngayon.

Kung tayo ay susulat ng balita, ano ano


ang mga dapat tandaan sa pagsulat?

Diamon, maaari mo bang isa-isahin ang


mga dapat nating tandaan sa pagsulat ng
balita?
Diamon: Ito-ito po ang mga dapat
tandaan sa pagsulat ng balita.

1. Huwag maging paligoy-ligoy.


2. Huwag gumamit ng matatalinghagang
salita.
3. Huwag na huwag maglagay ng
sariling opinion.
4. Isulat ang pawing katotohanan
lamang
Mahusay! Binabati ko kayo dahil talagang 5. Siguraduhing ang balitang isusulat ay
nakinig kayo sa ating talakayan. walang kinikilingan. (No bias)

Paghahabi ng Layunin

(Ipapaskil ng guro ang layunin sa pisara)

Bago tayo magsimula sa ating aralin


ngayong umaga, nais kong basahin ninyo (Babasahin ng mga mag-aaral ang
ang layuning kailangan natin matamo. layunin)

Layunin: Nagagamit sa iba’t ibang


sitwasyon ang mga salitang ginagamit
sa impormal na komunikasyon (balbal,
C. Pagganyak
kolokyal, banyaga)
Sa umagang ito may ipapakita akong mga
ginulong letra sa powerpoint. Ang gagawin
ninyo ay isasaayos ninyo ang mga letra
upang mabuo ang salita.

(Tatawag ng limang mag-aaral at aayusin


ang ginulong letra sa pisara.

1. Loksim
2. Lesief
3. Kicp-pu nile
4. Ngawngaw
5. Entrdngi 1. Miskol
6. Sawag 2. Selfie
3. Pick-up line
Ano ano ang mga salitang nabuo sa 4. Wangwang
pisara? 5. Trending
6. Wagas
Magaling! Bigyan ng Angel clap si Hazel. Hazel: Ang mga nabuong salita sa
pisara ay miskol, selfie, pick-up lines,
wangwang, trending, at wagas po
Maam.
D. Pagtalakay sa Aralin

(Tatawag ng mga mag-aaral upang


basahin ang mga salitang ginamit sa
impormal)

1. Balbal (Slang) – Ang mga salitang ito ay


tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga
saitang ito noong una ay hindi tinatanggap
ng matatanda at may mga pinag-aralan
dahil hindi raw magandang pakinggan.
Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:
erpat – tatay
sikyo – security guard
yosi – sigarilyo
lispu – pulis
tsikot – kotse
praning – baliw

2. Kolokyal (Colloquial) – Ito ay mga


salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t
may anyong repinado at malinis ayon sa
kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa:
Porma – Kolokyal
aywan – ewan
piyesta – pista
nasaan – nasan

3. Banyaga – Ito ay mga salitang mula sa


ibang wika. Ang ating wika ay mayaman
sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito
ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-
agham, simbolong pangmatematika, o
mga salitang banyagang walang salin sa
wikang Filipino.

E. Pagpapalalim

Mga Salita ng Taon 2012

Ang salita ng taon sa 2012 ay salitang


wangwang. Bagama’t ito’y matagal nang
alam ng marami ay ito pa rin ang napili sa
isinagawang Pambansang kumperensya (Babasahin ng mga mag-aaral ang
sa Wika at Sawikaan. Lumabas na mula balita)
sa simpleng depinisyon ay nagkaroon na
raw ng politikal na kahulugan ang
“wangwang” mula pa nang gamitin ito ni
Pangulong Aquino sa kanyang
InauguralSpeech. Isang taon daw nilang
pinag-aralan ang mga salita bago nila ito
napili. Ang finalists sa salita ng taon ay
mula sa mga pangyayari sa politika at
lipunan, popular culture, at iba pa. Ang iba
pang salitang pinagilian para sa salita ng
taon ay ang android, fish kill,
impeachment, level up, pagpag, pick-up
line, SALN, trending, wagas, at wifi

September 23, 2012


24 Oras, GMA News TV

Magaling! Bigyan ng Fireworks clap ang


lahat.

Ano ano ang mga salitang impormal na


ginamit sa balita?

Jasmine: Ang mga salitang ginamit sa


balita po ay wangwang, finalists, popular
culture, android fish kill, impeachment,
level-up, pagpag, pick-up line, SALN,
trending, wagas, at wifi.
Tama ba ang sagot ni Jasmine?

Opo Maam, dahil lahat pong mga salita


Sa inyong palagay, ano ang maidudulot ng na nabanggit ay pang-impormal na
pagpili ng salita ng taon sa bansa komunikasyon.
particular sa wikang Filipino?
Hanniel: Para malaman natin kung
anong uri ng impormal na salita
Sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Hanniel? napabilang.

Magaling! Tatlong bagsak para sa lahat. Opo Maam, dahil ditto po natin
malalaman kung anong uri ng impormal
na salita ang ginamit sa balita.
F. Paglalahat

Paano makakatulong ang paggamit ng


mga salitang impormal sa ating
pakikipagtalastasan ?

Jennie: Para po sa akin Maam,


napakalaki po ng maitulong ng mga
salitang impormal sa ating pang-araw-
Sang-ayon ba kayo sa sagot ni Jennie? araw na pakikipagtalastasan dahil
maraming mga taong gumagamit at
mahilig gumamit ng mga salitang hiram
Mahusay! Bigyang fireworks clap sina mula sa ibang wika.
Jennie at Lisa.
Lisa: Opo Maam, dahil dito mas
G. Pagtataya madaling magkaintindihan at
magkaunawaan ang mga mamamayang
Filipino.
Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa
mga sitwasyong nakatala sa ibaba gamit
ang mga impormal na uri ng salitang na sa
loob ng panaklong.

1. Namasyal kayo ng lola mong galling sa


Amerika at may gusto kang ipabili sa
kanya. (Banyaga)

Mga Sagot.
2. May bago kang kaibigan sa facebook at
gusto mong maging palagay ang loob mo 1. (Ah lola, pwede mo ba akong e-by
sa kanya kaya pinadalhan mo siya ng anything sa Jollibee. Love ko kasing
mensahe o private message sa kaniyang kumain ng spaghetti, french fries, at
facebook account. (Balbal) hamburger.
3. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong 2. (Hi! Tol!! Kumusta ka na? Matsala
kaibigan ngunit parang naliligaw ka. Paano talaga ha. Syensya na di agad kita na
ka magtatanong sa mga taong pwede text… si Ermat kasi ang daming utos.
mong hingan ng tulong sa daan. (Kolokyal)

IV. Takdang Aralin 3. (Manong driver, nasan po ba ang


daan papuntang kalye Aguinaldo?
Isulat sa isang buong papel. Mukha yatang naligaw ako, pwede mo
ba akong samahan?)
Magbigay ng limang pangungusap gamit
ang mga impormal na salita.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain para
sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


nagpatuloy sa remediation.

E. Alinsa mga estratehiyang pagtuturo


na nakatulong sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?

F. Anong suliranin ang aking


nararanasan na solusyon sa tulong ng
aking punongguro
Inihanda ni: Isinuri ni:
WASQUIN, MAILA B. CHERRYL M. CINCO

EMMA ZALSOS
BSED Program Head

You might also like