Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG ___________ )

SINUMPAANG SALAYSAY
Ako si ANNA LIZA MACAPOBRES, may sapat na gulang
at naninirahan sa B29 L18 PH2 WELLINGTON RESIDENCE
BRGY. TRES CRUSES TANZA CAVITE matapos makapanumpa
ng naaayon sa batas ay Malaya at kusang loob na
nagpapahayag ng mga sumusunod:

Na, sa kasalukuyan ako at ang aking kaibigan na si


LOLITA BUENA ay nag tatrabaho sa Singapore bilang
Domestic Helper na kasama ko sa naging transaksyon ukol sa
pag-papaayos ng aming bahay na kung saan ito’y
ipinagkasundo sa mga nirereklamo sa pahinang ito.

Ang nasabing reklamo ay naganap sa mga sumusunod


na pangyayari:

Na Noong Desyembre 2021, nakilala namin ang nasabing


nirereklamo na si Ms. Elvie Puno at Victory Puno (Isang
Architect) noong panahon na kami ay tumutingin o nag
hahanap sa social media ng mabibilhang bathtub. Noong
panahon ding iyon ay aming pinapaayos ang aming bahay.

Noong Desyembre 13, 2021, agad namang naihatid ang


nasabing bathtub sa aming bahay sa wellington residence
tanza cavite, at noong araw ding iyon ay aming nalaman na
sila ay may negosyong napapatungkol sa pag aayos ng bahay
bilang isang contractor at kasalukuyang nag su-supply ng
mga materyales para sa bahay.

Amin ding napagusapan sa unang pag kakataon, na


kung siya ay pupunta sa aming bahay araw araw, ay aming
bibigyan ang naturang nirereklamo ng halagang 500 pesos. Sa
makatuwid, amin ding itinigil dahil masyado kaming
napapagastos sa kanyang pagpunta araw araw sa nasabing
bahay.

At Noong Enero 18, 2022, kami ay nag order at nag


bayad sa halagang 21,280 salaping piso para sa pinto at
1
hamba ng bahay, at main door ng bahay na nagkakahalaga ng
6,500 salaping piso, T&B smoke glass 6,500 salaping piso,
Flush Door 2,700 salaping piso at Door Jamb 1,860 salaping
piso.

At noong May 12, 2022 kami ay nag bayad ng 12,600


salaping piso para sa sliding door at nang buwan ding iyon ay
hindi naihatid ang nasabing sliding door dahil sa mga
ibat-ibang dahilan na kanilang binibigay. hangang sa ngayon
ang nasabing sliding door ay hindi parin na ihahatid.

Sa sumunod na buwan ay kami parin ay nag tiwala at


nag bigay ng pera sa halagang 85,870 para sa isang kontrata
hingil sa ipapagawang front facade. simula ng matapos ang
aming pagbabayad ay wala ng nagawa ang naturang
nirereklamo at sapilitan kaming iniwan na walang eksaktong
araw kung kailan ito matatapos.

Kami ay lubos na nag tiwala sa kanila pero kalaunan ay


walang napuntahan ang aming paguusap. sa ngayon aming
pag uusap ay walang naging resulta bagkus lahat ng dapat
bayaran ay aming nabayaran na sa pag papagawa ng Front
Facade at Modular Cabinet na isa naring bayad sa halagang
39,370 noong June 06 2022. Kalakip dito ang nasabing
kontrata na kanyang ipinasa sa social media (facebook) na sa
hangang ngayon ay hindi nila pinipirmahan na minarkahan
bilang ANNEX “A-series”, kalakip din dito ang aming buong
pag uusap na minarkahan bilang ANNEX “B-series”, kalakip
din dito ang nasabing mga resibo na pag papadala ng aming
bayad na minarkahan bilang ANNEX “C-series”, Kalakip din
dito ang DEMAND LETTER na aming pinadala ukol sa aming
hinihiling na pera na Minarkahan bilang ANNEX “D-series.

Kami po ay nag sisikap bilang isang domestic helper ng


singapore upang mairaos aming pamilya sa hirap at mabigyan
narin ng saysay ang aming buhay sa pag papaganda ng aming
bahay, at may maayos na mauuwian sa tuwing kami ay mag
babakasyon sa pilipinas. ngunit ang nangyari saamin ay isang
panloloko na ang kagustuhan lamang ay kami ay
pakinabangan sa kanilang pansariling interes.

Kaya naman ay kami ay sumasamo sa kagalang galang


na hukom na akmi ay tulungan sa kasong ito sapagkat hindi
madaling kitain ang pera sa pagiging domestic helper dugo’t
2
pawis ang aming ipinundar na pera para lamang sa maayos
na tahanan.

Bilang patotoo ay aking isusulat ang aking buonmg


pangaln at lagda sa ibabaw nito.

ANNA LIZA MACAPOBRES


Nagsasalaysay
SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayon ika
_____________________ dito sa Siyudad ng __________.

Doc No. _____ Notaryo Publiko


Page No. ____
Book No. ____
Series of 2022

You might also like