Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
TELERADYO NUMERO UNO PRODUCTION OFFICE
Iligan City Division

Grading Period: 4th Grading, Module 8, Lesson 1,


Subject / Grade: FILIPINO / Grade 7
Competency: Pag-uugnay sa Sariling Karanasan Batay sa Karanasang Nabanggit
sa Akda
Length: 15 mins.
Scriptwriter: FARIDAH R. FAISAL
MUSIC: OFFICIAL INTRO. MUSIC (RISING…. FALLING….)
GURO: Magandang araw mga mag-aaaral mula sa ikapitong baitang ng Iligan City Division.
Kumusta kayo? Ito pa rin po ang inyong nagbabalik lingkod-guro na si Ginang Faisal, muli
magiging kaagapay ninyo sa inyong aralin sa asignaturang Filipino para sa episode na ito. Bago
tayo magsimula ay bigyan natin maikling balik-tanaw ang ating natapos na episode sa
nakaraang pag-aaral kung saan kayo ay nakakapaglahad ng inyong sariling saloobin at
damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakahawig sa akdang
tinalakay.
GURO: Para sa panibagong aralin na ito kayo ay inaasahan maiuugnay ang sariling karanasan
ang mga karanasang nabanggit sa akda.
Pamilyar ba sa iyo ang salitang karanasan?
Ang karanasan na mula sa salitang-ugat na danas ay tumutukoy sa aktuwal na pagkakasangkot
ng isang tao sa isang pangyayari. Ito’y maiuugnay rin sa kaalaman ng isang tao na nakukuha
sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o maaari ring sa pamamagitan ng panonood ng
ibang taong gumagawa ng isang bagay o gawain.
Kapag tayo ay nakikipag-usap sa mga kaibigan natin, naririnig natin ang mga karanasang
kanilang pinagdadaanan sa pamamagitan ng kuwentuhan. Ang karanasang iyon ay karanasan
ng taong kausap mo, hindi sa’yo. Kailan natin masasabi na ang karanasang pinag-uusapan ay
sarili mong karanasan?
Sariling karanasan kapag ikaw na mismo ang dumaranas sa bagay na tinutukoy o kaya’y
pinagdaanan mo na talaga ito.
Ang karanasan ay karaniwang hinahati sa apat na uri:

Uri Kahulugan at Halimbawa

Pangkatawan Ito ay tumutukoy sa pisikal na gawain katulad ng


pagtatanim, pagluluto, pagbibisikleta, pag-eehersisyo, at iba
pa.

Pang-isip Ito ay isang pangkaisipang gawain katulad ng paglalaro ng


damath, crossword puzzle, pag-aaral sa aralin, at iba pa.

Pampuso Ito ay tumutukoy sa natututunan mula sa pagharap sa mga


sitwasyong may kaugnayan sa nararamdaman kagaya ng
pag-ibig, pagkagalit, pagkatuwa, pagkamangha, at iba pa.

Pangkaluluwa Ito ay pagkatutong pang-espiritwal kagaya


ng pagdarasal.

Madali lang unawain ang tinalakay, kaya natitiyak kong handa ka na upang gawin ang
gawaing inihanda para sa’yo.

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng piling saknong mula sa koridong “Ibong
Adarna: Ang Mahiwagang Balon”. Napatungkol ito sa pagiging mausisa ng isang tao tungkol sa
kaniyang namamasid sa paligid.

Balo’y lubhang nakakaakit


Sa kanilang pagmamasid,
Malalim ay walang tubig
Sa iababw ay may lubid

Ang lalo pang piinagtaka’y


Ang nakitang kalinisan,
Walang damo’t mga sukal
Gayong ligid ng halaman

Kaya mahirap sabihing


Balo’y walang nag-aangkin;
Ngunit saan man tumingin
Walang bahay na mapanasin

Si Don Juan ay nagwika;


“Balong ito’y may hiwaga,
Ang mabuting gawin kaya’y
Babain nang maunawa
Panuto: Gunitain o isiping muli ang iyong karanasan tungkol sa pagiging mausisa at iugnay ito
sa sariling karanasan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Kung nagawa mo na ang gawain na ito, nasiyahan ako sa ipinamalas mong galing. Binabati
kita. Ngayon, ihahatid na kita sa susunod na bahagi kung saan tatayahin mo pa ang iyong
kakayahan sa pag-uugnay ng sariling karanasan batay sa mga sumusunod na pahayag.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng sagot at isulat ito sa
sagutang papel.
1. Gusto mong ibahagi ang iyong natatanging kuwento sa bansang Pilipinas.
Anong paraan kaya ang maaaring gawin upang mapanood ito? a. Ibabahagi sa
facebook ang lahat ng larawan.
b. Ibabahagi ang aking kuwento sa kaibigan.
c. Ibabahagi kay Mel Tiangco ang aking kuwento.
d. Ibabahagi ang aking kuwento sa aking kapamilya.
2. Umagos ang mga butil ng luha sa pisngi ni Jodie dahil sa dinanas niyang kabiguan.
Batay sa pahayag, sa anong kuwento ng buhay ito maiuugnay?
a. masaya c. katawa-tawa
b. malungkot d. kamangha-mangha
3. Ano kaya ang silbi ng iyong mga karanasan sa buhay?
a. Ito ay nagsisilbing gabay sa paglalakbay sa mundong makulay.
b. Ito ay nagsisilbing biyaya upang maranasan ang kalungkutan.
c. Ito ay nagsisilbing dahilan upang tayo ay manalangin.
d. Ito ay nagsisilbing alaala upang gunitain.
4. Pinabasa ka ng iyong guro ng iba’t ibang kuwentong tagos sa puso at pinaugnay niya sa
sarili mong karanasan. Ano kaya ang motibo ng guro? a. Gusto niyang matuto kang magbasa.
b. Gusto niyang matutunan mo ang aral na hatid ng kuwento.
c. Gusto niyang malaman mo ang mga kuwentong tagos sa puso.
d. Gusto niyang malinang ang iyong kakayahan sa pag-ugnay ng iyong
sariling karanasan.
5. Ang nakararanas ng lihim na kalungkutan ang siyang nakakikilala ng lihim na
kaligayahan. Ano ang nais ipabatid ng pahayag?
a. Ang taong nakaranas ng kalungkutan ang tanging may karapatan na
makaranas ng kaligayahan.
b. Kung hindi mo nararanasan ang kalungkutan hindi ka magiging masaya
habambuhay.
c. Tumutukoy ito sa lihim na kalungkutan at kaligayahang nadarama ng
isang tao.
Binabati kita at muli mo na namang napagtagumpayan ang arlin na ito. Naway inyong isapuso
at isip ang mga mahahalagang butil ng karunungan na iyong natutunan sa araw na ito. Muli, ito
po ang inyong lingkod-guro na si Ginang Faisal na nagpapaalala, basta Iligan, number one,
basta Iligan walang iwanan. Paalam!

Prepared By: Reviewed By:


Faridah R. Faisal BERNILDO A. ORELLANA
Teacher I Managing Director

Noted By: Recommending Approval By:


ALEX C. BADO LEVI M. CORONEL
School Head EPS (FILIPINO)

Approved By

BLAIR D. CASTILLON
RB/TVBI Supervisor

You might also like