Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1.

Napatutunayan na ang
layunin, paraan at
sirkumstansya ay nagtatakda
ng pagkamabuti o
pagkamasama ng kilos ng tao
2. Nakapagtataya ng kabutihan o
kasamaan ng pasiya o kilos sa isang
sitwasyong may dilemma batay sa
layunin, paraan at sirkumstansya nito
LAYUNIN, PARAAN AT
SIRKUMSTANSIYA NG
MAKATAONG KILOS
Ang makataong kilos ay bunga ng
ating isip at kagustuhan na
nagsasabi ng ating katangian.
Kung ano tayo at kung ano ang
kalabasan ng ating kilos ay batay
sa ating pagpapasya.
Sa etika ni Santo Tomas de Aquino, ang
moral na kilos ay ang makataong kilos
sapagkat malayang patungo ito sa layunin
na pinag-isipan.
Ang papel na ginagampanan ng:
● Isip – ay humusga at mag-utos; at
● Kilos-loob – tumutungo sa layunin o
intensiyon ng isip
Ang panloob na kilos ay nagmumula sa
isip at kilos-loob. Samantalang ang
panlabas na kilos ay ang pamamaraan na
ginagamit upang isakatuparan ang
panloob na kilos. Kailangang parehong
mabuti ang panloob at panlabas na kilos
dahil nababalewala ang isa kung hindi
kasama ang isa.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, sa bawat
makataong kilos, ang kilos-loob ang
tumutungo sa isang layunin. Hindi
makapaghahangad ng anuman ang isang
tao kung wala itong pinakahuling layunin,
at ito ay ang makapiling ang Diyos sa
kabilang buhay.
Maaaring magtugma ang
kinalabasan ng Tibetan
Personality Test sa iyo, ngunit
tandaan na ang bawat resulta na
kilos ay naaapektuhan ng mga
salik tulad ng layunin, paraan, at
sirkumstansiya.
Sagutan ang Tayahin Natin sa google form
link na nasa GOOGLE CLASSROOM.

I-screenshot ang iyong iskor.

You might also like