SP-Ang Kabuluhan NG Sikolohiya Pang SCRIBD

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Kabuluhan ng Sikolohiya: Isang Pagsusuri

Summary and Reaction:


Hindi sapat na ibigay lamang ang kahulugan ng isang salita, dapat din nating malaman kung ano ang tunay nitong importansya o kabuluhan sa ating pang-araw-araw nating buhay. Ito bay nakatutulong o nakasasama? Ganoon din ang sikolohiya, hindi sapat na malaman natin ang kahulugan nito sa mga aklat, mas mainam at nararapat kung mailalapat natin at maiangkop ang gamit nito tungo sa pag-unawa at paglilingkod sa kapwa. Ang sikolohiya ay ang pag-aaral sa kilos ng isang organism, o ang pag-aaral ng mga kilos, isip, diwa, damdamin at poananalita ng tao. Ngunit dahil sa maling paggamit ng sikolohiya na bunga na rin ng mga ipinapalagay o assumptions dito at ng mga metodo sa pananaliksik na ginamit, tila nagiging laban sa interes ng tao ang paggamit sa sikolohiya. Nahahati sa dalawang bahagi ang usapin hinggil dito, ang unahin natin ay ang tatlong ipinapalagay ng sikolohiya. (1) Ang tao ay tinitingnan bilang isang indibidwal, hiwalay sa kanyang paligid, kung saan hindi binibigyang pansin na ang tao ay produkto din ng kanyang kapaligiran at hindi kinikilala ang panlipunang katangian ng tao. Kaya naman, di nasususring maigi ang mga tunay na sanhi ng kanyangt mga suliranin at patuloy itong nagpapabalik-balik. Binibigyang pansin lamang ng sikolohiya ang pagsasaayos ng saloobin ng tao tungkol sa pangkasalukuyan nilang kondisyon at dahil dito, pawang mga pansamantalang solusyon lamang ang naibibigay sa halip na tunay na pagbabago sa mga kondisyon na nagdudulot ng kanilang suliranin. Ikalawang ipinapalagay ng sikolohiya ay Ang mga tao ay magkakasintulad. Sa palagay namang ito, inaaplay ang prinsipyong unibersal kayat nagkakaroon ng mali maling pagkakaunawa sa ating sarili. Ang paniniwala na walang pagkakaiba ang mga tao sa isat isa ang nagbunsod sa paggamit ng mga teotya mula sa mga pananaliksik at karanasan ng ibang bansa upang ipaliwanag ang mga karanasan ng ating mamamayan. Bunga nito, hindi nabibigyang pansin ang maraming konsepto at katutuboing katangian ng mga Pilipino na nagdudulot ng maling paggamit ng kanilang mga teorya, pamamaraan at libro na kinalaunan ay lalong nagpapalayo sa kanya sa tunay na pag-unawa niya sa kanyang sarili. Hindi naman sinasalungat ang konseptong panlahat kundi ipinapaliwanag lamang na mayroon pa ring partikularisasyon na kumikilala sa ibat ibang kondisyon ng bawat indibidwal. Samakatuwid, hindi basta-bastang magagamit ang anumang teorya o eksamen kung hindi muna iaakma ang mga ito sa ating karanasan o dili kayay ipaisantabi muna ang mga ito at bumuo ng sariling mga teorya, batay sa karanasan ng mga Pilipino. Ikatlo, Ang sikolohiya ay hindi kumikiling sa anumang sistema ng pagpapahalaga o sa isang partikular na uri sa lipunan. Sinasabing walang anumang ideolohiya, sistema ng pag-iisip o sistemang pulitikal at uri sa lipunan ang pinapanigan ng sikolohiya. Ngunit ang katotohanan, hindi kaya ng sikolohiya ang ganitong paninindigan. Gaya ng ibang disiplina sa agham panlipunan, ang mga pinsg-aaralan dito ay natural lamang na nababantay sa pangangailangan ng mga nagpopondo o nagsusustento nito. Dahil dito, nalilimita ang mga pinag-aaralan sa ilang aspeto lamang at hindi sa tunay sa kinakailangan ng lipunan. Nagagamit pa nga ito bilang sandata sa pang-aapi ng estado. Hindi na nagagampanan ng sikolohiya ang tungkulin nitong maglingkod sa tao, bagkus, nagiging sandata pa ito upang matakpan ang katotohanan at totoong kondisyon sa lipunan sa

pamamagitan ng pagbabalatkayo ng mga suliranin bilang mga personal at indibidwal na suliranin na lamang at hindi dulot ng lipunan. Ang sikolohiya ay luho na hindi abot-kaya ng malaking sector ng lipunang Pilipino, ayon pa kay Jimenez, dahil sa ang mga mayayaman nga lamang naman ang may oras at salaping maigugugol para ditto. Sa kabuuan ng unang paksain, maibubuod na nararapat lamang na mapag-aralan din ang kapaligiran at kasaysayan ng tao upang magkaroon ng malaliman at masaklaw na pag-unawa sa kanya. Ang ikalawang bahagi ng usapin hinggil sa kabuluhan ng sikolohiya ay tungkol sa metodo o pamamaraang ginamit sa pananaliksik. Binibigyang diin naman nito ang kwantitatibong datos sa kapinsalaan ng kwalitatibong datos at ang gawaing panglaboratoryo. Kahit pa tiyak ang mga natutuklasan sa pamamagitan ng mahigpit at maingat na proseso sa laboratory, di maikakailang kapiraso lamang ito ng buong katotohana dahil itoy ibang iba sa mga kondisyon sa labas o sa totoong buhay. Karagdagan pa rito, ang mga natutuklasan sa laboratory ay binibigyan ng tuntuning panlahat samantalang kakaunti lamang ang bilang ng mga kalahok at hindi kumakatawan sa kabuuan. Kung kayat masasabing hindi nakakatulong ang mga pag-aaral sa pag-unawa sa tao bunga ng di mahusay na metodo. Mapupunan lamang ang kakulangang ito kung ilalapat ang mga resulta sa mga pangyayari sa labas ng laboratory tungo sa realidad at kung maisasapraktika ang mga teoryang nabuo upang patunayan ang kanilang katumpakan. Sa ganitong paraan, mas mapapakinabangan natin ang praktikal na kabutihang dulot nito sa lipunan na mas makabubuo ng mas mabuting daigdig para sa lahat ng mamamayan. Gayon pa man, dahil sa ang sikolohiya ay may tungkuling mapayaman at mapalalim ang pagkakaunawa ng tao sa kanyang kapwa tao, kaya naman dapat pa ring pagaaralan ang indibidwal na tao. Kailangang pagbalansehin ang indibidwal at ang lipunan upang makarating sa kabuuang larawan ng tao. Sa kasalukuyang kalagayan ng PIlipinas bilang isang papaunlad pa lamang na bansa, at bahagi ng Ikatlong Daigdig, napakalaki ang maaring magawa ng Sikolohiya. Sa pagkilala sa likas na identidad ng Pilipino bilang isang bansa, at sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri ng mga suliraning panlipunan at pagkakaisa ng lahat upang bigyanglunas ang mga suliraning ito, tiyak na makatutulong ng malaki ang sikolohiya. Dapat lamang na sa pagkakataong ito, makabuluhan at nababatay o nauugnay na sa pangangailangan, wika at kultura ng mga Pilipino. Kailangang nag-uugat sa mga konsepto, pananaw at karanasang Pilipino ang anumang teorya at kailangan nauunawaan at tinatanggap sa komunidad at angkop sa paksang pinag-aaralan ang anumang metodo na gagamitin. At sa ating bansa, higit na kinakailangan ng sikolohiya ang pagkakaroon ng isang balangkas ng pagsusuri, sa isang pamamaraan ng pagtanaw sa mundo upang malagay sa tamang direksyon ang lahat ng pananaliksik at paggamit ng kaalaman nang sa gayon, itoy maging sandata hindi laban sa interes ng tao kundi tungo sa pag-unawa at paglingkod sa kapwa nating Pilipino.

KLMB BSCP 1-2

You might also like