Layunin 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Name: Datu Al-Nash A.

Butuan Year/Course: 2 BEED A

MGA LAYUNIN NG PAGTUTURO

Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng edukasyon sa iba't ibang
antas: elementarya, sekundarya at tersyarya. kaya't anuman ang asignatura at guro, dapat niyang
isaisip na ang paglinang sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon.

Ano ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na pagpapahayag ng mga
inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang mga pagbabagong inaasahang magaganap sa
katauhan ng bata ay maaring mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor). Sa pagbuo ng
mga layuning pangkatauhan o pangkagaiwan (behavioral Objective), tandaan ang mga
sumusunod na paalala:

1. Banggitin ang gawi o Gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mga-aaral at hindi sa


pananaw ng guro. Ang mga layunin sa pananaw ng guro ng nagsisimula matutuhan, maunawaan,
maikintal, mapahalagang, atbp, ay dapat iwasan sapagka't ang mga ito ay walang sapat na
kalinawan sa kung ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aral. Ang mga salitang
tulad ng mapaguri-uri, makapagmungkahi, makabuo, malinawan, atbp, ang higit na mabuti
sapagkat ang mga ito ay tahasang nasasabi ng tiyak na gagawin ng medukasyon

2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga tiyak na gawi o gampanin


naLayunin sa Pagtuturo ng filipino maaaring makita, marinig, maisip, maramdaman o maaaring
bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa ng. "magunita ang mga karanasang may kinalaman sa
nagdaang lindol," "mabigkas ang mga salitang pares minimal nang malinaw at tumpak;" o kaya'y
"maawit ang Lupang Hinirang ng wasto at may damdamin."

3. Ang pagdaradag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhiang pagganap tulad ng


"mailarawang ganap," "mabigkas nang may katamtamang bilis," ay ang nakapagdaragdag ng
kalinawan sa layunin.

4. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitan ibibigay sa mag-aaral sa pagganap sa gawain

Halimbawa: "makaguhit ng iba't ibang anyo ng tatsulok sa tulong ng ruler," o kaya'y "makaguhit
ng iba't ibang anyo ng tatsulok nang hindi gamit ng ruler."
5. Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng pagkaganap na maaaring tanggapin
o pahalagahan.

Halimbawa: Pagkatapos ng aralin, 100% ng panananagumpay ng matalinong mag-aaral, 80% ng


karaniwang mag-aaral at 60% ng mahihinang mag-aaral ang inaasahang: a. Makapagpahayag
nang maliwanag ng . b. Makipagbigay ng mga katunayan ng c. Atbp.

Dagdag pa rito ang Layunin sa Pagtuturo ng Filipino ay:

• Ang tumitiyak kung ano ang mga inaasahang isasagawa ng mga mag-aaral bilang kinalabasan
ng kanilang pagkahantad sa nilalaman ng isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum.

• Inihahanda ng mga guro ito sa liwanag ng nilalaman ng aralin na nais nilang matutuhan ng mga
mag-aaral, pagtiyak sa lebel ng sopistikasyon ng pagkatuto na inaaasahan sa mga mag-aaral, at
batay sa kakayahan at kawilihan ng mga tinuturuan.

• Magsisilbing posteng pamatnubay sa paghahanda at pagbabalak ng aralin at iba pang


pagpaplanong pampagtuturo.

• Maging batayan sa pagpili ng mga to na kagamitang panturo, pansuporta sa mga batayang


aklat, pagtukoy ng angkop na estratehiya at paghahanda ng nararapat na ebalwasyon sa
pagkatuto.

Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Filipino

A. Pagtuturong nakapokus sa mag-aaral (Learner-centered

Pagtuturo)-binibigayang halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo ng pag-aaral ng mag-


aaral. Hal ng istratehiya:

• Mga laro

• Mga larawan

• Pagguhit

• Pantomina
• Pag-uulat

• Pagsasatao/roll play

• Pagkukwento

• Pagtatalumpati

• Talaarawan

Talatanungan:

1. Ang tumitiyak kung ano ang mga inaasahang isasagawa ng mga mag-aaral bilang
kinalabasan ng kanilang pagkahantad sa nilalaman ng isang pagtuturo-pagkatuto sa loob
ng klasrum.

2-4. Ibigay ang iba’t Ibang antas sa layunin ng edukasyon na hanguan ng mga layunin sa
Pagtuturo.

5-7. Ano-ano ang tatlong lawak na inaasahang pagbabagong magaganap sa katauhan ng Bata
?

8-10. Magbigay ng tatong halimbawa ng etratehiya sa Pagtuturo ng Filipino.

Mga sagot:

1. Layunin sa Pagtuturo ng Filipino


2. Elementarya
3. Sekundarya
4. Tersyarya
5. Pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive)
6. pandamdamin (affective)
7. pampisikal o saykomotor (psychomotor)

8-10. • Mga laro


• Mga larawan

• Pagguhit

• Pantomina

• Pag-uulat

• Pagsasatao/roll play

• Pagkukwento

• Pagtatalumpati

• Talaarawan

( Ito lang ang halimbawa ng estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino, at ito lang ang maaring
pwedeng isagot o tamang sagot. )

You might also like