Professional Documents
Culture Documents
Isip at Kilos Loob With Cse Integration
Isip at Kilos Loob With Cse Integration
3. Kamay o katawan
sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita
(sa bibig o pagsusulat)
ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o
gawa.
Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan
sa pamamagitan ng katawan, naipapakita ng tao ang nagaganap sa
kanyang kalooban
B. Kilos-loob
Narito pa ang ibang kakayahan ng kalooban.
1. Tinaguriang “blind faculty” dahil ang will o kalooban ay umaasa sa
kasipan
2. Kapangyarihan ng tao upang pumili
3. Biyaya ng Diyos sa paggawa ng pasya
4. Ayon kay Santo Tomas de Aquino ito ay makatuwirang pagkagusto
(rational appetency) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama
Batay sa Education in Values What, Why and for Whom ni Esther J. Esteban, 199
Ito ay dahil hindi nito direktang pinipili ang masama; ngunit napipili
lamang nito ang masama kung ang masama ay nababalutan ng kaunting
kabutihan kaya ito nagmumukhang mabuti. Dumedepende ang pagpili ng kilos-
loob sa katotohanang nauunawaan ng isip. Ang isip ang magsasabi sa kilos-loob
ng kung ano ang sa tingin
nito ang mabuti. Ang kilos-loob naman ang may kapangyarihang pumili at
isagawa ang piniling kilos nito. Sinasabing ugat ng mapanagutang kilos ang
kilos-loob.
1. Pagsasaliksik at pagtatanong.
Ang pagsasaliksik ay maingat na pag-iimbestiga. Sa paghahanap ng
katotohanan, marami ang mga pagkukunan ng impormasyon at datos tulad
ng mga aklat at maaari ring magtanong sa mga taong nakaaalam.
A. APPLICATION
Ngayong ganap mo ng nauunawaan ang gamit ng isip at kilos-loob at ang
tunguhin ng mga ito, mahalagang suriin kung tugma ba ang iyong ikinikilos o
ginagawa gamit ang mga ito.
Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang katulad mo. Suriin mo kung
alam mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong tsek (/) o ekis
(X) sa tapat nito. Suriin din kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng parehong simbolo. Gabay ang halimbawa sa ibaba.
TUNGKULIN ALA GINAGA NATUKLASAN
M KO WA KO
Pumili ng musikang pakikinggan / X Sumusunod lang ako sa
uso at mga gusto ng
aking mga kaibigan.
1. Sumunod sa patakarang
itinakda ng magulang.
2. Magsimba at patatagin ang
ugnayan sa Diyos.
3. Mag-aral ng mabuti, kahit
walang pagsusulit kailangang
magbalik aral.
4. Gamitin nang wasto ang
computer, internet at iba pang
gadgets.
5. Maging disente sa pananamit
6. Huwag mang-aabusong
seksuwal dahil ito ay
taliwas sa tunay na esensiya
ng seksuwalidad.
7. Huwag magpapadala sa peer
Pressure
8. Ang paggamit ng ating
katawanpara sa seksuwal na gawain
ay
mabuti ngunit maaari lamang
gawin ng mga taong
pinagbuklod ng kasal. Kaya
ginagalang ko ang aking
katawan.
REFLECTION
Pagnilayan ang mga sumusunod na mga katanungan tungkol sa isip at
kilos loob at isulat sa isang tablet paper ang iyong reyalisasyon o pag-unawa o
kasagutan.
1. Ano-ano ang mga konseptong pumukaw sa akin?
2. Ano ang aking pagkaunawa at reyalisasyon sa mga konseptong ito?
3. Ano-ano ang aking gagawin upang mailapat ang mga pag-unawa at
reyalisasyong ito sa aking buhay?