Professional Documents
Culture Documents
SLEM - Modyul4 - Pagsulat NG Rebyu - Pagsusuri Sa Gawang Malikhain
SLEM - Modyul4 - Pagsulat NG Rebyu - Pagsusuri Sa Gawang Malikhain
Filipino 12
Filipino sa Piling Larang - Akademik
Pagsulat ng Rebyu: Pagsusuri sa
Gawang Malikhain
Unang Kuwarter - Modyul 4
Lynette V. Mandap
Manunulat
Erlie A. Manzo
Tagaguhit
2
Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga kuro-kuro o pananaw
tungkol sa mga nakatalang gawang malikhain.
5. “________________________________”
(paboritong Kdrama)
*Magbigay ng halimbawa
6. “_______________________________”
(paboritong pelikula)
*Magbigay ng halimbawa
Ayon kay Bernales, et.al 2017, ang rebyu ay isang akdang sumusuri o
pumupuna ng isang likhang sining. Maingat ditong binibigyang-pansin ang
mga sangkap o element ng genre na nirerebyu upang ang isang kritiko ay
makapaglahad ng obhetibo at matalinong analisis.
Samantala, ayon kay Constantino at Zafra 2016, ang rebyu ay isang
mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula,
dula, pelikula, musika, sayaw) at gawang akademiko (tulad ng aklat o
3
artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik). Pagsusuri ang tampok
na bahagi ng isang rebyu. Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng
rebyuwer ang kaniyang mga pagninilay, pananaw, at paghuhusga tungkol
sa gawa. Narito ang ilan sa maraming posibleng hakbang o proseso na
maaaring gawin sa pagsulat ng isang rebyu:
1. Tukuyin ang mga batayang impormasyon tungkol sa gawang
malikhain.
2. Gumawa ng detalyadong buod ng gawa.
3. Tukuyin ang pangunahing tema o ideya ng gawang malikhain.
4. Tukuyin ang mga pangunahing pansuportang detalye o ideya ng
gawa ayon sa sariling pananaw, paniniwala, o paninindigan ng
rebyuwer.
5. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o ideya ng
gawa ayon sa sariling pananaw, paniniwala, o paninindigan ng
rebyuwer.
6. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o ideya ng
gawa ayon sa kasapatan o katatagan ng mga pansuportang
detalye o ideyang ginamit sa pagdebelop ng pangunahing tema
o ideya.
7. Suriin ang pamamaraang (kumbensyon, elemento o sangkap,
estratehiya, teknik, genre o anyo) ginamit sa pagbuo ng gawa.
8. Iugnay ang gawa sa iba pang kaugnay na gawa (kung
nagrerebyu ng isang pelikula tungkol sa Overseas Filipino
Worker, maaaring iugnay ito sa iba pang pelikulang Pilipino
tungkol sa OFW).
9. Humanap ng mga puwang o katahimikan sa gawa (puwedeng
suriin hindi lamang ang kung ano ang nasa gawa kundi maging
ang wala dito, ang hindi nito isinama na sa palagay mo ay
mahalagang naisama sa gawa).
10. Iugnay ang gawa sa napapanahong isyu.
11. Iugnay ang gawa sa personal na buhay.
12. Pagtuonan ang mga susing salita o konsepto sa pamagat at
suriin kung paano ito napapatotohanan o napasusubalian sa
kabuuan ng gawa.
13. Iugnay sa sariling pagsusuri ang pagsusuri ng ibang rebyuwer
o kritiko tungkol sa gawa kung mayroon man.
4
Basahin ang halimbawang rebyu:
Totoo sa pamagat nito, inilalatag ng Never Not Love You ang isang uri ng
matatag, kung hindi man palagiang pag-ibig sa kasalukuyang Pilipinas, sa pagitan
ng mga tauhang sina Joanne, isang dalagang white-collar na manggagawa na
tanging layunin ang maging assistant brand manager; at Gio, isang Fil-Am tattoo
artist at graphic designer na, dahil hinintuan nang tustusan ng kanyang amang
Amerikano, kinailangang maghanap ng trabahong higit na makatutustos sa
kanyang mga pangangailangan. Mula sa mga ganitong pinagmumulan ng mga
tauhan, higit na napahahalagahan ang motif ng paglalakbay na karaniwang
matatagpuan sa mga pelikula ni Jadaone: ang paglalakbay sa pelikula mula
siyudad ng Makati hanggang London ay pakikipagsapalarang tulak ng mga
materyal na pangangailangan ng mga tauhan. Sa ibang salita, hindi na ito pawang
5
paglalakbay para lamang hanapin o buuin ang sarili sa pamamagitan ng mga
tangkang pamimilosopiya sa buhay pag-ibig (tulad sa That Thing Called Tadhana
(2014)) o pamilya (tulad sa Love You to the Stars and Back (2017)). Kaya naman sa
huli, ang pinapalabas pala ng pelikula ay isang uri ng pag-ibig na maláy sa muhon
din nitong pinakamateryal.
Sa ganitong paraan nakikita ang higit palang tuon ng pelikula kay Joanne,
at mula dito mapahahalagahan sa isang banda ang palabas bilang isang
pagbabanghay sa karaniwang pantasya hinggil sa pag-unlad sa Pilipinas ng
kasaluyang panahon. Dito rin nakikita ang paggana ng romanse sa pelikula:
sapagkat gumagana ang romanse sa idealidad, naaangkop lamang na
malangkapan ang romanse ng kasalukuyan ng praktikalidad at pagsasalalay sa
materyal na mga pangangailangan, dahil sa ganitong paraan lamang din
napananatiling ideal sa isang banda ang romanseng ipinalalabas para sa
nakararaming manonood. Kaya bagaman mukhang kakaiba sa mga pelikulang
nagawa ni Jadaone, kung hindi man sa mga pelikulang romanse sa henerasyon ng
6
kasalukuyan, ang ipinalalabas lamang din sa Never Not Love You sa isang banda
ay ang parehong romanse, subalit sa anyong nakahabol na sa kasalukuyang
kalagayang sosyo-ekonomiko at mga pagdidiskurso hinggil dito, kung kaya
nagmumukhang bago, kung hindi man progresibo, bilang isang pelikulang
romanse.
*Mula sa “The 29th Annual Circle Citations for Distinguished Achievement in Film for 2018
SINE SIPAT: Recasting Roles and Images, Stars, Awards, and Criticism” ng University of the
Philippines, Diliman Quezon City”
7
I. Tingnan kung ano-anong hakbang sa pagrerebyu ang ginamit at
kung paano ito inilapat sa rebyu ng pelikulang Never Not Love You.
Maaaring balikan ang mga panukalang hakbang ng pagrerebyu ng
gawang malikhain sa pahina 3, Pagpapakilala sa Aralin. Ang
unang bahagi ay ginawa na para sa iyo.
8
5. Nasuri ang ilang pamamaraang ginamit sa 10
pagbuo ng gawa.
6. Naiugnay ang gawa sa iba pang kaugnay na 10
gawa.
7. Naiugnay ang gawa sa mga napapanood na 10
isyu.
8. Nagamit ang iba pang hakbang o proseso sa 10
pagrerebyu.
Kabuuan 80
9
Suriin mo ang isinulat mong rebyu. Markahan mo ang iyong isinulat
batay sa rubrik na ito:
Kraytirya Puntos
1. Nailahad ang mga batayang impormasyon tungkol sa gawang 5
malikhain.
2. Nakasulat ng detalyadong buod 5
3. Natukoy ang pangunahing tema o ideya ng gawa, pati na ang 5
mga pansuportang ideya.
4. Nasang-ayunan o napasubalian ang pangunahing tema oo 5
ideya batay sa sariling pananaw, paniniwala, o paninindigan.
5. Nasuri ang ilang pamamaraang ginamit sa pagbuo ng gawa. 5
6. Naiugnay ang gawa sa iba pang kaugnay na gawa. 5
7. Naiugnay ang gawa sa mga napapanood na isyu. 5
8. Nagamit ang iba pang hakbang o proseso sa pagrerebyu. 5
Kabuuan 40
Mga Sanggunian
Benitez, Christian Jil R. Mukha’t Pag-ibig: Hinggil sa never Not Love You (Antoinette
Jadaine, 2018). Young Critics Circle Film Desk. Hango sa
https://yccfilmdesk.wordpress.com/2019/08/14/mukhat-pag-ibig-hinggil-sa-
never-not-love-you-2018/
Susi sa Pagwawasto:
Unang Pagsubok: 1TAMA, 2TAMA, 3MALI, 4TAMA, 5TAMA,
6MALI, 7TAMA, 8MALI, 9MALI, 10TAMA
10