Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian, maaaring naiiba sa lahat dahil


natatangi ang bawat isa. Tunghayan ang mga sumusunod na katangian ng Wikang
Filipino bilang Wikang Pambansa ng Filipinas:

 Nagmula sa iba’t ibang katutubong Wika sa Filipinas


Mula sa Tagalog at iba pang pangunahing wikain sa Filipinas at iba pang
Wikang katutubo nito, na patatag ang Wikang Filipino bilang Wikang
pambansa ng Filipinas.
Hal. Tagalog, Ilocano, Cebuano, Waray, Kapampangan, at marami pa.

 Mayaman sa mga salitang bago at napapanahon


Batid natin, ang wika ay buhay, mayroong nawawala at mayroon ding
umuusbong nabago. Ito ay dahil sa impluwensiya sa pagbabago ng panahon na
hindi kailanman ay maiiwasan ng sinuman.
Hal. Friendzone – bagong tawag sa salitang basted
Mahangin – mayabang
Drawing – hindi natuloy na lakad
Pagong – mabagal kumilos
Char, pabebe, wapakels, lodi, at marami pang iba.

 Progresibo o maunlad
Dahil likas na mapagbago ang wika, pinauunlad nito ang isang bayan o bansa
upang mapanatili at makilala ang tatak nito na siyang dahilan ng pag-ahon o pag-
unlad ng wika.

 Masasandalan sa Pakikipagkapuwa
Ang Filipino biolang Wikang pambansa ay pangunahing instrumento sa
pakikipagtalastasan sa kapuwa sa iba’t ibang panig ng Filipinas. Lahat ng mga
tunay na mamamayang Filipino ay nakauunawa rito.
MGA NAGING KATAWAGAN NG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS

Dumaan sa maraming pagsubok ang Wikang Pambansa ng Pilipinas kaya


naman nagkaroon ito ng iba’t ibang katawagan na kung saan dapat mabatid ng
sinumang guro na nagtuturo ng Wikang Filipino.

1. Wikang Pambansa ng Pilipinas Batay sa Tagalog (Kautusang


Pangkagawaran Bilang 134, s. 1939)
2. Wikang Pambansang Pilipino
3. Wikang Pilipino
4. Pilipino (Kautusang Pangkagawaran Bilang 7, s. 1959)
5. Filipino (Kautusang Pangkagawaran Bilang 22, s. 1987)

Ang sumusunod ay iba‟t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan


tungkol sa pagkasulong ng ating wika:

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184


na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansana naatasang gumawa ng pag-aaral ng
mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134


ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng


paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong
Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na


simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika
ng bansa.
 
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang
ito, kaylanman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang


kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong


nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya
hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa
taong panuruan 1974.

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon


at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad
ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang


rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal napinamunuan ni Cecilia Muñoz
Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng
pitak ang tungkol sa Wika
Artikulo XIV – Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito


ay dapat payabungin at pagyamanin pasalig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat
na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas
bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 - Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat


isalin sa mga pangunahing wikangpanrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 -Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t  ibang mga rehiyon at mga disiplina
na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba spang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at


nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng
Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din,
pinagtibayang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan
sa mga piling asignatura.

You might also like