Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Monologue

Elias sa buhay ni Ibarra

Ako pa ala ay apo ni Ingkong, isang kilalang mayaman sa aming lugar. Nilayasan ko ang pamilya
at gusto ko mamuhay ng sa aking sariling kayod lamang. Dahil sa marami na akong karanasan sa buhay,
palipat lipat ng lugar, ay napadpad din ako sa San Diego sa Amerika. Doon ko nakilala ang aking
kasintahan na si Salome.

Matalik na kaibigan ko si Ibarra. Una kaming nagkakakilala ni Ibarra sa isang pagkakataon sakay
si Ibarra sa barkong aking pinag tratrabahoan. Ang mga tripolante sa barko ay may nahuling buwaya
gamit ang lambat. Sabi ko sa isang mama na yun pala ay si Ibarra, “Mr., pwede po ba kayong umatras ng
kaunti dahil baka ma aksidente kang makagat ng buwaya”. Hindi ako nagkakamali, nagwala ang buwaya.
Tumalon ito ng bahagya at napunta kay Ibarra. Sumigaw ako para pa atrasin si Ibarra. Kumuha ako ng
pana na matulis at pinatay ko ang buwaya. Simula noon, naging magkaibigan kami ni Ibarra.

Tanda ko pa ang panahon na yon na si Maria Clara at Ibarra ay kasamang sakay sa barko na
makikita mo ang kasintahan puno ng masarap na ngiti at pag iibigan.

Dahil sa madalas na pagkikita namin ni Ibarra, nalaman ko ang kanyang mga plano o balak laban
sa simbahan at gobyerno na nang alipusta sa mga kababayang Pilipino. Ginawa ko ang aking makakaya
para makapag bigay ng impormasyon sa kanya tungkol sa mga galaw ng mga prayle at gwardiya sibil.
Nagulat lang ako ng makulong si Ibarra. Kaya nag kukunwari rin ako na porma gwardiya sibil para
mapasok ko ang bilanggoan ni Ibarra. Tinulungan ko siya makatakas. Tapos pa ay, sinunog ko ang mga
papel na gawa gawa lamang para madiin si Ibarra.

Habang kasagsagan ng aming pagtakas ay pinatakbo ko si Ibarra sa ibang daan at naghubad ako
ng damit para mapagkamalang ako ay yaong si Ibarra. Hinabol ako pero dahil sa may karanasan ako sa
mga gawaing katulad nito ay nakatakas ako. Maswerte ako dahil hindi ako natamaan ng bala dahil
nagpaputok ang mga gwardiya sibil.

Kahit buhay ko ang kapalit ay gagawin ko para tulungan siya dahil matalino si Ibarra at ang
pananaw niya ay ang kalayaan ng mga Pilipino laban sa Kastila.

Sa kasamaang palad ay napag alaman ng mga Kastila ang aking mga ginagawa. Hinahabol ako
nila at andito pa rin sa kagubatan na lupain ng pamilya Ibarra.

You might also like