TSISMIS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

MGA GAWAING

PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
• Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas ng lipunan;
• Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino
bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad;
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;
• Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
ng larangan
(1) Tsismisan (2) Umpukan (3)
Talakayan (4) Pagbabahay-bahay
(5) Pulong-bayan (6)
Komunikasyong di-berbal (7) Mga
ekspresyong lokal
TSISMIS
Maganda ba o hindi
ang pagkakaroon ng
tsismis sa buhay ng
tao?
TSISMISAN O PAGSAGAP
NG ALIMUOM
sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang
tsismis ay ang pambansang marijuana ng bansa.
Pakikipagkwentuhan sa buhay-buhay at mga
pamumuhay ng ibang tao.
Negatibong implikasyon sa taong gumagawa nito at
maging sa taong paksa ng tsismis.
Ang tsismis ay tumatalakay sa isang akto ng
pagsisinungaling, pag-imbento ng
kwento,pagmamalabis, bagamat kung minsan ay may
halong katotohanan.
MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT
LITERATURA HINGGIL SA TSISMIS
• Ayon kay Liam (2016) ang tsismis ay isang anyo ng
talumpati kung saan ang kaalaman sa kasanayang
superbisyon ay umiinog sa kontekstong pang-akademiko.
• Ayon kina Akyon, Yozgat at Ayas (2015) ang tsismis ay
kilala bilang mga di opisyal na pagpapalitan ng mensahe ng
mga manggagawa.
• Ayon kay Ting-Toomey (1979) ang tsismis ay isang
proseso ng komunikasyon kung saan ang impormasyon
hinggil sa mga aktibidad ng isang tao ay inilalantad at
pinaiikot sa eklusibong paraan sa dalawa o higit pang tao.
• Pinaniniwalan ni Klinghoffer (1994) na ang tsismis ay
hindi naman lantarang mali.
• Iminumungkahi nina Guerin at Miyazaki (2006) na
ang pangunahing layunin ng tsismis ay hindi ang
pagbibigay ng impormasyon sa mga nakikinig kundi
ang magbigay aliw o kuhanin lamang ang atensyon ng
mga tagapakinig upang mapaganda ang ugnayang
panlipunan.
LEGAL NA AKSYON AT MGA PATAKARAN NA
KAUGNAY NG TSISMIS
• Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na
akto, bagamat hindi maituturing na krimen ay maaaring
makabuo ng isang dahilan ng aksyon o cause of action para
sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan:
(1)Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
(2)Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o
ugnayang pampamilya ng iba;
(3)Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay
iiwasan ng kanyang kaibigan;
(4)Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang
paniniwalang pangrelihiyon, mababang antas ng
pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto at
iba pang personal na kondisyon.
UMPUKAN
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at
Malapitang Salamuhaan
• tumutukoy sa isang maliit na grupo ng taong
nag-uusap hinggil sa mga usaping ang bawat
kasapi ay may interes sa pag-uusapan na
maaaring may kabuluhan sa kanikanilang
personal na buhay, katangian, karanasan o
kaganapan sa lipunan.
• Impormal ang talakayan sa umpukan sapagkat
kasama sa pangkat ay malayang
makapagpahayag ng kanilang saloobin hinggil
sa paksa na pag-uusapan.
TALAKAYAN
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGAPILIPINO
TALAKAYAN: Masinsinang Talaban
ng Kaalaman

•Ang talakayan ay tumutukoy sa proseso


ng pagpapalitan ng ideya o kaisipan para
sa isang nararapat o mahalagang
desisyon. Mayroong nakatalagang
tagapangasiwa sa naturang gawain kung
kaya’y higit na pormal ang gawaing ito
kumpara sa umpukan.
KATANGIAN NG MABUTING
PAGTALAKAY
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng
mga mag-aaral sa pagtanong at pagsagot sa
mga katanungan na walang pangamba.
2. Hindi Palaban. Minsan nagkakaroon ng
kainitan ang talakayan kung kaya hindi dapat
dumating sap unto na ang respeto sa loob ng
klase ay mawala bagkus ipahayag ito nang
maayos at sa paraang mahinahon na may
wastong paggalang.
KATANGIAN NG MABUTING
PAGTALAKAY
3. Baryasyon ng Ideya. Magkaroon ng
pagkakaiba-iba ng ideya na maaaring maging
instrumento ng mas mainam pang pakahulugan
na nakabatay sa mga sagot ng bawat isa
4. Kaisahan at Pokus. Ang dalubguro ang
tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa
klase kung kaya’t marapat lamang na handa siya
sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa klase.
PAGBABAHAYB
AHAY
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG
MGA PILIPINO
PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapwa sa
kanyang Tahana’t Kaligiran
• Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang
indibidwal patungo sa dalawa o higit pang maraming
bahay upang maisakatuparan ang naturang mithiin
tulad ng pangungumusta, pakikiramay, paghingi ng
pabor para sa proyekto at marami pang iba.
• Ito ay tradisyong nagpamalas ng mabuting
pagpapakilala at pagtanggap ng mga panauhin na
pinatutunayan sa mahahalagang okasyon sa buhay
ng tao tulad ng pista, pasko, araw ng mga patay at
kaluluwa at kaarawan.
PULONG
BAYAN
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG
MGA PILIPINO
PULONG BAYAN: Marubdob na
Usapang Pampamayanan
• Karaniwan itong isinasagawa sa isang partikular
na grupo bilang isang konsultasyon sa bawat
kasapi at paghahanda sa darating na okasyon o
aktibidad. Lider ang nangunguna sa naturang
pulong upang pangasiwaan ang maayos na daloy
ng pagpupulong tulad ng pagbibigay ng
suhestiyon, mungkahi o opinyon.
PULONG BAYAN: Marubdob na
Usapang Pampamayanan
• Malaki ang papel ng pulong sa pagsasagawa ng
regulasyon at batas na nais ipatupad lalo na’t may
direktang epekto ito sa mga mamamayan. Bahagi
ng proseso ng regulasyon ang konsultasyon sa tao
o publiko at inbalido ang anumang batas na
maaprubahan kung walang isinagawang
pagsangguni sa mga mambabatas.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG
1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang
layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa ang
pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay
nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang
pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya
nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na
nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng
agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng
nagpupulong.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG
4. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa
pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng
isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan,
kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao
sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong
ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng
organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba
at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay
na problema.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG
6. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong
maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya
hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng
lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na
nanonood, nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang
mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang
pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.
7. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting
ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras – tulad
halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras
ng trabaho ng mga manggagawa
EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng
Masigla at Makulay na Ugnayan
• Ang ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang
nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng
damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat,
pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya tuwa o
galak. May mga ekspresyon din ng pasasalamat,
pagbati o pagpapaalam
IBA’T IBA ANG EKSPRESYONG LOKAL NA
LAGANAP SA BANSA.
1. Tagalog – “Bahala ka sa buhay mo”; “Tanga!”;
“Nakupo”; “Inay ko!”; “Dyusko o Susmaryusep”.
2. Ilocano – “Alla” o namangha; “Gemas” o
nasarapan at “Anya metten!” o ano bay an!.
3. Bicolano – “Dios mabalos” o pasasalamat;
“Garo ka man” o pagkadismaya; “Inda ko sa
imo” o ewan ko sayo at Masimut o Lintian” o
sobrang galit.
4. Bisaya – “Ay, Tsada” o maayos sa paningin;
“Samok ka!” o magulo ka; “Paghilum!” o
manahimik ka; “Ambot” o medyo inis o galit.
KOMUNIKASYONG
DI-BERBAL
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGAPILIPINO
Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong
Di-Berbal
1. Kinesika – pinapatunayan lamang sa bahaging ito na ang bawat
kilos ay may kaakibat na kahulugan na maaaring bigyang
interpretasyon ng mga taong na kanyang paligid. Ekspresyon ng
mukha tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay.
2. Proksimika – gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao
sa kapwa ay may kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng
tagatanggap ng mensahe tulad ng naguusap na malapit ang distansya.
3. Oras(Chronemics) – oras ang pinapahalagahan sa uring ito na
nahahati sa apat: teknikal o eksaktong oras, pormal na oras o
kahulugan ng oras bilang kultura, impormal na oras o o ras na
walang katiyakan at sikolohikal na nakabatay sa estado sa lipunan at
mga personal na karanasa
Halimbawa ng Oras(Chronemics) na isinasaalang-
alang sa komunikasyon:
a. Teknikal o siyentipiko. Tumutukoy ito sa eksaktong
oras na napagkasunduan.
b. Pormal na oras. Ito ang oras na ginagamit upang
ipakita ang kahulugan ng oras bilang kultura.
c. Impormal na oras. Tumutukoy ito sa oras na walang
katiyakan.
d. Sikolohikal na oras. Ang bawat depenisyon ng tao
saoras ay nakabatay sa kanyang estado sa lipunan at
mga personal na karanasan.
Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong
Di-Berbal
4. Haplos (Haptics) – uri ng komunikasyon na
karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi.
5. Paralanguange – tumutukoy sa mga di-
lingwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
katulad ng intonasyon, bilis at bagal ng pagsasalita, at
kalidad ng tinig.
6. Katahimikan – ito ay tulad ng pagsasawalang kibo.
7. Kapaligiran – ang kaayusan ng lugar na
pagdarausan ng gawain ang makatutulong upang
malaman kung ang magaganap na talakayan ay pormal o
impormal.

You might also like