Taglay mong kakisigan ang siyang pinangangambahan Pati ngiti mo na kayang tunawin Yaring puso ko na gusto mong sungkitin Mga pagseselos mo na parang babae ako Lalo mo lamang pinapaalab yaring puso ko Pero bakit nananaig ang takot sa sarili ko? Mahal nga kita pero hanggang saan ba?
Ayaw kong mangyari na dumaloy muli mga luha sa mata ko
Pati pagdurog sa puso ko ayaw kong maranasan muli Tama na ang araw sa kalendaryo ng mawala ang diwa ko Umabot sa himaymay ng aking buto sakit ng kahapong dulot ng pagmamahal na sabi ng iba dapat maramdaman ko Bago humalik ang araw sa lupa sana mapagtanto ko Pagmamahal na alay mo sana masuklian ko Patawad pero gusto ko munang manigurado Dahil mahirap ang masaktan ng paulit ulit lalo na't tunay at wagas ang alay mo