Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sa artikulong isinulat ni Leila B.

Salaverria na nailathala sa
Philippine Daily Inquirer noong
Disyembre 5, 2012, tinalakay
niya ang resulta ng pag-aaral ng
Transparency International
tungkol sa persepsyon ng
korapsyon sa Pilipinas. Sa
nasabing pag-aaral, nagtala ang
Pilipinas ng iskor na tatlumpu't
apat sa kabuuang 100 kung
saan ang 100 ay may
deskripsyon na "very
Larawan I : Editorial Cartoon Tungkol sa Corruption clean". Sanggunian: Philippine
Daily Inquirer: 2012

Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor na tatlumpu't


lim.Kung tutuusin, mababa pa rin ang markang ito kung ihahambing sa mga bansang
Finland, New Zealand, Sweden, at Singapore na may matataas na marka at
wturing na "very clean". Nagbibigay ito ng mensahe na ang Pilipinas ay isa pa rin sa ga
bansa sa daigdig na may malaganap na korapsyon sa pamahalaan.
Binigyang-pansin sa iyong binasa ang isa sa mga isyung nararanasan
sa ating bansa — ang korapsyon. Angkorapsyon ay makikita sa mga
simpleng serbisyong pampamahalaan tulad ng pagkuha ng permit para sa
pagbubukas ng negosyo hanggang sa mga malawakan at malakihang
proyekto tulad ng pagpapagawa ng kalsada, tulay, at mga gusaling
pampamahalaan. Maraming mamamayan ang nag-aakala na wala itong
direktang epekto sa kanila subalit, ang katotohanan lahat tayo ay apektado
nito. Ganito rin ang persepsyon ng ibang mamamayan sa iba pang isyu at
hamong panlipunan na nararanasan sa ating bansa tulad ng paglabag sa
karapatang pantao, malayang kalakalan, pang-aabuso sa mga kababaihan,
at mga suliraning pangkapaligiran na dulot ng maling pangangalaga sa
kalikasan. Bunga nito, hinihiwalay ng mga mamamayan ang kanilang sarili
sa mga isyu at hamong panlipunan upang matugunan ang mga personal na
hamon at pangangailangan.
Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na
kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga
sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan
na lahat tayo ay may bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga
suliraning pangkapaligiran.

Mahalaga ring maunawaan mo ang epekto nito sa indibiduwal, sa


iba't ibang pangkat ng tao, at sa lipunan sa kabuuan. Higit sa lahat,
makatutulong din ito upang maging aktibong bahagi ka ng mga programa at
polisiya na naglalayong bigyan ng katugunan ang mga suliranin. Ang mga
mamamayang mulat at tumutugon sa kanilang mga tungkulin ay kailangan
sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng indibiduwal at lipunan.

You might also like