Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 89

Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC

Written by Andrian Legaspi

1
Synopsis:

Sawi sa pag-ibig si Ryan, nakipaghiwalay ang syota niya sa mismong araw ng kanilang

‘monthsary’. Ano pa nga ba ang susunod na magandang hakbang niya kung hindi ang pagsulat

ng kanyang cellphone number at ‘wanted textmate’ sa perang papel. At yun nga ang kanyang

ginawa, syempre. Pero hindi si Ryan at ang kanyang feelings ang bida sa kwentong ito. Wala

tayong pakialam doon. Ang bente pesos na kanyang sinulatan ang bida. Ang bente pesos.

Susundan natin ang paglalakbay ng bente pesos na ito, kung kanino mapasakamay ang bente ay

doon susunod ang kwento. Umiikot ang pera, nagpapapasa-pasa ng kamay, kasabay ng pag-ikot

ang istorya. Sa bayan ng Dasma, Imus, at Bacoor ang ganap, sa probinsya ng Cavite.

Humigit kumulang 24 oras natin susundan ang bente pesos. Hindi basta-basta ang araw

na ito, hindi pangkaraniwang araw, espesyal na araw. Showing sa sinehan sa araw na ito ang

bagong pelikula ni John Lloyd Cruz, espesyal talaga. Bukang bibig ito ng lahat. Nanginginig sa

kilig ang karamihan. Iba’t ibang tao ang makikilala natin, iba’t ibang kwento, iba’t ibang

pangarap, iba’t ibang realidad, iba’t ibang katotohanan, iba’t ibang antas ng paghanga kay John

Lloyd Cruz.

2
1 INT. FAST FOOD RESTAURANT. UMAGA.

May nakaupong babae, 17 taong gulang, kolehiyala, naka-school uniform. Malalim ang kanyang

iniisip at mukhang malungkot, medyo basa pa ang kanyang buhok at hindi pa tuluyang natutuyo

gaya ng karamihan ng mga babaeng Filipina sa umaga. DIANNE ang kanyang pangalan.

Mayroon siyang hinihintay.

Kakaunti pa lamang ang tao sa loob ng fast food. May ilang senior citizens na nagbabasa ng

dyaryo at kumakain ng pan cake at nagkakape. May ilan ding tao na mukhang kakatapos lang

mag-jogging.

Dadating ang isang lalake, palapit sa table ni Dianne, naka-school uniform din, naka-gel ang

buhok, may dalang food tray, kaklase sa kolehiyo at kasintahan siya ni Dianne, siya si RYAN, 17

taong gulang. Mauupo siya sa harap ni Dianne. ‘Monthsary’ nila ngayong araw.

Ang laman ng food tray ay dalawang basong softdrinks, isang plato ng spaghetti, at isang

hamburger at french fries. Nakalagay din sa tray ang sukli niyang BENTE PESOS na papel.

Makikita natin na may nakasulat sa bente pesos na “Wanted Textmate 09273591331”.

Iaabot ni Ryan ang spaghetti kay Dianne, sa kanya naman ang hamburger at fries.

RYAN

(nakangiti) Happy monthsary bhe.

3
Tatango lang si Dianne.

Kakagat si Ryan sa hamburger. Lilingon sa kaliwa at mapapangiti.

RYAN

(nakangisi na parang nangungutya) Tignan

mo si Kevin, nasa kaliwa (ituturo niya si

Kevin sa pamamagitan ng nguso). Nagpa-

brace ng ngipin. Nagdikit nga yung mga

ngipin niya, umusli naman yung nguso.

Lilingon si Dianne upang tignan si KEVIN, dalawang mesa ang layo nito sa kanila. Hindi siya

matatawa sa sinabi ni Ryan. Kaklesa din nila si Kevin, 17 taong gulang, sobrang payat nito.

Iinom ng softdrinks si Ryan.

RYAN

Nood tayo sine mamaya ha. Showing na yung

bago ni John Lloyd.

Hindi sasagot si Dianne. Nakatitig lang siya sa kanyang hinahalong spaghetti.

4
RYAN

May regalo ako sa’yo. (kukuhanin niya sa bag

ang regalo) Bracelet! (iaabot niya kay Dianne)

Mahal yan bhe.

DIANNE

(walang emosyon) Salamat.

RYAN

Ikaw may regalo ka sa’kin?

DIANNE

Wala.

RYAN

(nalilito) Galit ka ba sa’kin?

Iiling si Dianne. Hindi siya galit.

RYAN

Bakit wala kang kaimik-imik dyan? May nagawa

ba akong masama?

5
Iiling lang uli si Dianne. Walang nagawang masama si Ryan.

RYAN

(nakangiti, nagbibiro) Mahal mo pa ba ako?

Iiling uli si Dianne. Hindi na niya mahal si Ryan.

Mawawala ang ngiti ni Ryan at mapapalitan ito ng pagdismaya. Hindi siya makapaniwala.

Titigil sa paghahalo ng spaghetti si Dianne at titingin siya kay Ryan.

DIANNE

Break na tayo.

RYAN

(naluluha) Bakit naman? Wala namang ganyanan,

Dianne.

DIANNE

Wala na akong maramdamang saya kapag

kasama kita.

Tuluyan ng mapapaluha si Ryan.

6
DIANNE

Wag ka umiyak.

RYAN

Ang lakas ng trip mo. Ginagawa ko naman

lahat ha.

DIANNE

Sorry.

RYAN

Gago ka. Tang-ina mo. Fuck you!

DIANNE

(walang emosyon) Fuck you ka din.

Tatayo si Dianne upang umalis.

RYAN

Wag ka muna umalis. (long pause). Kumain

ka muna. Pag-usapan natin ‘to.

7
DIANNE

Mauuna na’ko.

Tatayo din si Ryan.

DIANNE

Wag kang tumayo. Wag mo akong susundan.

Kita-kita na lang sa school mamaya.

Uupo uli si Ryan.

RYAN

Ubusin mo muna ‘yang spaghetti mo, hinalo

mo lang e.

DIANNE

Wag na. Sa ‘yo na lang.

RYAN

Hindi na ’ko papasok.

DIANNE

Okay.

8
Ibibigay ni Dianne ang kanyang panyo kay Ryan upang pampunas ng luha.

Aalis nang tuluyan si Dianne.

Ipupunas ni Ryan ang panyo sa kanyang mga mata. Mapapatulala siya at tititig sa kawalan.

Magpapatuloy siya sa kanyang pagkain ng burger at french fries. Uubusin niya ito. Dahan-dahan

na rin siyang tumatahan. Namumula na ang kanyang mga mata. Lilingon siya sa gawi ni Kevin,

magkakasalubong ang kanilang mga mata. Tatayo si Kevin at aalis.

Mapapatingin si Ryan sa bente pesos na nasa food tray. Makikita niya ang nakasulat dito,

“Wanted Textmate 09273591331”. Kukuha siya ng ballpen at buburahin niya ang number na

nakasulat dito at isusulat naman niya ang kanyang sariling cellphone number 09184175191.

Ilalabas ni Ryan ang kanyang cellphone. Tatawagan niya si Dianne. Hindi sasagutin ni Dianne

ang tawag ni Ryan. Mapapatulala uli siya. May babagsak uli na ilang butil ng luha mula sa

kanyang mga mata.

May dadaan na waiter. Mapapatingin ang waiter kay Ryan.

RYAN

Waiter, pa-take-out naman nito. (ituturo

niya ang spaghetti ni Dianne)

9
Pupunasan niya ang kanyang mata gamit ang panyo ni Dianne.

2 EXT. WAITING SHED. UMAGA.

May MATANDANG BABAE na nagtitinda ng sigarilyo at candy sa waiting shed. Dadating si

Ryan bitbit ang spaghetti na nakalagay sa brown paper bag. Bibili siya ng sigarilyo. Namumula

pa rin ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak.

RYAN

Manang pabili po tatlong yosi. Yung pula.

Ang bente pesos na sinulatan niya ng kanyang cellphone number ang kanyang ibabayad. Iaabot

ng matandang babae ang sigarilyo at ang sukli.

MATANDANG BABAE

Umiyak ka ba, iho?

RYAN

Hindi po, napuwing lang.

MATANDANG BABAE

Hindi galing sa puwing yan.

10
RYAN

Puwing lang po.

MATANDANG BABAE

Kung puwing yan dapat isang mata lang ang

mapula. Luha mula sa pag-ibig yan, iho. Wag

kang mahiya, ok lang yan.

Tatango lang si Ryan. Tama si manang.

MATANDANG BABAE

Lilipas din yan. Ang lahat ng bagay ay lumilipas.

Balang araw pati mukha niya’y hindi mo na rin

maaalala.

Malulungkot na naman si Ryan.

RYAN

Ang sakit po e. Sobrang sakit po talaga.

MATANDANG BABAE

Hayaan mo na yun.

11
RYAN

Manang, sa inyo na lang po ‘to, malinis po yan.

(iaabot niya ang spaghetti)

Aalis si Ryan palayo. Sisilipin ng matanda ang loob ng paper bag.

MATANDANG BABAE

(pasigaw) Salamat, iho!

Hindi lilingon si Ryan.

May lalapit na babae at bibili ng candy kay manang. SHEILA ang pangalan niya, morena at

maganda ang mukha, 33 taong gulang. Naka-shoulder bag at may dala siyang brown envelope.

SHEILA

Pabili po limang Snow Bear.

50 pesos ang ibabayad niya, maisusukli sa kanya ang bente pesos na galing kay Ryan.

Biglang mapapaluha si Sheila. Mapapatingin sa kanya ang matandang babae.

Pupunasan ni Sheila ang kanyang luha at siya’y aalis. Sa kanya na susunod ang ating kwento.

12
Kung nakanino ang bente pesos na sinulatan ni Ryan ay doon susunod ang ating kwento.

Susundan natin ang paglalakbay ng bente pesos na ito at ang taong may hawak nito.

3 INT. BOOKSTORE. UMAGA.

Nasa loob ng isang 2nd-hand bookstore si Sheila, tumitingin ng libro, hindi na siya lumuluha.

Kukuhanin niya ang isang tagalog romance na libro, titignan niya ang cover at babasahin ang

nakasulat na istorya sa likod nito.

4 INT. JEEP. UMAGA.

Nakaupo sa jeep si Sheila, binabasa ang librong binili sa bookstore. Makaraan ng ilang sandali

ay ipapasok niya sa kanyang shoulder bag ang libro. May kukuhanin siyang isang papel sa loob

ng brown envelope. Babasahin niya ito, medyo gusot na ang papel, at mukhang hindi ito ang

unang beses na binasa ni Sheila ang papel. Galing ito sa ospital. Makikita natin na nakasulat dito

na positibo sa cancer si Sheila. Ito ang dahilan ng kanyang biglang pagluha kanina.

Kukuha siya ng pera sa kanyang pitaka para magbayad ng pamasahe. Makikita niya na may

nakasulat na “Wanted Txtmate 09184175191” sa bente pesos. Isi-save niya muna sa kanyang

cellphone ang number ni Ryan bago niya ito ibayad sa driver.

SHEILA

Manong, bayad po. Isang Salitran po.

13
Kasasakay lang.

Aabutin ng babaeng nakaupo sa harap ang bayad ni Sheila. Siya ang asawa ng driver at siya ang

tigakuha ng bayad at tigasukli, may mga perang nakatupi at nakaipit sa pagitan ng kanyang mga

daliri, siya si BEKBEK, 29 taong gulang. FERDIE naman ang ngalan ng driver na asawa niya,

32 taong gulang. Nasa kanila na ang bente ni Ryan. Sa kanila na susunod ang kwento.

5 INT. HARAP NG JEEP. UMAGA.

Nag-uusap si Bekbek at Ferdie.

BEKBEK

Magkano yung Salitran?

FERDIE

Nuwebe.

Susuklian niya ng 11 Pesos si Sheila. Makikita natin na nagtetext si Sheila, tinitext na niya ang

number ni Ryan.

BEKBEK

Nood tayo nang bagong pelikula ni John Lloyd.

14
Tutupiin ni Bekbek ang bente sa gitna at iiipit sa kanyang daliri kasama ng ibang perang papel.

FERDIE

Magkano na ba sine ngayon?

BEKBEK

P160 yata.

FERDIE

Inay ko po. Hintayin na lang natin sa pirated.

Ilang araw lang meron na yun.

BEKBEK

Sige na, minsan lang eh. Ang tagal ko ng hindi

nakakanood sa sine.

FERDIE

P320 na tayong dalawa. Sa pirated P25 lang.

BEKBEK

Mas maganda naman sa sine, Dolby Surround.

15
Mapapalingon si Ferdie sa asawa habang nagmamaneho. Hindi makapaniwala sa kanyang

narinig sa kanyang misis.

FERDIE

May dolby-dolby ka pang nalalaman dyan.

May utang pa nga tayo sa tindahan.

BEKBEK

Ito naman, minsan lang e. Gusto pala makitira

ng pinsan ko sa ’tin, dito gusto mag-aral e.

FERDIE

Ano pag-aaralan?

BEKBEK

Taekwondo.

FERDIE

(naiinis pero natatawa) Seryoso naman Bekbek!

BEKBEK

Sa Tesda. Mag-aaral ng bartending.

16
FERDIE

Maayos ba naman yung pinsan mo? Baka sakit

pa ng ulo sa ’tin yun.

BEKBEK

Mabait yun. Saka hindi ko pwede tanggihan yun.

Kinupkop ako dati ng mga magulang nun. Utang

na loob ba.

FERDIE

Ikaw ang bahala.

Matatrapik ang jeep. May aakyat na pulubi sa loob. Mamimigay ng sobre sa mga pasahero at

magtatambol.

CUT TO:

Liliko sa kanan ang jeep upang magpakarga ng gasolina. Wala na ang pulubi sa jeep.

6 INT. GAS STATION. UMAGA.

Nakatigil na ang jeep ni Ferdie sa harap ng gas pump at may lalapit na gasoline boy, EPOY ang

pangalan niya, 22 taong gulang.

17
EPOY

(kay Ferdie) Chief, magkano?

FERDIE

Dalawangdaan.

Kakargahan ni Epoy ng gasolina ang jeep.

Magbibilang ng pera si Bekbek pambayad. Kasama dito ang bente pesos ni Ryan.

Ibibigay niya ang bayad kay Epoy.

7 INT. GAS STATION. UMAGA.

Nakaalis na ang jeep ni Ferdie. Uupo si Epoy at aayusin niya ang pera. May lalapit sa kanya na

isa pang gasoline boy, si DARREN, 21 taong gulang.

EPOY

Heisenberg. Musta?

DARREN

Patapos ko na yung Season 4 ng Breaking Bad.

18
EPOY

Sauli mo na sa’kin yung Season 1, 2, at 3.

May nahiram e. Madaming nakapila.

DARREN

Sige, bukas dalahin ko. Ayos din kapag tinagalog

yung dialogue Breaking Bad eh. “Hindi ako

nanganganib! Ako ang panganib!”

EPOY

(nakangiti) Pwede.

DARREN

Ngayon na showing ng bagong movie ni John

Lloyd. Title na naman ng kanta yung pamagat.

EPOY

Tapos sa trailer ang laging umpisa nung narrator

e (magmomodulate siya ng boses gaya nang sa

trailer) “A movie about love.. A movie about

second chance..” (balik sa natural na boses)

Sino leading lady niya?

19
DARREN

Si Toni Gonzaga.

EPOY

Sana pagtambalin uli si John Lloyd at Kaye

Abad. Laking Tabing-Ilog ako e. Ang ganda

nung TV show na yun.

DARREN

(pabiro) Yun ba nagturo sa’yo kung paano

umibig.

EPOY

Ano uli pangalan ni John Lloyd dun sa Tabing-

Ilog? Si Kaye Abad, Eds di ba ang pangalan niya.

DARREN

Nakalimutan ko na e. Si Fonzy ba si John Lloyd?

Oo si Eds nga si Kaye Abad.

EPOY

Hinde, si Baron Geisler si Fonzy e. Nasa dulo

na ng dila ko e. Mamaya maaalala ko yun.

20
DARREN

Alam mo ba tiga-Imus lang yun si Kaye Abad?

EPOY

Oo nga daw.

DARREN

Sa kanila yung Abad Supermarket sa Imus.

EPOY

Talaga.

DARREN

Alam ko din kung saan bahay nila, pero hindi

ko pa siya nakikita sa personal. Pangarap ko

talaga na makita siyang nagbabadminton sa

harap ng bahay nila tapos kalaro niya katulong

nila. Tapos pambahay lang suot niya, tapos

naka-pepe shorts, yung nakalawit na bulsa sa

sobrang igsi. Lupet nun. Pwede na’ko mamatay

‘pag nakita ko yun.

21
Matatawa si Epoy.

EPOY

Adik.

DARREN

Crush ko talaga si Kaye Abad. Gusto ko yung

ganda niya

EPOY

Marian Rivera o Kaye Abad sino mas gusto mo?

DARREN

Tinatanong pa ba yun. Kaye Abad syempre.

Tol, kunwari magclassmate sa highschool si

Kaye Abad at si Marian Rivera sa tingin ko mas

maraming manliligaw na lalakeng classmate

nila kay Kaye Abad.

EPOY

Explain.

22
DARREN

Kasi mukhang cool si Kaye Abad e, naglalaro

ng videogames, nakikinig ng rock, approachable.

Ideal girl. E si Marian Rivera mukhang suplada,

yung mga gwapong mayayabang na lalake lang

manliligaw dyan sa highschool, yung mga naka-

kotse sa school.

EPOY

Oo nga, agree ako dyan sa teorya mo. Yung

mga tipo kasi ni Marian parang hindi nakikipag-

usap sa panget.

DARREN

Inom tayo mamaya. Off naman natin bukas.

EPOY

Sige. Saan tayo?

DARREN

Sa amin na lang.

23
May lalapit sa kanila na TINDERO NG MANI na naglalako sa mga bus at sa timba nakalagay

ang mani. Magpapabarya siya ng pera.

TINDERO NG MANI

(kay Epoy) Boss chief, pabarya naman nitong isangdaan.

Papalitan ni Epoy ng limang bente ang isangdaang buo ng tindero.

TINDERO NG MANI

Thank you mga boss.

Nasa tindero na ang bente pesos ni Ryan.

DARREN

Penge ng mane!

TINDERO NG MANI

Sure.

Bubuksan ng tindero ang takip ng timba at bibigyan niya ng tig-isang kutsarang mani ang

dalawa. Kutsara ang pangtakal niya sa mani.

24
DARREN

Thank you.

TINDERO NG MANI

Sige una nako. May meeting pa ‘kong pupuntahan.

EPOY

Nakaman! Sige.

Aalis ang tindero at sasakay sa isang bus habang trapik pa. Non-aircon ang bus, gusto niyang sa

non-aircon bus sumasakay dahil laging pinoy action movie ang palabas dito.

8 INT. NON-AIRCON BUS. UMAGA.

Inilalako ng tindero ang tinda niyang mani sa loob ng bus.

TINDERO NG MANI

Mani kayo dyan, mainit pa, mainit. Sampu

lang, sampu.

Walang bibili. Mauupo siya at titingin sa telebisyon.

25
TINDERO NG MANI

Hay, Jestoni Alarcon. Nagkita na naman tayo.

Pinoy action movie ang palabas. Gaya ng inaasahan niya.

Titignan ng tindero ang katabi niyang LALAKE, makikitang niyang may dala itong espada na

nakalagay sa eco bag, nakausli ang hawakan ng espada.

TINDERO NG MANI

Ayus yan brad ah, espada ba yan?

LALAKE

Oo, gamit ko sa trabaho.

TINDERO NG MANI

San ka ba?

LALAKE

Sa perya.

TINDERO NG MANI

Sa yung peryahan sa Imus?

26
LALAKE

Oo doon. Sumusubo ako ng espada. Nood ka minsan.

TINDERO NG MANI

Astig. Totoo ba yang espada?

LALAKE

Oo, totoo. Hawakan mo.

Hahawakan ng tindero ang espada.

TINDERO NG MANI

Totoo nga, walanjo. Mahirap ba gawin yun?

LALAKE

Practice lang. Sakto lang.

TINDERO NG MANI

Lupet. (tatayo siya)

Maglalakad sa gitna ng bus ang tindero.

27
TINDERO NG MANI

Mani. Sampu sampu lang.

May bibili na babae.

BABAE

Kuya pabili po isa.

Magtatakal ng mani ang tindero. Magbabayad ang babae at maisusukli sa kanya ang bente ni

Ryan.

Kakain ang babae ng mani. HEIZEL ang kanyang pangalan, 22 taong gulang.

Titigil ang bus sa bus stop sa may kanto. Tatayo si Heizel at bababa.

9 EXT. SIDEWALK / BARANGAY HEALTH CENTER. UMAGA.

Naglalakad si Heizel nakapayong pansalag sa sikat ng araw. Kumakain ng mani. Papunta siya sa

Barangay Health Center.

CUT TO:

28
Makaraan ng ilang sandaling paglalakad ay mararating niya ang Health Center kasabay ng

pagkaubos ng mani.

10 INT. BARANGAY HEALTH CENTER. UMAGA.

May tatlong healthworkers sa loob, kanya-kanya silang dutdot ng cellphone. Walang pasyente.

Papasok si Heizel.

HEALTHWORKER #1

(kay Heizel) Ano po yun ate?

HEIZEL

Meron pa po kayong injectables?

CUT TO:

Iinjectionan ng contraceptive si Heizel ng isang healthworker. Hindi mapapangiwi sa sakit si

Heizel. Sanay na. Huhugutin ng healthworker ang injection at tatakpan niya ng bulak ang braso

nito.

Kapit ang bulak sa braso ay tatayo si Heizel at maghuhulog ng pera sa donation box na

nakapatong sa mesa. Ang bente ni Ryan ang kanyang ihuhulong.

CUT TO BLACK:

29
11 INT. LOOB NG DONATION BOX.

Sobrang dilim. Nasa loob tayo ng donation box. Kapiling ng bente ni Ryan. Maririnig lang natin

ang mga boses ng healthworker at ni Heizel.

HEALTHWORKER #1

(OFF SCREEN) Ate, wag muna kayo magsisiping

ni mister ng isang linggo para sure na hindi ka

mabuntis.

HEIZEL

(OFF SCREEN) Okay po. Thank you.

Lalabas na si Heizel.

HEALTHWORKER #2

(OFF SCREEN) Barkada ng anak ko yun e.

Hindi siguro ako namukaan.

HEALTHWORKER #3

(OFF SCREEN) Talaga?

HEALTHWORKER #2

(OFF SCREEN) Ang alam ko nga nasa abroad

30
ang asawa nun e.

HEALTHWORKER #1

(OFF SCREEN) E bakit nagpapa-inject ng

contraceptive?

HEALTHWORKER #2

(OFF SCREEN) Alam na. E di may kabit!

Sabihin ko nga sa anak ko mamaya.

HEALTHWORKER #3

(OFF SCREEN) Reyna ka talaga ng chismis.

Baka naman pauwi na yung mister niya.

HEALTHWORKER #2

(OFF SCREEN) Hinde, kakaalis pa lang nun e,

pumunta pa nga anak ko dun sa despedida.

HEALTHWORKER #1

(OFF SCREEN) Buhay nila yun noh. Puke niya

yun noh. Labas na tayo dun noh. Wag mo na

sabihin sa anak mo, makasira ka pa ng pamilya.

Ano, bibili na ‘ko kanin. Mananghalian na tayo

31
mabuti pa.

HEALTHWORKER #2

(OFF SCREEN) Oo nga, gutom na rin ako.

Bili ka rin papiskrim ha.

Biglang liliwanag. Binuksan ng healthworker ang donation box. Kukuha siya ng pera. Kasama sa

madadampot niya ang bente ni Ryan.

12 INT. KARENDIRYA. TANGHALI.

Umoorder na ang isang healthworker. May ilang tao ang kumakain sa karendirya.

HEALTHWORKER #1

Ate, tatlong kanin po. Pabalot. Saka tatlong

papiskrim ‘te.

Magtatakal ng tatlong tasang kanin ang tindera at ilalagay niya ito sa plastic labo. Kukuha ng

tatlong papiskrim. At iaabot sa healthworker.

Magbabayad ang healthworker kasama ang bente ni Ryan.

Aalis ang healthworker bitbit ang mainit na kanin at dilaw na papiskrim.

32
Si ALING MILA, 59 taong gulang, ang tindera sa karendirya at siya ring may-ari nito.

Nanonood ng balita sa TV si Aling Mila. Ibinabalita ang bagong pelikula ni John Lloyd Cruz,

tapos ay tungkol naman sa riding-in-tamdem na krimen ang ibabalita, may binaril silang bumbay

at kinuha ang oven toaster na tinda nito.

May dadating na isang babae, si ERICA, 14 taong gulang, K-Pop ang porma at pananamit, anak

siya ni Aling Mila. Yayakap siya sa braso ng kanyang nanay.

ERICA

(naglalambing) Mama, pahingi pera. Manonood

ako ng concert.

ALING MILA

Ano, korean na naman yan? Last month lang

nanood ka na. Di bale ba kung tig-isangdaan

lang yan, libo e.

Bibitaw si Erica sa pagkakayakap.

ERICA

Sige na, mama. Ibang grupo naman yung

33
panonoorin ko ngayon e.

ALING MILA

Magkakamukha naman, nakita ko sa mga poster

mo sa kwarto.

ERICA

Sige na, ma.

ALING MILA

Manood na lang tayo ng bagong movie ni

John Lloyd.

ERICA

Ayoko nun, ma.

ALING MILA

Sa papa mo ikaw magpaalam, sa kanya ka din

humingi ng pera.

May dadating na BUMBAY na naka-motorsiklo. Bababa ito ng motor at papasok sa karendirya.

Maniningil ng utang.

34
BUMBAY

Kamusta, Aling Mila. Maniningil lang ako.

ALING MILA

(kay Erica) O ayan anak may utang pa tayo.

(babaling sa bumbay) Pwede ba P300 muna?

Sisimangot si Erica.

BUMBAY

Sige ok, 300. Next week na lang yung balance.

Rice cooker gusto mo kumuha?

ALING MILA

Next time na lang.

Kukuha ng P300 si Aling Mila at iaabot niya sa bumbay. Kasama dito ang bente ni Ryan.

BUMBAY

Salamat.

CUT TO:

35
13 EXT. HARAP NG KARENDIRYA. TANGHALI.

Nakasakay ng motorsiklo ang bumbay, naghahanda nang umalis, may nakataling kahon ng rice

cooker sa likod ng motor, nagsusuot ang bumbay ng helmet. May titigil na motorsiklo sa tabi ng

bumbay. Dalawang lalake ang sakay nito, riding-in-tandem, naka full-faced helmet para hindi

makilala.

Babarilin ng nakaangkas na lalake ang bumbay sa ulo. Bubulagta ang bumbay. Patay.

Magugulantang ang mga tao sa loob ng karendirya ngunit walang silang magagawa dahil sa

takot.

Bababa ng motor ang nakaangkas na lalake at kukuhanin nito ang pitaka ng bumbay at ang rice

cooker na nakatali sa likod ng motor nito.

Haharurot palayo ang dalawang lalake tangay ang pitaka at rice cooker.

Mapapasigaw si Aling Mila.

ALING MILA

Plakahan niyo yung motor!

Agad na lalabas ang isang customer na lalaki upang habulin ng tingin ang plate number ng motor

ng mga killer.

36
CUSTOMER

Hindi ko makita! Natatakpan!

Hindi niya nabasa ng buo ang plate number dahil natatakpan ang dalawang digit nito, may

nakadikit na Dora The Explorer na sticker dito.

INSERT:

Plate number ng motor ng mga killer. May

sticker ng Dora The Explorer na nakatakip

sa dalawang digit.

14 EXT. HARAP NG CONVINIENT STORE. TANGHALI.

Titigil ang mga lalakeng pumatay sa bumbay sa harap ng isang convinient store at bababa sila.

Huhubarin nila ang helmet at isasabit nila sa manubela ng motor. Bitbit ng nakaangkas na lalake

ang rice cooker, pupunta siya sa likod ng motor at tatanggalin niya ang Dora The Explorer na

sticker na nakadikit sa plaka. Papasok sila sa convinient store.

15 INT. CONVINIENT STORE. TANGHALI.

Nakaupo ang dalawang lalake at umiinom ng orange juice na nasa tetra-pack. Si OMPONG ang

nakaangkas sa motor at ang bumaril sa bumbay, 25 taong gulang. Si BUDA naman ang

nagmaneho, 27 taong gulang.

37
Makaraan ng ilang minuto ay may uupo sa tabi nila na bumbay. Orange juice na tetra-pack din

ang iniinom nito.

BUMBAY #2

Tapos na?

OMPONG

Tapos na.

Uubusin agad nang bumbay ang orange juice niya. Ilalabas niya ang isang sobreng puti galing sa

bag niya. Ipapatong niya ito sa mesa at siya’y tatayo at aalis.

Pagkaalis ng bumbay ay kukuhanin ni Ompong ang sobre. Pera ang laman nito. Bayad ng

bumbay sa kanila. P50,000 ang kabuuan.

Paghahatian nila ang laman ng sobre at ang laman ng pitaka nang bumbay na pinatay nila.

Kay Ompong mapupunta ang bente pesos ni Ryan.

BUDA

Akin na lang yung rice cooker.

38
OMPONG

Sige.

BUDA

Meron ka palang black shoes?

OMPONG

Wala e. Bakit saan mo gagamitin?

BUDA

Aabay ako sa kasal next week. Sa pinsan ko

sa probinsya.

OMPONG

Bumili ka na lang. (ngingiti) Paldo naman tayo

ngayon e.

BUDA

Sayang pera, isang beses lang naman gagamitin.

OMPONG

Kuripot, baka naman sumobra na yaman mo

nyan.

39
BUDA

Nag-iipon ako e, magpa-franchise ako ng food-

cart.

OMPONG

(nakangiti) Wow, entrepreneur ah!

BUDA

Syempre, tol. Investment ba.

OMPONG

Astig. Sa ukay-ukay tumingin ka ng sapatos.

Marami dun.

BUDA

Sige bukas pero try ko muna manghiram sa iba.

Kamusta na kayo ni Mona? Sinagot ka na? Bata

mo na?

OMPONG

Hindi ko pa pinopormahan, nahihiya ako e,

ewan ko ba.

40
Mahiyain sa babae si Ompong, pero wala siyang takot pumatay ng tao.

BUDA

Bakit ka naman mahihiya hindi ka naman

bingot.

OMPONG

Gagi. Basta. Ayoko masira pagkakaibigan namin.

Baka magbago pakikitungo niya sa akin.

BUDA

Pormahan mo na pre, bago pa syotain ng iba.

‘Shoulder to cry-on’ kunwari sabay lamas

suso! Pare epektib yun.

OMPONG

Ang panget tol. Respeto naman. Wala namang

bastusan ng mahal.

BUDA

Sorry naman tol biro lang. Pwede ka mamaya

basketball?

41
OMPONG

Hindi e, susunduin ko si Yhana sa school.

BUDA

Oo nga pala.

16 EXT. HARAP NG PAARALAN. HAPON.

Naghihintay si Ompong sa harap ng paaralan. Hinihintay niya ang kanyang kapatid na si

YHANA (8 taong gulang). Si Ompong ang tiga-sundo sa kanyang kapatid tuwing hapon.

Ilang saglit pa ay lalabas na si Yhana.

YHANA

Kuya! Mamaya John Lloyd ha.

Kukuhanin ni Ompong ang bag ng kapatid at siya ang magbibitbit. Kulay pink ito at Dora The

Explorer ang disenyo.

OMPONG

Oo, mamaya. Uwi muna tayo. Bihis ka muna.

Hindi mawawala yung si John Lloyd.

42
17 EXT. SIDEWALK. HAPON.

Naglalakad sa sidewalk si Ompong at Yhana pauwi.

YHANA

Kuya, nawawala yung Dora na sticker ko.

Nasa bag ko lang yun e, hindi ko na makita.

OMPONG

Bili na lang uli tayo mamaya bago tayo mag-

John Lloyd.

Makakasalubong ng magkapatid si Buda. Naka-motor ito at nakatali sa likuran ang rice cooker.

Titigil si Buda para makipag-usap. Inaanak niya si Yhana.

YHANA

Ninong!

OMPONG

(kay Yhana) Bless sa ninong.

Agad na magmamano si Yhana kay Buda.

43
BUDA

Ang bait naman.

YHANA

Ninong sama ka samin nood kami John Lloyd

mamaya!

BUDA

Naku hindi ako pwede Yhana. (ngingiti) Crush

mo ba si John Lloyd?

YHANA

(nakangiti) Hindi po.

BUDA

E sino crush mo?

YHANA

Hindi artista.

BUDA

Ah non-showbiz ba.

44
YHANA

Secret! Ninong idownload mo uli ako ng barbie

na movies.

BUDA

Sige ba. Dalahin ko na lang sa inyo yung USB.

Sige una na ako sa inyo. Enjoy na lang kay John

Lloyd. See you around.

YHANA

(natatawa) English ka pa ninong ha!

Aalis na si Buda. Magpapatuloy sa paglalakad si Yhana at Ompong.

May lalapit sa kanila na taong-grasa, madungis, walang suot na tshirt, naka-maong shorts lang.

Kilala siya sa pangalang NIXON (41 taong gulang). May bitbit siyang malaking transparent na

plastic bag at halos mapuno na ito ng papel na ginupit-gupit sa maliliit na piraso. Mabait ang

mga tao kay Nixon dahil hindi siya ang tipo ng taong-grasa na nanggugulo sa lugar. Siya ang

tipo ng taong-grasa na matalino.

NIXON

(kay Ompong) Penge pera. Hindi pa ako

kumakain. Ililigtas ko ang Pilipinas, kailangan

45
kong kumain. Ako ang tagapagligtas.

Bibigyan ni Ompong ng pera si Nixon. Yung bente ni Ryan.

NIXON

Salamat, kapatid.

Maglalakad na palayo si Nixon.

NIXON

(VOICE OVER) Mga uto-uto! Hindi ko ililigtas

ang Pilipinas!

18 EXT. KALSADA. HAPON.

Nagpapalakad-lakad si Nixon sa kalsada. Tinitignan ang laman ng mga basurahang nadadaanan,

kinukuha ang mga papel.

NIXON

(VOICE OVER) Ako si Nixon. Hindi ako ang

tagapagligtas ng Pilipinas sapagkat ako ang

tagapagligtas ng People’s Republic of China.

Zhang Ximen ang tunay kong pangalan. Ako

46
ang dahilan ng kanilang pag-unlad. Ako ang

nag-imbento ng rubber at semi-conductors.

Magaling ako sa kung fu, arnis, embroidery,

at greco-roman wrestling. Sa Guangdong ako

ipinanganak, ipinaglihi ako sa prunes at pringles.

May lima akong kapatid, ipinamigay kami ng

aming magulang kapalit ng anim na biik at

trentang sisiw. Hindi ko sila masisisi. Ako ang

may-ari ng UST. Nalaman ko na si Hesus ay

hindi anak ng Diyos, siya ay anak ng Diablo.

Siya ang sanhi ng iba’t ibang uri ng kaguluhan.

Nalaman ko ‘to dahil nakausap ko ang Diablo.

Tuwing gabi ay bumubulong siya sa akin at

ikinukwento niya ang iba pa nilang plano.

Tayong mga tao ang tunay na anak ng Diyos.

Tayo. Hindi ako nagsusuot ng t-shirt dahil

sinasagap ng aking katawan ang dumi ng

kapaligiran.

19 INT. BAKERY. HAPON.

Bibili ng tinapay si Nixon. HONEY FAYE ang pangalan ng tindera sa bakery, 19 taong gulang.

47
NIXON

Magkano sa pan de coco?

HONEY FAYE

P2.50, Nixon.

NIXON

Bigyan mo ako ng eight pieces. 8 x 2.50 is

20 PHP

Ibabayad niya ang bente pesos ni Ryan. Bibigyan siya ni Honey Faye ng walong pan de coco.

Mauupo si Nixon sa harap ng bakery at kakainin niya ang pan de coco.

Nakikinig ng radio drama si Honey Faye. Maririnig natin ito:

RADIO DRAMA

BABAE

Bakit mo ako dinala dito akala ko ba mag-uusap

lang tayo? Hindi pa ako handa sa gusto mo.

48
LALAKE

Ano ka ba wala akong gagawaing masama,

mag-uusap lang tayo. Maganda dito tahimik.

BABAE

Pwede naman tayong mag-usap sa ibang lugar

ha. Bakit dito pa sa motel. Nakakahiya baka

may nakakita sa atin na pumasok dito.

LALAKE

Wag ka ngang paranoid dyan. Tatlong oras

lang tayo dito.

BABAE

Paabot nga nung libreng pansit. Kakain na lang

ako, gutom na’ko e.

LALAKE

Oh heto ang pansit.

BABAE

Malinis ba ‘to?

49
LALAKE

Oo naman. Kasing linis ng hangarin ko sa’yo.

BABAE

Binobola mo pa ako. Wag mo nga akong

hawakan dyan. Di ba mag-uusap lang tayo .

LALAKE

Mahal kita kaya kita dinala dito.

Puputulin ang eksena ng radio commercial ng iba’t ibang produkto.

Ubos na ni Nixon ang pan de coco. Nakinig din siya sa radio drama.

NIXON

Ang panget ha. Ang laswa.

HONEY FAYE

Yabang naman nito.

NIXON

Alam mo kung ano paborito ko nung ka-edad

mo ako?

50
HONEY FAYE

Ano?

NIXON

Flying House at Ating Alamin with Ka Gerry

Geronimo.

HONEY FAYE

Sinong Ka Gerry?

NIXON

Si Ka Gerrie ang orig na Kuya Kim!

HONEY FAYE

Ewan ko sa ‘yo, Nixon.

NIXON

May BF ka na ba Honey Faye?

HONEY FAYE

Wala. May BF ka pang nalalaman diyan ha.

Nixon, matagal ko ng gustong itanong ito sa’yo.

51
NIXON

Ano yun my lady?

HONEY FAYE

Alam mo bang taong-grasa ka?

Hindi sasagot si Nixon. Tatalikod at aalis.

May lalapit na babae sa bakery, siya si MANILYN (15 taong gulang).

MANILYN

(nakangiti) Napapadalas yata dito si Nixon,

baka ma-in love ka ha.

HONEY FAYE

Tungeks.

MANIYLN

Malaki daw yung ‘Jun Jun’ ni Nixon, sabi ni

Weng, nakita niya nung naihi si Nixon.

52
HONEY FAYE

Bunganga mo nga. Sali ka sa liga. Volleyball.

Kulang pa kami ng isa e.

MANILYN

Hindi ako marunong mag-volleyball. Pabili

nga dalawang sardinas.

CUT TO:

Sinusuklian na ni Honey Faye si Manilyn, makakasama ang bente ni Ryan. Hawak na ni Manilyn

ang biniling dalawang sardinas.

20 INT. SALA. BAHAY NINA MANILYN. HAPON.

Papasok ng bahay si Manilyn dala ang dalawang lata ng sardinas. Mauupo siya sa sofa, katabi ng

kanyang LOLA at ATE. Nanonood sila ng telebisyon. Ilalapag ni Manilyn ang sardinas sa

lamesita.

LOLA

(kay Manilyn) Sino ka? (nalilito) Kaibigan ka

ba ni Manilyn? Wala dito si Manilyn.

53
May sakit na dementia ang lola ni Manilyn.

MANILYN

Lola ako po ito. Ako si Manilyn.

LOLA

Hindi ikaw ang apo ko. Ang apo ko may nunal

sa batok.

MANILYN

(ipapakita ni Manilyn ang nunal niya sa batok)

Ayan po lola oh.

Titignan ni lola ang batok. Kumbinsido na si lola na siya nga ang apo niya. Magpapatuloy na

siya sa panonood ng telebisyon. Wala na siyang ibang sasabihin.

MANILYN

(kay ate) Ate, alis muna ako. (tatayo siya)

ATE

Sukli ko?

54
MANILYN

Akin na lang yun, ate. Para maliit na bagay

lang e.

ATE

Ipaghain mo muna kami bago ka umalis.

MANILYN

Sige.

Tatayo si Manilyn, kukuhanin ang sardinas, at pupunta siya sa kusina.

21 EXT. KUSINA. BAHAY NINA MANILYN. HAPON.

May hinahanap si Manilyn, hindi niya makita ang abrelatang pambukas ng sardinas.

MANILYN

(pasigaw) Ate, nasaan yung abrelata natin?

Hindi ko makita!

ATE

(OFF SCREEN) Nandiyan lang yun! Mata

ipanghanap mo. Wag bunganga!

55
MANILYN

May pupuntahan pa ako e. Nasaan ba talaga.

ATE

Hindi ko nga alam. Ano namang benefits ang

makukuha ko kung hindi ko ituturo sa iyo.

Mag-isip ka nga. Ganoon ba kapangit ang trip ko.

Bubuksan ni Manilyan ang mga kabinet, pero wala pa rin ang abrelata.

Kukuha siya ng kutsilyo at ito ang ipangbubukas niya sa sardinas. Nawalan na siya ng pasensiya.

Kailangan magmadali at may lakad pa siya. Tutusukin niya ang sardinas sa ibabaw gamit ang

kutsilyo bilang abrelata, ayos pa sa umpisa, pero nang malapit na siya sa kalahati ay dumulas ang

kutsilyo at nahiwa ang kanyang hintuturo sa kaliwang kamay.

MANILYN

(pasigaw) Shet, pak shet!

Tumutulo ang dugo sa mantel. Kita ang inis sa mukha ni Manilyn.

56
Dadating ang lola ni Manilyn sa kusina. Kukuhanin ng lola niya ang bimpo na nakapatong sa

mesa, natatakpan pala ng bimpo ang abrelata, sisinga si lola sa bimpo. Malakas na pag-singa,

sumasagitsit.

Mapapatingin na lang si Manilyn sa abrelata at sa lola niyang sumisinga. Dismayado.

22 EXT. HARAP NG PERYAHAN. GABI.

Naglalakad si Manilyn papasok ng peryahan. May band-aid sa daliri mula sa natamong sugat.

CUT TO:

INSERT:

Billboard, painting ng lalakeng sumusubo ng

espada na naka-pirate costume, may nakasulat

na “The Sword Swallower!” Parang yung

ipinintang poster ng pelikula ang dating.

23 INT. PERYAHAN – THE SWORD SWALLOWER’S TENT. GABI.

Nagsisimula na ang palabas ni SWORD SWALLOWER. Kaunting tao lang ang nanonood at isa

dito si Manilyn. Makikita natin na si Sword Swallower ang lalaking may dalang espada sa bus

57
doon sa SCENE #8. May isang assistant na babae si Sword Swallower, anak niya ito, si ELAI,

15 taong gulang. Pirate costume ang suot nila pareho.

SWORD SWALLOWER

Ipahawak mo sa mga tao ang espada! Para

malaman nilang tunay ito!

Lalapit ang assistant na si Elai sa mga nanonood at ipapahawak niya ang espada.

May sasabihin si Manilyn kay Elai paglapit nito sa kanya. Kaklase ni Manilyn si Elai.

MANILYN

(pabulong) Tuloy tayo?

ELAI

Oo tuloy tayo friend. Ano nangyari sa daliri

mo?

MANILYN

Nahiwa friend.

ELAI

Clumsy. Sige mamaya na lang.

58
Lalapit si Elai kay Sword Swallower at iaabot niya ang espada.

SWORD SWALLOWER

Tunay! Tunay ang espada!

Isusubo na ni Sword Swallower ang espada unti-unti.

Tatayo sa may gilid si Elai, ilalabas niya ang kanyang cellphone at siya’y magtetext.

24 INT. SWORD SWALLOWER’S TENT – BACKSTAGE. GABI.

Tapos na ang palabas. Nasa likod ng entablado sina Sword Swallower, Elai, at Manilyn.

Nililinisan ng bulak na may alcohol ni Sword Swallower ang kanyang espada.

SWORD SWALLOWER

(kay Elai) Bakit ka nagtetext kanina? Akala

mo hindi kita nakita? Meron bang nagtetext

na pirata? Dapat in-character ka kapag

nagpeperform tayo. (kay Manilyn) Ang

panget di ba Manilyn?

Mapapatango lang si Manilyn.

59
ELAI

Sorry, may nagtext eh. Tay, may project kami

sa school. Kina Manilyn namin gagawin, madaling-

araw na’ko uuwi. Pahingi pera.

SWORD SWALLOWER

Anong project yun?

Mapapatingin si Elai kay Manilyn.

MANILYN

(kay Sword Swallower) Project po sa Science.

Diorama po.

ELAI

Mga P300 po kailangan ko, tay.

Kukuha ng pera si Sword Swallower at ibibigay kay Elai.

SWORD SWALLOWER

Sunduin na lang kita mamaya. Magtext ka na

lang.

60
25 INT. PERYAHAN. GABI.

Naglalakad si Manilyn at Elai palabas ng peryahan. Iba na ang suot na damit ni Elai,

nakapagbihis na siya.

MANILYN

Di ba delikado yun?

ELAI

Yung ano?

MANILYN

Yung ipinahawak muna ng tatay mo yung espada

sa mga tao bago niya isinubo? Baka maimpeksyon

yun.

ELAI

Malakas sikmura nun. Wala yun.

MANILYN

Sana hindi traffic. Para makaabot tayo kay

John Lloyd.

61
ELAI

Oo abot pa tayo, last full show naman e.

Wala talaga silang gagawing project, manonood lang sila ng sine sa mall, pagkatapos ay

tatambay sila sa bahay nina Manilyn. Wala silang pasok bukas.

26 INT. JEEP. GABI.

Nakasakay sa jeep si Elai at Manilyn papuntang mall.

MANILYN

(nakangiti) May crush sa’yo yun.

ELAI

Para nanghiram lang ng notebook e, hindi nga

daw niya natapos yung lecture kanina.

MANILYN

The moves lang ni Joshua yun para may rason

siya na itext ka. Pustahan pa tayo. Ang layo ng

upuan niyo tapos sa’yo pa humiram ng notebook.

Tapos ang pangit pa ng sulat mo.

62
ELAI

Alam niya kasi bahay namin, sa‘min niya daw

isasauli.

MANILYN

(mapapatapik sa hita) Naku alam na! Ihanda

mo na pepe shorts mo para pagpunta niya

lalong maakit sa‘yo.

ELAI

Kadiri ka. Wala akong pepe shorts. Perfect shorts.

MANILYN

Ingat lang siya baka habulin siya ng espada

ng tatay mo.

27 INT. MALL. GABI.

Naglalakad sa loob ng mall si Elai at Manilyn. Makikita natin si Dianne at Kevin (characters

mula sa SCENE #1) na namamasyal din sa loob ng mall, magka-holding hands, kaya

hiniwalayan ni Dianne si Ryan ay dahil kay Kevin.

63
28 INT. CINEMA TICKET BOOTH. MALL. GABI.

Nakapila sina Elai at Manilyn para bumili ng ticket. Mahaba ang pila. Nasa likod nila si Ompong

at Yhana, may hawak na Dora The Explorer sticker si Yhana, napalitan na ni Ompong ang

sticker ni Yhana na kanyang kinuha.

Pagkabili nina Manilyn ng ticket ay pupunta sila sa tindahan ng popcorn.

Habang naglalakad ay bubunutin ni Manilyn ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at malalaglag

sa sahig ang bente ni Ryan ng hindi niya mamamalayan. Tuluyan na silang maglalakad palayo sa

bente.

Makaraan ng ilang saglit ay may pupulot ng bente sa sahig. Si Sheila ang makakapulot, ang

babaeng may cancer mula sa SCENE #2. Ganoon pa rin ang suot niyang damit at dala pa rin niya

ang envelope mula sa ospital.

Pupulitin ni Sheila ang bente, titingin sa palibot, titignan niya ang bente at makikita niya ito ang

bente na pinagkuhanan niya ng number ni Ryan. Ibubulsa niya ang bente.

29 INT. MALL. GABI.

Naglalakad si Sheila at nagtetext.

64
30 INT. FOOD COURT. MALL. NIGHT

Mauupo si Sheila sa foodcourt malapit sa drinking fountain. Tutunog ang kanyan cellphone, may

tumatawag sa kanya.

SHEILA

(sa cellphone) Hi. Nandito nako sa foodcourt.

Nakaupo malapit sa drinking fountain. Naka-

red shirt. Malapit ka na?

Sasagot ang kausap niya. Hindi natin maririnig.

SHEILA

(sa cellphone) Ok, sige. Bye.

Tatayo si Sheila, pupunta sa drinking fountain at iinom.

Babalik siya sa kanyang upuan pagkatapos.

Habang nakaupo siya ay may tutunog na TAGALOG LOVE SONG.

Makikita natin na sa cellphone lang nanggaling ang kanta, nagpapatugtog ang babaeng nakaupo

malapit sa kanya.

65
May papalapit na lalake kay Sheila, nakangiti, naka-school uniform. Si Ryan.

RYAN

Ikaw si Sheila?

SHEILA

Ako nga, Ryan.

RYAN

(Uupo si Ryan) Nice to meet you.

Magkakamay sila.

SHEILA

Tignan mo kung ano ang napulot ko.

Ilalabas ni Sheila ang bente at ipapakita kay Ryan.

SHEILA (CONT’D)

Ginastos ko na siya kaninang umaga. Napulot

ko lang uli dito sa mall.

66
RYAN

Wow, astig. Destiny.

SHEILA

Bakit mo sinulatan ‘tong pera? Desperado ka

na ba? May itsura ka naman. Akala ko nga

panget ka e.

RYAN

(nakangiti) Gusto ko lang po talaga makipag-

kaibigan sa tao.

SHEILA

Talaga lang ha.

RYAN

(pabiro) Ikaw bakit mo naman ako tinext?

Desperado ka na rin ba?

SHEILA

Gusto ko rin makipagkaibigan.

67
RYAN

Chos. Parehas pala tayong sinungaling.

Mapapangiti si Sheila.

RYAN (CONT’D)

Tara nood tayo movie ni John Lloyd.

SHEILA

Wag na. Sex na lang tayo.

RYAN

(gulat, pinipigilan ang ngiti) Ha?

31 INT. KWARTO. MOTEL. GABI.

Nakahiga sa kama si Ryan at Sheila. Naglalaplapan at nilalamas ni Ryan ang suso ni Sheila.

RYAN

Kuha lang ako condom.

SHEILA

Wag na.

68
Bubuksan ni Sheila ang zipper ng pantalon ni Ryan at ipapasok niya ang kanyang kamay at

hihimasin ang ari nito.

Makaraan ng ilang saglit ay mag-iiba ang mukha ni Ryan at parang titirik ang mga mata.

Nilalabasan na agad siya.

Mapapatigil si Sheila. Ilalabas niya ang kanyang kamay mula sa loob ng pantalon ni Ryan. May

tumutulong tamod sa kamay niya.

RYAN

(nahihiya) Sorry. Sorry.

SHEILA

Ok lang yan. Try uli natin mamaya.

Tatayo si Sheila at bubuksan niya ang TV pagkatapos ay hihiga siya sa kama. Home TV

Shopping ang channel.

Nakaupo sa gilid ng kama si Ryan at pinupunasan ang kanyang pawis sa noo at batok.

Manonood sila saglit ng TV. Walang kumikibo.

Si Sheila ang unang magsasalita.

69
SHEILA

Baba lang ako saglit sa labas. Bili lang ako

yosi.

Tatango lang si Ryan. Nahihiya pa rin.

Tatayo si Sheila at lalabas ng pinto.

32 INT. HAGDAN. MOTEL. GABI.

Bumababa ng hagdan si Sheila.

33 EXT. CONVINIENT STORE. GABI.

Lalabas ng convinient store si Sheila, dala na ang isang kaha ng sigarilyo na kanyang binili.

34 INT. HAGDAN. MOTEL. GABI.

Umaakyat ng hagdan si Sheila.

35 INT. KWARTO. MOTEL. GABI.

Papasok ng kwarto si Sheila. Wala si Ryan. May tunog na nanggagaling sa loob ng banyo, tunog

ng isang taong nasasakal ang leeg, naghahabol ng hininga. Agad na papasok ng banyo si Sheila.

70
36 INT. BANYO. MOTEL. GABI.

Nagbigti si Ryan. Extension cord ang ginamit niyang pangbigti. Hindi pa siya patay. Yayakapin

ni Sheila ang mga binti ni Ryan, bubuhatin niya ito paangat, para mawala ang pressure sa leeg ni

Ryan at hindi siya tuluyang mabigti.

Uubo-ubo si Ryan. Nailigtas siya ni Sheila.

37 INT. KWARTO. MOTEL. GABI.

Nakaupo sa gilid ng kama si Sheila at Ryan. Lumuluha si Ryan, namumula ang kanyang leeg.

Makalipas ng ilang saglit ay marahang yayakapin ni Sheila si Ryan.

Pagkatapos yakapin ni Sheila si Ryan ay mapapatingin siya sa kamay ni Ryan. Kukuhanin niya

ang kamay nito at titgnan ng malapitan. Tatayo si Sheila at may kukuhanin siya sa kanyang

shoulder bag. Nail cutter ang kinuha niya.

Mauupo uli si Sheila sa tabi ni Ryan at gugupitan niya ito ng kuko sa kamay at paa. Payapa na si

Ryan. Para silang mag-ina.

Mag-uusap sila habang ginugupitan ng kuko ni Sheila si Ryan.

SHEILA

Anong course mo, Ryan?

71
RYAN

HRM.

SHEILA

Nag-HRM din ako noon.

Patuloy lang paggupit ng kuko.

SHEILA (CONT’D)

Ilan kayong magkakapatid?

RYAN

Dalawa. Kayo?

SHEILA

Mag-isa lang ako. Lungkot ‘no?

RYAN

Lahat naman tayo malungkot.

SHEILA

Tama ka. May kanya-kanya tayong bersyon

ng kalungkutan.

72
Gugupitan na ni Sheila ang kuko sa paa ni Ryan.

Hihimasin ni Ryan ang buhok ni Sheila. Walang halong malisya.

RYAN

Ang haba ng buhay.

SHEILA

Oo nga. Pero yung akin, patapos na.

RYAN

Ano’ng ibig mong sabihin?

SHEILA

May cancer ako. At wala na akong balak

ipagamot.

Mapapangiwi si Ryan.

SHEILA (CONT’D)

Tara, kwek-kwek tayo.

73
38 EXT. KWEK-KWEK STAND, SIDEWALK. MADALING ARAW.

Kumakain ng kwek-kwek si Sheila at Ryan. May lalapit na lalake at bibili ng kwek-kwek. Si

Sword Swallower, may bitbit na eco bag.

Pagkatapos kumain ni Sheila at Ryan ay babayaran ni Sheila ang nakain nilang kwek-kwek, ang

bente na sinulatan ni Ryan ang ibabayad niya sa tindera. At sila’y maglalakad palayo.

Kumakain na si Sword Swallower. P50 na buo ang ibabayad niya at isusukli sa kanya ang bente

ni Ryan.

39 EXT. SIDEWALK. MADALING ARAW.

Nakatayo si Sword Swallower. Naka-earphones, tinatapik-tapik ang binti, nakikinig ng music

mula sa cellphone. Hinihintay niya ang kanyang anak na si Elai. Kina Manilyn manggagaling si

Elai.

May lalapit na BINATILYO kay Sword Swallower. May hawak na balisong.

BINATILYO

Holdap ‘to. Akin na yang cellphone mo.

Huhubarin ni Sword Swallower ang earphone sa kanyang kaliwang tenge. Hindi niya narinig ang

sinabi ng holdaper. Hindi siya nagpa-panic, kalmado lang.

74
SWORD SWALLOWER

Ha?

BINATILYO

Sabi ko holdap.

Hahablutin ng binatilyo ang cellphone ni Sword Swallower pero hindi niya ito makukuha.

Matatangal lang ang earphones mula sa cellphone at tutunog na ng malakas ang kanta na

pinapakinggan ni Sword Swallower, naka-loud speaker na dahil hindi na nakakabit ang

earphones. Lumang OPM SONG ang kanta.

Ilalabas ni Sword Swallower ang laman ng eco bag na bitbit niya. Espada ang laman nito. Yung

ginagamit niya sa perya.

Hindi makapaniwala ang binatilyo.

BINATILYO

Tang ina.

Kakaripas ng takbo palayo ang binatilyo.

Makaraan ng ilang saglit ay dadating na si Elai. Hawak pa ng kanyang tatay ang espada.

Natugtog pa rin ang cellphone.

75
ELAI

(nalilito) Bakit dala mo yan?

SWORD SWALLOWER

Pang self-defense. May nangholdap sa’kin,

tumakbo, walang nakuha sa’kin.

ELAI

Ewan ko sa’yo tay. Patayin mo nga cellphone

mo, natutulog na mga tao. Nakakahiya.

Papatayin ni Sword Swallower ang music sa cellphone at ibubulsa niya.

SWORD SWALLOWER

Bahala ka, wag ka maniwala. Daan muna tayo sa

Mini-stop bibili lang ako alcohol.

ELAI

Para saan?

SWORD SWALLOWER

Panglinis ng espada. Ubos na e.

76
40 INT. CONVINIENT STORE. MADALING ARAW.

Binabayaran na ni Sword Swallower ang alcohol na binili niya. Kasama ang bente ni Ryan sa

maibabayad niya. Lalabas sila pagkatapos bumili.

Papasok si Epoy at Darren, ang dalawang gasoline boy mula sa SCENE #. Lasing na sila,

nakaubos na sila ng dalawang litrong beer. Bibili pa uli sila ng alak. Sa bahay nina Darren sila

nag-iinuman. Silang dalawa lang.

EPOY

Pare, hard naman tayo. Wag beer.

DARREN

750ml lang. Empi na lang. (kukuhanin niya

ang bote ng alak)

EPOY

Ano chaser natin?

DARREN

Ihalo na lang natin sa coke.

Kukuha si Epoy ng 1.5L na softdrinks.

77
Pupunta sila sa cashier at babayaran nila. Maisusukli sa kanila ang bente ni Ryan.

41 EXT. IHAWAN. KALSADA. MADALING ARAW.

Nagpapaihaw ng bituka ng manok si Epoy at Darren. Pulutan nila.

DARREN

Pare, naalala ko na pangalan ni John Lloyd sa

Tabing-Ilog.

EPOY

Ano?

DARREN

Rovic, pare. Rovic!

Magliliwanag ang mukha nilang dalawa dahil sa tuwa.

42 EXT. TAPAT NG BAHAY NINA DARREN. MADALING ARAW.

Nag-iinuman si Epoy at Darren sa tapat ng bahay nina Darren. Nakaupo si Epoy sa puting plastic

na upuan, si Darren naman ay sa upuan na mahaba na yari sa tabla.

78
EPOY

(hawak ang cellphone) Abot dito wi-fi ng

kapitbahay niyo. Alam mo password?

DARREN

Password123. Yun ang password.

EPOY

(itatype niya) Tama nga nakaconnect ako.

DARREN

Search mo ‘Rovic Tabing-Ilog.’

Magtatype si Epoy. Maghihintay lumabas ang sinearch.

EPOY

Oo nga ‘no. Rovic nga.

May paparating na lalaking nakamotorsiklo. Si Buda. Medyo malapit lang bahay nila kina

Darren.

DARREN

(kumakaway) Buda! Shot muna!

79
Titigil at bababa ng motor si Buda. Mauupo siya sa tabi ni Darren.

BUDA

Ano iniinom niyo?

DARREN

Empi with coke. Buda si Epoy nga pala

katrabaho ko.

BUDA

(kay Epoy) Brad.

Fist pump ang dalawa.

Iaabot ni Darren ang baso niya kay Buda. Iinumin ito ni Buda.

BUDA

Refreshing ah. Darren meron kang black shoes?

Pahiram ako.

DARREN

Wala e.

80
EPOY

(kay Buda) Ako pre, meron. Ano ba size mo?

BUDA

Size 10 ako.

EPOY

Naku size 9 lang yun e.

BUDA

Pwede na yun.

EPOY

Sige ibigay ko na lang kay Darren, sa kanya

mo na lang kuhanin.

DARREN

(kay Buda) Saan mo ba gagamitin?

BUDA

Aabay ako sa kasal. Sa pinsan ko. Sige una na

’ko Darren, Epoy. Maaga pa ako bukas e.

(tatayo siya)

81
DARREN

Tagay muna, for the road. (magsasalin siya

ng alak sa baso, walang kasamang coke)

Kukuhanin ni Buda ang baso at iinumin niya.

CUT TO:

Papalayo na si Buda sakay ng kanyang motorsiklo.

Magpapatugtog ng music si Darren mula sa kanyang cellphone.

DARREN

Dapat sinabi mo na lang wala kang black shoes,

maha-hassle ka pa tuloy.

EPOY

Gago ka talaga.

May paparating na lalake, naka-backpack, naglalakad, matipuno ang katawan, body fit ang t-

shirt, v-neck.

82
DARREN

(pabulong, kay Epoy) Callboy yan, tol.

CUT TO:

Nakaupo na ang lalakeng naka-v-neck tshirt sa tabi nina Darren at nakikipag-inuman na rin. Siya

si BOGS, 29 taong gulang.

BOGS

Ang dami kong kabulastugan sa buhay noon,

buti nga ngayon callboy na lang e. May naging

syota akong bading noon, siya yung nagyaya

sa’kin na magbenta ng kidney. Noong una

ayoko, e ang laki ng peperahin namin pumayag

na din ako. 100,000 pesos isang kidney pare,

nagbenta kami pareho, 200,000 pesos kinita

namin. Pakita ko sa inyo yung peklat (itataas

niya ang kanyang tshirt at ipapakita niya ang

peklat kina Darren). Sa shabu lang namin

inubos yung pera.Wasak talaga. Tapos nang

naubos na yung pera nagbenta ako ng dugo,

siya naman nagbenta ng ngipin.

83
EPOY

Ngipin?

BOGS

Oo ngipin, binubunutan siya ng mga dentistry

student, parang practice nila, may bayad yun,

per ngipin ang singilan. After ilang months

wala ng natira sa ngipin niya, as in gilagid na

lang natira, ang sarap nga chumupa e.

DARREN

Hardcore ah.

BOGS

I’m a change man. Wala ng droga. Wala ng

shabu. Callboy na lang.

EPOY

Nasaan na yung bading ngayon? Syota mo pa rin?

BOGS

Patay na. Nakuyog ng mga tao nung nang-holdap

kami, e ang bagal niya tumakbo, kaya ayun. Pare

84
gusto niyo ng cup noodles, binigyan ako nang

customer ko kanina. Sa inyo na lang. (bubuksan

niya ang kanyang backpack at kukuhanin ang cup

noodles)

43 EXT. TAPAT NG BAHAY NINA DARREN. BUKANG LIWAYWAY.

Papasikat na ang araw. Paubos na ang alak. Ubos na ang softdrinks. Kumakain ng mainit na cup

noodles si Epoy at Darren. Wala na si Bogs.

CUT TO:

Ubos na ang noodles.

EPOY

Ubusin mo na yang empi.

DARREN

Hati tayo.

Isasalin ni Darren ang alak sa dalawang baso at iinumin nila.

85
DARREN

Tol, punta tayo mamaya sa bahay nina Kaye

Abad. Ano ha?

EPOY

Matulog na lang tayo.

DARREN

Dadaan lang tayo. Malapit lang yun.

44 EXT. SIDEWALK. UMAGA.

Naglalakad si Epoy at Darren patungo kina Kaye Abad. Naghahalo ang pagkalasing at antok sa

kanilang mga mukha.

DARREN

Kaunti na lang malapit na tayo.

EPOY

Tang-ina. Nasusuka pa ako.

Titigil si Epoy, yuyuko, at susuka. Napakaraming suka. Lalapitan siya ni Darren at hihimasin

nito ang likod niya.

86
45 EXT. HARAP NG SUBDIVISION. UMAGA.

Naglalakad ang dalawa papasok ng subdivision. May suka sa damit ni Epoy.

DARREN

Ito na yung subdivision nila.

EPOY

Grabe naman, lasang suka yung bibig ko,

lasang stomach acid, gusto kong uminom ng

tubig. Tae talaga mga trip mo.

DARREN

(nakangiti) Tol alam mo name ng kuya ni Kaye

Abad?

EPOY

Hindi. Ano pangalan?

DARREN

Kuya Abad! (sabay tawa)

EPOY

Tae ka talaga, shit fuck. Wag ka na magsalita.

(hilong-hilo na)

87
46 EXT. KALSADA SA LOOB NG SUBDIVISION. UMAGA.

Naglalakad ang dalawa sa loob ng subdivision nina Kaye Abad. Hindi na talaga maganda ang

pakiramdam ni Epoy.

EPOY

Darren, kabaliwan ‘tong ginagawa natin.

Kaputang-inahan na ‘to. Umuwi na tayo.

Magsalsal ka na lang. As if naman makikita

natin siya. Busy yun. May shooting yun lagi.

DARREN

Malapit na malapit na tayo. Pagliko natin diyan

sa kaliwang kalsada (ituturo niya) bahay na

nina Kaye Abad yung.. (biglang mapapatigil

siya sa kanyang pagsasalita)

May biglang tumalsik na shottlecock ng badminton mula sa kaliwang kalsada kung nasaan ang

bahay nina Kaye Abad.

SLOW MOTION may pupuntang babae at pupulutin niya ang shottlecock, may hawak siyang

raketa ng badminton. Si Kaye Abad. Naka-white tshirt at maigsing maong shorts na nakalawit na

ang bulsa. Tulad ng pinapangarap ni Darren.

88
CLOSE UP ng mukha ni Kaye Abad. Lilingon si Kaye Abad kina Darren at Epoy. Mapapangiti

si Kaye Abad. Napakagandang ngiti na para bang bumabati ng ‘Magandang umaga sa inyong

dalawa.’

Hindi maipaliwanag ang mga mukha ni Epoy at Darren. Parang nakakita ng aparisyon.

CUT TO BLACK.

END CREDITS

89

You might also like