Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PAGDIRIWANG SA ORDINARYONG ARAW

(BIBLE SERVICE)
(LINGGO)

I. PANIMULANG AWIT
 PROCESSIONAL ENTRANCE (Ang EMHC ay yuyuko sa harap ng Altar)

II. PAGBATI (Lectern)


EMHC: Maganda umaga/hapon po sa inyong lahat. Simulan po natin
ang ating pagdiriwang, sa ngalan ng Ama at ng Anak at
ng Espiritu Santo.
Lahat: Amen

EMHC: Mga kapatid, bilang mga binyagang Kristiyano ay kailangan


nating naririnig at pinagninilayan ang Salita ng Diyos, at
kailangan din nating tumanggap ng banal na pagkain. Kaya
kahit wala tayong paring makapagmimisa ngayon dito,
ipinapayo sa atin ng ating Simbahan na magtipon-tipong ganito,
upang pagtibayin ang ating pananampalataya sa paraang
nababagay. Buksan natin ang ating mga puso upang ang banal
na salita ay pakinggan. Ihanda natin ang ating sarili upang ang
banal na komunyon ay tanggapin.
III. PAGSISISI (Lectern)
EMHC: Mga kapatid bilang paghahanda natin sa pagdiriwang na ito,
magsisi tayo at humingi ng kapatawaran para sa ating mga
kasalanan. (Saglit na katahimikan)

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo mga kapatid


na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita at sa gawa, at sa
aking pagkukulang kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng
Maria, sa lahat ng mga Anghel at sa inyo mga kapatid na ako’y
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
EMHC: Kaawaan nawa tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin ang
ating mga kasalanan at patnubayan tayo hanggang sa buhay na
walang hanggan.

Lahat: Amen.

EMHC: Panginoong Hesus, iniligtas mo kami sa pamamagitan ng iyong


kamatayan at muling pagkabuhay. PANGINOON, KAAWAAN
MO KAMI.

Lahat: Panginoon kaawaan mo kami.

EMHC: Panginoong Hesus, binigyan mo po kami ng pag-asa, bagong


buhay at lakas bilang bunga ng inyong hirap at dusa, KRISTO,
KAAWAAN MO KAMI.

Lahat: Kristo, Kaawaan mo kami.

EMHC: Panginoong Hesus, ipinagkaloob mo sa amin ang iyong


katawan upang kami ay iyong makaisa sa muling pagkabuhay,
PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI.

Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami.

IV. PAPURI SA DIYOS


(Hindi ginagamit sa panahon ng kwaresma, adbiyento o ordinaryong araw.
LINGGO LAMANG)

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa taong


kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin. Dinarangal ka namin.
Ipinagbubunyi ka namin. Pinasasalamatan ka namin. Dahil sa dakila
mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng Langit, Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat, Panginoong Hesukristo, Bugtong
na anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama, Ikaw na
nag-aalis ng mgakasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Tanggapin mo nawa ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa
kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon. Ikaw lamang o Hesukristo ang katas-
taasan kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama….Amen.

V. PAMBUNGAD NA PANALANGIN (Refer to Patnubay/Sacramentary)


EMHC: Manalangin tayo (Tumahimik sandali)

Lahat:Amen.
(Ang EMHC ay uupo para sa mga pagbasa.)
VI. MGA PAGBASA AT SALMO
(Lector and Commentator. Kukunin sa Misal o Sambauhay ang Unang
Pagbasa, Salmo, Ikalawang Pagbasa, Aleluya/Bersikulo at Ebanghelyo)
EMHC: Pagbasa sa Ebanghelyo ayon kay ________________
(Isunod agad ang pagninilay.)
Lahat: Papuri sa Iyo Panginoon

EMHC: (Basahin ang Ebanghelyo) …..Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo

VII. PAGNINILAY
 (Gawin ito kung may naihanda. Maari ding tahimik na pagmumuni-
muni ng lahat.)
VIII. Pagpapahayag ng Pananampalataya (LINGGO LAMANG)
EMHC: Mga kapatid, ipahayag natin ang ating pananampalataya na
minana natin sa mga Apostol.
Lahat: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat,
nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen, pinagpakasakit ni Poncio Pilato, Ipinako
sa Krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit. Naluklok sa kanan ng Diyos amang
makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at
huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal
na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng
nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan….Amen.
IX. PANALANGIN NG BAYAN (Tingnan sa Manwal ng Panalangin ng bayan)
EMHC: Tahimik po nating idalangin ang ating mga sariling kahilingan.
(Dasalin ang huling bahagi ng Panalangin ng Bayan)
(Kung may mag-aalay, dasalin ang panalangin ukol sa mga alay)
Panalangin ukol sa mga Alay
Ama naming lumikha, ang mga alay namin ay iyong tanggapin
upang ang paghahain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
ay mapakinabangan naming. Pagindapatin nawa ito na aming
panabikan ang pagdating ng iyong anak nang may dalisay na
kalooban sa pamamagitan Niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen

EMHC: (Ituloy ang seremonya sa altar, yuyuko tanda ng paggalang)


X. AMA NAMIN
EMHC: Ama masaya ka naming dinadakila sa pamamagitan ng awit ng
papuri ng iyong sangnilikha. Kaisa ng buong simbahang Banal
na lumuluwalhati sa iyo, bilang magkakapatid, kami ay
dumudulog sa iyo. Mga kapatid, sama-sama po nating dasalin
ang panalanging itinuro ng ating Panginoong Hesukristo:

Lahat: Ama namin sumasalangit ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama……

EMHC: Hinihiling naming kami ay iyong iligtas sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at
ilayo sa lahat ng kapahamakan. Samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng
tagapagligtas naming si Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ng
kapurihan magpakailanman…. Amen.
XI. PAGBATI NG KAPAYAPAAN (Altar)
EMHC: Panginoong Hesukristo, sinabi Mo sa Iyong mga Apostol at sa
aming lahat, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang
kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo”. Tunghayan Mo ang
aming pananampalataya at huwag ang aming pahkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa
iyong kalooban, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang
hanggan...
Lahat: Amen
EMHC: Magbatian po tayo at maghangad ng kapayapaan sa isat-isa.
(Maghugas ng kamay ang EMHC at kukunin ang ciborium sa
tabernacle)
Lahat: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan
EMHC: (Luluhod muna sa altar). Tanggapin po natin ngayon ang banal na
komunyon, at sa ganitong paraan ay nakikiisa tayo kay
Hesukristo at sa Kanyang pag-aalay ng Kanyang sarili sa Ama.
Ang Banal na pagkain na ating tatanggapin ngayon ay
kinonsagra sa misang ipinagdiwang sa ating Katedral. Makiisa
po tayo sa sakripisyo ni Kristo at ng Kanyang Simbahang banal.
EMHC: (Itaas ang Hostia)
Mga kapatid, ito si Kristo, ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan, mapalad tayong tinatawag sa
kanyang banal na piging.
Lahat: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
(Matapos ang pakikinabang, tumahimik sandal upang
magpasalamat sa Diyos sa ating tinanggap)
XII. PANGWAKAS NA PANALANGIN (Lectern)
EMHC: Tayo po ay magsitayo…..

EMHC: Manalangin tayo


Ama naming mapagmahal, ngayong aming pinagsaluhan ang
iyong piging na banal, amin nawang pakinabangan ang walang
kupas na bigay ng walang maliw na pagsilang ng Anak mon
gaming ipinagdiriwang sa pamamagitan Niya kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen
EMHC: Pagpalain nawa tayo ng maawaing Diyos sa lahat ng araw sa
ating buhay.
Lahat: Amen
EMHC: Ilayo nawa niya tayo sa lahat ng ligalig at bigyan nang lakas ang
ating puso sa Kanyang pag-ibig.
Lahat: Amen
EMHC: Pagyamanin nawa Niya tayo sa pananampalataya, sa pag-asa at
pag-ibig, upang ang gawain natin sa buhay na ito ay maghatid
ng kaligayahan hanggang sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen.
EMHC: Pagpalain nawa tayo ng Diyos Ama, at ng Anak at ng Espiritu
Santo..
Lahat: Amen
EMHC: Tapos na po ang ating pagdiriwang, humayo po tayo upang
ibigin at paglingkuran ang Panginoon.
Lahat: Salamat sa Diyos.
XIII. PANGWAKAS NA AWIT
EMHC: (Yuyuko sa harap ng altar, kukunin ang hostia at recessional)
PAGDIRIWANG
SA
ORDINARYONG
ARAW
(BIBLE SERVICE)
(LINGGO)
PAGDIRIWANG
SA
ORDINARYONG
ARAW
(BIBLE SERVICE)
(Lunes-Sabado)

You might also like