Proteksyonan, K-WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

proteksyonan, kalayaan ng mga mamamahayag

Ang malaya at independiyenteng pamamahayag ay ang pangunahing institusyon na nag-uugnay sa mga


publiko sa impormasyong kailangan nila upang itaguyod ang kanilang sarili, gumawa ng matalinong mga
desisyon, at panagutin ang mga opisyal ng pamahalaan.

Sa bansang Pilipinas kung saan patuloy ang pagpupuntirya sa midya at nasa panganib ang kani-kanilang
mga buhay ay importante ang proteksyon ng freedom of the press o kalayaan ng mga mamahayag.
Iilang mga atake ang ikinilos ng gobyerno sa diyornalismo sa Pilipinas. Binabaha ng mga atake at kaso
lalo na ang mga babaeng mamamahayag. Maraming opisyal ng gobyerno ang nakikisali sa pag-red tag ng
mga diyornalista at organisasyon ng mga news media.

Mula sa dati pang administrasyon sistematikong inaatake ang kalayaan sa pamamahayag bilang parusa
sa mga hindi nagustuhan ng rehimen at bilang babala sa iba. Wala ring senyales na magbabago ang
patakarang ito sa bagong administrasyon.

Noong Hunyo, mahigit sa dalawang dosenang mga site ang na-block at inakusahan ng pagkakaroon ng
mga link sa "Mga Grupo ng Komunista-Terorista". Dalawang media organization ang kabilang sa mga
tinutukan ng National Telecommunications Commission (NTC) – independent news site na Pinoy
Weekly, at Bulatlat, ang pinakamatagal na online publication sa bansa. Ito ay ayon sa Aljazeera. Hindi rin
kamakailan ang pagpatay sa isang radio broadcaster na matapang na kritiko ng mga korap na dati at
kasalukuyang opisyal ng gobyerno na si Percival Mabasa o kilala bilang "Percy Lapid." Ito ay naghatid
mensahe sa iba pang mamamahayag sa pag-iingat.

Matapos ang pagpatay sa isang radio journalist, ilang TV reporters ang lumapit upang ibunyag ang mga
banta na kanilang natatanggap sa social media. Ibinahagi din ng isang reporter na may isang pulis na
bumisita sa kanyang bahay upang magtanong tungkol sa kanyang kaligtasan. Ang mga insidenteng ito ay
ikinaalarma ng mga tagabantay ng media.

Kabilang sa mga red-tagged na mamamahayag ay ang editor ng Rappler at nagwagi ng Nobel Peace Prize
na si Maria Ressa, na ang paghatol sa cyberlibel ay pinatibay kamakailan ng Court of Appeals. Nabanggit
niya na nahaharap siya sa patuloy na panliligalig kahit na pagkatapos ng pagbabago sa gobyerno. "Ang
patuloy na kampanya ng panliligalig at pananakot laban sa akin at sa Rappler ay nagpapatuloy, at hindi
sapat ang ginagawa ng legal na sistema ng Pilipinas para pigilan ito," ayon kay Ressa. "Nadismaya ako sa
desisyon ngayon ngunit hindi ako nagulat."

Ang malayang pamamahayag ay mahalaga sa isang demokratikong lipunan. Ito ay naghahanap at


naghahatid ng balita, impormasyon, ideya, komento, at opinyon at pinapanagot ang mga awtoridad. Sa
Pilipinas, totoo ang patuloy na panganib sa press freedom. Hindi na bago sa bansa ang pagkakaroon ng
isyu sa misimporamsyon, kung kaya't krusyal ang papek ng midya sa paghahatid nito. Tiniis ng mga
mamamahayag ang berbal na abuso, online na atake, libel charges, at physical harassment sa loob ng
maraming taon sa ilalim ng strongman rule ni Rodrigo Duterte. Ang press freedom ay hindi isang bagay
na binibiro lamang, lalo na ang mga nagsasabing pinoprotektahan ito ngunit patuloy na nakikisali pa sa
panunupil nito.

You might also like