EPP AGRIkultura LE W6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

School Grade Level Five

LESSON Teacher Learning Area EPP - AGRIKULTURA


EXEMPLAR
Teaching Date Quarter Quarter 1 Week 6

Teaching Time No. of Days 5

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim
ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

B. Performance Standards Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim


ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

C. Most Essential 1.1 Naisasapamilihan ang inalagaang hayop EPP5AG-0j-18


Learning Competencies
(MELC)

D. Enabling Competencies
II. CONTENT Pagsasampamilihan ng Inaalagaang Hayop

III. LEARNING
RESOURCES
A. References
a. Teacher’s
Guide Pages
b. Learner’s Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat sa
Materials Baitang 5
Pages
c. Textbook
Pages
d. Additional
Materials
B. List of Learning
Resources for
Development and
Engagement Activities
IV. PROCEDURES
A. Introduction (Panimula) Panimula (Mungkahing Oras: Unang Araw)

Ang pag-aalaga ng hayop tulad ng pagtatanim ng gulay ay isang kapaki-pakinabang


at nakalilibang na gawain. Malaki ang naitutulong nito sa pagdaragdag ng kita ng
mag-anak sapagkat maraming produkto ang nakukuha sa iba’t ibang uri ng hayop na
maaring kainin o gamitin. Kabilang sa mga produktong ito ay itlog, karne, at balat o
balahibo ng hayop na maaring gawing iba’t ibang kagamitan para sa tahanan.

Alam mo ba na maaari kang kumita sa mga produktong galing sa mga hayop?


Malaking tulong sa pamilya at sa pamayanan kung ang mga produktong ito ay mapag
uukulan nang maayos na pamamahala. Ikaw bilang isang mag-aaral ay mayroong
maitutulong sa wastong pamamahala o pagsasapamilihan ng mga hayop.

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na kaya mong:

• Maisapamilihan ang inalagaang hayop

Ang mga hayop na inaalagaan ay inaani rin tulad ng gulay. Kung kailangan, ang mga
hayop na ipagbibili ay dinadala sa pamilihan nang buhay o bilang karne. Kailangan
maging maingat sa paghawak o paglilipat-lipat sa kanila. Kung kakatayin ang mga
alagang hayop ay gawin sa paraang makatao. Ang labis na pananakit ay dapat
iwasan. Ang mga manok, bibi, at kambing ay maaring ipagbili nang buhay. Higit na
kanais-nais kung ang manok, bibi, at kambing ay nakalagay sa kulungan sa halip na
nakatiwarik o nakabiting dinadala.
Ang mga itlog ng manok o bibi na labis sa pangangailangan ng mag-anak ay maaring
ipagbili rin sa pamilihan. Ilagay nang maayos sa basket na sinasapinan ng dayami o
tuyong damo o kaya ay ginupit-gupit na papel.

Paraan ng Pagsasapamilihan ng Inalagaang Hayop

1. Pakyawan o maramihan—Makipag-ugnayan sa malalaking mamumuhunan– ang


binibiling produkto ng malalaking mamumuhunan. Ang paraang pakyawan ay
nangyayari kapag nagkasundo ang may-ari at ang bibili bago pa anihin ang produkto.
Ang lahat ng produkto ay makukuha ng mamamakyaw na siyang magbebenta nito ng
direkta sa pamilihan.

2. Lansakan - Makipag-ugnayan sa mga biyahero at maliit na mamumuhunan. Ang


kaibahan lamang ay binibili lamang nila ang mga hayop tulad ng manok na
magkakapare-pareho ang timbang at laki at pagkatapos iniiwan ang mga maliliit. Ito
ay isang paraan ng maramihang pagbebenta. Ang bilihan ay maaaring bawat basket o
trey ng mga itlog. Humahango ng maramihan ang mamimili upang ipagbili ng
tingian sa palengke.

3. Pagbebenta sa palengke- ang mga produkto ay dadalhin sa palengke upang doon


ito ibenta. Mahalagang matuos kung saang paraan kikita nang mas maganda-kung ito
ay ipagbibili ng buhay o ipagbibili nang dressed.

4. Tingian na pagtitinda– sa pamamaraang tingian, paunti-unti ang pagtitinda sa mga


mamimili. Maaring mas malaki ang nakukuhang tubo subalit mas matagal bago
mahawakan ang buong pinagbilhan.

Kilo- ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto. Ang ginagamit na basehan


ng presyo ay ayon sa timbang ng produkto tulad ng karne.

Bilang- sa paraang ito naman ay binibilang ang produkto na may nakatakdang


presyo. Maaari din namang ipagbili ng kada dosena.

Piraso- ang produkto ay maaaring bilhin ng kada piraso ayon sa laki. Halimbawa nito
ay ang itlog, ang itlog ay naibebenta ng kada piraso ayonsa laki subalit kung
maramihan na ang pagbili ay nagiging dosena na din ito.

5. Online Selling- paraan ng pagbebenta kahit nasa bahay lamang gamit ang
teknolohiya o internet.

Paraan ng pagbebenta sa online selling:

a. Gumawa ng social media account katulad ng facebook.

b. Kuhanan ng maayos at malinaw larawan ang produktong nais ibenta upang maging
kaakit –akit sa makakakita ng iyong facebook.

c. Kailangang malinis at sariwa at nasa tamang presyo ang iyong produkto.

d. Alamin ang tunay na pangalan at eksaktong tirahan ng bumibili.

e. Maging magiliw at magalang din sa mga mamimili.

f. Linangin ang kaalaman sa pagbebenta gamit ang teknolohiya.

6. Pamimigay ng mga Flyers-Paraan ng pagbebenta ng produkto gamit ang


kapirasong papel na nakasulat ang advertisement o patalastas na ipamimigay sa mga
tao.

7. Pag- angkat- Tinatawag itong bigay tiwala, sapagkat ibinibigay ang produkto sa
tingiang tindahan kahit wala pang bayad sa kasunduang babayaran sa oras na maubos
ang paninda.

8. Paglalako- Karaniwang nag-iikot o naglalakad sa kalye bitbit ang kanyang paninda


at isinisigaw ang pangalan nito.

9. Groseri- Malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa bayan o barangay kung


saan kumpleto lahat ng uri ng paninda.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=S4Io9W9qox4

B. Development Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)


(Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto 1 Isulat ang S sa patlang kung Sang ayon ka sa stratehiya ng
pagsasapamilihan ng hayop at DS naman kungDi- Sang-ayon.

_____1. Sa paraang tingian na pagtitinda, paunti-unti ang pagtitinda sa mga


mamimili.

_____2. Sa online selling kailangan mong pilitin ang iyong mga kaibigan sa
facebook upang ikaw ay kumita.

_____3. Sa tingiang pagtitinda maari kang bumili ng por kilo o kaya ay isang piraso
lamang.

______4. Kailangang makulay at kaakit-akit ang larawan na ibebenta mo sa online


upang mahikayat mong bumili ang mamimili.

______5. Kailangan mong maging mataray sa mamimili upang hindi utangin ang
iyong paninda.

C. Engagement Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong Araw)


(Pakikipagpalihan)

Gawain sa Pagkatuto 2. Gamit ang iyong kaalaman sa basic sketching. Gumawa ng


disenyo para sa flyers kung saan nakalagaay ang iyong patalastas ukol sa ibinibenta
mong mga buhay na manok.

Pamantayan Puntos Puntos


5 4 3 2 1
1. May kaakit-akit na disenyo ang flyer

2. Malinaw ang layunin, nasa pokus at organisado ang


mga detalye
3. Gumamit ng payak at angkop na mga salita na
nakatulong sa lubos na pagkaunawa.
4. Wasto ang gamit sa malalaking titik ( kung saan
kailangan)
Kabuuang Puntos

Rubrik sa Paglalahad

Pagpapakahulugan:

16-20 = Napakahusay 11-15 = Mahusay 6-10= Mahusay –husay 1-5 = Kailangan


pang magsanay

D. Assimilation Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw)


(Paglalapat)

Gawain sa Pagkatuto 3:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano mo isasapamilihan ang iyong alagang hayop?

2. Ano-ano ang dapat mong tandaan upang maging matagumpay ka sa


pagsasapamilihan ng iyong algang hayop? pagaalaga ng hayop na may dalawang paa
at pakpak o isda?

E. Assessment PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)


(Pagtataya)

Gawain sa Pagkatuto 4:Gamit ang sagutang papel , unawain ang mga sumusunod
na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ___________________ay nangyayari kapag nagkasundo ang may-ari at ang


bibili bago pa anihin ang produkto.

a. Pagbebenta sa palengke c. Pakyawan o Maramihan

b.Tingiang pagtitinda d. Online Selling

2. ______________________ ay isang paraaan ng pagsasapamilihan na kung saan


ang mga produkto ay dadalhin sa palengke upang doon ito ibenta.
a. Pagbebenta sa palengke c. Pakyawan o Maramihan

b.Tingiang pagtitinda d. Online Selling

3. Ang _____________malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa bayan o


barangay kung saan kumpleto lahat ng uri ng paninda na puwede mong pagbentahan
ng iyong produkto.

a. Pagbebenta sa palengke c. Pakyawan o Maramihan

b.Tingiang pagtitinda d. Online Selling

4. Tinatawag itong bigay tiwala, sapagkat ibinibigay ang produkto sa tingiang


tindahan kahit wala pang bayad sa kasunduang babayaran sa oras na maubos ang
paninda.

a. pakyawan c. pag-angkat

b. tingian d. pagbebenta sa palengke

5. Sa pagtitinda sa pamamagitan ng online selling alin sa mga sumusunod ang dapat


mong gawin?

I. Gumawa ng social media account katulad ng facebook.

II. Kuhanan ng maayos at malinaw larawan ang produktong nais ibenta upang
maging kaakit –akit sa makakakita ng iyong facebook.

III. Kailangang malinis at sariwa at nasa tamang presyo ang iyong produkto.

IV. Hindi kinakailangang alamin ang tunay na pangalan at tirahan ng bumibili.

V. Linangin ang kaalaman sa pagbebenta gamit ang teknolohiya.

A. I , II, III at V c. I, II, III

B. II, III at V d. Lahat nang nabanggit

V. REFLECTION PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)

Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa

Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa


iyong pagpili:

 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na


nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito.


Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko


nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto L Gawain Sa Pagkatuto L


P P
Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2 Bilang 4

You might also like