Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbabago ng Wika at Kultura sa mga Piling Mag-aaral ng Brgy.

Pasi

Hanna Irish L. de Villa


KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

I. INTRODUKSIYON

Ang Wika at Kultura ay mahalaga sa isang bansa. Ito ang nagsisilbing palatandaan o
pagkakakilanlan ng isang lugar at maging mismong tao kung saan ito nagmula. Ang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa ay nagbibigay-daan sa pagkakaisa at pagtutulungan sapagkat ito ay ginagamit sa
pakikipag-ugnayan. Katulad sa kultura, ito rin ay nagsisilbing daan upang magbuklod ang bawat tao sa
iisang kultura na mayroon sila. Sa kabilang banda, ang kultura ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa at
ng mga mamamayan nito. Ito ay sumasalamin sa mga paniniwala, kaugalian at mga nakasanayang gawain
ng tao. Tinuturing itong yaman ng isang Bayan sapagkat ito ay pamana ng ating mga ninuno noong
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga kulturang ito ay pinaghalong impluwensiya ng
mga katutubo at kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop. Ang mga Kultura ay maaring
mahati sa dalawa, ang materyal at di- materyal. Ang mga materyal na kultura ay ang mga nahahawakan at
nakikita kagaya ng mga kasuotan, tirahan, at mga kagamitan. Ang di-materyal na kultura ay ang mga
hindi nakikita o nahahawakan tulad ng edukasyon at kaugalian. Sa paglipas ng panahon, ang mga
kaugaliang Pilipino ay nananalaytay pa rin sa atin. Ang dignidad, hiya, pagpapakumbaba, masayahin, at
bayanihan ay ilan lamang sa mga kaugalian natin. Ang mga kulturang nakasanayan ay unti-unting
nagbabago sa pagtanggap ng ating bansa kaya’t nararapat na ito’y malaman upang mapangalagaan.

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang Wika at Kultura ay laging magkasama ngunit sa pagdaan ng panahon ay unti-unting nagbabago
ang mga ito. Iba’t ibang salita ang umuusbong at umuuso, iba’t ibang salita ang nalilimbag, iba’t ibang
lengguwahe ang ginagamit at iba’t ibang bagay ang gustong baguhin dahil sa iba’t ibang kaisipan
mayroon ang mga tao kagaya ng pagpapalit ng liriko ng Pambansang Awit ng Pilipinas at pagdagdag ng
sinag ng araw sa ating watawat. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga salik na nakaaapekto sa
pagbaabgo ng wika at kultura ng mga piling mag-aaral ng Pasi.

III. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang Wika ay mahalaga at kinakailangan ng ibang bansa maging sa tao na ginagamit sa


pagkikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan ng bawat mamayan samantalang ang Kultura ay mahalaga
ay kinakailangang ipagpatuloy at pagyamin na dahil ito ang sumsalamin sa pagkakakilanlan ng isang
bansa. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang kanilang malaman kung paano
umunland at nagbabago ang Wika at Kultura sa Pilipinas. Malalaman nila ang mga salik na nakakapekto
sa pagbabagoo ng Wika at Kultura ng Pilipinas. Ang pag-aaral din na ito ay magbibigay sa mga
mambabasa ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng Wika at Kultura at kung paano nila mahaharap ang
pagbabago ng Wika at Kultura ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro upang
maituro ang wastong pagkatuto ng Wika at Kultura sa makabagong panahon ng hindi nalilimutan ang
pinagmulan nito at para sa mga susunod na Henerasyon na maaring balikan ang pag-aaral na ito upang
magbigay sa kanila ng ideya tungkol sa Wika at Kultura sa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago
sa pamaamgitan ng mga salik na nakaapekto rito.
IV. REBYU NG KAUGANAY NA LITERATURA

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas na at makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan damdamin at mithiin. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang Sistema ng
mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, Ngunit sa Isang Panahon ng Kasaysayan ito ay
tinutukoy na isang set ng hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas
ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000),Ang wika ay
nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay
maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay
maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila
ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal
at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad
ng teknolohiya at sensya. Bunga nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi
umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

V. TEORETIKAL AT GABAY NA BALANGKAS

Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nang Malaki sa
elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon ng mga terminolohiya.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng depenisyon, sinonim, antonym, at hayperonim ng mga bagong terminolohiya. Samantala,
ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating
pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa
ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag
pinagsama-sama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o kung
sino pa man na kakilala natin. Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na binubuo ng 7,107 na mga
pulo na mayroong iba’t-ibang diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng
paggamit ng iisang wika, ang wikang Filipino! Kaya naman kahit may iba’t-ibang kultura, relihiyon at
paniniwala sa bawat panig ng Pilipinas, nagkakaisa parin ang bawat mamamayan ng ating bansa sa
paggamit ng wikang Filipino

VI. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa paggamit ng Wika at Pagpapanatili ng Kultura. Ito ay may
mga limistasyon na nararapat isaalang-alang upang mapanatili ang kaayusan ng pag-aaral tungkol dito.
Ang saklaw ng pag-aaral ay tungkol lamang sa mga salik na nakaapekto sa pagbabago ng wika at kultura.
Ito ay ginanap sa Brgy. Pasi II, Socorro, Silangang Mindoro na may labing limang kalahok. Sa
pamamagitan ng mga pagsasagot ng katanungan ng mga kalahok ay makakalap ng mga mananaliksik ang
mga datos na kailangan sa pag-aaral. Ang pag-aaral ay nagsimula noong Enero, 2022
KABANATA II: DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

I. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang disenyo na ginamit sa pananaliksik ay kuwalitatibong pananaliksik sa paraang deskriptibo. Ito


ang ginamit na disensyo ng pananaliksik dahil sa paraang ito maipaliliwanag ang mga salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng wika at kultura. Sa paraang ito, mas mauunawaan at maipaliiwanag ng ayos
ang nais at layunin ng pag-aaral.

II. LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay ginanap sa Brgy. Pasi II, Socorro, Silangang Mindoro. Ang mga respondante ay
pinili mula sa mga mag-aaral ng nasabing lugar na nasa labing lima hanggang dalawangpo lamang.

III. KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang mga kagamitan at materyales ay mahalaga sa pangangalap ng mga datos upang makompleto ang
mga kinakailangan sa paananliksik. Ito ag susi upag maipakita at masagot ang hinihinging datos sa
pananaliksik. Sa pangangalap ng datos, gumamit ang mananaliksik ng laptop upang magsuri at mgalap ng
datos mula sa internet. Ang mga nakalap na datos ay isinulat sa data notebook bilang panimula hanggang
sa katapusan ng pananliksik. Ang mga katanungan na magiging gabay sa datos na kinakailangan ay
ipinasa sa messenger at ibinigay sa mga piling mag-aaral ng Brgy. Pasi II. Matapos nila itong masagutan,
gumamit ang mananaliksik ng tally sheet.

IV. PARAAN NG PAGLIKOM NG DATOS

Ang mananaliksik ay bumuo ng introduksiyon mula sa mga nakalap na impormasyon mula sa


internet. Inayos at muling sinipi ang bawat detalye sa bawat bahagi ng unang kabanata sa data notebook
ng mananaliksik. Ang saklaw at limitasyon ay naging mahirap sa mananaliksik lalo na sa pagsasaayos ng
konstrasyon ng bawat salita. Sa pagbuo ng layunin ay naging mahirap nang mas higit ang mananaliksik
sapagkat ang mga ito ay nahirapan sa paraan ng pormasyon ng pagsulat at patatalakay sa bawat layunin
ng pananaliksik. Kasabay nito ang pagbuo ng mga tanong para sa sarbey na isasagawa para makuha ang
mga datos na kinakailangan

V. PARAAN NG PAGSUSURI NG DATOS

Ang mananaliksik ay isa-isang nangalap ng impormasyon tungkol sa mga kaugnay na pag-aaral at


literatura patungkol sa paksa. Samantala, ang mga nakalap na datos at impormasyon ay isinaayos at
muling binago ang konstraksyon. Ang pagsasaayos nito ay hindi naging madali sapagkat hindi masyado
natututukan ng maayos ang pagsasagawa nito at nagsagawa na ng sarbey patungkol sa paksa ng
pananaliksik na magiging daan upang makuha ng kasagutan mula sa datos na makakalap. Nagsimula na
ang mananaliksik mag-tally at ipagkumpara ang mga tally ay iba-iba ang kinalabas kung kaya’t muling
inulit ang pagta-tally. Nang matapos ang tamang tally, sinimulan na ng mananaliksik ang pagbuo ng
presentasyon at interpretasyon ng mga datos na nakalap. Ang mga datos na nakalap ay isinaayos upang
maipresenta sa pamamagitan ng mga grapiko at charts. Matapos maipresenta ang mga datos ay
ininterpreta ang mga ito upang maipaliwanag ang mga iprinisentang datos.
KABANATA III: RESULTA AT DISKUSYON

I. RESULTA AT DISKUSYON

Sa kabanatang ito makikita ang mga nakalap na datos at resulta nito mula sa sarbey na isinagawa ng
mga mananaliksik. Ipinapakita dito ang mga grap upang maipresenta ang mga datos na nakalap.

Ipinakikita na ang bilang ng mga salik na nakaapekto sa pagbabago ng Wika at Kultura mula sa
mga piling mag-aaral na tumugon sa sarbey. Makikita sa grap na nasa itaas na, ang isa sa may
pinakamataas ay ang teknolohiya, na sinundan ng Social Media, na sinundan muli ng mga dayuhan at ang
pangalawa sa huli ay ang mga bagong diyalekto at ang huli ay ang malawak na pagiisip. Samantala, ang
bilang ng mga nakapapansin sa pagsasagawa ng mga naka-ugaliang kultura kagaya ng bayanihan at
harana sa ating panahon mula sa mga piling mag-aaral na tumugon sa sarbey. Makikita sa grap na ang
may pinakamataas ay ang mga nagsagot ng “minsan” na sinundan ng “hindi” at may ilan din naming
nagsagotng “oo”. Ipinakikita sa pananaliksik ang mga bilang kung nakatutulong ba ang Social Media sa
pagpapaunlad ng Wika at Kultura mula sa mga piling mag-aaral na tumugon sa sarbey. Dagdag pa dito
ang mga bilang kung nakaaapekto ang pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon sa Wika at Kultura mula sa
mga piling mag-aaral na tumugon sa sarbey. Sa huli, ipinapakita na ito ang bilang kung nakaaapekto ba
sa Wika at Kultura ng bansa ang pagdami ng mga dayuhan mula sa mga piling mag-aaral na tumugon sa
sarbey.
KABANATA IV: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

I. LAGOM

Ang pamagat ng pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbabago ng


Wika at Kultura ng mga Piling Mag-aaral ng Brgy. Pasi II.” Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa
Barangay Pasi. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matuklasan ang mga salik na nakaaapekto sa
pagbabago ng Wika at Kultura ng bansa mula sa ginanap na Surbey ng mga mananaliksik sa mga piling
Mag-aaral ng Brgy. Pasi II. Ang layunin ng pananliksik na ito ay malaman kung ano ang mga salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng wika at kultura.

II. KONGKLUSYON

Ayon sa resulta, Teknolohiya at Social Media ang mga salik na nakaaapekto sa pagbabago ng Wika at
Kultura. Dagdag pa rin dito, ang mga bagay na nag-uudyok sa mga Pilipino upang hindi isagawa ang mga
naka-ugaliang Kultura ng ating bansa ay ang Teknolohiya. Marahil ay maraming kabataan ang
nahuhumaling sa paggamit nito kaya nakakalimutan na ang mga kulturang humubog at bumuo sa mga
Pilipino. Sa kailang banda, ang layunin ng mananaliksik na masukat ang kaalaman ng mga estudyante
ukol sa Wika At Kultura ay inilahad sa pamamagitan ng mga kasagutan mula sa sarbey. Ayon sa mga
tumugon sa sarbey, minsan na lang napapansin ng mga estudyante ang pagsasagawa ng mga naka-
ugaliang Kultura ng ating bansa sa mga okasyon tulad ng Buwan ng Wika na lamang. Higit na maraming
estudyante ang may hindi sapat na kaalaman tungkol sa mga malalim na salita ayon sa nakalap na datos
sapagkat nakatuon ang kanilang atensyon sa mga gadyets na araw-araw nilang ginagamit. Ayon din sa
pananaliksik, Social Media ang bagay na pumipigil upang tuklasin ang mga makalumang salita ng ating
bansa. Natutuon ang atensyon nila at maging sa pag-aaral ay nakakalimutan na rin nila. At huling layunin
ng mananaliksik ay ang magbigay ng impormasyon tungkol sa Wika at Kultura na sya rin namng
nakatulog sa mga mananaliksik at mga estudyanteng tumugon sa sarbey.

Sa mga datos na nalikom ng mananaliksik lumabas sa resulta ng ginawang Surbey sa mga Piling
Mag-aaral ng Brgy. Pasi II sa mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbabago ng Wika at Kultura ay ang
Teknolohiya at Social Media. Sa puntong ito, masasabing positibo ang naging resulta nito sapagkat
nabigyan ng kasagutan ang mga katanungan at mga bagay na kinakailangan sa pananaliksik. Nalaman rin
kung gaaano kaalam ang mgaestdyante ng Brgy. Pasi tungkol sa mga katuruan tungkol sa Wika at Kultura
ng bansa.

III. REKOMENDASYON

Batay sa ginawang panaanliksik, ito ay magiging epektibo bilang isang preperensya at basehan sa
mga ibang pag-aaral.Para sa mananaliksik, ang Wika at kultura ng Pilipinas ay nararapat na pahalagahan.
Inererekomenda ng mananaliksik ang pag-aaral na ito, una ay sa mga mag-aaral sa kadahilanan na
malalaman nila ang mga salik na nakaaapekto sa pagbabago ng Wika at Kultura ng sa ganun ay hindi sila
maapektuhan ng mga salik na ito. Ikalawa ay para sa mga guro sa kadahilanan maari nilang magamit ang
pag-aaaral na ito upang maituro ang wastong pagkatuto ng Wika at Kultura sa makabagong panahon ng
hindi nalilimutan ang nakaraan. Dagdag pa rito, maaring ito din ang maging dahilan upang mapalago ang
kaalaman ng mga kabataan sa makabagong panahon

You might also like