Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Asignatura: FILIPINO 8

Tampok/Nilalaman ng Modyul: KARUNUNGANG BAYAN at PAGHAHAMBING


Itinakdang Araw: Aug. 8 - 11, 2022
Paglalarawan:
- Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtakay sa mga uri ng karunungang bayang mayroon sa bansa na
sumasalamin sa ating mayamang panitikan at kultura. Nakapaloob din dito ang aralin tungkol sa
“Paghahambing” bilang isang anyo ng pagpapahayag. Kaugnay nito ay ang angkop hambingan ng pang-uri
sa pagbuo ng isang pangungusap.

Mga Layunin Pampagkatuto:

 Nakikilala ang karunungang bayan bilang bahagi ng kultuarang Pilipino.


 Natutukoy ang mga uri ng Karunungang Bayan.
 Natutukoy ang paghahambing bilang anyo ng pagpapahayag at ang mga uri nito.
 Nagagamit ang mga pahambing sa pagsulat ng orihinal na karunungang bayan.

Halagang Pangkatauhan: Pagpapahalaga sa kultura at panitikang Pilipino at wastong pagpapahayag gamit ang wika

MGA GAWAING KAUGNAY NG ARALIN:

A. Pagtuklas

 Basahin ang tala patungkol sa Karunungang Bayan na matatagpuan sa mga pahina 17-19 ng inyong aklat.

 Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

- Bakit mahalagang pag-aralan ang mga nasabing karunungang bayan sa pag-aaral ng kulturang Pilipino?
- Paano mo magagamit ang mga aral na taglay ng karunungang bayan sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay?
- Sang-ayon ka bang mayaman nga ang panitikan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol?

B. Paglinang

 Basahin at unawain ang tala patungkol sa Paghahambing na makikita sa mga pahina 22-23 ng inyong aklat.
 Sagutang ang pagsasanay.

A. Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay palamang at


titik S kung ito ay pasahol. (10 puntos)

____ 1. Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon sa Disyembre.


____ 2. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan
____ 3. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
____ 4. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.
____ 5. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay
buo ang pamilya.
____ 6. Di-gasinong mapagbigay si Lilia na tulad ni Rose.
____ 7. Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa bayan ng Sto. Tomas.
____ 8. Para kay Perry, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung ihahambing
ito sa Matematika.
____ 9. Mas marami ang kinakain ko sa ahagan kaysa hapunan.
____ 10. Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na tulad kagabi.
B. Isulat ang angkop na pahambing sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa linya. (5 puntos)

11. ____________maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
12. Si Rene ay ______________masipag na gaya ni Ramil.
13. Si Chester ay _________galing ni Danilo sa pagsayaw.
14. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay _______laki ng bangka.
15. Ang pagsusulit natin ay ________ mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

 I-send o ipasa sa messenger account/email address ng guro ang iyong sagot bago mag-12:00 ng tanghali ng Aug. 18,
2022.
 Matapos ma-check ng guro ang iyong papel, ito ay ibabalik sa iyo upang makita mo kung saang bahagi ka
nagkamali. Bilang paglilinaw, malaya kang makapagtatanong sa iyong guro kung paano at bakit naging mali ang
iyong sagot o mga sagot.
 Ang pagtatanong sa guro ay maaari lamang gawin sa inilaang araw at oras ng pagsangguni ng mag-aaral.

C. Pagpapalalim

 Sumulat ng isang orhinal na karunungang bayan na patungkol sa wika o pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Ang naturang karunungan bayan na iyong susulatin ay kailangang kakitaan ng mga pahambing.

 Sundin lamang ang format na makikita sa ibaba.

Halimbawa:

KARUNUNGANG BAYAN:

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda”

URI NG KARUNUNGAN BAYAN: Kasabihan

PAHAMBING: Higit

URI NG PAGHAMBING: Pahambing na palamang

D. Pagtatapos

 Sagutin ang mga sumusunod na tonong kaugnay ng mga aralin at bilang ebalwasyon para sa unang linggo ng
klase.

- Ano-ano ang mga pagpapahalagang iyong natutunan kauganay ng aralin?


- Bilang mag-aaral, ano ang nais mong imungkahi upang maging mas epektibo ang
iyong pagkatuto sa asignaturang Filipino?

 I-send o ipasa sa messenger account/email address ng guro ang iyong ginawang karunungang bayan at
ebalwasyon bago mag ika-walo ng gabi ng Aug. 19, 2022.
Inilaang araw at oras ng pagsangguni sa guro: WEDNESDAY at 9:30 - 10:30 am

Email: marvinteoxon@stbridgetschool-qc.edu.ph

Messenger: Marvin Teoxon

Talasanggunian:

 Baisa-Julian, A., Lontoc, N., et. al. (2018) Pinagyamang Pluma 8. Quezon City. Phoenix Publishing House

You might also like