Gawain 3 ANGELICA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Sean Andrex G.

Martinez

Course: BALIT 2

Date: Nov 16, 2022

KAIBIGANG NAGKA-IBIGAN

Minsan, sa ating buhay may makikilala tayong kaibigan na kung minsan ay nauuwi pa sa pag-iibigan.
Katulad nalang sa kwetong ibabahagi ko sa inyo, kwentong napagdaanan ko. Nagsimula ang kwento naming
dalawa sa simpleng asaran. Sa una, nagkakahiyaan pa dahil hindi naman talaga kami magkakilala. Nagkakilala
lang kami dahil lang rin naman sa magkaklase kami. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng asaran, asarang
mauuwi pala sa pag-iibigan.

Nahihiya man akong isulat ang kwentong ito, proud naman akong malaman niyo. Sa lake ng paaralang
pinapasokan ko, mahuhumaling pala ako sa babaeng di ko naman kilala. Itago mo po ako sa pangalang, Drex.
Simula pa ng bata ako, nakahiligan ko na talagang kumanta. Tumotogtog rin po ako ng ibat-ibang instrumento,
Kagaya nalang ng guitara at ukulele. Maputi, matangkad, mahiyain,at medyo may kaya sa buhay dahil prinsipal
ang aking ama. Guro naman ang aking kuya. Mas nakilala ako sa loob man o sa labas ng aking paaralan dahil sa
kilala rin naman ang aking pamilya sa aming lugar. Kumakanta rin ako sa kahit saan. Minsan panalo, minsan
naman ay talo. Maraming humahangang tao, maliban nalang sa isang babaeng ito. Itago ko sya sa pangalang
Gel. Napapansin kasi ng mga kaklase ko napag tuwing kumakanta ako sa aming paaralan, hindi sya kagaya ng
ibang babae na tumatakbo patungong stage para lang makinuod kung ano man ang nan doon. Palagi lang syang
nakasuot ng pang-ulong patinig o mas kilalang Earphones. Na para bang walang pake sa mundo, o sa paligid. Sa
ka dahilanang iba siya sa ibang babae, nag simula akong mag tanong tanong tungkol sa kanya. Kahit pangalan
man lang, okay na. Natapos ang taong hindi ko man lang nagawang kausapin sya, o maglakas man lang ng loob
na lapitan siya, pinagdasal ko nalang na sana balang araw, ay magiging kami. Ngunit sa hindi inaasahang
pangyayari, nasa ika labing-isang baitang na kami, nagging mag kaklase kami. Hindi ko maipaliwanag ang
aking naramdaman, na parang balisa ako. Basta ang alam ko, nabuhayan ako. Dito na nga ako nagkalakas ng
loob na lapitan siya at kausapin man lang. Sa simpleng Hi! at Hello! pala magsisimula ang kwento naming
dalawa. Hatid, sundo ko siya. Hanggang sa nag simula akong nag kwento sa mga nararamdaman ko noong hindi
pakami mag kaklase. Nalaman ko nalang na parihas pala kami ng nararamdaman noong nalaman naming
magkaklase kami. Balisa, na hindi namin maipaliwanag. Gayun paman, ilang buwan rin akong nanligaw
hanggang sa dumating ang araw na nagging kami na. Ang saya ng puso naming dalawa, di namin akalain na sa
simpleng Hi! at Hello! Umabot kami ng tatlong taon. Sa relasyong meron ako ngayon, naranasan kong maging
masaya ng dahil sa kanya. Sayang, ayaw ko nang mawala pa.

Sa relasyong ring ito ko napagtanto, na hindi lahat ng relasyon ay dapat masaya palagi, minsan
kailangan rin nating dumaan sa mga pagsubok na magbibigay aral satin. Gayun paman, sa lahat ng pagsubok na
aming napagdaanan, mas lalo kaming pinagtibay ng panahon. Kung darating man ang araw na maghihiwalay na
kaming dalawa, manantili naman saaming alala ang panahong naging kami pa. Tatapusin ko ang kwentong ito
na pinapangako kong siya ang kahuli-huling babae na aking mamahalin. Hanggang dito nalang po, salamat.

You might also like