Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PLAGIARISM SCAN REPORT

Date 2022-12-02

0%
100%

Words 948
Plagiarised Unique

Characters 6121

Content Checked For Plagiarism

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA



mga pag-aaral at literatura na may kaugnayan sa isinasagawang pag-
Sa bahaging ito, inilahad ng mga mananaliksik ang
aaral.

Paglaganap ng mga Balita Online


Malaki ang ginagampanan ng mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Magmula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog nito, ang bawat isa’y nakatutok rito. Kung dati sa telebisyon at diyaryo lamang makikita ang mga
balita ngayon ay maari mo na ring mabasa o makita sa mga social media. Pinatunayan ito nina Gottfried at Shearer (2019),
na isa nga ang social media sa naging lunsaran ng mga balita sa panahong ito. Ayon pa sa nakalap nilang datos na 66% ng
populasyon ang nagbabasa ng balita sa Facebook at 59% naman sa Twitter. Batay naman sa tala ng Social Weather
Stations (2019), na kulang-kulang na 13.9 million na indibidwal ang gumagamit ng Facebook para magbasa ng balita.
Dagdag pa rito, nangunguna ang Facebook bilang lunsaran ng balita at marami ang tumatangkilik rito, pumapangalawa
lamang ang telebisyon. Marami ang tumatangkilik rito sapagkat halos lahat ay mayroon nang access sa mga platapormang
ito. Kaya naman ayon kay Hassan (2018), lumabas na kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa mga balitang nakalimbag sa
mga diyaryo sa kadahilanang marami na ang naglalabasang online na plataporma para makapagbasa ng mga balita at isa
sa mga platapormang ito ay ang Facebook. Sinasabing ang mga platapormang ito ay isang taktika ng mga News
organization upang makahikayat ng mga bagong mambabasa at mas nagiging kaayaaya sa mga mambabasa kung may
kasamang mga video ang balita (Rañeses, 2019).

Nagkakaroon ng biases sa mga balita online tulad na lamang ng tinatawag nilang framing na kung saan pili lamang ang
mga detalye na ilalagay sa mga balita upang ito ay umayon sa kanila (Morstatter et. al., 2018). Ayon pa kay Spine et. al.,
(2021), mahirap matukoy ang isang balita kung ito ba ay bias o hindi, sapagkat pili lamang ang mga salitang ginagamit ng
mga News organization sa pagbuo ng isang balita. Ang pahayag na ito ay taliwas sa binigyang diin ni Lombardi (2018) na
dapat taglay ng isang tagapagbalita ang pagkakaroon ng paninindigan, integridad at kawalang-kinikilingan nang sa
ganoon ay ang mga kahulugan at ideolohiya sa balita’y kinakailangang mangyari sa wikang ginamit upang ilarawan ang
mga kaganapan at kumatawan sa mga kasangkot sa pangyayari.

Ang wika ay isang sangkap ng isang balita dahil kung ano ang wikang ginagamit ng mga pahayagan ay isang repleksyon
ng wikang pambansa na ginagamit ng isang bansa na nakatutulong upang mapaunlad ang wikang ginagamit (Kallibekova,
2020). Sinasabi na ang wika at istilo ng mga pahayagan ay pinag-aaralan ng mga iskolar ng linggwistika, kasaysayan.
Kailangan ito upang magsagawa ng mas malalim na pananaliksik sa mga paksa ng wika ng pahayagan. Natuklasan nina
Akpojivi at Fosu (2020), na maaring gamitin ang mga katutubong wika sa mga balita online sapagkat makatutulong ito
upang makakuha ng mga impormasyon at makilahok sa mga talakayan ang mga tao lokal man o nasyonal upang
mapayabong ang mga aspektong sosyo-kultural, ekonomik at kultural. Kung pag-uusapan naman ang wikang ginagamit
sa mga balita, may mga pagkakataon na nagkakaroon ng code mixing. Pinatunayan ito ni Mukosi (2020), na nagsasabing
nagkakaroon ng panghihiram at code mixing kaya naman iminungkahi niya sa kanyang pag-aaral na sana ay magkaroon
ng programa sa wika at mga tuntunin na gagabay sa pangangalaga ng wika sa loob ng isang balita. Mayroong dalawang

Page 1 of 2
uri ng code mixing, ang Insertion (pangngalan, pandiwa, pang-ukol, at idyoma) at Paghahalili (parirala at sugnay) (Raksang,
2019).

Sa loob ng isang balita na nailathala ay maaaring magkaroon ng pagpapalit-koda at panghahalong-koda na pinatunayan


ni Firima (2018) nang suriin niya ang ilang balitang nailathala sa Indonesia. Sa resulta ng kanyang pag-aaral lumabas na
may pagpapalit-koda at paghahalongkoda na kung saan malaki ang naitulong ng mga ito upang mas maayos na
maihayag sa mga tagapakinig at tagabasa ang nilalaman ng balita. Ito ay sinang-ayunan ni Nova (2018), na madalas
gamitin ang halong-koda sa isang balita. Idinagdag pa niya na mayroong apat na uri ng paghahalong-koda: sa mga salita,
parirala at sugnay. Ang dahilan ng paggamit ng paghahalongkoda ay ang kawalan ng mga salitang maaring maitumbas o
ang pagkakaroon ng problema sa pagsasalin ng mga salita. Mahalagang pagtuunan ng panahon ang paraan ng tamang
pagsulat ng mga balita sa mga pahayagan dahil ang kwento ng isang balita ay naiiba sa itinuturing na normal na pagsulat
ng kwento. Ang istruktura ng isang kuwento sa pahayagan ay inihalintulad sa isang pataas na pyramid, kung saan ang
kuwento ay nagsisimula sa pinakahuling kaganapan at babalik sa simula (Hasson, 2018). Hindi basta-basta ang pagsulat ng
balita, kinakailangang maging maingat sa pagkakaayos ng mga pangungusap, mga salita at iba pa. Sa isang balita
kinakailangan na tama ang pagkakagamit ng mga pandiwa upang sa ganoon ay mas maging malinaw at madaling
maunawaan ng mga mambabasa ang balitang ililimbag (Zahara, 2018).

Mahalagang gumamit ng mga pandiwa sapagkat nililinaw nito ang mensaheng nais iparating ng isang balita. Ang pandiwa
ng komunikasyon ang pinakaginagamit sa balita. Hindi lamang pandiwa ang dapat isaalang-alang sa isang balita
kinakailangan ding pagtuuanan ng pansin ang sematika ng mga salita, mga panghalip na ginagamit at ang ulo ng balita
dahil ang mga ito ay maaring makaimpluwensya sa magiging opinion ng tagapakinig at tagabasa ng balita (Larina, 2019).
Dagdag pa ni Genoon-Sieras (2020), kinakailangang pagtuunan rin ng pansin ang pagbabaybay ng mga salita, tamang
gamit ng mga patinig at tamang konstruksyon ng pangugusap dahil ang mga ito ay isang sangkap upang mas maging
maayos ang daloy ng balita. Kinakailangang pagtuunan ng pansin ang mga nabanggit upang sa ganoon ay mas madaling
maintindihan ng mga mambabasa ang balitang ilalathala dahil maaring ang pagkakamali sa pagkakagamit ng pandiwa o
mga salita ay maging sanhi ng maling impormasyon.

Matched Source

No plagiarism found

Page 2 of 2

You might also like