Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino at mga katutubong wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas

Pilipinas ang iyong ngalan, kinabibilangan ng isang libong kapuluan


Perlas ng silangan ang isa pang bansag o pagkakakilanlan
Mayaman ka sa kultura at pananalita
Mga wika ang kasangkapan ng pagkakaisa

Filipino ang karaniwang sinasalita, ngunit huwag nating kaligtaan ang mga wikang katutubo
Magkakaiba man ng mga tono, iisa ang sigaw at ito ay pagbabago
Panahon ng marinig at tumindig ang lahat
Pairalin ang mga panulat na mag-iiwan ng isang alamat

Anuman ang wika na nakagisnan


Ikaw ay may karapatan na manindigan
Ipaglaban ang iyong kagustuhan
Na manatiling matatag ang pundasyon ng wikang Filipino at katutubo sa sandaigdigan

Patuloy na pangalagaan ang mga wikang ito


Filipino at mga katutubong wika na kasangkapan
Sa paglikha at pagtuklas ng mga bagong kaalaman
Na magbibigay ng patuloy na yaman sa bansang sinilangan

Ating alagaan itong mga katutubong wika


Nagbibigkis sa puso at diwa ng sambayanang pilipino
Ating ipagmalaki ang yamang taglay ng mga ito
Huwag pabayaan at patuloy na gawing hiyas ng bansa.

Isinulat ni: PUHON

You might also like