Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

San Carlos Preparatory School

De Vera/Fernandez Bldg, Ilang Dist.,


San Carlos City, Pangasinan
S.Y. 2022-2023

EXAMINATION FOR THE MONTH OF SEPTEMBER


SIBIKA 5

Name: Petsa:

Grade & Section: Iskor:

I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_____1. Ito ay isang malawak na tipak ng lupain na binubuo ng iba’t ibang bansa.
a. mapa c. Heograpiya
b. globo d. kontinente
_____2. Ito ay isang representasyon ng mundo na nagpapakita ng lawak ng mga lupain at ang
kabuuan ng mundo na nakaguhit nang palapad sa papel.
a. mapa c. Heograpiya
b. globo d. kontinente
_____3. Ito ang pangunahing guhit longhitud na dumaraan sa Greenwich, England na itinakda
bilang 00.
a. Ekwador c. Prime Meridian
b. International Date Line d. guhit latitud
_____4. Ang ____ ay tumutukoy sa linyang pahalang sa globo o mapa. Tinutukoy nito ang
kinalalagyan ng isang lugar mula sa ekwador patungong hilaga o patungong timog.
a. Ekwador c. Prime Meridian
b. International Date Line d. guhit latitude
_____5. Ano ano ang mga pangunahing guhit latitud na makikita sa mapa o globo?
a. Tropiko ng Asya, Parilya, Kabilugang Alaska, Kabilugang Antartiko
b. Tropiko ng Kanluran, Tropiko ng Silangan, Kabilugan ng Hilaga, Kabilugan ng Timog,
Ekwador
c. Tropiko ng Kanser, Tropiko ng Kaprikorniyo,Ekwador,Kabilugang
Antartiko,Kabilugang Artiko
d. Ekwador, Prime Meridian, International Date Line
_____6. Ito ang pagsasalubong ng mga guhit latitud at guhit longhitud sa mapa.
a. Ekwador c. lokasyon
b. Parilya d. prime meridian
_____7. Uri ng hangin na nanggagaling sa timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas. Nararanasan ito
sa bansa mula buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
a. Hanging Habagat c. Hanging Amihan
b. Hanging Silangan d. Halumigmig
_____8. Ang _______ ay ang pahalang na linya na matatagpuan sa 23.5 0 hilagang latitude.
a. Tropiko ng Kanser c. Kabilugang Artiko
b. Tropiko ng Kaprikorniyo d. Kabilugang Antartiko
_____9. Paraan ng pagtukoy sa relatibong lokasyon sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga
katubigang nakapalibot sa Pilipinas.
a. Relatibong Lokasyon c. Tiyak na Lokasyon
b. Insular d. Bisinal
_____10. Ito ang hangin sa hilagang-silangan na nagmumula sa Tsina at Siberia. Nararamdaman
ito sa Pilipinas mula buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.
a. Hanging Habagat c. Hanging Amihan
b. Hanging Silangan d. Halumigmig
II. Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang ipinapahayag sa bawat pangungusap.
__________1. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng panahon- ang tagtuyot at ang tag-ulan.
__________2. Ang lokasyon sa daigdig ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa klima at panahon
na nararanasan sa iba’t ibang bansa.
__________3. Ang mga bansang matatagpuan sa Kabilugang Artiko ay nakararanas ng mainit na
klima.
__________4. Ang klima ay tumutukoy sa panandaliang kalagayan ng atmospera sa isang
partikular na lugar na maaaring magbago bawat oras o araw.
__________5. Ang Camarines Norte at Mindoro ay may ikatlong uri ng klima.
__________6. Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 4 o hanggang 21o hilagang
latitud at 116o hanggang 127o silangang longhitud.
__________7. Ang mga likhang guhit sa mapa at globo ay nakatutulong upang matukoy ang
lokasyon ng isang lugar.
__________8. Ang ekwador ay nasa zero degree latitud at humahati sa mundo sa dalawang
magkasinlaking bahagi – ang Silangang Hating-daigdig at Kanlurang Hating-daigdig.
__________9. Ang rotasyon ay kompletong pag ikot ng mundo sa araw na sahni ng
pagkakaroon ng araw at gabi.
__________10. Ang hanging habagat ay nagdudulot ng mga malalakas na ulan.

III. Itala ang insular at bisinal na relatibong lokasyon ng Pilipinas. (10 puntos)

Relatibong Lokasyon- INSULAR


Hilaga

Timog

Silangan

Kanluran
Relatibong Lokasyon- BISINAL
Hilaga

Timog

Silangan

Kanluran

IV. Tukuyin ang tamang uri ng klima ng mga sumusunod na lugar.

Panay Batanes Bohol Romblon


Catanduanes Nueva Vizcaya
Camarines Norte Ilocos Sur Isabela Bohol

UNANG URI NG KLIMA IKALAWANG URI NG KLIMA

IKATLONG URI NG KLIMA IKAAPAT NA URI NG KLIMA

Inihanda ni:
Ellyza Marie A. Torio
Guro sa Asignatura

You might also like