Professional Documents
Culture Documents
Panunuluyan Play
Panunuluyan Play
PANUNULUYAN PLAY
ANGHEL: Magalak ka, ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang lahat.
Huwag kang matakot Maria. Makinig ka ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang
sanggol at siya’y tatawaging Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging anak ng
katas-taasang anak ng Diyos. Ibibigay sakanya ang trono ni Haring David upang
maghari sa angkan ni Jacob magpakilanman at ang kanyang paghahari ay walang
katapusan.
MARIA: Purihin ang ating Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.
(payukong sinasabi ni ito ni maria at pag-angat ng kanyang ulo ay wala na ang anghel)
Maria: Elizabeth…
PANUNULUYAN: CULTURAL SOCIETY (THEATER)
(MUSICAL)
(Aba Ginoong Maria song) https://www.youtube.com/watch?v=_u2bfzd-gc8
Instrumental: https://www.youtube.com/watch?v=ohTGoVdKTJM
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa 'king tagapagligtas
Aming pakikipagsapalaran
Upang makahanap ng tahanan
Abot-abot ang kaba sa dibdib
Kay lapit Mo sa panganib
PANUNULUYAN START
Narration: Noong panahong iyon inutos ni Emperador Agusto na magkaroon ng
sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang Sensus na ito ay
ginawa noongsi Cirenio ang Gobernador ng Syria. Kaya't umuwi ang mga tao sa sarili
nilang bayan upang magpatala.
UNANG BAHAY
(kakatok si Jose)
Jose: Mahal na ginoo at ginang may bahay Kami ay nagbibigay galang Saka tuloy
manunuluyan Kami’y inyong pahintulutan.
Babae: Ano ba ang nais ninyo! at Gabing-gabi’y nambubulahaw kayo!
Jose: ipagpaumanhin po ninyo ang aming paggambala sa inyo, ang akin pong asawa
ay malapit ng manganak kung maaari po sana kami’y inyong matulungan kahit saang
lugar lang po ninyo dito
Ginoo: Sandali’t nais kong magtanong, saan kayo galling? At saan naman kayo
paroroon gayong kay lalim na ng gabi?
Jose: Malayo po kami nagbuhat kami sa Nasaret na aming bayan. Nagtungo rito’t
nagpatala Ayon sa kay Ceasar na atas.
Maria: Ginoo ang pagod naming ito, tatlong gabi na kaming palakad lakad, ang
sanggol sa king sinapupunan ay sana’y patuluyin mo sa iyong tahanan.
PANUNULUYAN: CULTURAL SOCIETY (THEATER)
Ginoo: Sana kung dito ay may lugar gusto ko kayo’y pagbigyan Ngunit halos pumutok
na lang Aking bahay sa kapunuan
Jose: Paalam po, among maginoo Sintang Maria, pa’no tayo.
Maria: Jose aking irog, huwag matakot Ang Diyos hindi nakalilimot
IKALAWANG BAHAY
San Jose: Aba! Tila bukas pang ilaw, doon sa kabilang tahanan, halika’t tayo’y do’n
tumawag…. tao po, kami mawalang galang maari po ba kaming makituloy? (kakatok)
Babae: Paumanhin kung sino man kayo, ngunit may darating akong mga bisita hindi ko
kayo pwede papasukin sa aking bahay.
Birheng Maria: Butihin kong ginang kayo’y ina, alang alang sa buhay kong dinadala.
San Jose: Kahit na po saan mang sulok, sa ami’y inyong ipagkaloob.
Babae: Uulin ko ang sinabi ko, may tanyag akong panauhin, kailangan kong maglinis.
Paalam sa inyo ngayon din.
San Jose: Ganitong buhay dukha talaga, walang lakas larong tadhana, halika aking
tanging sinta, at baka iba tayong makita.
Birheng Maria: Tayo may pagod at naghihirap, ituloy pa din natin ang paghahanap.
Mabait ang DIyos hindi nya tayo pababayaan.
IKATLONG BAHAY
San Jose: Kay gandang bahay, O iyong tingnan, sana mababait ang nakatira dyan. O
maawain pong maybahay kami sanay manunuluyan. (kakatok muli 2x)
Babae: Tao o hayop baga kayo, at gabing-gabi’y nanggulo pa kayo?
San Jose: Among pakiusap po lamang, Sintang asawa ko’y kagampan.
Birheng Maria: Kahit wag nyo na po kaming intindihin, maawa nalang po sana kayo sa
sanggol na aking dinadala.
Lalake: Buong bahay ko ngayo’y tulog, at kayo’y nangbubulabog, Wala akong labis na
panahon sa tulad ninyong mga patay-gutom.
San Jose: Kung ayaw po ninyo’y ‘di bale na, huwag nyo lamang po sana kaming laitin,
kami’y may dukha at pulubi, may hawak ding puso’t damdamin.
PANUNULUYAN: CULTURAL SOCIETY (THEATER)
Birheng Maria: Jose halika’t maglakbay muli, sa Kanya’y ang dapat na sukli. Nasa
Diyos ang awa.
IKA-APAT NA BAHAY
San Jose: Doon, subukan nating muli. Tao po! Maawa na po kayo sa amin.
Nagdadalang tao po ang aking asawa, kailangan na po niyang magpahinga.
Lalake: Pasensya na kayo, ngunit nakikita nyo naman Malaki ang aking pamilya at
kapag kayo’y pinatuloy ko ay wala ng mahihigaan ang aking mga anak.
Maria: Ganon po ba, sige po kami ay mauuna na. Salamat sa inyong pag aalala.
Lalake: Sandali! May alam akong maaari ninyong tuluyan subalit ito’y isang sabsaban
lamang.
Jose: Narinig mo iyon mahal? May maaari na tayong matuluyan at doon pwede mo ng
isilang ang ating anghel.
San Jose at Birheng Maria: Maraming Salamat po, malaking tulong po ito.
https://www.youtube.com/watch?v=9kqC8Eq0vPY (10:00-12:31)
MAIN CASTS:
Anghel-
Elizabeth-
Maria-
Jose-
Unang Bahay:
Babae-
Ginoo-
Mga anak (3)-
Ikalawang Bahay:
Babae-
Lalake (asawa/extra) –
Ikatlong Bahay:
Babae-
Lalake-
Ika-apat na bahay:
Lalake-
Asawa (extra) -
2 anak (extra) –
1. Angelica Gonzales
2. Denise Austria
3. Charles Guardian
4. Flory Cruz
5. Stacy Mesa
6. Zyrus Baybay
PANUNULUYAN: CULTURAL SOCIETY (THEATER)
7. Stephanie Gaita