Professional Documents
Culture Documents
Ap Summarize
Ap Summarize
Sa modyul na ito matututunan mong ihanda ang sariling pamilya sa mga kalamidad na
maaaring dumating sa hinaharap sa Modyul 7. Ito ay sumasaklaw sa mga yugto ng
Disaster Planning.
- natatalakay ang mga yugto ng Disaster Planning;
-nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng tao; at
-naipapaliwanag ang mga gawain at mga angkop na gagawin sa iba’t-ibang yugto ng
pagpaplano.
Panimulang Gawain
Eto ang naging timeline ng pagputok ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero taong
2020. Dito makikita ang ilang bahagi ng Community-Based Disaster and Risk
Management. Sinusubaybayan ng timeline ang mga naging aksyon ng pamahalaang
lokal ng Maynila upang maproteksyonan ang mga residente nito. Alam niyo ba ang
hindi makikita dito? Ang bawat bahagi nito ay naaayon sa planong maaaring matagal
nang inihanda para sa sakunang kasalukuyang hinaharap.
Halimbawa
Frequency: hindi na lingid sa kaalaman ng komunidad na ang Taal ay ilang beses na rin
sumabog at nag-alburoto sa loob ng humigit kumulang 500 taon. Ang hindi batid sa kanila ay
ang eksaktong araw ng pagsabog.
Duration: hindi naman batid sa mga komunidad ang tagal ng pag-aalburoto ng bulkan, minsan
ilang linggo, minsan ilang buwan at minsay inaabot ng isang taon.
Speed of Onset: Hindi batid ng mga paham (expert) kung kalian ang eksaktong araw ng
pagsabog ng bulkan, o gaano kabilis mula senyales hanggang pagsabog og pagtahimik nito.
Tulad ng bulkang Mayon na taong 2018 pang nasa alert level 2.
Forewarning – kung sinabing forewarning masasabing hindi maipagkakailang pagkakita pa
lang sa Taal ay alam na ito ay isang hazard. Ngunit batid rin ng mga naninirahan dito at ng
pamahalaan na ang lupang nakapalibot sa bulkan ay mataba at siyang dahilan kung bakit kahit
mapanganib ay naninirahan pa rin sila dito.
Force – sa pag-aalburoto pa lang ng bulkan batid na ng mga paham ang panganib na dala nito,
tulad ng lahar, pyroclastic flow, tsunami, pagtama ng lava bombs at iba pa na maaaring ikasira
ng pamayanan
Mahalagang kilalanin ng pamayanan ang hazard, dahil sa pagkilala nito dala ay ang
pagkakaintindi kung paano mapaghandaan ang pagtama ng kalamidad. Ang bulkang taal ay
iisa lamang sa tinatawag ng decade volcanoes, dahil sa dami ng taong naninirahan nakapalibot
nito, dahil dito ay mas mapabuti ang pagsusubaybay at mapababa ang mga peligrong dala nito.
3. Location of People at Risk – tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na
vulnerable. Halimbawa: Iyong lola, lolo na naninirahan sa may gilid ng sapa, iyong nanay o
tatay na kailangan pa ring magtrabaho tuwing kasagsagan ng bagyo, ikaw na maiwang mag-isa
o kasama ang mga nakababatang mga kapatid sa bahay habang may sunog.
B.Capacity Assessment – sinusuri ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t – ibang
uri ng hazard. Mayroon itong 3 kategorya:
Kategorya
Pisikal o materyal -paglalarawan- Tumutukoy ito sa mga materyal na yaman tulad ng sahod,
pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na
pinagkukunang yaman ay nangangahulugang ang isang komunidad ay maaaring mapinsala
kung ito ay tatamaan ng hazard.
HALIMBAWA :Sa panahon ng kalamidad namigay ng ayuda ang pamahalaan sa pinakamahirap
at vulnerable na mga indibidwal sa Pilpinas. - Cash (SAP, 4Ps) - Bigas at iba pang relief goods.
Kung ang disaster prevention ay tumutukoy sa pagiwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikap
naman ng disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at
kalikasan.
3. Risk Assessment- Ito ang tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala
sa tao at kalikasan.
May dalawang uri ng mitigation: Structural mitigation at Non -Structural mitigation
Ang Non- structural migration naman Ito ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at
paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama sa
hazard. Mga halimbawa:
- Disaster management plan
- Population Control
- Pagpasa ng mga ordinansa / batas
- Pagpapakalat ng impormasyon
- Hazard assessment - edukasyon
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod
ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga
hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad
na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay nagkakaroon ng mas
matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging
gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang
komunidad sa pagharap sa iba't ibang hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing
batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at
pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay
tinatawag na prioritizing risk
pupunta naman tayo ngayon sa IKALAWANG YUGTO at ito ay ang Disaster Preparedness.
1.To inform – makapagbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal na
katangian ng komunidad.
3.To instruct – magbigay nga mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng kalamidad, sakuna o hazard
HALIMBAWA Noong sumabog ang Bulkang Taal nagpalabas ang Kagawaran ng Kalusugan o
DOH ng mga paalala tungkol sa panganib na dulot ng abo sa katawan ng tao. Layunin nito ay
magpayo sa mga residente kung ano ang maaring gawin para sa food safety. May hotline at
website din ito para sa gustong tumawag at magtanong.
IKATLONG YUGTO: Disaster Response Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano ka lawak
ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
Napapaloob nito ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage Assessment at
Loss Assessment. Ayon kina Abarquez at Murshed (2004):
Needs Assessment- ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima
tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.Sa panahon ng bagyong Yolanda noong 2012 ay
namigay ang gobyerno ng ayuda, gaya ng pera at bigas, sa mga tao.
Damage Assessment-Ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng ng mga ari-
arian dulot ng kalamidad.sa panahon noong 2013 Bohol Earthquake sinuri ng pamahalaan ang
mga ari-arian ng mga tao pati na ang mga makasaysayang mga gusali tulad ng mga simbahan
at iba pa.
Loss Assessment -Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo o pangmatagalang
pagkawala ng produksyon.Noong pandemya ng Covid-19 isa sa mga naging konsiderasyon ng
muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa habang maingat na sinusubaybayan ang pagtaas /
pagbaba ng mga kaso