2 Adbiyento - A (2022)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKALAWANG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING (TAON A)

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO (3:1-12)

Noong panahaong iyon, si Juan Bautista’y dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang


mangaral. Sinabi niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit
nang maghari ang Diyos!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito,

“Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!” Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at
balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulot-pukyutan. At pumunta
sa kanya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea, at mga naninirahan sa magkabilang panig ng
Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan, at sila’y bininyagan ni Juan sa Ilog Jordan.

Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at mga Saduseo ang lumalapit upang
pabinyag, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo
upang tumakas sa parusang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na
kayo’y nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo’y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo:
Ang Diyos ay makalilikha ng mga tunay na anak ni Abraham mula sa mga batong ito. Ngayon
pa’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punungkahoy; ang bawat punungkahoy na hindi mabuti
ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy. Binibinyagan ko kayo sa tubig bilang tanda ng
pagsisisi ninyo’t pagtalikod sa inyong mga kasalanan; ngunit ang dumarating na kasunod ko ang
magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa akin, hindi ako
karapat-dapat kahit tagadala ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang
alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di
mamamatay kailanman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mayroong isang unique occupation sa kaharian ng Inglatera noong medieval


times na bagama’t sila ay may magandang sahod at buhay, kaakibat nito ang
panganib na dulot ng kanilang trabaho. Sila ang mga messengers at town criers. Sa
ating bansa, sila naman ang tinatawag na umalohokan. Sa ating panahon ngayon,
social media, radio, at television na ang pumalit sa kanila. Malayo man ang agwat
ng dalawang ito at magkaiba man ng paraan ang kanilang trabaho, iisa lang ang
kanilang layunin: ang ipaabot sa lahat ang mga balita at updates tungkol sa isang
bagay o pangyayari.

Ang Diyos naman ay mayroon ding mga messengers = mga propeta. Sila
ang tagapaghatid ng mensahe ng Diyos sa kanyang bayang Israel. Nariyan ang mga
kilala nating mga propeta tulad nila Jeremias, Isaias, Jonas, Moses, Daniel at
marami pang iba. Sa Lumang Tipan maririnig natin kung paano nangusap ang

1
Diyos sa kanyang bayang Israel sa pamamagitan ng mga propeta. Medyo common
ang mga mensahe nila at ganun din ang narinig natin sa ating ebanghelyo ngayong
araw.

Nagtapos ang Lumang Tipan sa pagdating ni Juan Bautista. Sa ibang


versions ng gospel ngayong linggo, mapapansin natin na siya ay prinophesized ni
Isaias na kung saan mayroong isang tinig na sumisigaw sa ilang at sinasabi nyang,
“Magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos, tuwirin ang inyong landasin para sa
Panginoon.” Mahalagang i-punto natin ang ating sarili sa katauhan ni Juan
Bautista. Siya ang hinula ni Propeta Isaias na magpapatuloy ng kanilang mga
sigaw upang ihanda ang bayan ng Diyos sa pagdating ng Manunubos.

Sa patuloy natin sa paglalakbay ngayong panahon ng adbiyento, mahalaga


na ang mga paanyaya, ang mga sigaw, ni Propeta Isaias at Juan Bautista ay
pakinggan nating maiigi at isapuso at isaisip natin ang lahat ng mga sinasabi nila.
Magbalik-loob tayo at tuwirin natin ang ating mga landasin para sa Panginoon.
Ang Pasko ay hindi tungkol sa atin, hindi tungkol sa mga biyaya na matatanggap.
Bagkus, ito ay pagbibigay ng ating sarili na may malinis na puso’t isipan para sa
Manunubos.

Ang kwento ng Pasko ay hindi mabubuo kung wala tayong kooperasyon at


magpasalamat tayo sa Diyos dahil nagsugo siya ng mga propeta upang lagi tayong
paalalahanan na magbago at magbalik-loob para sa kanyang Anak, para sa Kanya.
Sa patuloy nating pagninilay ngayong panahon ng Adbiyento, nawa maging
mantra natin ang mga kataga ni Juan Bautista sa isang ebanghelyo, “Dapat siyang
maitaas at ako nama'y maibaba.” “He must become greater, and I the least.”

You might also like