Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Nagmamataas ay Ibababa at ang Nagpapakababa ay Itataas

Proverbs 27:1
Hindi maaring ipagmayabang ang mga bagay na hindi pa dumarating dahil maaring ikagulat o ikasurpresa natin ang
mga magaganap

Ano ba ang kadalasan na ipinagmamataas ng isang tao?


1. Kalakasan ng katawan o kalusugan- Ngunit ito ay bigla biglang nawawala, bata ka man o matanda
dumarating ang panahon na biglang nawawala ang ating lakas

2. Kabataan-Tiyak na darating ang panahon na ito ay mawawala at kukupas sa pagdating ng panahon (John
21:18-“Tandaan mo: Noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan
mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong kamay at iba ang magbibihis sayo at dadalhin ka kung
saan hindi mo ibig), Habang bata ka pa tumulong ka sa matatanda at mahihina upang sa pagtanda ay
mayroon ding tutulong sayo. “Kung ano ang itinanim siya rin ang aanihin”

3. Pisikal na kagandahan-Proverbs 31:30-Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan;


ngunit ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siyay pupurihin. Kumukupas ang pisikal na ganda.

4. Financial na kayamanan o pera-luke 12:15-21 “At sinabi niya sa kanilang lahat: Mag ingat kayo sa lahat ng
uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan. At pagkatapos ay isinalaysay ni
Jesus ang talinhagang ito: Ang bukirin ng isang mayaman ay umaani ng sagana. Kayat nasabi nya sa sarili,ano
ang gagawin ko?wala na akong paglagyan ng aking ani. A gigibain ko ang aking kamalig,at magtatayo ng mas
lalong malaki.doon ko ilalagay ang aking ani at ari arian.at sasabihin ko sa aking sarili,ayan ,marami na akong
ari arian.Hindi na ako kukulangin habambuhay.kaya’t mamahinga na lang ako,kakain,iinom at
magsasaya.ngunit sinabi sa kanya ng Diyos,hangal!sa gabing ito’y babawian kita ng buhay.kanino q1 ang
mga bagay na inihanda mo?ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha
naman sa paningin ng Diyos.

5. Katalinuhan, galing at husay-ang mga ito ay pumupurol, kumukupas at maaring mawala ang lahat. Hindi
pwedeng ipagmataas ang iyong galing, tulad ng isang hari na nagyabang ng todo. Daniel 4:29-33 “nakalipas
ang labindalawang buwan mula nang ipaliwanag ni Daniel ang panaginip.minsan,siyay namamasyal sa hardin
sa bubong ng palasyo. Sianbi niya,talagang dakila na ang babilonia.ako ang nagtindig nito upang gawing
punong lunsod at maging sagisag ng aking karangalan at kapangyarihan.hindi pa siya halos natatapos sa
pagsasalita,isang tinig mula sa langit ang nagsabi “haring Nabucodonosor,pakinggan mo mo ito ,aalisin na sa
iyo ang kaharian.Ipagtatabuyan ka sa parang at doon maninirahan,kasama ng mga hayop.damo ang kakainin
mo .pitong taon kang mananatili sa gayong kalagayan hanggang kilalanin mong nasa kapangyarihan ng
katas-taasang Diyos ang kaharian ng mga tao,at itoy maari niyang ibigay kaninuman nya
ibig.pagdaka ,naganap sa buhay ni Nabucodnosor ang sinabi ng tinig .itinaboy sya sa parang at nanginain
ng damo,tulad ng baka.nabasa siya ng hamog.humaba ang buhok niya na parang balahibo ng agila at ang
kuko ay nagging tila kuko ng ibon.

6. Mataas na kalagayan sa lipunan-Makapangyarihan, maraming koneksyon, malapit sa mga politico, ang mga
bagay na ito ay lumilipas at nawawala

7. Kalagayang Spiritual o kabanalan-Hindi napapansin na kahit ang mga nabubuhay banal ay minsan nagiging
pagmamataas na din ang kanilang inaakalang kalagayan na kabanalan ang kanilang kalinisan. Kung minsan
ang mga taong sa tingin nila ay hindi na sila nagkakasala ay minamaliit ang mga tao na nagkakasala o
nagkakamali. Ang mga taong nag aakalang sila ay matuwid o malinis ay hindi inaakala na sila pala ay
nagkakasala ng panghuhusga sa kapwa. 1cor 10:12 kaya nga,mag ingat ang sinumang nag aakalang siya’y
nakatayo,baka siya mabuwal. Ang mga nakatayo ay dapat nananatiling magpakumbaba at mabait sa mga
taong nabubuwal, hindi natin nalalaman kung kalian tayo naman ang mapupunta sa kalagayan ng mga taong
nabubuwal at matalo sa tukso ng kaaway. Huwag agad mamalo, dahil ang pamalo na iyong gagamitin ay
maaring sa iyo din gamitin kung ikaw na ang dapat paluin

Lahat ng ating pinagmamalaki ay maaring sa isang iglap ay mawala. Kaya’t hindi dapat tayo nagmamataas. Ang lahat
ng mayroon tayo ay ishare natin sa iba habang may pagkakataon pa.

Paano maiiwasan ang pagmamataas?


1. Acknowledge God for everything- Purihin mo ang Panginioon na nagkaloob ng pagpapala, talent, kalakasan
at lahat ng bagay. Pag sinabihan tayo ng “Ang galing galing mo naman!” kadalasan ang sagot natin ay “Naku
hindi naman ako magaling” o kaya “Syempre, ako pa!” Ngunit dapat ang isasagot natin ay “Purihin ang
Diyos” . Pag sinabihan ka na “Ang laki at ang ganda naman ng bahay mo” huwag mong sabihin na “Maliit nga
lang eh” kahit na ang inyong sala ay kasing laki ng basketball court, dapat ay ibalik lagi sa Panginoon ang
kapurihan.

2. Honor God with your blessings-Papaano natin papupurihan ang Panginoon sa pamamagitan ng mga
pagpapalang natanggap natin? Multiply your blessings. Pag nagkaroon ka ng salapi na labis sa iyong
pangangailangan sigurado ay masayang masaya ka, ngunit higit kang magagalak kung ibabahagi mo ito sa
nangangailangan at mas madami ang makakaranas ng pagpapala ng Diyos. Huwag sarilinin ang blessing ng
Panginoon. Pag pinagpala ka ng talent sa pagkanta, huwag lang kumanta sa banyo, umawit ka ng mga awit
na magbibigay puri sa Panginoon.

3. Give back to God-Maging katiwala ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng tithes and offerings. Dito ay
kinikilala natin na ang Diyos ang pinagmulan ng ating natanggap na blessing. Hindi dahil sa kailangan ng
Diyos ang pera, kundi dahil ito ay paraan ng pagpapatibay ng iyong relasyon at tiwala sa Panginoon bilang
pinagmulan ng pagpapala.

4. Share with Others- Matthew25:35.sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain ,nauhaw at inyong
pinainom.ako’y isang datuhan at akoy iyong pinatuloy..ssss Ano mang kabutihan ang ginagawa natin sa
kapwa ay isang mataas na uri ng pagsamba sa Diyos. Ang pagsamba ay hindi lang sa pag-awit, pagsimba at
pagdarasal, napakataas na uri ng pagsamba ay ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga
kawawa, sa mga mahina, sa mga maralita, sa mga taong hindi kayang suklian ang iyong ibinigay na tulong, ito
ang kabutihan na kinikilala na Diyos na tila ang Panginoon mismo an gating napaglingkuran dahil iniibig Niya
ang pinagkalooban mo at dahil dito ang Panginoon ang Siyang magpapala sa iyo.

5. Enjoy your blessing-Naranasan nio naba na may binigyan kayo ng bagong damit tpos hindi isinusuot nung
pinagbigyan nyo? Kayo ba ay masaya sa ganon o higit kayong masaya kung Makita nyo na ito ay ginagamit niya?
Nais ng Panginoon na magpuri at agpasalamat tayo sa pamamagitan ng pageenjoy ng buhay at ang lahat ng
pagpapala ng Diyos sa iyong buhay.

Tayo ay tila singaw sa hangin na nakikita ngayon ngunit mamaya ay wala na. Wag ipagyabang ang bukas sa halip ay
ipagpasalamat sa Panginoon ang bawat bukas na darating. Tayo ay maging magpakumbaba at tayo ay patuloy na
maglingkod sa ating Panginoon sa bawat bukas na darating.
Ang buhay at career ni queen esther ay napakaraming katuruan.alam naman po natin ang kwento ng buhay ni
esther,sya ay naging reyna at pagkatapos ay nagkaroon ng napakahalagang misyon dahil ang nagpalaki sa kanya na
kanyang pinsan na si mordecai ay ayaw magbigay ng galang don sa no.2 person in the entirekingdom at itong no2.na
ito na si heyman ay nagtanim ng sama ng loob at gusto nyang patayin si mordecai.nang malaman nya na si mordecai
ay isang judeo ay nais nyang patayin ang buong lahi ng mga hudyo na noon ay nakakalat sa kanilang nasasakop ng
kaharian.at nabigyan ng misyon itong si reyna esther na ilapit sa hari ang problemang ito at humingi sya ng kilos ng
hari upang mabawi ang batas at batid natin nag utos sa Persia ay hindi mababali,kaya may kasabihan tayo na ang
utos ng hari ay hindi mababali.kahit sya ang nag utos hindi na pwedeng bawiin.at malaking problema yon.may isa pa
na problema hindi makakalapit si reyna esther sa hari sapagkat ang hari ang pumipili kung sino ang makakalapit sa
kanya,kahit ito reyna ay hindi pwedeng lumapit sa hari kung hindi pinapatawag at nagpasya si reyna si esther.sabi
nya gagawin ko ang dapat kong gawin ipapakiusap ko sa hari na iligtas ang mga israelita na ngayon ay naganganib
dahil gumawa sya ng batas na papatayin ang lahat ng ito .ang sabi nya kung ano man ang mangyari sa akin ay yon
ang mangayayari pero humingi sya ng suporta lahat ay mag aayuno 3 araw na hindi iinom ,hindi kakain at
ipapanalangin siya at nung handa na sya sya ay pumunta sa presensya ng hari.
titingnan natin ngayon sa ating pagaaral kung ano ang naidulot ng panalangin.ang ating pag aaraal ay
pinamagatang
“what prayer can do.”ano nga ba ang nagagawa ng panalangin.

PANALANGIN

tayo po ay manalangin. Diyos naming ama salamat po sapagkat kayo ang diyos na pwedeng dasalan ,pwedeng
lapitan kayoy nakikinig at kayo panginoon ay mahabagin sa sandali pong ito ay inilalapit naming ang aming mga
sarili pakalinisin nyo po kami,hugasan nyo po kami para maging karapat dapat kami sa inyong harapan para humingi
ng pagpapala ,magdala ng aming mga handog at mga pasasalamat .nawa panginoon ang puso naming ay maging
karapat dapat punuin nyo po kami ng inyong presensya.amen.
ang sabi po sa ester 5:1-2
Nangyari nga ng ikatlong araw,na nagsuot si esther ng kanyang bihisang pangkareyna at tumayo sa pinakaloob ng
bahay ng hari,sa tapat nag bahay ng hari at ang hari ay naupo sa kanyang luklukang hari sa tapat ng pasukan sa
bahay at ng magkagayon ng Makita ng hari si esther na reyna na nakatyo sa looban,na siyay nagtamo ng biyaya sa
kaniyang paningin at inilawit ng hari kay esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay.at gayoy lumapit si ester
at hinipo ang dulo ng cetro…..yan po ay mababasa natin sa ester 5:1-2
ibigsabihin sa kapahangasan na lumapit ni reyna ester sa hari ay hindi sya mamatay…alam nyo ba na kapag
nakatayo ka doon na hindi ka pinapatawag pwedeng patayin kaagad na hindi kailangang iutos pa ng hari na patayin
ka,huwag lang nyang iaabot ang hawak hawak nya na symbol of authorithy ang cetro ay papatyin ka na agad ,so
ester won the first base kung baga sa baseball na may apat na base nakatakbo sya sa first base na hindi sya
namamatay .

esther 5:3-8 nang magkagayoy sinabi ng hari sa kanya anong ibig mo reyna ester?at ano ang iyong hiling?mabibigay
sa iyo kahit kalahati ng kaharian.at sinabi ni esther kung inaakalang mabuti ng hari,pumaroon sa araw na ito ang hari
at si aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya.nang magkagayoy sinabi ng hari ,papagmadiliin si aman upang
magawa ang gaya ng sinabi ester .sa gayoy naparoon ang hari at si aman sa pigingan na inihanda ni ester.at sinabi ng
hari kay ester sa pigingan ng alak ano ang iyong hingi?at ipapagkaloob sa iyo ano ang iyong hiling?kahit kalahati ng
kaharian ay ipapagkaloob, nang magkagayoy sumagot si ester at nagsabi ang aking hingi at ang aking hiling ay
ito,kung akoy nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari,at kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi at gawin
ang aking hiling na pumaroon ang hari at si aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila ,at aking gagawin bukas na
gaya ng sinabi ng hari..mababasa po natin yan sa ester 5:3-8

matalinong babae po talaga si reyna ester meron syang game plan,bunga ng pananalangin luminaw sa kanyang isip
kung anong mga hakbang ang dapat nyang gawin bagamat hindi maaring buong buo ang kalinawan pero nagkaroon
sya ng ganoong uri ng idea.itataya mo ang iyong buhay para lang mag inbeta sa hari para pakainin sya ng hapunan?
Sobra naman kalibisan sa isang lalaki yon kahit na hari pa sya. Lalo na at ang ganda ganda nang nagiimbeta biro mo
yon isususong mo ang buhay mo sa panaganib para lang mayayang kumain ang sabi ng hari nung kumakain na ano
naman ang iyong hiling.alam po ninyo yong mga tao na matataas ang posisyon halos sanay na pag may nag imbita sa
kanila ay may kailangan.kaya nga po ang hari ay tuwang tuwa wala naman hinihingi ang reyna pinapakain lang sya.
So ang pagpapakain ng hapunan ay nagging magandang strategise nya pati ang kanyang ganda ay nagamit nya yong
ganda pa lang intro lang yon para bumukas ang pinto.pag bumukas na ang pinto,ano na ang gagawin mo sa ganda
mo?kailangan matalino ka so she was there to observe the king with hayman,naiisip siguro ni esteher kung gaano
kaya kalakas si hayman sa hari bakit binigyan si hayman ng sobrang power.bakit pinirmahan ng hari na ipapatay ang
buong lahi ng hudyo.nakita ni ester kung gaano kalakas at makapangyarihan si hayman kaya sya ay nagging maingat
at nagplano.kaya sya ay nagdesisyon imbitahin ulit ang hari at si hayman sa dinner sa pangalawang pagkakataon at
sya pinagbigyan muli ng hari.she won second days.nakadalawang base na sya .ngayon ito na ang simula ng kanyang
plano Nagkakabwelo na sya ,lumalaki na yong papel nya.nakakatiyak sya ngayon na malakas sya sa hari at natatansya
nya kung paano sya mag sstrategize.

ang sabi sa ester 5:9nang magkagayoy lumabas si aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso,ngunit nang
Makita ni aman si mordecheo sa pintuang daan ng hari ,na hindi siya tumatayo o kumilos man sa kaniya siyay
napuno ng pagkapoot laban kay mardecheo,so high na high na itong si hayman imagine sya lang ang bisita ng reyna
at hari.kaisa isa sya lang tatlo lang silang naghapunan kaya tuwang tuwa sya at paglabas nya ng palasyo nabura ang
saya nya nakita na naman nya si mordecai nakaupo don sa gate hindi man lang nag bow hindi man lang
lumuhod,hindi man lang bumati sa kanya napuno ulit sya ng inis
ester5:10-13 gayon may nagpigil si aman sa kaniyang sarili ,at umuwi sa bahay at siyay nagsugo at tinipon ang
kaniyang mga kaibigan at si zeres na kaniyang asawa.at isinaysay ni aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang
mga kayamanan,at ang karamihan sa kaniyang mga anak ,at lahat ng bagay na ipinagkaloob ng hari sa kaniya,at kung
paanong siyay nataas ng higit kaysa mga prinsipe at mga lingkod ng hari.sinabi ni aman ,bukod dito,oo si ester na
reyna ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang at
kinabukasan naman ay inanyayahan niya ako na kasama ng hari.gayon may ang lahat ng itoy walang kabuluhan sa
akin habang aking nakikita si mordecai na hudyo na nakaupo sa pintuang daan…mababasa po natin yan sa ester 5 10-
13
sabi nya kahit na ako ay meron kapangyarihan,kayamanan at masaya ako ay naiinis pa din ako meron pa din tinik
sa aking lalamunan yang mordecai na yan kailangan syang mawala sa aking mundo…
e ster5:14 nang magkagayoy sinabi ni zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya.magpagawa ka
ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si
mordecai .kung magkayoy yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan .at ang bagay ay nakalugod kay
hayman at kanyang ipinagawa ang bibitayan mababasa po natin yan sa ester 5;14
…so nagreklamo itong si hayman sabi nya kompleto na sana ang saya ko ayaw ko lang napagkikita ang mordecai na
yan ,hindi man lang nagbibigay sa akin ng galang sabi ng asawa nya at magagaling na kaibigan ay di patayin
mo,ipabitay mo sya. kailangan syang mabigti.magpagawa ka ng mataas na mataas na bigtihan at sabihin mo sa hari
bigtihin sya ano naman yan isang buhay para hindi ibigay sayo at pagkatapos pumunta ka sa hapunan at mag enjoy
ka.so ang solution ay patayin ang tao.
ester 6:1-2 nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari, kinabukasan ipapatay na si mordecai ,at kanyang
iniutos na dalhin ang aklat ng mga alaala ng mga gawa at mga binasa sa harap ng hari.at nasumpungang nakasulat na
si mordecai ay nagsaysay tungkol kay bigthana at kay teres dalawa sa kamarero ng hari ,na nangag ingat ng pintuan
na nangag isip magbuhat ng kamay sa haring assuero,mababasa po natin yan sa ester 6;1-2
….so hindi makatulog ang hari ang ipinagawa nya, isang matalinong bagay pinabuklat nya ang kasaysayan ng
kanyang paghahari .hindi katulad ng isang hari alam natin si king david hindi makatulog naglakad sya sa bubong ng
palasyo nakita yong babae naliligo doon ay ipinakuha ay may asawa pala.alam nyo po ung hindi ka makatulog pwede
kang umembento ng kabalbalan,pwede ka din gumawa ng isang matinong bagay so itong hindi pagtulog ng hari na
ito ay sinamantala nya para magreview ng history. po importante na narereview ang history kaya ang ating bansa
madaming pagkakamali at pagkadarapa ni hindi natin alam ang kasaysayan, so paano tayo matuto mula sa leksyon
ng nakaraan,so pinabuklat ng hari ang record ito pinakamagandang nagawa ng hindi pagkakatulog…ito ay gawa ng
power ng panalangin ang langit na ang nagbigay ng insomnia sa haring ito ng gabing yaon ito ang epekto ng fasting
ang diyos na ang kumilos diyos na ang gumagawa,hindi kaya ng tao yan eh. Pero ngayon ang hari hindi
makatulog .don nya lang nalaman na si mordecai na balak ipapatay ni hayman bukas na bukas din at yong buong lahi
ay uubusin lahi ng hudyo.ito pa lang si mordecai ang nagligtas sa buhay ng hari narinig nya na yong mga bantay ng
hari ay papatayin ang hari ay sabi nya kay ester na isumbong ni ester nadakip ang mga ito at nalitis at nasumpungang
nagkasala.
so ester 6:3 at sinabi ng hari,anong karangalan at kamahalan ang nagawa kay mordeaci sa bagay na ito?nang
magkagayoy sinabi ng mga lingkod hari na nagsisispanglingkod sa hari ,walang ano mang nagawa sa kanya.yan po
ay mababasa sa ester 6;3
sabihin pa lang nailigtas ako ng tao na yan,buhay ko nailigtas dahil sa kanya ano bang gantimpala ang naibigay
sabi ng mga tao wala po walang nakarecord dito.
ester 6:4-6 at sinabi ng hari ,sino ang nasa looban? May gumagalaw doon sa bulwagan, si hayman nga ay
pumasok sa looban ng bahay ng hari upang magsalita sa hari na bitayin si mordecai sa bibitayan na inihanda niya sa
kaniya.at ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya ,narito si aman ay nakatayo sa looban at sinabi ng hari
papasukin siya .sa gayoy pumasok si hayman .at ang hari ay nagsabi sa kanya ,anong gagawin sa lalakeng
kinalulugdang parangalin ng hari? Sinabi nga ni hayman sa kaniyang sarili .sino nga ang kinalulugdang parangalin ng
hari na higit sa akin?mababasa po natin yan sa ester 6;4-6
..so perfect timing na naman ito bunga na naman ng dasal.inumaga ang pagbabasa ng history umagang umaga
naman nagmamadali itong si hayman na pumunta sa palasyo para hingin na nga sa hari na ipabitay si mordecai kaya
yon ang first agenda nya… .so sabi ng hari sinong kumikilos sinong nasa labas nanjan po si hayman aba papasukin ang
sabi ng hari anong pwedeng ibigay sabi nya agad kay hayman bago makapagsabi si hayman ng pakay sa isang tao na
gustong papurihan ng hari?sabi ni hayman siguradong ako yon wala ng iba pang papupurihan ito.so
ester6:7-9 at sinabi ni hayman sa hari ,sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari,ay dalhan ng damit ng hari
na isinusuot ng hari at ng kabayo na sinasakyan ng hari at putungan sa ulo ng putong na hari, at ang bihisan at ang
kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari,upang bihisang gayon ang lalake na
kinalulugdang parangalin ng hari,at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan at itanyag sa unahan niya,ganito
ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari.mababasa po natin yan sa ester 6;7-9…sinabi ito ni
hayman para sa kanyang sarili…
ester6:10nang magkayoy sinabi ng hari kay hayman ,ikaw ay magmadali at kunin mo ang bihisan at ang
kabayo ,gaya iyong sinabi at gawin mong gayon kay mordecai na hudyo na nauupo sa pintuang daan ng hari,huwag
magkulang ang ano mang bagay sa lahat na iyong sinalita.mababasa po natin yan sa ester 6;10
nabaligtad po ano…..si mordecai ay mababa ang katungulan ay sya ang pirangalan at si hayman na matas ang
katungkulan ay sya ng gumawa ng parangal para kay hayman.ano po ang lesson mga kapatid huwag natin maliitin an
ating kapwa .kung ano ang katayuan nya sa buhay specially po kung lalo na at anak sya ng panginoon.
ester6:11-14 nang magkagayoy kinuha ni aman ang bihisan at ang kabayo ,at binihisan si mordecai at pinasakay sa
lanasangan ng bayan,at nagtanyag sa unahan niya.ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng
hari.sya pa ang sumigaw sa lansangan…at si mordecai ay bumalik sa pintuang daan ng hari .ngunit si aman ay
nagmadaling umuwi na tumatangis at may takip ang ulo.at isinaysay ni aman kay zeres na kaniyang asawa at sa lahat
niyang mga kaibigan ang bawat bagay na nangyari sa kanya.nang magkagayoy sinabi ng kanyang mga pantas na
lalake at ni zeres na kanyang asawa sa kanya kung si mordecai na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap ay sa
binhi ng mga hudyo ,hindi ka mananaig sa kanya kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya.
Samantalang silay nakikipagsalitaan pa sa kanya dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si aman
sa pigingan na inihanda ni ester.
hindi pa man handa itong hayman na ito pagod na pagod sa kalalagad sa buong kapitolyo sa pag aakay ng kabayo.
,hindi pa nakakapagbihis hindi pa nakakapagpahinga.heto dumating na ang mga katulong ni ester sinundo na sya
nakahanda na ang hapunan.pag isipan natin mabuti ang mga plano natin para sa ibang tao.pag isipan natin ang hiling
natin para sa ibang tao lalo na sa mga hindi natin nakakasundo.dahil baka tumalbog sa kanila at dumikit sa atin ..kaya
sabi ni hesus blessed your enemies.baka tumalbog sa kanila at dumakit sa atin ay di blessing yon.kaya tinuturo sa
bible huwag mong sirain ang sino man dahil baka bumalik sa iyo ang gawa mo.at ito kitang kita natin sa karanasan ni
hayman tumalbog talaga at dumikit sa kanya.
ester7:1-4 sa gayoy naparoon ang hari at si aman sa pigingan na kasama ni ester na reyna.at sinabi uli ng hari
kay ester ng ikalawang araw ng pigingan ng alak.ano ang iyong hingi reina ester?at ibibigay sa iyo at ano ang iyong
hiling ?kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.nang magkagayoy sumagot at nagsabi si ester na reyna ,kung akoy
nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin oh hari at kung kalulugdan ng hari ipagkakaloob sa akin ang aking buhay
sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling.sapagkat kami ay naipagbili ako at ang aking bayan upang
ipahamak ,upang patayin at upang lipulin .ngunit kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae ,akoy
tumahimik,bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari….ang sabi ni ester kung inyo po kinalulugod
at kung inyomg mamarapatin ay iligtas nyo ang buhay ko.mababasa po natin yan sa ester 7;1-4
paano naman tatanggahin ng hari ang kanyang reyna na napakaganda. maganda ang kanyang sagot dahil pag
iniligtas nya si ester dapat iligtas din nya ang buong hudyo sapagkat buong angkan yon ni ester wala dapat
exemption.so pag iniligtas mo yong isa ililigtas mo ang lahat.parang pag may pinakasalan kang isa ay aariin mo na
pinakasalan mo na ang buong angkan.so si ester yong sarili lang nya pain ang sabi nya ililigtas nyo po ang aking
buhay pero pag nailigtas na sya lahat ng kadugo nya makakasama nya.magalang na sumagot at humiling si ester sa
hari…. Kaya sya ay pinagbigyan ng hari…yan ang result ng panalangin.nag pry kasi sila tatlong araw silang nanalangin
at nagfasting na sorprise talaga si ester sa nangyari dahil hindi naman alam ni ester na mangyayari yan dahil hindi
naman sya diyos,inakay lang sya ng espiritu ng dios kung paano sya kikilos..
ester7:5-7 nang magkagayoy nagsalita ang haring asuero at nagsabi kay ester na reyna.sino sya at saan nandoon siya
na nagagahas magbanta na gumawa ng gayon?at sinabi ni ester ang isang kaaway at kaalit :itong masamang si
hayman.nangmagkagayoy natakot si hayman sa harap ng hari at ng reyna.at ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak
sa kaniyang pagkapoot at pumasok sa halamanan ng bahay ng hari at si aman ay tumayo upang ipamanhik ang
kanyang buhay kay ester na reyna sapagkat nakita nya na may kasamaang ipinasya laban sa kaniya ang
hari.mababasa po natin yan sa ester 7:5-7
Sigurado na nanalo na si ester…,hindi sya nagpadalosdalos ng pasya naghintay sya ng tamang panahon.hindi
katulad ng ating mga himagsikan kaya andaming namatay andaming nasawi,nagalit susugod mga itak ang dala ng
mga Pilipino ay may kanyon ang kalaban ubos ang mga Pilipino.hindi kac sila nag sstrategise puro damdamin kaya
pag nagagalit susugod kahit may namamaril damdamin kac ang umiiral dapat isip ,pag iisipat manalangin para ang
Dios ang gumabay….so lumabas ang hari para magpahangin dahil kailangan nya mamili sa dalawa si hayman na
kaibigan nya at si ester na reyna .
ester7:8-10 nang magkagayoy bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay hari hanggang sa pigingan ng
alak at si aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni ester.mababasa po natin yan ester 7:8
Ang galing ni ester pumisisyon ng upo at halos madaganan na sya ni hayman sa pagkakasubsob habang
nakikiusap sa kanya akala nya ay gusto ni hayman dahasin ang reyna, yon ngayon ang naabutan ng hari.
sa verse 9 nang magkagayoy sinabi ng hari,kaniya bang dadahasin ang reyna sa harap ko sa bahay?pagkabigkas ng
salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni aman.
So nang binitawan ng hari ang salitang ito alam nan g mga bantay na papatyin si aman..tinakpan agad nila ang
mukha dahil pagpapatayin ka hindi ka papayagan na tumingin sa hari ...
Sa verse 10 nang magkagayoy sinabi ni harbona ,na isa sa kamarero na nasa harap ng hari :narito naman ang
bibitayan nay limang pung siko ang taas na ginawa ni aman ukol kay mordecai na siyang nagsalita sa ikakabuti ng
hari,ay nakatayo sa bahay ni aman .at sinabi ng hari,bitayin sya roon.
si hayman ay natalo nakadagdag sa kanyang pagkatalo sya ay pagod sya ay stress at sya ay hindi nakahanda sa mga
plano ni ester..si ester prepared na prepared may tatlong araw na fasting at nanalangin sila sa panginoon tapos may
series pa sya ng pigingan na ginawa para makahiling sya sa hari ng nais nya.akala naman nitong si hayaman love sya
ng queen very hospitable sya lang ang pinaimbeta ,sya lang ang pinakain na kasama ang hari.ang hindi naisip nitong
si hayman bulag na bulag sya akala nya sobra na syang sikat pati yong reyna gusting gusto syang kasama hindi sya
nagduda kahit papaano wala syang paghahanda sa kanyang sasapitin.again timing was very important at reminder
biro nyo po nakialam na itong katulong na pwede din syang mapatay sa pakikialam nya nung sabhin nya agad agad
na may bitayan na pinagawa si hayman…makikita natin dto na malaki ang concern ng katulong kay ester so maging
mabait po tayo sa ating mga katulong o kasambahay dahil kung minsan sila pa yong magliligtas sa ating buhay..kahit
pa nga yong aso inililigtas din ang kanyang amo so dapat mabait ka,mabuti ka hindi po natin alam ang mga
mangyayari sa atin.so alalahanin po natin ang golden rule and reverse do not do unto others what you do not want
them to do unto you.
sabi sa proverbs 28:10 sino mang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan,siyay mahuhulog sa kaniyang sariling
lungaw ngunit ang sakdal ay magmamana ng mabuti..ang umaakay daw sa mabuti para ihulog sa mga bitag sila
mismo ang mahuhulog sa kanilang mga patibong na inihahanda para sa iba.at yan ang nagyari kay hayman yong
inihanda nya na bitayan ubod siguro ng tibay at ubod siguro ng taas para kitang kita ang binibitay ay sa kanya
nagamit….so mga kapatid kailangan po natin na lagi tayong manalangin pag may mga pagsubok tayo sa buhay para
tayo ay tulungan ng ating panginoon..alam po ng Diyos kung paano lulutasin an gating mga problema kung tayo ay
nanalangin at hihingi ng tulong sa kanya.huwag kayong magmamadali na lutasin ang problema kung hindi malinaw
sa inyo kung ano ang solusyon
awit 37:7 ikaw ay magpahinga sa panginoon at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya,huwag kang mabalisa ng
dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.kung
may kailangan po tayong matutunan sa kay ester na strategy…un ay ang tamang timing sa lahat ng bagay kahit
nanganib ang buhay nila pero hindi sya nagdalosdalos hindi sya nagmadali… so kung kayo ay may mga problema
huwag po tayong magpadalosdalos ang kailangan lang manalangin tayo at magtiwala sa panginoon na sya ang
gagawa ng paraan para sa atin….step step itutturo po yan sa atin ng panginoon.at hindi natin susundin ang pansarili
nating kagustuhan kung malinaw naman ang gusto mangyari sa atin ng ating panginoon…HAPPY SABBATH AT
PURIHIN PO ANG PANGINOON SA TANGHALI ITO.

PANALAGIN
ama naming sa langit nangyayari pa ang ganitong kasayasayan ni ester sa amin maaring hindi ganito kalaki ang
nakataya pero nangyayari nalalagay kami sa panganib,napagbibintangan kaminapapasali kami sa mga intriga may
mga kapangyarihan na higit sa amin na nais kami ay puksain sirain turuan nyo po kami kung ano ang dapat naming
gawin unang una turuan nyo po kami panginoon na maging mapanalanginin,huwag magpadalosdalos,mag isip at
making sa inyo at magawa naming ng tama at kumilos kami ng tama.amen

You might also like