Suring Basa NG Nobelang Dekada 70-Angela-Rose-Calugay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Rehiyon 1
KAGAWARAN NG EDUKASYON
VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION
SPECIAL SCIENCE HIGH SCHOOL
T. A. 2020 – 2021
Martin P. Posadas Ave., San Carlos City, Pangasinan (2420)

Suring – Basa ng
Nobelang Dekada ‘70
___________

Francine Lois V. Austria


Angela Rose L. Calugay
Alvinzhon P. Guevara
Amanda Isabelle S. Rosario
10 - Anthurium

Ronald D. Sandaga, LPT.


Instruktor sa Filipino 10
I. KALIGIRANG SOSYAL

Isinulat ang nobelang ito noong ika-19 siglo, partikular sa


taong 1988 sa bansang Pilipinas. Nakapaloob ito sa epekto at
dulot ng pagkakatatag ng batas militar o Martial Law sa mga
mamamayang Pilipino. Naipakita dito kung gaano kamahal ng
isang ina ang kaniyang mga anak, ang paghahanap ng sariling
pagkakakilanlan at ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
nangyayari sa paligid. Ang nobelang ito ay isinalintitik ni Lualhati
Bautista. Ang may akda ay namuhay at naging aktwal na saksi sa
mga nangyari sa bansa sa pamumuno ni Ferdinand Marcos at
pagtatalaga nito ng Martial Law. Ang akdang io ay isang
pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang
nahagip sa kalagitnaan ng kaguluhan sa dekada sitenta. Tinalakay
dito kung paano nakilaban ang isang mag-anak na nasa gitnang
antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago
na nagbigay kapangyarihan upang bumangon laban sa batas na
martial law sa pangunguna ng dating pangulo. Ang akda ay
pinamagatang “Dekada 70” sa ingles naman ay “The 1970’s”, isa
itong salaysayin kung paanong ang damdamin ng isang ina ay
napupunit sa pagitan ng panitik ng batas at ng ang kaniyang mga
katungkulan bilang isang ina.

II. PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Lualhati Bautista ay isang tanyag na babaeng Pilipino na


nagsusulat tungkol sa kanyang mga karanasan sa buhay. Ang
kanyang mga gawa ay karaniwang lumilitaw sa anyo ng mga
nobela o maikling kwento, ngunit nakalikha rin siya ng maraming
mga gawa sa pelikula. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong
Disyembre 2, 1945. Ipinanganak siya sa kahirapan at lumaki na
may pag-asang maiangat ang buhay ng kanyang pamilya. Noong
1958 nagtapos siya mula sa Emilio Jacinto Elementary School at sa
Torres High school naman noong 1962. Nag-aral siya ng
pamamahayag sa Pilipinas Lyceum, ngunit huminto bago siya
matapos sa kanyang unang taon. Ilan sa kanyang mga nobela ay
ang “Gapo”, “Dekada '70” at “Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?”.
Tatlong beses siyang sunod sunod na nakatanggap ng Palanca
Awards. Nakatanggap din siya ng dalawa pang Palanca Awards
para sa dalawa niyang maikling kwento na ang “Tatlong Kuwento
ng Buhay ni Juan Candelabra” (unang gantimpala, 1982) at
“Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang” (pangatlong
gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang iskrin para sa
Bulaklak ng City Jail ay nanalo ng Best Story-Best Screenplay.

III. URI NG PANITIKAN

Ang Dekada '70 na isinulat ni Lualhati Bautista ay isang


nobela. Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na
nagpapakita ng mga pangyayaring pinagdugtong-dugtong sa
pamamagitan ng balangkas. Bukod pa rito, ang pangunahing
mithiin ng nobela ay ang paglalahad ng hangarin ng bida at/o
kontrabida sa kuwento. Ito ay isang uri ng panitikan na
ginagamitan ng malikhaing pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Ang bawat pangyayari rito ay may ginagampanan na mahalagang
papel sa kabuuan ng nobela. Ang akdang ito ay hindi lamang
gawang kathang-isip ngunit nakabase din sa kung anong tunay na
naganap sa panahon na sinasalamin nito.

IV. BUOD NG TEKSTO

Ang nobelang ito ay nakasentro sa pamilyang Bartololome, sa


mga nangyaring problema sa kanilang pamilya kabilang na ang
mga trahedyang pinagdaanan nila. Ang pamilya Bartolome ay
binubuo ni Amanda isang ina na labis ang pagmamahal sa mga
anak, ang asawa nitong si Julian at ang lima nilang anak na sina
Julian Jr. o mas kilala sa palayaw na Jules, si Gani, Em, Jason at
Binggo. Ang panganay na anak nilang si Jules ay sumama sa
kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno na bunga ng kaniyang
pagkahilig sa mga awiting pangmakabayan, napansin ito ng
kaniyang inang si Amanda at nilahad ito sa asawa ngunit
nagsawalang bahala lamang ito na naging dahilan ng
pagkalamigan nilang dalawa. Ang pangalawang anak naman ay si
Gani na sa murang edad ay nakabuntis ng babae, sinundan ito ng
pangatlong anak na si Em, isang manunulat at ang pinakamatalino
sa limang magkakapatid. Si Jason naman ang kanilang ikatlong
anak na huminto sa pag aaral, dahil sa wala itong
mapagkaabalahan naging gawain nito ang pambababae, at ang
bunso namang si Binggo na bata pa lamang ngunit naging saksi at
taga-obserba ng mga nangyayari sa kaniyang paligid. Unang
linggo ng Mayo sa taong 1974 ay nagkaroon ng away sa pagitan ni
Amanda at Jules buhat ng pagsigaw niya rito ng tanungin kung
saan ito pupunta sapagkat nakita niya itong nageempake ng gamit
na sinagot naman ng anak niya nang may halong pang-uuyam
kaya’t nasampal niya ito. Lumipas ang mga araw ay nabalitaan na
lamang ng mag-asawa na nahuli ng mga kawani si Jules at ito ay
naging bilanggong pulitikal. Dinalaw ni Amanda si Jules sa Kampo
Krame kung saan ito dinala at narinig ni Amanda ang mga
anumalya at kabuktutang ginagawa ng mga sundalo sa mga
nahuling preso. Napalaya naman ito ngunit nakulong mula dahil
hindi pa rin nagbago. Hindi dito nagtatapos ang problema dahil
dumating ang araw kung kailan nabalitaan naman nila na nahulian
ng Marijuana ang ikatlo nilang anak na si Jason kaya ito ay dinala
sa presinto. Pinuntahan nila ito ngunit hindi ito nahagilap,
nagtanong-tanong sila at napag-alamang napalaya na ito ngunit
hindi pa ito umuuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap ni Em si
Jason at lumong-lumong umuwi bitbit ang masamang balita na
natagpuan ang walang buhay na katawan ni Jason. Ito ay naging
biktima ng salvaging o ang di makatarungang pagpapatay sa isang
hinihinalang suspek na gawa ng mga tiwaling otoridad, kung ano
ang dahilan ay hindi matukoy. Sawing sawi si Amanda sa nalaman
at ilang gabi itong iyak nang iyak, nagpasya itong hiwalayan ang
kaniyang asawang Julian ngunit ng sandaling kumalma ay
napagisip-isip niyang hindi pa ito dapat umalis dahil alam niyang
marami pa ang dapat nilang pag-usapan. Magmula noon ay nag
simula na silang magkaunawaaan. Hindi naglaon ay nabawi na ang
batas militar at napalaya ang higit tatlong daang bilanggong
pulitikal kabilang na si Jules. Pagkatapos ng lahat ng dagok na
pinagdaanan ng pamilya Bartolome ay dumating ang araw na may
kaniya-kaniya ng buhay ang kanilang mga anak mula kay Jules
hanggang sa bunsong si Binggo, dito naman nagsimulang isipin ni
Amanda na di magtatagal ay maiiwan na sila ni Julian. Natuwa siya
nang nagsimula ng mamulat ang asawang si Julian at tumutulong
na ito sa mga gawaing makakatulong sa bayaan at kapwa niya
tao. Ang kagandahan pa nito ay natuklasan niyang marami pa
siyang silbi at maiaambag sa mundong ito.

V. PAGSUSURI SA AKDA O TEKSTO

A. Tema o Paksa

Ang tema o paksa ng akda ay pumapatungkol sa


pagbabago ng panggitnang-uring tahanan sa paglipas ng
panahon sa impluwensya na din ng Martial Law. Sinasalamin
nito ang pamumuhay ng isang simpleng pamilya na nagbago
dahil sa pagpapanukala ng Martial Law o diktadorya ni
Ferdinand Marcos, dahil din sa paglipas ng panahon. Ipinakita
dito ang epekto ng Martial Law di lang sa mga politika at
otoridad, lalong lalo na sa mga mamamayang pilipino.
Nakasaad sa istorya kung paano nakulong si Jules dahil sa
pagsanib sa mga grupong kilusan laban sa katiwalian ng
gobyerno, na nakalaya naman kinalaunan. Kabilang din dito
ang pagkasangkot ni Jason sa ipinagbabawal na droga dahilan
kung bakit ito nakulong na nagdulot ng kanyang kamatayan.

B. Pagsusuri sa mga Tauhan sa Akda

Ang mga pangunahing tauhan sa nobela kung kanino


umiikot ang akda ay sa pamilya Bartolome na binubuo ng may
bahay na si Amanda, ang asawa nitong si Julian Sr. at ang lima
nilang mga anak na sina Jules, Julian, Jason, Em at Binggo.

 Amanda - Ang ilaw ng tahanan ng pamilya Bartolome. Tipikal


na maybahay, mapagmahal at maalagang asawa ni Julian Sr. at
ina ng kanilang limang anak. Isang inang sa pamilya lamang
umiikot ang buhay. Nagugulo ang isip kapag nilalamon ng
emosyon na dumadating sa puntong pakiramdam niya ay
walang kwenta ang kaniyang buhay. Nagdedesisyon ng hindi
malinaw ang isip ngunit kapag kumalma na at umayos na ang
kalagayan ay iisiping muli kung tama ba ang naging pasya bago
magbigay ng pinal na desisyon. Bukas ang mata at alam ang
nangyayari sa kaniyang paligid kaya isa rin na tutol sa
katiwalian ng pamahalaan. Tradisyunal na uri ng babae sa
lipunan na nasa bahay lamang at pinagsisilbihan ang pamilya
ngunit naghahangad na magkaroon ng sariling identidad at
pagkakakilanlan na taliwas sa tingin ng lipunan sa isang babae.

 Julian Sr. - Ang pinuno at haligi ng tahanan ng pamilya


Bartolome. Tipid at halos hindi magsalita kaya nagmumukhang
walang pakialam sa kanyang sariling pamilya. Binabalewala ang
sinasabi ng kaniyang asawa kaya’t hindi alam ang mga
pangyayari at ganap sakanilang tahanan maging sa lipunang
ginagalawan, ngunit nagbago naman sa pagpapatuloy ng
nobela kaya mauuri siya bilang Tauhang Bilog.

 Julian Jr. O Jules - Panganay na anak ng mag-asawang


Bartolome. Habang lumalaki at tumatanda ay nahilig sa mga
awiting nagpapakita ng nasyonalismo at pagiging makabayan.
Hindi kalaunan ay naging kabataang aktibista na pumayag na
sumanib sa rebeldeng grupong NPA o New people’s army na
naglalayong tumuligsa sa di makatao at baluktot na sistema ng
pamahalaan. Sumasama sa mga kilusan, welga at mga
aktibidad na kontra sa gobyerno. Dahil sa pagiging aktibista ay
naging bilanggong politikal na napalaya naman sa pagbawi ng
Martial Law.

 Gani - Pangalawang anak ng mag-asawang Bartolome.


Nakabuntis ng babae sa murang edad na nagbunga sa
maagang pag-aasawa.

 Em - Pangatlo sa limang magkakapatid at tinuturing na


pinakamatalino. Isang manunulat na naghahanap ng sariling
pagkakakilanlan. Ang unang nakaalam sa pagkamatay ng
nakababatang kapatid na si Jason at nagbalita nito sakanilang
pamamahay.

 Jason - Pang-apat sa limang magkakapatid. Nagpasiyang


huminto sa pag-aaral na naging pambababae ang
pinagkakaabalahan. Dinala sa presinto sa kadahilanang ito ay
nahulihan ng ipinagbabawal na gamot na Marijuana na dahilan
ng pagkatagpo ng kaniyang karumal dumal na kamatayan. Siya
ay naging biktima ng ‘Salvaging’. Sa kasamaang palad ay di
nakamit ng kaniyang pamilya ang hustisya para sa kaniyang
hindi kaaya-ayang kamatayan.

 Binggo - Bunso sa limang magkakapatid. Sa murang edad ay


naging mulat sa pangyayari at nanatiling nakamasid sa kung
anong nagaganap sa kaniyang paligid.

C. Tagpuan at Panahon

Ang tagpaun at panahon ng nobela ay sa isang lugar sa


Pilipinas sa kapanahunan ng pagtatalaga ng batas militar sa
pamumuno ni Ferdinand Marcos sa mga taong 1970’s o dekada
sitenta dahil nabanggit sa isang bahagi ng kuwento na Buwan ng
Mayo taong 1974 ay napagpasiyahang pumunta ni Jules ng Bikol
na naging ugat ng pagsigaw sakanya ni Amanda o ang kaniyang
ina.

D. Mga Tunggalian sa Akda

Madaming tunggalian na naganap sa akdang ito, naipakita


din ang iba’t-ibang uri ng tunggalian.

Una ay ang tunggaliang tao laban sa tao na naganap sa


pagitan ng mag-asawang sina Amanda at Julian kung saan
nasigawan ni Amanda si Julian dahil sa pagsasawalang bahala
nito nang isalaysay niya ang pagbabagong nangyayari sa
panganay nilang anak.

Nagkaroon din ng alitan sa pagitan ni Amanda at Jules nang


tanungin nito ang dahilan kung bakit ito pupunta ng Bikol na
sinagot naman ng anak sa mauyam at sarkastikong paraan.

Naipakita din sa akda ang tunggalian ng tao laban sa sarili


kung saan si Amanda ay kinain ng kaniyang emosyon at nalilito
kung anong dapat gawin, kung makikipaghiwalay ba kay Julian
dahil sa walang silbi ang kaniyang buhay o ang manatili sa
kanilang pamamahay.
Hindi man direktang nasaad ay naipakita din dito ang
tunggalian ng tao laban sa lipunan kung saan si Jules ay
sumanib sa mga rebelde upang labanan at kontrahin ang
pamahalaan.

E. Daloy ng mga Pangyayari

Maayos ang daloy o ang pagkakasunod-sunod ng


pangyayari sa nabasang nobela. Natural na mahaba ito sapagkat
naglalaman ng maraming pangyayari ang nailahad. Maganda
ang pagkakaayos ng mga pangyayari at konektado ito sa isa’t
isa. Halaw din ito sa kung paano talaga namuhay ang mga tao
sa panahon ng pagpapatupad sa batas militar. Gaya ng tipikal na
mga kwento, ito ay nagsimula sa pagpapakilala ng mga tauhan
ng tagpuan at nagsimula na din ang pagkakaroon ng suliranin sa
Pamilya Bartolome noong sumali si Jules bilang aktibista sa isang
grupo ng kilusang laban sa gobyerno. Ang pataas na aksyon ay
ang pagkakakulong kay Jules nang malaman na isa itong
aktibista. Ang pagkahuli at pagkamatay naman ni Jason ang
maituturing na kasukdulan kung saan napag-alaman na
nabiktima ito ng salvaging. Ang kakalasan ay ang pagbawi sa
martial law at pagpapalaya sa mga bilanggong politikal at
nagwakas sa pagkakaroon ng limang anak ng kaniya-kaniyang
buhay at ang buong mag-anak ay nagkaroon na ng kamalayan
sa lipunang ginagalawan. Gumamit ang may akda ng first
person point of view kaya’t nalalaman ng mga mambabasa
maging kung anong mga haka-haka at muni-muni ni Amanda.
Naipakilala din ng pulido ang mga karakter sa akda, bawat
pangyayari ay nagiging daan upang mas makilala pa ng lubos
ang isang tauhan.

VI. BISANG PAMPANITIKAN

A. Bisa sa Isip

Tumatak sa aming isipan ang mga pangyayari sa


nakaraan; ang kawalan ng hustisya, ang kaisipan ng mas
nakalalamang ang mga lalaki at sunod-sunuran lamang ang mga
kababaihan, at ang masahol na sistema ng gobyerno.
Nakatulong ang akdang ito upang maging pamilyar tayo sa
pagdurusang pinagdaanan ng mga mamamayang Pilipino. Dahil
sa akdang ito, napagtanto namin na ang mga kabataan ay mulat
na sa katiwalian ng pamahalaan at ipinaglaban ang kalayaan.
B. Bisa sa Kaasalan

Naituro ng nobelang ito ang pagiging makabayan ng


kabataan ay isa sa makakaimpluwensiya sa ating kinabukasan.
Kahit sa murang edad, mahalaga na magkaroon ng kamalayan o
maging mulat sa mga kaganapn sa ating lipunan.
C. Bisa sa Damdamin

Nakaramdan kami ng halo-halong emosyon. Nadama


namin ang kaba at takot sa pang-aabuso ng gobyerno sa
kanilang pamumuno. Maling-mali ang pag-gamit ng dahas at
paglabag sa karapatang pantao. Nakamamangha ang katatagan
ng bawat tauhan lalo na si Amanda, ang pagiging ina at asawa
ay magaling niyang nagampanan. Tunay na nakadadala and
nobelang ito, masasabing mahusay nitong natinag ang aming
damdamin.
VII. PANGKALAHATANG PANSIN AT PUNA

Ang mahusay na pagkakasulat ni Lualhati Bautista ay


naging dahilan upang mas maintindihan ng mambabasa ang
istorya at maramdaman na rin na tila sila rin ay namuhay
noong panahon na iyon. Ang nobelang Dekada '70 ay tunay na
tumatalakay sa tunay na pangyayari noong dekada sitenta
tulad ng mga nabuong mga samahan laban sa pamahalaan.
Maayos at tiyak ang pagkakalahad ng mga pangyayari kung
kaya’t bilang mambabasa ay madadala ka nito. Namuhay rin
ang may akda sa panahon ng martial law at isa sa mga naging
saksi ng karahasan ng mga sundalo, pananakit at kamatayan
ng kapwa niya mga pilipino na nakaimpluwensiya sa kaniya
upang isulat ang nobela, upang maging mulat ang mga tao
hindi lamang sa panahon kung kailan ito nangyari ngunit pati
na rin sa mga kabataan at estudyante na namumuhay sa
kasalukuyang panahon. Ang mga karakter ay mabisang
naihayag at naipakilala ng may akda. Mahusay ring
naipamalas ng may akda ang kagustuhan at tunguhin ng mga
ito tulad na lamang ni Amanda na nagnanais magkaroon ng
sariling pagkakakilanlan na taliwas sa tingin ng lipunan sa
isang babae, na para lamang sa tahanan. Makatotohanan din
ang mga karakter, pangyayari at diyalogo. Sa kabuuan,
kamangha-mangha ang talento sa pagsusulat ni Lualhati
Bautista, ang kakayahan niyang sumulat ng ganito kagandang
akda ay kahanga-hanga, mula sa umpisa hanggang sa dulo
ng nobela ay mapupukaw ang iyong isip at damdamin.
VIII. SANGGUNIAN

K. (2020). Nobela Kahulugan: Ano Ang Isang Nobela? (Mga


Sagot). Philippine News. Mula sa
https://philnews.ph/2020/03/14/nobela-
kahulugan-ano- ang-isang-nobela-mga-sagot/
Moreno, R. (2013). Dekada 70 : Pagsusuri. slideshare. Mula sa

https://www.slideshare.net/RodelPascualMorenoJr/dekada-
70-pagsusuri
Wikipedia contributors. (2021). Dekada ’70 (nobela). Wikipedia,
ang malayang ensiklopedya. Mula sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dekada_
%2770_(nobela)
Yam, Y. (2020). Buod Ng Nobelang Dekada 70 Ni Lualhati
Bautista [PDF|TXT]. Pdfcookie. Mula sa
https://pdfcookie.com/documents/buod-ng-nobelang-
dekada-70-ni-lualhati-bautista-yv85nqgp8dv1

You might also like