Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1.

FIRST SEMESTER AY 2020-2021


FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
PAKSA: FILIPINO BILANG WIKANG
PAMBANSA, WIKA NG BAYAN, AT WIKA NG PANANALIKSIK NA NAKAUGAT
SA PANGANGAILANGAN NG SAMBAYANAN

MGA LAYUNIN:

1. Natatalakay ang pinag-ugatan at pakikipagsapalaran ng Filipino bilang wikang pambansa.


2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang wikang global at intelektwalisado.
3. Nahihimay-himay ang mga usaping may kaugnayan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng
pananaliksik.

PAGTALAKAY SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Saligang-batas ang pinakapananaligang batas ng bawat bansa. Makapangyarihan ito sapagkat ito
ang nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang panahanan
ninuman. Kinapapalooban ito ng mahahalagang probisyong sanligan ng mga bagay at kilos na dapat na
igawi para sa isang mapayapang pamayanan.
Wikang Filipino ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa
Pilipinas. Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating
isasalin sa ating mga anak at sa mga susunod pang salinlahi. Ito ang wikang magiging kakampi natin sa
ating mga pakikibaka sa usapin ng istandadisasyon at internalisasyon. Kung lilingunin ang kasaysayan,
masasabi na hindi nagging madali ang mga pinagdaanan ng wikang Filipino upang makamtan ang
rekognisyon ng pang-internasyunal na komunidad at maging ng ating mga kapwa Pilipino.
Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. (Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas
1987) Kinikilala rin itong wikang opisyal ng bansa kasama ng Ingles. Ito ay nakabatay sa Tagalog, isang
Austronesian, rehiyunal na wika na sinasalita sa malaking bahagi ng kapuluan. Kasama ang Tagalog sa
isandaan at walumpo’t limang wikain sa Pilipinas na tinutukoy sa Etnologo. Ayon sa Komisyon sa Wikang
Filipino o KWF, ang Tagalog ay isang katutubo dayalekto na ginagamit sa Metro Manila, ang National
Capital Region, at iba pang sentro ng urbanidad sa archipelago.
Itinuturing na isang plucentric na wika (magkakamag-anak na wika) ang Filipino sapagkat higit
itong pinagyayaman at pinauunlad ng iba pang umiiral ng mga wika sa Pilipinas batay na rin sa mandato ng
Saligang Batas nang 1987 (ang monocentric ay wika na may iisang istandardisasyon bersyon katulad ng
sa mga Ruso at Hapon). Kaya, may mga obserbasyon ng pagkakataon ng iba-ibang Filipino na lumalayo
na kasama ng Metro Manila (bumubuo sa apat na malalaking bahagi ng Metropolitan sa Pilipinas).
Kilala ang Pilipinas bilang isang multiingual na estado na may isandaan at dalawampu (120)
hanggang isandaan at walumpo’t pito (187) na mga wika na sinasalita ng iba’t ibang etnolingwistikong mga
pangkat. Walang komon o karaniwang wika sa lahat ng ethnolinguistic na pangkat sa Pilipinas nang
dumating ang mga Kastila sa Pilipinas labing-anim (16th) na daantaon na ang nakaraan. Ang apat na
pangunahing mga wika ng kalakal ay Bisaya, Kapampangan, Pangasinan, at Ilokano. Sapagkat ang mga
wika sa Pilipinas ay magkakalapit o magkakamag-anak at madaling matutunan ng mga Pilipino, ang
karamihan ng mga nagsasalita ay gumagamit ng dalawa o higit pang rehiyunal na mga wika.
Ang sentro o capital ng Pilipinas ay itinatag ng mga Espanyol sa Maynila na kilala bilang rehiyon
ng mga nagsasalita ng Tagalog. Ang unang diskyunaryong Tagalog na inilathala ay ang Vocabulario dela
Lengua Tagala na isinulat ng isang Francsicano na si Padre de San Buenaventura at inilathala noong 1613
ng kinikilalang “Ama ng Palimbagang Pilipino” na si Tomas Pinpin ng Pila, Laguna.
Wikang Espnayol ang nagging opisyal na wika ng pamahalaan noong panahon ng Espanya sa
Pilipinas. Ang pangangailangan na magkaroon ng wikang magbubuklod sa ating lahi ay unang nagkaroon
ng liwanag nang nagkaisa ang mga katipunero na may pagsasaalang-alang sa Saligang-batas ng Biak na
Bato nang 1987 na gawing opisyal na wika ng rebolusyon ang Tagalog. Ayon sa Artikulo VIII ng Saligang-
batas ng Biak na Bato “Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika.” Sina Isabelo Artacho at Felix
Ferrer ang siyang bumalangkas ng saligang-batas na ito.
Inaatasan naman ng Saligang-batas ng 1935 ang Kongreso na gumawa ng mga hakbang upang
paunlarin at papagtibayin ang isang wikang pambansa na nakabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong

1
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
wika. Ayon pa rin sa Saligang-batas na ito, ang Ingles at
Kastila ang mananatiling opisyal na wika hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas.
Maliwanag na wala pang kinikilalang pambansag wika sa ilalim ng Saligang-batas ng 1935 kung
hihimayin ang espisipikong probisyon hinggil ditto. Tanging ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Kongreso
na gumawa ng mga hakbangin upang mapaunlad at mapagtibay ang pangkalahatang pambansang wika na
may pagsasaalang-alang sa isa sa mga katutubong wika ang makikita sa pagbusisi ng probisyong ito.
Mariing isinasaad na habang isinasagawa ang proseso ng pagpili ay mananatili ang Ingles at Kastila bilang
mga opisyal na wika. Wala pa ring tiyak na ahensya ang tinutukoy upang siyang mangasiwa sa proseso ng
pagpili ng pambansang wika.
Dama ng Pangulo ng Komonwelt na si Manuel L. Quezon ang pangangailangan ng isa ng wika na
sinasalita at nauunawaan ng lahat sa isang pamayanang may iisang nasyunalidad at estado. Ito ay
kanyang binigyang diin sa mensaheng kanyang ibinigay sa Unang Pambansang Asambleya noong 1936.
Si Norberto Romualdez ng Leyte, batikang mahistrado, ang nagsatitik ng Batas Komonwelt Blg.
184. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may tungkulin na pag-aralan
ang mga diyalekto sa pangkalahatan upang mapaunlad at mapagtibay ang pambansang wika ayon sa isa
sa mga umiiral na wika. Naging saligan sa batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas ang pagkaunlad ng
estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga
Pilipino. Tagalog ang pinili batay sa mga pamantayang ito.
Naging patas ang pagpili sa Tagalog batay na rin sa komposisyon na pinamunuan ni Jaime C. de
Veyra (Samar-Leyte) at kinabibilangan ng mga sumusunod na kasapi:
- Santiago A. Fonacier (Ilokano)
- Filemon Sotto (Sebwano)
- Casimiro F. Perfecto (Bikol)
- Felix S. Salas Rodriguez (Panay)
- Hadji Butu (Moro) at
- Cecilio Lopez (Tagalog)
Naglabas ng resolusyon ang Institute of National Language (Surian ng Wikang Pambansa) noong
ika-9 ng Nobyembre na iminumungkahi ang Tagalog na maging batayan ng pambansang wika. Noong ika-
30 ng Disyembre, naglabas ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134, s. 1937 (Executive Order No. 134,
s. 137) si dating Pangulong Manuel L. Quezon na pinahihintulutan ang adapsyon ng Tagalog bilang wika
ng Pilipinas at pagdeklara na ito ang magiging batayan ng pambansang wika ng Pilipinas at magkakabisa
makalipas ang dalawang taon pagkatapos ng promulgasyon nito. Noong ika-31 ng Disyembre ng parehong
taon, idineklara ni Quezon ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa batay sa mga sumusunod na
salik:
1. Marami ang nagsasalita ng Tagalog at ito ang pinakanauunawaan sa lahat ng Rehiyon sa
Pilipinas;
2. Hindi ito nahahati sa maliliit na mga wikain na di tulad ng Bisaya at Bikol;
3. Sa tradisyon ng literatura, ito ang pinakmayamang katutubong wika sa Pilipinas,
pinakamaunlad at ekstensibo. Maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog na tradisyon.
4. Tagalog ang karaniwang wika na ginagamit sa Maynila, ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas
noong panahon ng Kastila at Amerikano;
5. Espanyol ang wika nang 1986 na Rebolusyon at ng Katipunan, subalit ang rebolusyon ay
pinamunuan ng mga tao na Tagalog ang ginagamit na wika.
Binigyang-diin sa ulat ng komite na ang Tagalog ay pinili sapagkat ginagamit ito ng nakararaming
bilang ng mga mamamayan, bukod pa sa mga kategorikong pananaw ng mga local na pahayagan,
publikasyon, at manunulat. Samantala, sina Filemon Sotto (Sebuwano) at Hadji Butu (Moro) ay hindi
nakaganap ng tungkulinsapagkat ang una ay nagkaroon ng karamdaman samantalang ang huli naman ay
namatay sa hindi inaasahang kadahilanan.
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay pinagtibay ng Pambansang Asamblea
ang Batas Komonwelt Blg. 570 (ika-07 ng Hunyo 1940) na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino
bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas sa pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1946. Kaalinsabay nito ay
ipinahayag noong 1942 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Taft Commission) ang
Ordinansa Militar Blg 13 na siyang nagtatakda sa Nihonggo at Tagalog bilang mga opisyal na wika sa

2
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
buong kapuluan. Kasabay ng pag-alis ng mga Hapon sa
Pilipinas ay ang pagsasawalang-bisa ng ordinansang nabanggit.
Muling nabuhay ang Ingles sa iba’t ibang transaksyong pampamahalaan, negosyo, at akademya
nang ganap nang nawala ang mga Hapon sa Pilipinas.
Nagkarooon ng maraming inisyatibo ang mga tagapagsulong ng Wikang Pambansang Filipino.
1. Si Lope K. Santos, isang abogado. Kritiko, lider obrero ay nanguna sa maraming palihang
pangwika. Siya ay naging punong-tagapangasiwa ng Surian ng Wikang Pambansa noong
1941 hanggang 1946. Si Lope K. Santos na kilala sa palayaw na Mang Openg ay
pinarangalan bilang Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino.
2. Paglalaan ng ilang seksyon ng mga pahayagang pampaaralan para sa wikang pambansa.
Inaasahan na ng inisyatibong ito ang magiging daan upang higit na magkaroon ng kasanayan
ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino.
3. Ang diskyunaryong tagalog ay pinasimulan sa panahon ng panunungkulan ni Julian Cruz
Balmaceda.
4. Si Cirio H. Panganiban ang nanguna sa paglikha ng mga talasalitaan sa mga
espesyalisadong larangan katulad ng batas at aritmetika.
5. Ang Lupang Hinirang na orihinal na nakasulat sa Espanyol, Patria Adorada, ay makailang ulit
na isinalin sa Filipino bago nagging opisyal noong 1956.
6. Ang pagbigkas ng Panatang Makabayan ay ipinag-utos sa lahat ng pribado at pampublikong
institusyong pang-akademiko sa bisa ng RA 1265 at ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang
08. Nagkaroon ng rebisyon ang Panata (1956) sa insyatibo ng dating Kalihim ng Edukasyon
na si Raul Roco.
7. Malaki ang papel na ginampanan ng Linggo ng Wika upang maipakita ng bawat mamamayan
ang kanilang pagtataguyod sa wikang Filipino bilang wikang pambansa. Sa buong lingo ng
selebrasyon ay naglulunsad ng iba’t ibang gawain na katulad ng sabayang pagbigkas,
balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay, pagbigkas ng mga tula,
pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit . Ang Linggo ng Wika ay unang idineklara
ni dating Pangulong Sergio Osmena. Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 135, ang Linggo ng
Wika ay dapat gunitain tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-02 ng Abril bilang
pagpapahalaga sa kaarawan ng kinikilalang tanyag na Pilipinong makata na si Francisco
Balagtas.
8. Si Cecilio Lopez, ang pinakaunang linggwistang Pilipino ay nagtampok ng linggwistikang pag-
aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Pilipinas
9. Sa termino ni Jose Villa Panganiban ay nagsagawa naman ng iba’t ibang palihansa
korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nakapaglathala ng diskyunaro na Ingles-
Tagalog at pagkatapos nito ay ang diskyunaryong tesawro.
10. Noong ika-13 ng Agosto, 1959 ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 ang
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na si Jose E. Romero, Tanggapan ng
Edukasyon na tatawaging “Pilipino” ang wikang pambansa upang maihiwalay ang kaugnayan
nito sa mga Tagalog.

Ang pagkakaroon ng Konstitusyunal na Konbensyon noong 1971 ay nagbigay-daan upang


mapakinggan ang mga argumento ng mga di-Tagalog hinggil sa kanilang usapin sa “Pilipino” bilang wikang
pambansang wika. Binuo ang Komite sa Wikang Pambansa upang mamahala sa pagbuo ng mga polisiya
at rekomendasyon upang masolusyunan ang mga pakikibaka hinggil sa wika. Ang Komite ay nagmungkahi
na gamitin ang Filipino batay sa mga katutubong wika at maging ang asimilasyon ng mga salita mula sa
dayuhang wika. Kasama rin sa rekomendasyon ng Komite ang pananatili ng Ingles at Kastila bilang mga
opisyal na wika.
Nakasaad sa ilalim ng Saligang-batas 1973 na ang Filipino ay lilinangin, pauunlarin, at pagtitibayin
alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita
mula sa mga dayuhang wika.

11. Isinulong ni Ponciano B. Pineda ang pagtatag ng Komisyon sa Wikang Filipino batay sa
Seksyon 9 ng Saligang Batas. Si Pineda na isa ring manunulat, guro, linggwista at abogado
3
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
ay siyang itinuring na “Ama ng Komisyon sa
Wikang Filipino”. Sa termino ni Pineda bilang komisyuner ng Surian ng Wikang Pambansa ay
nagkaroon ng maraming pananaliksik sa sosyo-lingguwistika. Pinalakas din ang patakarang
bilingguwal sa edukasyon sa kanyang termino.
12. Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 117
na lumikha sa Linangan ng Wika sa Pilipinas bilang kapalit ng Surian ng Wikang Pambansa.
Nakatakda itong malusaw matapos mapagtibay ang Saligang Batas 1987 na nag-aatas ng
magtatag ng isang komisyon ng pambansang wika.

PAGTUTOL SA TAGALOG

Noong 1959 ay nakilala sa Pilipino bilang tangka ng paglayo sa pangkat na etniko ng mga
Tagalog, bagamat ang pagsusulong na ito ay hindi naging katanggap-tanggap sa lahat ng mga hindi ito
pinipili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Taon 1960 nang unti-unting umuusbong ang mga kilusang purismo (purist movement) kung saan
ay lumilikha ng bagong salita upang palitan ang mga hiram na salita. Ang panahon na ito ng pagiging purist
ay umani ng maraming kritisismo sa mga mamamayan. Dalawang pangkat ang nangingibabaw sa
panahong ito ng purism: ang pangkat na nagsusulong laban sa Tagalog at ang pangkat na nagsusulong sa
higit na pagiging inklusibo ng pambansang wika. Ang kaso na ito ay dinala ng mambabatas na si Inocencio
V. Ferrer ng Negros Occidental sa kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema na hinahamon ang
konstitusyonalidad sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Ang desisyon ng Korte
Suprema na inilabas noong 1970 ay umayon sa pambansang wika. Ipinakita ng mambabatas na si
Geruncio Lacuesta ang kanyang pagtutol sa pagiging purista ng wika kaya kanyang pinangunahan ang
pagtatag ng Modernizing the Language Approach Movement o MOLAM, paglulunsad ng mga konperensya,
at promosyon ng “Manila Lingua Franca” na higit na maraming inklusibong hiram na salita buhat sa local at
banyagang wika. Kanya ring ipinanukala ang abolisyon ng Surian ng Wikang Pambansa kapalit ng
Akademya ng Wikang Filipino, pagpapalit ng balarila sa gramatika ng wikang Filipino, pagpapalit
dalawampung titik ng Abakada sa tatlumpo’t dalawang titik ng alpabeto, subalit hindi ito naging
matagumpay dahil sa kanyang kamatayan.
Muling nabuhay ang usapin sa pambansang wika noong 1971 na Konbensyon Pangkonstitusyon.
Maraming di-Tagalog na delegado ang nagsulong na tatanggalin ang pambansang wika subalit
napagkasunduan na baguhin ito sa 1973 na Saligang Batas. Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973, Ingles at
Pilipino ang kinikilalang mga opisyal na wika, at isinaad ang pagpapaunlad at pormal na adapsyon sa
pambansang wika na tinatawag na Filipino, kapalit ng Pilipino.
Sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ay itinalaga ang Filipino bilang pambansang wika samantalang
ang Ingles naman ay opisyal na wika.
Kung ihahalintulad ito sa Saligang 1973, mapapansin na tinaggal sa Bagong Saligang-batas ang
Tagalog bilang batayan ng Filipino at sinabi na habang ang Filipino ay yumayabong, kailangan itong
paunlarin at pagyamanin pa batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. Nangangahulugan
ito na ang tungkulin sa pagpapayaman sa ating pambansang wika ay isang obligasyon na kailangang
tuparin ng ating pamahalaan para sa mga mamamayang Pilipino. Anumang pagsubok na ito ay pahinain o
kitlin ay maituturing na pagtataksil sa tao at sa ating saligang batas.
Pinalitan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang dating Institute of Philippine Languages sa bisa ng
Batas Pambansa (Republic Act) 7104 na inaprubahan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong ika-
14 ng Agosto. Tungkulin nng KWF na direktang magbigay ng ulat sa Pangulo, at magsagawa, maging
tagapag-ugnay, at suportahan ang lahat ng pananaliksik na may kinalaman sa pagpapaunlad, propagasyon
at preserbasyon ng Filipino at iba pang umiiral na wika sa Pilipinas.
Sa bisa ng Resolusyon Bilang 92-1 na inilabas ng KWF noong ika-13 ng Mayo, 1992, tinukoy ang
Filipino bilang katutubong wika na isinusulat at sinasalita sa Metro Manila at iba pang sentro ng urbanidad
sa Pilipinas na ginagamit ng iba’t ibang etnikong pangkat.
Ang Filipino ay naisama sa ISO registry of languages noong ika-21 ng Setyembre, 2004 (ISO 639-
2 code fil) sa inisyatibo ng mag-aaral na si Martin Gomez ng Ateneo de Manila University.

USAPIN NG FILIPINO SA CMO 20 SERYE NG 2013

4
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1

Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyuner ng CHED na si Dr. Patricia Licuanan na ang K-
12 ang sagot sa usapin ng trabaho matapos ang labindalawang basikong edukasyon. Opsyon ang hindi
ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sapagkat taglay na niya ang kinakailangang lakas at talino na
hinahanap ng mga kumpanya para sa serbisyo. Ang mga inasahang kasanayan na ito ng mga mag-aaral
ay maaaring makuha sa mga asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na pag-aaral (ika-11 at 12
baitang) mula sa dating sampu (6 na taon sa elementarya at apat na taon sa sekondarya). Bukod pa ditto
ang tinatawag na ASEAN integration o ang pagsabay ng Pilipinas sa sistema ng edukasyon na ginagamit
sa halos lahat ng bansa sa Asya.
Kaugnay nito ay ang paghahanda ng mga asignatura na kailangan ng mga mag-aaral kung sakali
na sila ay magpasya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Naglabas ng Memo 20, serye 2013 ang
Commission on Higher Education para sa katumbas na mga asignatura ng tatlumpot anim (36) nay unit ng
Pangkalahatang Edukasyon (General Education) na kinabibilangan ng mga sumusunod: Understanding the
Self (Pag-unawa sa Sarili); Readings in the Philippine History (Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng
Pilipinas); The Contemporary World (Ang Kasalukuyang Daigdig); Mathematics in the Modern World
(Matematika sa Makabagong Daigdig); Puposive Communication (Malayuning Komunikasyon); Art
Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining); Science, Technology, and Society (Aghan, Teknolohiya at
Lipunan); Ethics (Etika). Nabalot ng kontrobersiya ang kautusang ito ng CHED sapagkat lantaran na
tinanggal ang asignaturang Filipino n asana ay makaagapay natin sa pagsusulong ng intelektwalisasyon at
marketisasyon ng kultura at wikang Filipino.
Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa
kurikulum dahil may inilaan para rito sa ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya
ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsyon na gamitin ang Filipino
sa tatlumpu’t anim nay unit ng General Education.
Kung susuriing mabuti ang mga naging pahayag ni Licuanan, makikita na para bang kanyang
inihahalintulad ang mga tagapagtanggol ng wika sa isang batang inagawan lamang ng laruan at kayang
patahanin kung bibigyan ng bago at higit na kaakit-akit na laruan. Nakalulungkot sapagkat naging
mababaw ang kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol ng wika sa kahalagahan ng
Filipino sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang programang K-12 lalong higit ang mga probisyong may
kaugnayan sa ating kultura at wika ay hindi dapat maging isang laro o eksperimento lamang. Kailangan ng
masidhing pag-aaral bago ipatupad dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng indibidwal na ang nais
lamang naman ay mag-aral upang magkaroon ng sapat na kasanayan para sa higit na magandang estado
ng pamumuhay. Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong institusyon sa kolehiyo ay may
opsyon na gamitin ang Filipino sa tatlumpu’t anim na Pangkalahatang Edukasyon (General Education) ay
hindi rin katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsyon ay nangangahulugan ng isang di paborableng
desisyon mula sa mga pribado at pampublikong akademikong institusyon na ang karamihan ay
nagsusulong ng Ingles bilang wikang panturo.
Naniniwala si Ramon Guillermo ng Philippine Studies sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan
sa Pilipinas na ang pagtanggal ng CHED sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay batay sa CMO 20. Serye
2013 ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Wala na ring
magpapatuloy ng mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung mananaig ang memorandum na ito ng
CHED. Kanyang tahasan sinabi na ang memorandum na ito ng CHED ay nangangahulugan na
panganganib sa wikang Filipino at pagpatay sa intelektwalisasyon nito. Ang mga epektong ito ay bukod pa
sa pagsasara ng maraming departamento sa pribadong kolehiyo na maaaring magbunga ng
kontraktwalisasyon at kagyat na kawalan ng trabaho para sa karamihan.

ARGUMENTO NG TANGGOL WIKA AT IBA PA LABAN SA CMO 20, SERYE 2013

Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban sa
CMO 20, series 2013:

1. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at
pambansang pagkakakilanlan.

5
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
2. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa
panghihina at kamatayan ng mga Pilipino bilang nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal
sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa-mga bagay na nilayong iwasanng mga
nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito.
3. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang implementasyon ng
CMO No. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/ o writ of preliminary injunction,
tuluy-tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista, at
tahasang lumalabag sa Konstitusyon.
4. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa,
pagkakaisa, at demokrasya.

SAGOT NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, KORTE SUPREMA SA PETISYON LABAN SA CMO 20,


SERYE NG 2013

Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema (Supreme Court) ang Komisyon sa


Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Education-CHED) na bigyan ng ganap na
implementasyon ang kautusan nito na ibalik ang Filipino at Panitikan sa Antas Tersyarya sa pamamagitan
ng pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon (General Education Curriculum)
sa Taong Aralan 2018-2019.
Ang kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsulong ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol
mng Wikang Filipino (Alliance of Defenders of National Language) o Tanggol Wika, mga alyansa ng iba’t
ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad, samahang pang-linggwistika at pang-kultura, at ilang may
pagpapahalagang mamayan, na makakuha ng paborableng desisyon para sa Filipino at Panitikan.
Napagtagumpayan ng Tanggol Wika at iba pang samahan ang kanilang ipinaglalaban nang maglabas ng
Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pagtatanggal ng Filipino at Panitikan
bilang mandating asignatura.

FILIPINO O TAGALOG

Ang Filipino at Tagalog ay dalawang magkaibang mga wika ayon sa pananaw ng Komisyon ng
Wikang Filipino at ng maraming edukador sa Pilipinas. Ang Tagalog ay may rehiyunal na pinag-ugatan
samantalang ang Filipino ay pambansa ang saligan.
Sa kabilang dako, ang Filipino at Tagalog ay magkapareho sa aspetong panglinggwistika at
istrukturang panggramatika: magkahalintulad sa paggamit ng pantukoy sa pangngalan katulad ng ang, ng,
at sa; paggamit ng mga pang-ugnay katulad ng na, at, ay; mga panlapi katulad ng um, an, in; mga
panghalip na katulad ng isya, ako, niya, kanila, at iba pa.

WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG AUSTRONESYANO

Wikang Filipino ang kinikilalang pambansang lingua franca ng mga Pilipino sapagkat ito ang
wikang karaniwang ginagamit sa ating mga pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na pamumuhay, sa
daigdig ng edukasyon, kalakalan, at mga akdang sumasalamin sa ating kultura at pamumuhay. Sinasabi na
ang Filipino ay kabilang sa pangkat ng wikang Austronesyano o pamilyang wika na malayang nakakalat sa
mga kapuluan na nasa Pasipiko at Timog-Silangang Asya, na may ibang kasaping ginagamit sa parehong
kontinente ng Asya. Kung susuriin, makikita na ang bawat wika sa mahigit pitong libong isla sa Pilipinas ay
magkakamag-anak dahil sa pagkakalapit ng anyo at kahulugan ng mga ito katulad ng: (isa-Tagalog, usa-
Sebuwano, asa-Ivatan); (tao-Tagalog, tawo-Sebuwano; tau-Tausug); (daan-Tagalog, dalan-Sebuwano;
dayan-Aklanon).

INSKRIPSYON SA BINATBAT NA TANSO NG LAGUNA (THE LAGUNA COPPERLATE INSCRIPTION)

6
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1

Itinuturing ang inskripsyon na ito bilang pinakamatandang nakasulat na dokumento na natagpuan


sa Pilipinas. Inilimbag ang dokumento sa binatbat na tanso noong 900 AD.
Isang mangagawa na malapit sa bunganga ng ilog Lumbang sa Barangay Wawa, Munisipalidad
ng Lumban, sa Probinsya ng Laguna ang sinasabing nakatuklas ng inskripsyon noong 1989. Ang
inskripsyon ay nakasulat sa magkahalong wika ng lumang Malay na ginamitan ng lumang Kawi script (ito
ay Sistema ng pagsulat na dinivelop sa Java, gamit ang magkahalong wika ng Sanskrit, Lumang Javanese,
at lumang Malay). Nakasaad sa dokumento na pinatatawad ng pinuno ng Tundun (Tondo) ang mga utang
ni Namawaran na hindi na kailangang bayaran pa ng kanyang mga naiwang anak. Pinag-aralan ito ng
Dutch na antropolohiya na si Hanunuo at eksperto sa script na si Antoon Postma noong 1992 (Postma,
1992 at Tionson, 2010).
Ang pagtuklas sa inskripsyong na ito ay pagpapakita ng lumang kabihasnan sa kalakalan, kultura,
o posibleng ugnayang pampulitika ng dalawang pangkat na ang isa ay nanggaling sa panahon ng
sibilisasyon sa Asya-ang Kaharian ng Medam sa isla ng Java.
Isang lalaki na nagsasala ng buhangin upang gawing bato ang nakatuklas ng binatbat na tanso sa
Laguna. Dinala niya ito sa mga mamimili ng antigong gamit sa pag-aakala na ito ay mayroong halaga,
subalit walang nagpakita ng interes ditto. Hindi kalaunan ay ipinagbenta niya ito sa Pambansang Museo ng
Pilipinas, na kung saan ito ay itinakda kay Alfredo E. Evangelista, ang siyang namumuno sa Departamento
ng Antropolohiya (Morrow, 2006 at Philippine Daily Inquirer, 2008)
Makalipas ang isang taon, natuklasan ni Anton Postman ang inskripsyon ay kahalintulad sa
ancient Indonesian script na Kawi. Isinalin niya ang script at natuklasan niya na ang dokumento ay isinulat
noong panahon ng 822 ng Saka, isang lumang kalendaryo ng Hindu na tumutugma sa 900 AD. Ibig sabihin
nito na ang dokumento ay isinulat bago pa man dumating sa Pilipinas si Magellan noong 1521, halos
kapanahunan na ang Pilipinas ay nabanggit sa opisyal na awit ng Tsino na Dynasty History of Song para
sa taong 972 (Scott, n.d.)

BAYBAYIN

7
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1

Bago pa man dumating ang mga Kastila ay masasabing buo na ang kabihasnan sa Pilipinas na
mapatutunayan ng kanilang kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat. Maraming mga dokumento at
pagpapatunay na ang mga Pilipino ay gumagamit na ng higit na mahusay na paraan ng pagsulat simula pa
lamang noong 900 AD. Ang pagkakatuklas sa Laguna ng inskripsyon sa binatbat na tanso ay isa pa ring
matibay na patunay sa matandang kabihasnan bukod sa paggamit ng baybayin.
Kilala ang baybayin bilang lumang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino bago sakupin ng
mga Kastila ang bansang Pilipinas. Sinasabi na ito ay nag-ugat sa Kawi, isang paraan ng pagsulat ng mga
taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Maihahalintulad ito sa pamamaraan ng pagsulat
ng mga Hanunuo, Buhid, at Tagbanwa na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng nasabing mga
pangkat. Ang baybayin ay tumutukoy sa pagsasatitik ng isang salita na sa Ingles ay may katumbas na “to
spell”.

8
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
Nakabatay sa sistemang abugida ang pagsulat ng
baybayin na kung saan ito ay gumagamit ng mga pagtatambal ng katinig at patinig. Ang pagsulat sa
simpleng anyo ng bawat titik ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na “A”, samantalang nilalagyan
naman ng kudlit sa ibabaw (kung isasama ang patinig na “E” o “I”) at sa ibabaw naman (kung patinig na “O”
o “U”) kung ang isang katinig ay nagtatapos sa bang patinig. Ang paglalagay ng kudlit sa ibabaw o ilalim ay
angkop lamang gamitin para sa mga katinig at hindi nararapat para sa mga patinig.
Sa orihinal na anyo ng baybayin, ang isang katinig na walang kasamang patinig ay hindi maaaring
maging makabuluhan dahilan kung bakit pinasimulan ng isang paring Kastila na si Francisco Lopez ang
paggamit ng kudlit sa kanyang mga pagsasalin ng aklat sa katutubong wika. Nasa anyong “t” ang kanyang
ginamit na kudlit bna katulad ng virama sa eskriptong Devanagari ng India.

PAGKAKAIBA NG ALIBATA SA BAYBAYIN

Ang alibata at baybayin ay dalawang magkaibang konsepto ng pagsulat bagamat madalas na


pinagkakamalan hanggang sa kasalukuyan na ang dalawang konsepto ay iisa lamang ang
pinatutungkulan. Ang alibata at baybayin ay binigyan ng pagpapakahulugan o depinisyon ng diskyunaryo
ng Unibersidad ng Pilipinas.
Ang alibata ay tuwirang nanggaling sa Alifbata ng wikang Arabic na kasama sa pamilya ng abjad
samantalang ang baybayin na sariling sistema natin sa pagsulat ay pinaniniwalaang kapamilya ng Brahmic
na script na kaanak ng Devanagari.

ANG SALALAYAN NG WIKA SA PANAHON NG MGA KASTILA

Sinasabi na naging matalino ang mga Kastila sa kanilang pananakop sa Pilipinas sapagkat
kanilang naging konsentrasyon ang kaluluwa ng mga katutubong Pilipino. Napansin ng mga Kastila ang
pagkakawatak-watak ng ating ng ating mga ninuno dahil sa wika. Pinalaganap ng mga Kastila ang
Kristyanismo sa loob ng napakahabang panahon ng kanilang pananahanan sa Pilipinas na may
pagpapahalaga sa pananampalataya, ginto, at pagiging supremo.
Ang Sistema ng edukasyon ng mga mamamayan sa panahon ng mga Kastila ay inilagay sa ilaim
ng pamamahala ng simbahan. Sa ilalim ng sistemang ito ay lumabas ang mga usapin sa wikang angkop
gamitin sa mga pagtuturo sa mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari na may
kaugnayan sa pamumuhon ng ating wika:
1. Ang hari ng Espanya ay naglabas ng kautusan ng wikang katutubo ang nararapat na gamitin
subalit ang kautusang ito ay hindi sinunod ng mga prayle;
2. Si Gobernador Tello ay nagbigay ng mungkahi na turuan ang mga katutubo ng wikang
Espanyol;
3. Iba naman ang pananaw nina Carlos I at Felipe II na naniniwala na higit na maganda kung
gagamitin ang bilinggwalismo;
4. Dagdag ditto ay ang mungkahi ni Carlos I na wikang Espanyol ang gagamitin sa pagtuturo ng
Doctrina Cristiana.
5. Si Haring Felipe II ay naglabas ng kautusan hinggil sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat
ng mga katutubo noong 1634;
6. Isang dekrito ang nilagdaan ni Carlos II na inuulit ang mga probisyon na nabanggit na
kautusan subalit ito ay may pwersa sa pagtatakda ng kaparusahan sa mga lalabag o hindi
susunod ditto;
7. Si Carlos IV ay lumagda ng isang dekrito noong ika-29 ng Disyembre 1972 na nagtatadhana
sa paggamit ng wikang Espanyol sa lahat ng mga paaralang itatag sa pamayanan ng mga
katutubo;
8. Ang baybayin ng mga katutubo ay pinalitan ng alpabetong romano na may kabuuang
dalawampung titik, lima rito ang patinig (a,e,i,o,u) at labinlima ang katinig (b,k,d, g, h, l, m, n,
nga, p, r, s, t, w, y).

ANG VOCABULARIO DELA LENGUA TAGALA

9
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
Ito ang kauna-unahang diskyunaryo ng wikang
Tagalog sa Pilipinas na isinulat ng isang prayleng Pransiskano na si Pedro de Buenaventura.
Ipinagpapalagay na kanyang ginamit ang bokabulkaryong Tagalog na iniwan ng prayleng si Juan de
Plasencia.

SUCESSOS DELAS ISLAS PILIPINAS

Ang Sucessos delas Islas Pilipinas ni Antonio de Morga, ay ang unang aklat tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas. Mahalaga ang aklat na ito sapagkat inilalarawan nito ang mahahalagang
pangyayari sa bansa sakop ang aspetong pulitikal, sosyal, at ekonomikal ng mananakop ng bansang
sinasakop, praktikal na pang-araw-araw na Gawain sa isla, mga polisiya ng pamahalaan, ang mga
kalakasan at kahinaan nito.

KALAKALANG GALYON BILANG UNANG ANYO NG GLOBALISASYON

Ang kalakalan ay may malaking papel sa pag-unlad ng wika. Kaugnay nito ay ang Kalakalang
Galyon sa panahon ng Kastila. Ito ay isang uri ng kalakalan sa pagitan ng Mehiko at Pilipinas na tumagal
ng dalawa at kalahating daantaon. Ang kalakalang ito ay sinimulan noong 1565 nang matuklasan ng
prayleng Agustino na si Andres de Urdaneta ang daang pabalik mula Pilipinas patungong Mehiko o
tornaviajie. Ang Kalakalang Galyon sa Maynila ang siyang nagbukas sa pagbabago at pagbabahagi ng
kultura na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.
Bumagsak ang Kalakalang Galyon noong huling bahagi ng ikalabinwalong siglo kasabay ng
pagbagsak ng Espanya bunga ng kaguluhan at banta na nararanasan sa pag-unlad ng teknolohiya sa iba
pang mga bansa sa Europa.

PAGBUBUKAS NG KAPULUAN SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN (1834)

Ang pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan ay indikasyon ng pag-unlad ng


ekonomiya nito. Binuksan ng mga Ingles ang Kapuluan noong 1834 sa Pandaigdigang Kalakalan na kung
saan ay ipinakilala sa pandaigdigang pamilihan ang mga produktong local na katulad ng asukal, indigo,
baka, sinamay at iba pang produkto. Dumagsa sa Pilipinas ang mga Kanluraning mangangalakal tulad ng
Ingles at Amerikano at dala ang kaisipang liberal buhat sa Europa. Maraming Europeo ang naakit sa
komersyo at negosyo na nooy nagdulot ng modernong pamumuhay sa kolonya. Indikasyon ito ng ugnayan
ng Pilipinas sa global na merkado at kultura.

GLOBALISASYON AT INTERNASYUNALISASYON NG WIKANG FILIPINO

Ang globalisasyon at internasyunalisasyon ay dalawang magkaibang konsepto subalit parehong


inuugnay bilang hamon sa wikang Filipino. Tumutukoy ang globalisasyon sa mga kaparaanan kung paano
nagiging global o pandaigdigan ang mga local o mga pambansang gawi o pamamaraan. Inuugnay dito ang
ekonomiya, kalakalan, teknolohiya, politika, kalinangan o kultura.
Ang hamon sa Filipino bilang global na wika ay ang tinatawag na cultural homogenization.
Binabawasan ng cultural homogenization ang dibersidad ng kultura sa pamamagitan ng popularisasyon at
pagsabog ng malawak na hibla ng simbolong pangkultura hindi lamang ang pisikal na bagay kundi maging
ang kinagawian, ideya, at kaugalian. Binigyan ng depinisyon ni O’Conner (Jennings, retrieved 2013) ang
cultural homogenization bilang proseso kung saan ang isang local na kultura ay kinakain ng dominanteng
panlabas na kultura. Maaari itong magbunga sa pagguho ng namamagitang kultura (cultural barrier) at
pagsilang ng pandaidigang asimilasyon sa iisang kultura. Ang terminong ito ay maaaring tingnan sa
konteksto ng kanluraning kultura (Western culture) na nanakop at nanira ng ibang kultura (Berger, retrieved
2013).
Naniniwala si Ricardo Ma. Nolasco ng UP na kailangan natin ng kilusang pangmasa tulad noong
1970 na nagsusulong sa wika. Ayon sa kanya. Ito ay hindi lamang suliraning pangwika kundi suliranin din
kung paano tayo nag-iisip. Si Ramon Guillermo naman ay naniniwala na ang pagsasakalakal ng edukasyon

10
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
ay naglalayon sa Unibersidad sa dapat nitong tungkulin sa
kabataan dahil sa pagkakamali na itaas ang competitiveness sa pandaigdigang pangangalakal.
Si Lumbera (2003) ay nagbigay ng kanyang kongklusyon kung ano ang globalisasyon. Ayon sa
kanya, ito raw ay tumutukoy sa pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap ng
kanilang kalabisang produkto. Sa pagtalakay ni Lumbera, kanyang sinabi na ang sistema ng edukasyon ay
hinuhubog upang tugunan ang pangangailangan ng mga multinasyonal.
Sa kabilang dako, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay isang usaping matagal na at
patuloy na hinaharap ng mga tagapagsulong ng wikang Filipino bilang isang intelektwalisadong wika.
Pamantayan ng intelektwalisasyon ang paggamit ng wika sa larangan ng akademya lalong higit sa antas
ng paaralang gradwado. Ang intelektwalisasyon ng wika ay tumutukoy din sa estado o ang pagkilala sa
akademikong institusyon batay sa mga banyaga o internasyunal na mga mag-aaral kaalinsabay ng mga
programang pang-internasyunal at mga dayuhang nagtuturo sa ating bansa (foreign visiting professors).
Dagdag pa ditto ang intelektwalisasyon ng wika ay makikita sa kilos o galaw ng mga mag-aaral at
dalubguro, pandaigdigang kolaborasyon sa pananaliksik, pang-akademikong istandard at pagtiyak sa
kalidad (academic standards and quality assurance).
Sa diskurso ni Constantino (2015), kanyang tinukoy na ang pagtanggap at pagkaalipin sa wikang
banyaga ay siyang patuloy na nagpaparupok at nagpapahina sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Ayon sa kanya, lagi nating isinasaalang-alang sa ating mga pagpapasya sa mga dayuhang institusyong
namamayani sa pambansang kabuhayan ng mga Pilipino. Lumalabas na ang pagbibigay ng prayoridad sa
Ingles bilang wika ng edukasyon ay isinasaalang-alang upang maging matagumpay sa daigdig ng
produksyon at kalakalan. Ayon pa rink ay Constantino, ito ay hindi sinang-ayunan ng karanasan ng mga
Hapon at ng ibang mga kapitbansa na katulad ng Taiwan at South Korea na nagging maunlad gamit ang
sarili nilang wika.
Kung lilingunin natin ang nakaraan, masasabi na hindi naging ganap na matagumpay ang Ingles
bilang pamamaraan upang mapaglabanan ang kahirapan ng ating bansa maliban sa ilang nabigyan ng
pagkakataon na manilbihan sa mga dayuhang korporasyon at ang makapaghanap-buhay sa ibang bansa.
Iginapos sa dayuhang wika ang ating karunungan sana ay magiging sandata natin sa ating pag-unlad.

PAGSASANAY

A. UNANG BAHAGI

Panuto: Isulat sa patlang na nasa unahan ang titik na katumbas ng tamang sagot sa tanong na nasa
bawat bilang.

__________1. Tumutukoy ito sa katutubong dayalekto na ginagamit sa Metro Manila.

A. Filipino
B. Pilipino
C. Tagalog
D. Cebuano

__________2. Ang Filipino ay itinuturing na plucentric na wika sapagkat higit itong pinagyayaman at
pinauunlad ng iba pang umiiral na mga wika sa Pilipinas. Ano ang ibig sabihin ng plucentric?

A. Mag-asawa
B. Magkaibigan
C. Magkakamag-anak
D. Magkakapatid

__________3. Ang unang diksyunaryong Tagalog na inilathala sa Pilipinas.

11
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
A. Doctrina Cristiana
B. Webster
C. Vocabulario de la Lengua Tagala
D. Diksyunaryong Tagalog

__________4. Pamantayan nito ang paggamit ng wika sa larangan ng akademya lalong higit sa antas
ng paaralang gradwado.

A. Intelektwalisasyon
B. Globalisasyon
C. Internasyunalisasyon
D. Istandardisasyon

__________5. Iniuugnay ang konseptong ito ng kalagayan ng wika sa ekonomiya, teknolohiya,


politika, at iba pa.

A. Globalisasyon
B. Intelektwalisasyon
C. Istandardisasyon
D. Nasyunalisasyon

_________6. Ito ang kalakalan sa Maynila na nagbukas sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na


sumasalamin sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.

A. Galon
B. Galyon
C. Espanya
D. Paris

_________7. Sinasabi na nagging matalino ang mga Kastila sa kanilang pananakop sa Pilipinas
sapagkat kanilang nagging konsentrasyon ang _______________ ng mga katutubong Pilipino.
A. Utak
B. Talino
C. Kaluluwa
D. Ekonomiya

_________8. Ito ang unang aklat sa kasaysayan ng Pilipinas

A. Vocabulario de la Lengua Tagala


B. Doctrina Cristiana
C. Sucessos delas Islas Pilipinas
D. Ang Nakaraan

_________9. Ang unang alpabeto na ginamit ng mga Pilipino

A. Alibata
B. Baybayin
C. Roman
D. English

_________10. Itinuturing ang inskripsyon na ito bilang pinakamatandang nakasulat na dokumento na


natagpuan sa Pilipinas. Inilimbag ang dokumento sa binatbat na tanso noong 900 AD.

A. Binatbat nag ginto ng Laguna

12
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
B. Binatbat na tanso ng Laguna
C. Alibata
D. Baybayin

B. IKALAWANG BAHAGI

Panuto: Baybayin ang mga sumusunod gamit ang mga titik na baybayin. Maaaring balikan ang
talakayan sa bahagi ng modyul na ito.

A. SALITA

1. Kaibigan _______________________
2. Maayos _______________________
3. Makisama _______________________
4. Baka _______________________
5. Ahas _______________________
6. Kahapon _______________________
7. Alaga _______________________
8. Namamaga _______________________
9. Tama _______________________
10. Kalaban _______________________

B. PANGUNGUSAP

1. Mahirap titigan ang mga mapupungay mong mga mata.


______________________________________________
______________________________________________

2. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig na nararamdaman ko para sa iyo.


_______________________________________________
_______________________________________________

3. Ang aking ngayon ay magiging bahagi ng kinabukasan.


________________________________________________
________________________________________________

4. Kabataan ng aba ang pag-asa ng ating bayan?


________________________________________________
________________________________________________

5. Mapalad ako at ikaw ay aking nagging kaibigan.


_________________________________________________
_________________________________________________

C. IKATLONG BAHAGI

Panuto: Ipaliwanag nang buong husay ang hinihingi ng bawat bilang:

1. Sinabi ng nakatatanda mong kapatid na nanggaling sa isang elitistang paaralan na hindi nya
kailanman kikilalanin ang Filipino bilang isang wikang intelektwal at wikang global. Ano ang
masasabi mo sa pahayag na ito ng nakatatanda mong kapatid? Kalian makikilala ang isang

13
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
wika bilang wikang intelektwal at wikang global?
Bigyan ito ng ibayong paliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________

2. Ipinaliwanag sa pagtalakay ng modyul na ito na bago pa man dumating ang mga Kastila sa
Pilipinas ay may kinikilala na itong sariling paraan ng pagsulat na tinatawag na Alibata.
Sinusugan ito ng pagtuklas sa Laguna copper plate. Ano ang implikasyon sa wika at kultura sa
pagkakatuklas ng Laguna copper plate? Talakayin.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________

3. Bigyan ng paliwanag ang dalawa sa mahahalagang argumento na ibinigay ng petisyuner laban


sa CMO 20, serye ng 2013.
a. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyuner na ipahinto ang implementasyon ng
CMO No. 20 sa pamamagitan ng temporary retraining order at/ writ of preliminary injunction,
tuluy-tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyunalista, at
tahasang lumalabag sa Konstitusyon.
b. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa,
pagkakaisa at demokrasya.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

14
FIL 112 - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS). MODULE 1. FIRST SEMESTER AY 2020-2021
FILDIS 112. 1ST SEM. AY 2020-2021. MODULE 1
______________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________

Sanggunian:

Maranan, Mario H. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS): Alinsunod sa CMO 57, Serye ng
2017 at Silabus na Inihanda ng Tanggol Wika. 2018. Quezon City.

Modern Baybayin Blogspot.com. September 13, 2016

Inihanda ni:

EDITHA A. QUITAIN
Head Teacher ll

15

You might also like